Monday, December 31, 2018

Six-year-old na lalaki nasugatan matapos maputukan ng five star sa bayan ng Kalibo


ISA NA ang naitalang naputukan ng firecracker sa bayan ng Kalibo kaugnay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ito ang sinabi ni SPO2 Julius Barrientos, chief for operation ng Kalibo Police Station, sa panayam ng Energy FM Kalibo gabi ng Lunes.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-4:30 hapon ng Linggo sa bahay ng menor de edad sa Brgy. Mobo.

Ayon sa pulis nagtamo ng sugat sa mata ang bata makaraang maputukan ng five star, isa sa mga ipinagbabawal ng mga otoridad.

Agad dinala sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang bata pero diniklara ring outpatient makaraang magamot.

Inaalam pa ng kapulisan kung saan nabili ang ipinagbabawal na paputok.

Nanawagan naman ang kapulisan na iwasan ang paggamit ng paputok sa halip ay gumamit ng alterbong bagay para makalikha ng ingay sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ipinagbabawal rin ang pagpapatupok sa mga kalsada.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Sunday, December 30, 2018

Tindero ng manok arestado sa Kalibo sa pagtutulak umano ng droga


INARESTO NG kapulisan ang isang tindero ng manok gabi ng Sabado sa Brgy. Pook, Kalibo matapos mabilhan umano ng droga.

Kinilala ang suspek na si Jerry Sim y Rubico alyas "Jerry", 52-anyos, may asawa, at isang drug surrenderee.

 Nasabat sa kanya sa ikinasang buy bust operation ang tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu at Php3,000 buy bust money.

Pansamantalang ikinulong sa Kalibo PNP Station ang suspek.

Isasailalim rin siya sa mandatory drug testing at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ikinasa ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency, Provincial Intelligence Branch, Kalibo PNP, at Provincial Highway Patrol Group.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Establishment sa Kalibo airport ninakawan ng nasa Php50k; suspek arestado


ARESTADO ANG isang maintenance crew makaraang pagnanakawan ng Php48,000 ang pinagtratrabahuhang establishment sa Kalibo International Airport.

Kinilala sa ulat ng Kalibo police station ang suspek na si John Paul Villanueva, 25-anyos, residente ng Brgy. Pook, Kalibo.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, makalawang beses nakuhanan ng CCTV footage ang suspek na intensiyonal na pinatay ang main switch ng establishment parehong madaling araw.

Nabatid na sa unang insidente ay ninakaw ng suspek ang Php3,000 habang sa pangalawang insidente ay nakakulimbat ito ng Php45,000.

Inamin naman ng suspek ang kanyang nagawa. Aniya natukso lamang siya. Isinauli niya ang Php20,000, speakers na kanyang binili habang ang iba ay ipinambayad niya sa motorsiklo.

Pansamantalang ikinulong ang suspek sa Kalibo PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong theft.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Saturday, December 29, 2018

Babae natagpuang patay, hubo't hubad; pinaniniwalaang ginahasa pa

PATULOY NGAYON ang imbestigasyon ng kapulisan ng Malinao sa karumaldumal na pagpatay kay Eva Adan Collantes ng Brgy. Dangcalan sa nabanggit na bayan.

Natagpuan nalang ang katawan ng 41-anyos na babae umaga ng Sabado na hubo't hubad at wala nang buhay sa masukal na bahagi ng Sitio Capisi ng nasabing barangay.

Nakitaan ito ng malubhang sugat sa noo na pinaniniwalaang hambalos ng tubo. Paniwala ng kapulisan ginahasa rin ng di pa nakikilalang suspek ang babae.

Umaga ng Biyernes nang madaanan ng isang saksi ang biktima na nakasubsob sa kalsada ng barangay kasama ang isang lalaki na may hawak umanong tubo.

Sa takot umano niya na pagdiskitahan rin ng lalaki iniwasan niya ito habang sakay sa motorsiklo at dumiretso sa himpilan ng pulisya para magsumbong.

Sa pagresponde ng kapulisan sa lugar ay wala na silang naabutan.

Kinagabihan ay nagsumbong naman sa kapulisan ang live-in partner ng biktima nag-alala na hindi pa ito nakakauwi ng kanilang bahay.

Hinanap nila ito sa parehong lugar pero hindi rin natagpuan ng gabing iyon. Sa patuloy na paghahanap kasama ang mga opisyal at tanod ng barangay ay natagpuan ang biktima kinabukasan.

Natagpuan sa lugar ang kanyang bag laman ang lahat ng gamit habang nawawala naman ang kanyang cellphone.

Nakatakdang i-utopsiya ang bangkay ng biktima habang tinitingnan ngayon ng kapulisan ang motibong third-party relationship.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Thursday, December 27, 2018

Motorista nadisgrasya sa Numancia dahil sa kalasingan, patay

PATAY ANG isang lalaki makaraang madisgrasya sa sinasakyang niyang motorsiklo sa bayan ng Numancia.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng national highway sa tulay ng Marianos at Laguinbanwa West, Numancia madaling araw ng Miyerkules.

Kinilala ang lalaki na si Rey Jay Legaspi, 25-anyos, residente ng Brgy. Poblacion, Makato.

Ayon sa kapulisan, naabutan nalang nila ang biktima na nakahiga sa kalsada at wala umanong malay. Agad itong isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital para gamutin.

Sa pagsisiyasat mula Kalibo na direksyon at papauwi na ang lalaki nang mawalan ito ng kontrol sa sasakyan dahilan ng kanyang pagkatilapon sa kalsada.

Pagsapit ng hapon ay binawian ito ng kanyang buhay makaraang magtamo ng malubhang sugat sa ulo at iba pang. bahagi ng katawan.

Sinabi ni SPO1 Eric Lachica, chief investigator ng Numancia PNP, lasing umano ang lalaki nang siya ay maaksidente.

Maituturing umano na self-accident ang nangyari.##

Statement of PDG Oscar Albayalde on the alleged mauling incident in Iloilo involving the Garins

The following is a statement of Police Director General Oscar Albayalde, Chief of Philippine National Police on December 27, 2018 on the alleged mauling incident in Iloilo involving the Garins.

Effective today, I have ordered the cancellation of all Permits to Carry Firearms outside of Residence (PTCFOR) and License to Own and Possess Firearms (LTOPF) issued by the PNP in favor of Iloilo 1st District Rep. Richard Garin and incumbent Mayor Oscar Garin of Guimbal, Iloilo as an administrative action to their involvement in a criminal case involving the use of firearms.

Rep. Richard Garin and Mayor Oscar Garin will be duly notified of this administrative sanction to their privilege to own and possess firearms pursuant to Republic Act 10591, and will be commanded to immediately turn-in all their registered firearms to the PNP.

The PNP is the regulatory agency for firearms ownership and possession as provided under RA 10591 or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Under Section 39 of the Implementing Rules and Regulations of RA 10591 the Chief, PNP or his  authorized representative may revoke, cancel or suspend a firearms license or permit on the grounds of commission of a crime or offense involving firearms.

Our firearms information database indicate that Rep. Richard Garin is the registered owner of eleven (11) firearms, three(3) of which have expired licenses, while Mayor Oscar Garin is the registered owner of eight (8) firearms, five(5) of which also have expired licenses. All these firearms are now subject to confiscation upon revocation of their License to Own and Possess Firearms, effectively making them ineligible to own and possess guns.

Rep. Richard Garin and his father Mayor Oscar Garin are respondents in a criminal complaint to be filed by PO3 Federico Macaya Jr. of Guimbal Police Station for Physical Injuries, Assault Upon a Person in Authority, Alarm and Scandal, Grave Coercion and Grave Threats.

The complaints stemmed from injuries sustained by PO3 Macaya when he was handcuffed, manhandled, slapped and spat upon on his face and threatened at gunpoint by Rep. Richard Garin and Mayor Oscar Garin on December 26, 2018 outside the Municipal Hall of Guimbal, Iloilo.

In connection with this case, in my capacity as ex-officio member of the National Police Commission, I am endorsing to the Napolcom en banc, the recommendation of PRO6 Regional Director, Chief Superintendent John C Bulalacao for the withdrawal of the Napolcom deputation of Mayor Oscar Garin to exercise supervision and control over the local police of Guimbal, Iloilo.

I have been informed by the Regional Director of his earlier action to relieve the Chief of Police of Guimbal Municipal Police Station, Police Senior Inspector Antonio Monreal Jr., for his failure to take immediate action to the incident that happened in his presence. I have also ordered his investigation, including other police officers present during that incident, for failure to exercise their sworn duty in the face of an obvious and gross violation of the laws.

I cannot in conscience let this abuse and oppression pass without justice. I am directing the PNP Legal Service to provide legal assistance to PO3 Macaya in his complaint and possible counter charges by the respondents.##

Wednesday, December 26, 2018

Statement of PCSupt Bulalacao on the alleged mauling incident in Iloilo involving the Garins


The following is a press statement of PCSupt. John Bulalacao, regional director of Police Regional Office 6 regarding the alleged mauling incident in Guimbal, Iloilo involving Congressman Richard Garin and Mayor Oscar Garin.

The incident that happened this morning is an affront to my leadership. I was deeply saddened of the report that at around 3:30 a.m. (December 26, 2018) at Guimbal Public Plaza, Congressman Richard Garin and Mayor Oscar Garin ordered the Chief of Police, Police Senior Inspector Antonio Monreal, to call PO3 Federico Macaya. When he (PO3 Macaya) arrived, Congressman Garin ordered Senior Inspector Monreal to disarm PO3 Macaya. Congressman Garin then took Macaya’s handcuffs and handcuffed him. After which, Congressman Garin kicked PO3 Macaya for several times, slapped him twice and even spit twice on Macaya’s face. Not satisfied he even fired his firearm and all these happened while Mayor Garin was watching and pointing his gun to Macaya.

According to our inquiry, this stemmed from the Mauling incident which took place on December 22, 2018 wherein a son of a Sangguniang Bayan Member of Guimbal hit the cictim with a beer bottle in Guimbal Public Plaza. The victim, a son of an OFW, refused to file a case against the suspect to keep it from his parents who are working abroad. The victim also filed an Affidavit of Non-interest stating that for the meantime, he is not willing to file any case against the suspect. This made the Garins furious which led to the mauling of PO3 Macaya who was the investigator of the minor’s case.

I have talked to Congressman Garin over the phone regarding the matter and he already apologized for what he had done against my personnel. I accepted his apology but I could not bear how he degraded and humiliated our uniform and our profession as police officers. I could not imagine how a lowly PNP personnel in uniform was mauled helplessly.

Initially, I have relieved Police Senior Inspector Antonio Monreal, the Chief of Police of Guimbal Municipal Police Station,  for his non-action and his failure to arrest the Garins. We also cancelled the detail of two (2) PNP security personnel of Congressman Garin.

Meanwhile we will also request from the DILG for the cancellation of the deputation of Mayor Garin so he will no longer have power or authority over the policemen of Guimbal Municipal Police Station.

PO3 Macaya already had the incident recorded and he underwent physical and medical examination in preparation for the filing of Cases of Physical Injuries, Assault to Persons in Authority, Alarm and Scandal and Grave Coercion against Congressman Garin while a case of Grave Threats will be filed against Mayor Garin.

I have nothing personal against the Garins but I have grounds and responsibility to support my personnel and to protect and uplift the image of the police organization.##

Binaril? Gate ng bahay ni Atty. Olen Gonzales nakitaan ng tama ng bala ng baril

photo Kas Joel Nadura / Energy FM Kalibo

NAKITAAN NG tama ng bala ng baril ang metal gate ng bahay ni dating Aklan board member Atty. Olen Gonzales araw ng Martes, Pasko.

Bago ito sinabi ng kanyang tauhan na si Rolando Santiago na nakarinig ito ng ilang putok ng baril bisperas ng Pasko, gabi ng Lunes.

Sa paunang ulat ng SOCO napatunayan na tama ng bala ng baril ang butas na nakita sa kanilang gate gayunman walang narekober na bala sa lugar.

Paniwala ni Atty. Gonzalez may kinalaman ito sa pagiging kritiko niya ng ilang mga isyu kagaya ng Php1 billion loan facility ng gobyerno probinsiyal.

May tinutumbok na na tao si Gonzales na posibleng gumawa nito sa kanya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.##

Tuesday, December 25, 2018

Lalaki natagpuang patay sa kalsada sa bayan ng Makato sa araw ng Pasko

hindi aktwal na larawan

ISANG LALAKI ang natagpuang patay sa gilid ng barangay road sa Brgy. Tina, Makato madaling araw ng Martes, Pasko.

Kinilala ang lalaki sa ulat ng kapulisan na si Dinnes Tumanday alyas "Small", 44-anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Unang natagpuan ng pinsan na si Jay Corpiz ang walang buhay na na lalaki sa kalsada.

Sa pagsisiyasat sa katawan ng lalaki, nakuha sa kaniyang bulsa ang kaniyang gamot sa sakit.

Nabatid na may sakit na asthma ang biktima.

Batay sa post mortem na isinagawa ni Dr. Levens Maravilla sa bangkay, atake sa puso ang ikinamatay ng lalaki.

Kumbinsido naman ang pamilya na walang foul play sa insidente.##

Lalaki sinaksak sa bayan ng Makato; suspek sumuko sa kapulisan

SUGAT SA tiyan ang tinamo ng isang lalaki makaraang saksakin ng kanyang kasama sa  Sitio. Awis, Brgy. Libang, Makato hapon ng Martes.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang biktima na si Marlon Legaspi habang ang suspek ay si Roger Tambong y Ituriaga, 32 anyos, pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Sa paunang ulat ng kapulisan, nasa kalsada umano ang biktima kasama ang suspek at ilan sa kanilang mga kaibigan nang magkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa kanila.

Kumuha umano ng patpat ang biktima at ipinalo sa ulo ng suspek saka ito tumakbo subalit hinabol siya nang suspek at nang maabutan ay sinaksak.

Sumuko sa kapulisan ang suspek habang agad namang isinugod sa isang pribadong ospital sa Kalibo ang biktima para sa agarang paggamot.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Christmas celebration in region 6 generally peaceful according to PNP


THE CHRISTMAS celebration that started on December 16, 2018 with the observance of the Catholic traditional 9-Day Misa de Gallo in the region was generally peaceful and orderly with no significant incident.

​​It was worthy to note that crime volume from December 16 to 25, 2018 decreased by 12.97% or 102 incidents when compared with the same period in 2017 (786 incidents in 2018 and 684 incidents in 2017).

The 8-Focus Crimes such as Murder, Homicide, Robbery, Theft, Physical Injuries, Motornapping, Carnapping and Rape for the same period in review registered a total of 106 incidents, which is 32.48% or 51 incidents lower when compared with the 157 figure of same period last year. Of these data, Iloilo Police Provincial Office shared the biggest pie with 33 incidents, followed by Negros Occidental Police Provincial Office with 21 incidents while Guimaras Police Provincial Office has the least number with only five incidents.

​​Likewise, the recorded firecracker-related incidents from December 16 to 25, 2018 decreased by 87.5% or 7 incidents. (8 in 2017 and 1 in 2018).

The peaceful celebration of the Christmas season and the noted decrease of the crime incidents can be attributed to the effective implementation of the operational concepts focused on EMPO Strategies such as (Regular Law Enforcement Activities, Police Presence, Information Operations, Focused Law Enforcement Operations, Security Measures, Target Hardening, Border Control Operations, Social Investigation, Conduct of SIMEX/CEREX/COMMEX, Red Teaming Operations, Feedback Mechanism and offensive stance).
More so, it is also attributed to the following interventions/measures undertaken:

a.​ Establishment of 188 Police Assistance Hubs in transport (air, water and land) terminals/ports, malls, markets, commercial areas, parks and community centers,   places of worships, and tourist  destinations, and the deployment of 4,686 personnel (Tab “D”);
b. Deployment of 181 (4 PCOs and 177 PNCOs) Reactionary Standby Reserved Force (RSSF) from RHQ to the Iloilo City Police Office from 5:00 PM on December 24, 2018 to 5:00 AM on December 25, 2018. The RSSF at the Provincial and City Headquarters were likewise deployed in the respective areas of concern;
c. ​Utilization and deployment of 12,101 force multipliers in the conduct of crime prevention and public safety operations;
d.​ Conduct of inspection by the undersigned and the members of the Regional Command Group on the deployment of security personnel. The DIPO-Visayas designated Security Supervisor for PRO6 PSUPT ANTNIETO Y CAƑETE also conducted inspection from December 24 to 25, 2018 and such was complemented by the inspection conducted by RD, NAPOLCOM 6 to ensure the readiness of personnel assigned in the police stations; and
e.​ Lateral coordination and collaborations with the LGUs and concerned government agencies for security operations and information campaigns.

Moreover, the orderly, peaceful and successful celebration of this year’s Christmas season is credited to the overwhelming support of the stakeholders, community and tri-media.##

- Police Regional Office 6 PIO

Lalaki sinaksak sa bisperas ng Pasko sa bayan ng Malinao

NAGTAMO NG sugat sa kili-kili si Jasper Inamac ng Brgy. Poblacion, Malinao makaraang saksakin ng di pa nakikilalang suspek gabi bisperas ng Pasko sa Brgy. Poblacion sa nabanggit na bayan.

Ayon sa paunang ulat ng kapulisan ng Malinao umiinom lamang ng softdrink ang 20-anyos na lalaki kasama ang mga kaibigan sa isang tindahan nang may nambato di umano ng ice water sa kanila.

Nagtanong umano ang biktima sa grupo ng nag-iinuman doon din sa lugar pero dito na umano nag-ugat ang komosyon at sinaksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay agad tumakas ang mga suspek pero sa follow-up investigation ng kapulisan ay nakilala nila ang dalawang person of interest.

Nakaratay naman ang biktima sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital para gamutin.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente para matukoy ang suspek at para malaman ang tunay na motibo.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Lalaki sinaksak sa bayan ng Lezo; magkakapatid na suspek arestado

ISANG LALAKI ang sinaksak sa bisperas ng Pasko sa Brgy. Silakat-Nonok, Lezo gabi bisperas ng Pasko.

Kinilala sa ulat ng Lezo PNP ang biktima na si Michael Castillo y Francisco, 27-anyos, residente ng naturang lugar.

Arestado naman ang magkakapatid na sina Jovani, 26, at Jofellin Tagorda y Castillo, 18, pawang residente  ng parehong barangay. Nabatid na pinsan ang mga ito ng biktima.

Ayon kay PO3 Ruel Relator, imbestigador, papauwi na umano ang biktima sa kanilang bahay nang makasalubong niya ang dalawa sa waiting shed.

Kinumpronta umano ni Jovani ang biktima kung bakit palagi siyang sinasabihan nito na walang pinag-aralan hanggang sa nagtalo ang dalawa. Nagsuntukan rin umano ang biktima at si Jofellin.

Bumunot ng kutsilyo si Jovani at sinaksak ang biktima.

Sa pagresponde ng kapulisan ay naaresto ang magkakapatid at nasabat sa kanila ang kutsilyo na ginamit sa pananaksak.

Ang tinuturong motibo ay dating alitan ng magkabilang panig.

Naratay sa ospital ang biktima para gamutin habang nakakulong naman ang mga suspek sa Lezo police station.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Dahil sa pagkaing-baboy, lalaki tinaga ng ama sa bayan ng Madalag


NARATAY SA ospital ang isang lalaki makaraaang tagain ng ama sa Brgy. Paningayan, Madalag sa bisperas ng Pasko.

Kinilala ang biktima na si Wilmer Cuasto, 38-anyos, residente ng nabanggit na lugar. Nagtamo ito ng sugat sa mukha at sa balikat.

Batay sa ulat ng Madalag PNP, umuwi umanong lasing ang biktima sa kanilang bahay. Nabatid na nakainom rin ang ama na si Wilmerto Cuasto, 68.

Nagtalo umano silang mag-ama makaraang tanungin ng anak ang ama kung bakit hindi nagluto ng pagkain ng baboy.

Sa galit ng ama ay kumuha ito ng itak at tinaga ang anak.

Agad isinugod ang biktima sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital habang nakatakas naman ang ama matapos ang insidente.##

Lalaki patay matapos saksakin sa Boracay sa bisperas ng Pasko


PATAY ANG isang lalaki makaraang saksakin sa Sitio Bantud, Brgy. Manocmanoc, Boracay sa bisperas ng Pasko.

Kinilala sa report ng Malay PNP ang biktima na si Gabriel Anisito, 24, residente ng nasabing lugar.

Habang inaalam pa ng kapulisan ang pagkakakilalan ng suspek.

Batay sa imbestigasyon, nagtungo umano sa isang resto-bar ang biktima kasama ang ilang mga kaibigan para mag-inuman.

Habang nasa kasagsagan ng inuman lumabas umano ang biktima batay sa pahayag ng isa sa mga kaibigan nito na si Jayven Dela Vega.

Laking gulat anila nang pagbalik ng biktima ay duguan na ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan dahil sa saksak.

Agad itong dinala sa ospital sa Boracay pero kalaunan isinugod rin sa provincial hospital sa Kalibo at doon na binawian ng buhay habang ginagamot sa emergency room.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Monday, December 24, 2018

Fireworks sa Boracay sa Pasko at Bagong Taon striktong ipinagbabawal ayon sa DOT

newyearseveblog.com photo

Nagpaalala ang Department of Tourism (DOT) Region 6 sa mga accredited establishment sa Isla ng Boracay na mahigpit na ipinagbabawal ang fireworks lalo na ngayong panahon ng Pasko at Bagong Taon.

Ito ang unang isinaad ng DOT 6 batay sa inilabas na advisory araw ng Huwebes, bisperas ng Pasko.

Isa ang fireworks display sa inaabangang atraksiyon sa Isla tuwing panahon ng Pasko at Bagong Taon kaya marami ang nanghihinayang sa pagbabagong ito.

May ilan naman na tanggap na ang patakarang ito ng Boracay Inter-Agency Task Force para mapangalagaan ang Isla.

Nagiging sanhi kasi umano ito ng pagkabulabog ng mga flying foxes o mga uri ng paniki na naninirahan sa Boracay.

Maliban rito pinaalala rin ng DOT 6 na ipinagabawal rin ang mahigpit ring ipinagbabawal ang paninigarilyo o pag-inom sa mga pampublikong lugar.

Bawal rin ang pagkakalat, iligal na droga, sobrang lakas na mga tugtog, mga iligal na istraktura sa loon ng 25+5 easement, commercial sandcastle, pet sa beach area, at  fire dancing.

Umaasa ang kagawaran sa kooperasyon na bawat establisyementon sa Boracay. Sa pinakahuling ulat ng DOT mayroon nang 279 accredited establishment sa Isla.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Nakakaantig na kuwento ng viral tricycle driver na nag-ala-Santa Claus, alamin

Energy FM Kalibo photo

BINISITA NG Energy FM Kalibo sa Bliss Site, Kalibo ang nagviral na tricycle driver na nag-ala Santa Claus at nag-aalok ng libreng sakay para makilala at alamin ang kanyang kuwento.

Masaya niya kaming sinalubong at pinaunlakan ang aming panayam. Nakilala namin siya na si Andrie Diestro, residente ng nasabing lugar at tatay ng tatlo.

Napag-alaman namin na dati pala siyang seaman pero naaksidente sa pinagtratrabahuhan niyang barko kung saan nabaliaan siya ng kanang kamay.

Matapos ang 31 taon bilang seaman hindi na siya muli pang nakabalik sa trabaho dahil sa kanyang kapansanan bagay na ikinatuwa niya para makasama niya ang kaniyang pamilya.

Ito na umano ang pangalawang Pasko na makakasama niya ang kaniyang pamilya matapos hindi na nakabalik bilang seaman. Katunayan tuwing Pasko aniya ay mayroon silang Christmas Paty na magpapamilya kung saan siya nagsa-Santa costume.

Napanaginipan umano niya si Sant Claus madaling araw ng Christmas eve. Ito ang nag-inspire sa kanya na magsuot ng costume na Santa kahit hindi pa umano Christmas Party. Naisip umano niyang magbigay saya sa ibang tao kaya siya namasada na nakacostume at nag-alok ng libreng sakay.

Nagsimula siyang mamasada alas-4:00 palang ng madaling araw hanggang alas-12:00 na ng tanghali. Natutuwa siya na marami siyang napasaya at na-inspire. Katunayan hindi nga umano niya iniisip na ipopost siya sa social media at magviral ito.

First time umano niya itong ginawa. Nagulat nga ang ilang miyembro ng pamilya sa kanyang ginawa pero natutuwa umano sila at ipinagmamalaki siya. Katunayan likas daw talaga kay Kasimanwang Andrie ang mapagbigay. Aniya pa nga "Christmas is giving".

Mensahe niya ngayong pasko na gabayan tayo ng Diyos at magkaroon tayo ng masaganang Bagong Taon. Ipagkatiwala umano natin ang ating buhay sa Diyos.

Mabuhay ka Kasimanwang Andrie.##

Panibagong petisyon isinampa sa korte para ipawalang-bisa ang takdang pag-utang ng probinsiya sa DBP

ISANG PANIBAGONG petisyon ang isinampa sa Aklan Regional Trial Court para ipawalang bisa ang pag-utang ng gobyerno probinsiyal sa Development Bank of the Philippines.


Ang petisyon na may civil case no. 10999 ay isinampa nina Ramon Legaspi Jr. at Ramy Panagsagan araw ng Biyernes, Disyembre 21.

Inirereklamo nila ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan maliban lamang kina Board Member Atty. Noly Sodusta at Atty. Harry Sucgang na kontra sa nasabing loan.

Inirereklamo rin ang regular presiding officer ng Sanggunian na si Vice Gov. Reynaldo Quimpo at si Gov. Florencio Miraflores. Damay rin si Gina Ta-ay, manager ng Development Bank of the Philippines.

Nais ipawalang bisa ng mga petisyoner ang Sangguniang Panlalawigan resolution no. 2018-962 na nagbibigay otoridad kay Gov. Miraflores na pumasok sa kasunduan sa DBP para sa kabuuang loan facility na Php1,053,000,000.00.

Nakasaad sa petisyon na iligal at hindi dumaan sa tamang proseso ang pag-apruba ng naturang loan facility. Tinawag rin nila na “master magicians” sina Board Member Jose Miguel Miraflores, Soviet Dela Cruz at Andoy Gelito.

Anila minagik umano ng mga nabanggit na opisyal ang nasabing halaga sa kanilang committee hearing mula sa orihinal na kahilingan ng gobernador na Php153,000,000 lamang.

Tutol sila sa nasabing loan facility dahil maaari umano itong gamitin sa kurapsyon sa panahon ng eleksyon. Ito ay magiging dagdag pahirap umano sa mga Aklanon.

Matatandaan na una nang nagsampa ng petisyon si dating Board Member Rodson Mayor sa parehong bagay. Nakasalang na sa branch 4 ng Aklan RTC para sa pagdinig ang kanyang petisyon na may civil case no. 10992.

Mababatid na inamyendahan ng Sanggunian ang nasabing resolution at ang loan facility sa DBP na pinagtibay o niritepika nila ay Php1,000,000,000 lamang.##

Bahay ng sundalo sa Banga nilooban; baril, mga alahas natangay

NILOOBAN NG di pa nakikilalang mga suspek ang bahay ng isang sundalo sa may Camp Jizmundo sa Brgy. Libas, Banga gabi ng Linggo.

Kinilala sa report ng kapulisan ang biktima na si Major Boy Packam y Sirani, 52-anyos, miyembro ng Armed Forces of the Philippines, residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa paunang ulat ng kapulisan, pwersahan umanong pinasok ang kanilang bahay.

Natangay ng suspek ang kanyang isang caliber 45, laptop na nagkakahalaga ng Php17,000 at sari-saring alahas na nagkakahalag lahat ng Php50,000.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Banga PNP sa nasabing insidente.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Lalaki patay matapos mabundol ng sasakyan sa Ibajay

PATAY ANG isang lalaki matapos mabundol umano ng di pa nalalamang sasakyan sa Brgy. Regador, Ibajay gabi ng Sabado.
Kinilala sa report ng Ibajay PNP ang biktima na si Arvel Parohinog y Villanueva, 41-anyos, residente ng Brgy. Bugtong-bato sa nasabing bayan.

Nakipag-inuman umano ang biktima sa Brgy. Regador. Pagkatapos ay nagtungo umano sa kalsada ang biktima kasama ang isa pa para umuwi.

Bumalik ang kasama nito sa bahay na pinag-inuman nila malapit lang sa kalsada para kunin ang susi ng motor na naiwan umano.

Pagbalik ng kanyang kasama na si Johnny Dalumpines ay nakahandusay na sa kalsada ang biktima at duguan na ang kanyang ulo.

Paniwala ni Dalumpines, nabundol o nahagip ito ng di pa nalalamang sasakyan.

Agad nila itong isinugod sa District Hospital ng Ibajay at kalaunan ay inirefer sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital sa Kalibo pero binawian rin ito ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan para matukoy ang nakabundol sa biktima.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Friday, December 21, 2018

State of Calamity sa anim na bayan ng Aklan aprubado na

INAPRUBAHAN NA ng Sangguniang Panlalawigan araw ng Biyernes ang resolusyon na nagsasailalim sa State of Calamity ng anim na bayan sa Aklan.

Matatandaan na nagpasa ng resolusyon ang System Management Committee (SMC) na binubuo ng Federation of IrrigatorsAssociation. Inc. at ng mga pamahalaang lokal.

Bagaman ang nasa resolusyon nila ay isasailalim sa State of Calamity ang mga bayan ng New Washington, Banga, Kalibo, Makato at Lezo ay dinagdag ng Sanggunian ang Numancia.

Ayon kay Committee on Agriculture Chairperson Soviet Dela Cruz nasa 17 hektarya rin umano ng sakahan sa Numancia ang apektado sa pagsasara ng irigasyon.

Ang resolusyong ito ay inindorso ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.

Ayon sa SMC nakakaranas na umano ng bahagyang El NiƱo at hindi pa umano nakakatanim ng palay ang mga magsasaka dahil sa kawalan ng suplay ng tubig.

Hindi pa rin umano nila natatanggap ang mga binhi na ipinangakong tulong ng gobyerno na gagamitin umano pamalit sa mga binhi na nangangailangan ng patubig.

Kapag nalagdaan na ng gobernador maaari nang gamitin ng probinsiya ang 20 porsyento ng calamity fund at 30 porsyento ng quick response funds.

Gagamitin ang mga pondo para mapagaan ang epekto ng pagsara ng irigasyon lalo na sa mga magsasaka.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Revetment wall sa Kalibo pinapaganda sa pamamagitan ng mural painting

PINAPAGANDA NGAYON ng Barangay Council ng Poblacion, Kalibo sa tulong ng iba-ibang organisasyon ang revetment wall sa Laserna St. sa pamamagitan ng mural painting.

Araw ng Biyernes ay sinimulan na ng Hope Foundation Int'l ang pagpinta sa revetment wall partikular sa nabanggit na lugar partikular sa Purok 2.

Mula pa sa iba-ibang bansa ang mga nagboluntaryo para gawin ang naturang proyekto. Magtatagal umano ng dalawang araw bago nila matapos ang pagpipinta.

Makikita sa mga mural painting na ang tema ay pangangalaga sa kabataan.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo sinabi ni Poblacion Punong Barangay Niel Candelario na magbibigay ito ng inspirasyon sa mga bata sa nasabing lugar.

Nanawagan naman ang punong barangay sa mga tao sa lugar na huwag itong dumihan ang mural painting para mapanatili itong maganda.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Lalaki arestado matapos magdala ng baril sa Christmas party ng barangay sa Kalibo

INARESTO NG mga kapulisan ang lalaking ito dahil sa pagdadala ng baril sa Christmas party sa barangay hall ng Andagao, Kalibo.

Kinilala ang suspek na si Randy Reyes, 46-anyos ng nasabing barangay. Nasabat sa kanya ang isang homemade caliber 38 at tatlong live ammunition ng 9mm.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan bigla umanong pumasok sa barangay hall ang nasabing lalaki at nakipagtalo sa isang tanod.

Pinauuwi umano ng tanod na si Rodencio Mabini nang bantaan niya ito at sinabing "Hueata ninyo ako ay balikan ko kamo."

Umalis umano ang lalaki sakay ng kanyang motorsiklo at bumalik rin matapos ang ilang sandali.

Pagdating umano niya sa barangay hall ay hawak hawak na niya ang baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

Dito inaresto ng mga tanod ang nasabing lalaki at tinawagan ng pulis. Inaresto at ikinulong sa Kalibo Police Station ang lalaki.

Posible itong maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Aklanon kinoronahan bilang Miss China-ASEAN Etiquette 2018


KINORONAHAN BILANG Miss China-Asean Etiquette 2018 si Esraphelle B. Tambong na kumatawan sa Pilipinas. Si Ms. Tambong ay tubong Kalibo, Aklan.

First runner up si Zhao Wenyi ng China habang second runner-up si Moukthida Souphanthachith ng Laos.

Si Ms. Tambong ay nag-aral sa Aklan Catholic College. Nag-aral din siya ng Bachelor of Arts, Political Science major in Paralegal Studies sa University of Makati.

Kinorohan siyang Ms. Model of the World 2017- Philippines.



Kasama niyang kumatawan sa bansa sa nasabing international pageants si Amira Alisha Qamhawe na pinarangalan bilang Miss Elegance.

Ginanap ang pageant sa Bangkok, Thailand nitong Disyembre 20. Ito na ang ika-14 taon ng internasyonal pageant.

"The pageant creates closer tide and learning good etiquette between China and Asian Country, it associate with China-ASEAN Expo held in Nanning annually!"##

Thursday, December 20, 2018

Vice Governor Quimpo ipinaliwanag kung bakit umuutang ang gobyerno probinsyal

IPINALIWANAG NI Vice Gov. Reynaldo Quimpo sa isang press conference kung bakit kailangang umutang ng gobyerno probinsiyal.

Ang kaniyang pahayag ay kasunod ng katanungan ng media kung paano matutulungan ng gobyerno probinsiyal ang mga mahihirap na pasyente  na kailangan ipagamot sa labas ng probinsiya.

Sinabi niya na naglaan ng Php50 million ang pamahalaang probinsyal para sa indigency program sa ilalim ng tanggapan nf gobernador para gamitin tulong medikal sa mga mahihirap.

Sa kabila nito aminado si Vice Gov. Quimpo na kulang parin aniya ang pondong ito. Ito aniya ang dahilan kaya umuutang ang probinsiya upang gamitin sa mga proyekto na pwedeng pagkakakitaan.

"Kinahangean naton nga mag-utang agud maayudahan pa gid naton it abu ro aton nga mga kasimanwa nga nagakinahangean it bulig pinaagi sa mga revenue-generating nga mga proyekto," sabi niya.

Kabilang sa mga binanggit ng bise gobernador na mga proyekto ay ang pagtatayo ng panibagong pier sa Caticlan para gamitin ng mga RoRo vessel. Dagdag kita umano ito sa probinsiya.

Mababatid na ang pondong gagamitin rito ay uutangin mula sa Land Bank.

Binanggit rin niya ang planong pagtatayo ng tourist night market sa Boracay para sa mga displaced workers. Ito ay popondohan mula sa uutanging Php1 billion sa Development Bank of the Phippines.

Mababa aniya ang Internal Revenue Allotment dependency ng probinsiya para sa taong 2019 na nasa 53 porsyento dahilan para maghanap ng lokal na mapagkakakitaan ang kapitolyo.

Sinabi rin niya na sa kabila ng pagsara ng Boracay hindi umano nila nilimitahan ang budget para sa social services na nasa 40 porsyento ng mahigit Php2 billion kabuuang budget sa 2019.

"Without fear of contradiction, I can declare nga rayang administrasyon do may minatuod-tuod nga pagkabaeaka, pagtatap sa mga kubos naton nga mga igmanghod," pahayag ng opisyal.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Mahina at malabong suplay ng tubig ng MKWD idinulog sa Energy FM Kalibo

MAGPAPASKO NA at magba-Bagong Taon na pero problema parin sa serbisyo ng Metro Kalibo Water District (MKWD) sa suplay ng tubig ang gustong masolusyunan ng ilan.

Kaugnay rito ilang reklamo ang idinulog sa Energy FM Kalibo nananawagan sa MKWD na matugunan ito.

Isa sa mga nagrereklamo ay si Roy Lein SacapaƱo ng Sitio Libtong, Estancia, Kalibo na nakakaranas ng maruming suplay ng tubig na lumalabas sa kanilang gripo

Aniya halos hindi na nila nagagamit sa pagluluto o pang-inom ang tubig. Aniya nasa dalawang buwan na umano nilang nararanasan ang ganito.

"Ang mas nakakalungkot pa, halos oras-oras na lang po na madumi ang tubig na lumalabas dito. Nakakapanghinayang po na ang aming binabayad ay parang napupunta na lang sa wala," sentimyento niya sa kanyang mensahe sa himpilang ito.

Sa kabilang banda inirereklamo rin ng isang concerned citizen ang mahinang suplay ng tubig sa Brgy. Polo sa bayan ng Banga.

Sa panayam naman kay Mayor Erlinda Maming ng Banga sinabi niya na maging sila sa munisipyo ay nakakaranas ng maruminh suplay ng tubig.

Kaugnay rito nais ng mayora na magpatawag ng pampublikong pagdinig para sa balak nilang magtayo ng hiwalay na water system sa kanilang bayan.

Tinawagan ng Energy FM Kalibo ang general manager ng MKWD na si Engr. Edmund Peralta para kunin ang kanyang paliwanag pero tumanggi itong magbigay ng pahayag.##

Wednesday, December 19, 2018

Kapulisan sa Aklan nakaalerto na para sa Pasko, Bagong Taon

NAKA-FULL ALERT status na simula ngayong araw ang kapulisan sa buong probinsiya ng Aklan kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sa bayan ng Kalibo, binisita ni PSSupt Jesus Cambay Jr., Acting Deputy Regional Director for Administration, ang Kalibo Municipal Police Station para mag-inspeksyon sa kahandaan ng kapulisan dito.

Sinabi ni PSupt. Richard Mepania, hepe ng nabanggit na police station, na magtatalaga sila ng malaking bilang mga kapulisan para magbantay.

Ilang checkpoint rin umano ang aasahan. Palagi naring nakasuot militar dala-dala ang long fire arm nila.

Binanggit rin niya na sa Disyembre 26 ay ipagdiriwang ng makakaliwang grupo ang kanilang anibersaryo kung saan inaasahan ang ilang mga pag-atake nila.

Sa kabila nito pinasiguro niya na walang dapat ikabahala ang taumbayan. Normal lamang aniya ang pagiging alerto ng kapulisan sa mga ganitong panahon.

Nakadepende pa umano sa atas ng higher headquarter kung kelan aalisin ang full alert status.

Sa kabilang banda, sinabi ni Supt. Mepania na tuloy-tuloy ang paghahanda nila para masiguron na zero major incident ang nalalapit na pagdiriwang ng Kalibo Ati-atihan Festival.##

Limang bayan sa Aklan balak isailalim sa State of Calamity dahil sa kawalan ng suplay ng tubig sa palayan


ISINUSULONG NGAYON sa Sangguniang Panlalawigan ang pagsasailalim ng limang bayan sa Aklan sa State of Calamity dahil sa kawalan ng suplay ng tubig sa palayan.

Ang mga bayan ito ay ang Banga, Kalibo, New Washington, Makato at Lezo.

Kasunod ito ng resolution no. 1 series of 2018 na ipinasa ng System Management Committee ng Irrigators' Association sa Aklan.

Ipinadala nila sa Executive Branch ng gobyerno probinsyal ang naturang resolusyon pero inirefer muna ito sa pag-apruba ng Sanggunian.

Ang kawalan ng suplay ng tubig na nararanasan ngayon sa mga nabanggit na bayan ay epekto umano ng pagsasara ng National Irrigation System dahil sa konstruksyon ng dam.

Katuwiran nila sa kanilang resolusyon na nakakaranas na umano ng slight El NiƱo ang mga nabanggit na bayan.

Hindi pa umano nakapagtatanim ng palay ang mga magsasaka. Wala parin umano silang natatanggap na mga binhi na pwede sa tagtuyot na ipinangakong tulong ng gobyerno.

Kailangan umano ang pagsasailalim sa state of calamity sa mga nasabing bayan para magamit umano ang 30 porsyento pondo para sa panahon ng sakuna.

Mababatid na isinara ng NIA ang irrigation system sa West at East side ng probinsiya simula Oktobre para sa konstruksyon ng dam. Aabutin pa umano ito ng anim na buwan.

Pabor naman si Board Member Soviet Dela Cruz, committee chair on agriculture, para dito.

Gayunman ayon kay Board Member Jay Tejada nangangailangan pa umano ng endorsements ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sasailalim pa sa pag-aaral ng Sanggunian ang kahilingang ito ng mga irrigators.##

Opisyal ng Immigration sa Aklan di kayang i-monitor ang mga di dokumentadong banyaga sa probinsiya

GINISA SA pagdinig ng joint committee sa Sangguniang Panlalawigan ang opisyal ng Bureau of Immigration sa Aklan dahil sa kakulangan ng monitoring sa mga banyaga na pumapasok at nagtratrabaho sa probinsiya.

Isa ang BI sa pinatawag ng joint committee na pinangunahan ni Board Member Nemesio Neron ng Committee on Peace and Order para dinggin ang usapin sa umano’y presensiya ng mga hindi dokumentadong banyaga sa Aklan.

Sa pagdinig sinabi ni Rey Daquipil, Deputy Alien Control Officer ng Kalibo at Boracay Immigration Office, na walang hindi dokumentadong banyaga sa Aklan pero sa kasagsagan ng pagtatanong sa kanya ng mga lokal na mambabatas sinabi niya na wala siyang alam.

Inamin rin ni Daquipil na hindi nila kayang i-monitor ang mga banyagang nagtratrabaho sa probinsiya dahil sa kakulangan nila ng tauhan.

Alam aniya na may mga banyagang nagtratrabaho sa bayan ng Madalag pero hindi nila hawak ang mga listahan ng mga ito o kung ito ba ay may working visa o permit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Joeuella Faiganan, Labor and Employment Officer II ng DOLE – Aklan, na sa kanilang pinakahuling tala ay mayroong 163 Alien Employment Permit ang ibinigay nila sa mga banyaga dito sa probinsiya.

Sa bilang aniya na ito ay 123 ang sa Boracay at 41 ang sa Kalibo. Sinabi ni Faiganan na wala siyang alam na may mga banyagang nagtratrabaho sa bayan ng Madalag.

Sinabi pa ni Daquipil na nalalaman lamang nila na may mga iligal na banyaga sa isang lugar kapag may nagreport sa kanila at bibirepekahin ng kanilang intel operatives mula pa sa Manila.

Dismayado naman ang ilang mga miyembro ng Sanggunian sa kaluwagang ng BI at ng DOLE. Sinabi ni Neron na masakit isipin na lumuluwas pa ng ibang bansa ang mga kababayan natin samantalang ibinibigay natin sa banyaga ang mga trabahong kaya naman nating gawin.

Una nang nagpasa ng resolusyon ang Sanggunian na humihiling sa BI at sa DOLE na dagdagan ang kanilang mga tauhan sa Aklan para mamonitor ng maigi ang mga iligal na foreigner dito. Pero lingid umano sa kaalaman ng mga kinatawan ng parehong mga ahensiya ng gobyerno.

Kaugnay rito sinabi ni Neron na isusulong niya ang pagtatayo ng Aklan Tourist Regulatory Office na naglalayong tutukan ang mga undocumented foreigners dito.##

PANOORIN: Tricycle driver nag-alala matapos nakatulog ng mahimbing ang babaeng pasahero



Tuesday, December 18, 2018

Netizen na nagpost ng negatibo kontra sa mga taga-Lezo nakakaranas ng depresyon

NAKAKARANAS UMANO ng depresyon ang netizen na nagpost sa kanyang facebook account ng negatibo kontra sa mga taga-Lezo.

Sa kanyang FB post gabi ng Lunes kasunod ng sunog na nangyari sa Lezo integrated school sinabi niya na "OMG dapat mamatay na yung mga tao sa Lezo".

Sa isa pang post sinabi niya na "Happy ako na sunog ang school sana pati buo Lezo masunog na din".

Agad itong umani ng mga negatibong reaksiyon at komento sa mga netizen lalo na sa mga taga-Lezo dahilan para idelete niya.

Sinabi ni PInsp Jose Ituralde, hepe ng Lezo Municipal Police Station, na personal umano siyang tumungo sa kanilang himpilan humihingi ng tawad.

Ipinaliwanag rin umano ng 21-anyos na lalaki na nakakaranas siya ng depresyon at nasa tatlong gabi nang hindi nakakatulog.

Broken family umano sila at nahinto na sa pag-aaral. Magi-grade 11 na sana ang lalaki pero huminto ito matapos mag-aral sa Lezo Integrated School.

Nabatid na dati narin itong nagtangkang magpakamatay.

Sa halip na sisihin sa ginawa ay inabisuhan siya ng hepe na magpahinga at magpakonsulta sa doktor.

Humingi narin ito ng apology sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang facebook.##

Depektibong electric fan tinitingnang sanhi ng sunog sa Lezo Integrated School

DEPEKTIBONG electric fan. Ito ang tinitingnan ngayon ng Bureau of Fire Protection - Numancia na sanhi ng naganap na sunog sa Lezo Integrated School gabi ng Lunes.

Ayon kay FO1 Enrico Nam-ay, arson investigator, ang Grade 3 adviser umano na si Josie Rapiz ang nagsabi na posibleng sa kanilang classroom nagsimula ang sunog.

Sinabi umano niya na depektibo ang kanilang electric fan. Minsan umano ay umaandar ito minsan ay hindi.

Natupok ng apoy ang siyam na mga silid kabilang ang library at principal's office. Bahgyang natupok naman ang tatlong iba pang classroom.

Sa pagtaya ni FO1 Nam-ay aabot ng mahigit-kumulang Php6,480,000 ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.

Nabatid na nagsimula ang sunog dakong alas-8:00 ng gabi. Dineklarang under-control ang sunog dakong alas-11:00 ng gabi at ala-1:00 na ng madaling araw idineklara ang fire-out.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog kung saan limang fire station at pitong fire truck ang rumesponde sa lugar para apulahin ang apoy.

Sinabi ng imbestigador na nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa pabagu-bagong direksyon ng hangin. Mabilis umanong natapok ng apoy ang paaralan dahil luma na ang ilang kasangkapan ng gusali.

Tumulong rin ang mga MDRRMO, PDRRMO, kapulisan, mga tanod at ilang residente.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Monday, December 17, 2018

"Nude challenge" sa group chat dahilan ng 3 lalaking naghubad sa Lezo plaza

HUMARAP UMAGA ng Lunes ang tatlong lalaki sa mga opisyal ng Lezo matapos silang batikusin dahil sa paghuhubad sa plaza ng bayan at ipinost sa facebook.

Humarap din ang nagpicture sa kanila. Kasama rin ang kanilang mga magulang na humarap sa mga opisyal ng bayan.

Ayon kay PInsp Jose Ituralde, hepe ng Lezo Municipal Police Station humingi umano ng tawad ang mga ito. Anila na-challenge lamang sa sila sa group chat. Lingid umano sa kanila na may nilabag silang batas.

Nabatid na galing sa inuman ang magbabarkada at madaling araw na umano napadaan sa plaza at doon nagpakuha ng mga larawa na nakahubad kasama ang kanilang mga motorsiklo.

Ayon sa usapan ng barkada isesend lamang nila ito sa group chat pero laking gulat ng iba na ipinost ng isa sa kanila ang mga nasabing larawan sa facebook at nakapubliko.

Ayon kay Ituralde dalawa umano sa kanila ang menor de edad. Ang isa sa kanila ay taga-Banga at ang tatlo ay mga taga-Numancia.

Kung ang hepe ang tatanungin gusto niyang sampahan ng kaso ang mga sangkot pero aniya pag-aaralan pa ng alkalde at ng mga opisyal ng bayan ang magiging desisyon nila.

Humihingi umano ng pasensya ang magbabarkada at gustong magpublic apology. Sinabi ni Ituralde na pwede nila itong gawin sa facebook at sa radyo.##

Sunog sa Lezo Integrated School nag-iwan ng tinatayang Php900K halaga ng pinsala

NAG-IWAN NG nasa Php900,000 halaga ng pinsala ang sunog na lumamon sa ilang silid sa Lezo Integrated School gabi ng Lunes.

Ito ang sinabi ni FSupt. Nazrudyn Cablayan, fire marshall ng Bureau of Fire Protection - Aklan, sa live na panayam ng Energy FM Kalibo sa lugar makaraang ma-under control na ng mga bombero ang apoy.

Ayon kay Cablayan nasa pito hanggang walong silid umano ang nasunog kabilang na ang silid-aklatan at tanggapan ng punong-guro.

Nakatanggap umano ng report ang kanilang tanggapan dakong alas-8:40 na nasusunog na ang nasabing paaralan. Agad namang rumesponde ang mga bombero para apulahin ang sunog.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog kung saan limang fire station kasama ang walong firetrucks na ginamit sa pag-apula ng sunog. Ang mga rumespondeng fire station ay ang BFP Kalibo, Numancia, Tangalan, Ibajay at Balete.

Dakong alas-11:00 ay under-control na ang apoy.

Wala naman aniyang naiulat na nasugatan sa insidente. Patuloy naman nilang iimbestigahan ang sanhi ng sunog.##

Dalawang menor de edad na babae narescue sa prostitusyon sa Kalibo; suspek arestado

NARESCUE NG mga kapulisan ang dalawang menor de edad na babae sa prostitusyon hapon ng Lunes sa Kalibo.

Arestado naman ang bugaw na kinilalang si Teddy Balondo, 26-anyos, ng Brgy. New Buswang sa parehong bayan.

Nasabat sa kanya sa entrapment operation ng Kalibo PNP ang Php4,000.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo inamin naman ng suspek ang kanyang ginawa. Sinabi niya na paminsan-minsan lamang ito.

Ang kanya umanong kinikita ay pang-inom niya, pangsigarilyo o panggasolina.

Nabatid na nakipag-ugnayan umano sa kanya ang barkadang si certain Ian naghahanap ng bayarang babae para i-offer sa bisita niya na negosyante.

Agad umano niyang tinawagan ang mga babae mula pa sa Malinao at nakipagkita sa kliyente sa isang accommodation establishment sa Kalibo.

Nang iabot na sa kanya ang pera ay dito na siya hinuli ng kapulisan.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Kalibo PNP Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Dating board member Mayor sa SP-Aklan at DBP: kurap, iskandaloso

"THE MOST scandalous, anomalous, corrupt, fraudulent legislation by the Sangguniang Panlalawigan of Aklan has ever enacted".
Energy FM Kalibo photo

Ito ang bansag ni dating board member Rodson Mayor sa ipinasang ordinansa ng Sanggunian para makautang ang gobyerno probinsiyal sa bangko.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo umaga ng Lunes sinabi ni Mayor na nagsabwatan umano ang Sanggunian at ang Development Bank of the Philippines para sa Php1 billion na loan facility.

Inakusahan rin ni Mayor ang Sanggunian na dinagdagan ang uutangin ng probinsiya mula sa orihinal na hinihingi ni Governor Florencio Miraflores na Php153 million lamang.

Sinabi niya na minadali nila ang pag-apruba rito para gamitin sa eleksyon. "Mayad ta kamo gautang hay sino gabayad? Ro pumueuyo nga nagabayad it taxes pambayad sa utang ngara nga ginagamit sa eleksyon."

Handa umano siya na sagutin ang anomang kaso na isasampa laban sa kanya kasunod ng kanyang mga akusasyon batay sa panayam sa kanya ni Kasimanwang Jodel Rentillo sa programang Prangkahan.

Nitong Disyembre 13 ay naghain ng petisyon ang dating opisyal sa Aklan Regional Trial Court upang ipawalang bisa ang naturang ordinansa na inaprubahan ng Sanggunian.

Sinubukan naming kunin ang reaksiyon ni Vice Governor Reynaldo Quimpo bilang regular presiding officer ng Sanggunian kaugnay sa petisyong ito kontra sa kanila pero tumanggi ito at sinabing premature pa na sagutin ito.

Napunta sa branch 4 ng korte ang pagdinig sa nasabing kaso na may Civil Case no. 10992.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Bata na nalunod sa beach sa Jawili natagpuan na

NATAGPUAN NA ang bangkay ng bata na nalunod araw ng Sabado sa Jawili beach, Tangalan.

Ang bangkay ng 9-anyos na si Manuel John Prado, residente ng Silakat Nonok, Lezo ay natagpuan dakong alas-2:00 ng madaling araw sa tabing baybayin ng naturang lugar.

Ayon sa ulat ng Tangalan PNP, isa umanong mangingisda ang unang nakakita sa bangkay ng bata.

Matatandaan na isa sa apat na nalunod noong Sabdo ang nasabing bata. Patay agad ang isang buntis habang dalawa naman ang naka-survive.

Kinilala ang namatay na si Alcel Ureta ng Brgy. Agcauilan, Lezo habang nailigtas naman ang 10-anyos niyang anak na si Aizy Ureta, 10 na confine sa ospital.

Nailigtas rin Mengela Prado, 19-anyos, ate ni Manuel John. Patuloy rin siyang ginagamot sa provincial hospital.

Nabatid na kasama sila sa Christmas party ng Day Care workers federation ng Lezo sa Jawili.

Naglalaro umano ang bata sa tabing baybayin ng abutin sila ng alon at tinangay. Agad naman tumulong ang ina at kapatid ng mga bata pero sila rin ay nalunod.

Ilang construction worker na nakasaksi sa insidente ang tumulong na sila ay mailigtas. Naiahon agad ang tatlo pero binawian agad ng buhay ang buntis.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Sunday, December 16, 2018

Mga hindi dokumentadong banyaga sa Aklan iimbestigahan ng Sangguniang Panlalawigan

PINAIIMBESTIGAHAN NI Sangguniang Panlalawigan Board Member Nemesio Neron ang umano'y presensiya ng ilang banyaga sa Aklan na walang mga kaukulang dokumento.

Sinabi ni Neron sa regular session ng Sanggunian karamihan umano sa mga hindi dokumentadong banyaga ay mga nasa bayan ng Madalag, Kalibo at Malay.

Aniya may mga banyaga na nagtratrabaho sa bansa kabilang na sa Aklan ang nagtratrabaho ng umano'y walang Alien Employment Permit. Nakakabahal umano ang pagtaas ng kanilang bilang.

Matatandaan na Marso ay pinaimbestigahan rin Neron ang pagkakaroon ng mga hindi dokumentadong banyaga sa probinsiya lalo na sa Isla ng Boracay.

Sa pagdinig noon, inamin ni Isser Harrel Magbanua, alien control officer ng Bureau of Immigration - Aklan, na mayroon ngang mga iligal na banyaga ang nasa Aklan lalo na sa Isla.

Sinabi niya na hirap ang kanilang tanggapan na mamonitor at mahuli ang mga ito dahil sa kakulangan umano ng tauhan.

Pansamantalang itinigil noon ang pag-iimnestiga sa usapin dahil sa anim na buwang pagsara sa Isla ng Boracay simula Abril.

Sa darating na Martes ay nakatakdang ipatawag uli ang Immigration sa pagdinig ng joint committee para i-update ang Sanggunian kaugnay rito.

Ipapatawag rin ang mga hepe ng Madalag, Kalibo at Boracay, at iba pang mga kinuukulan.##

Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

FB post ng 3 lalaki na naghubad sa Lezo public plaza binatikos

IKINAGALIT NG ilang mga taga-Lezo ang paghubad ng tatlong lalaki sa kanilang plaza at ipinost pa sa facebook.

Nakapublic ang post at nakatag sa dalawang iba pa. Umani agad ito ng mga negatibong reaksiyon lalo na sa mga taga-Lezo.

Makikita sa mga larawan sa fb post na nakahubad ang tatlo at tanging mga kamay lamang nila ang nakatakip sa masilang bahagi ng kanilang katawan.

Ganito ang kapsyon sa post:

"Wala na challenge challenge araaat na agad! šŸ˜ŽšŸ˜‚ HAHAHAHAHAHAA

"Okay! ByešŸ˜¶šŸ‘‹."

Mismong si Lezo Vice Mayor George Villaroba ay nakakita ng post nang ipakita sa kanya ng kanyang anak.

Agad umano niyang ipinaalam ito kay PInsp Jose Ituralde, hepe ng Lezo PNP, para sa agarang aksiyon.

Nakilala umano ang tatlo dahil din sa facebook. Ipapatawag umano nila ang tatlo.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ng hepe na posibleng naganap ang insidente gabi ng Sabado pagkatapos ng opening of lights sa plaza.

Maaari aniyang ginawa nila ito nang wala na halos tao sa lugar.

Sinabi pa ni Ituralde na pag-aaralan na nila kung ano ang posibleng isampang kaso laban sa tatlo.

Nakadeactivate na ang fb account ng nagpost.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Saturday, December 15, 2018

Restored Malinao church reopens to public

REDEDICATION RITES was held by representatives of the National Historical Commission of the Philippines, Parish of Malinao headed by Fr. Hermino 'Junjun' Felipe and the Local Government of Malinao led by Mayor Ariel Igoy to signal the official reopening  to the public of the St. Joseph the Worker Parish Church in Malinao today, December 15, 2018.





The reopening of the restored Akeanon heritage church is one of highlights of this year's Pascua sa Malinao Festival which is already on its 7th year.  This church was the place where  the centuries old Christmas tradition of 'misa de pastorelle' is held featuring the flight of the cometa (comet) and the two giant bitoon  sa eangit (heavenly stars) as well as the opening of the iconic granada amid the angelic voices of the pastora, a tradition that inspired the festival.

Inaugurated in the year 1889, the St. Joseph the Worker Church in Malinao, Aklan has undergone restoration under the auspices of the National Historical Commission of the Philippines (NHCP). The  restoration project cost is at Php 18 million.##

photo credits: Raymon Inolino Ileto

- report and text from Ro Akeanon FB

Friday, December 14, 2018

Dalaga nagreklamo sa kapulisan matapos sipulan, hawakan sa puwet ng isang lalaki

NAGREKLAMO SA kapulisan ang 18-anyos na estudyante makaraan sipulan at hawakan siya sa puwet ng hindi niya nakikilalang lalaki.

Naganap umano ang insidente hapon ng Biyernes habang siya ay nasa loob ng isang mall dito sa bayan ng Kalibo habang kasam niya ang kapwa nya estudyante na isang babae.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo, nasa isang gaming center umani sila nang panay ang titig sa kanya ng nasabing lalaki. Sinipulan pa umano siya.

Hindi pa umano nakontento ang lalaki pasimple umano itong dumaan sa kinatatayuan niya habang kumakanta ang kasama at doon hinawakan siya sa puwet.

Hindi na umano naisip ng babae na magreklamo pa sa guwardiya ng nasabing establishment sa halip ay umalis doon at nagsumbong sa ama.

Sa pag-aalala ng ama pinuntahan pa umano siya sa mall at tiningnan kung nandoroon pa ang lalaki subalit hindi na nila ito nasilayan.

Sa sandaling iyon ay minabuti ng mag-ama na magreklamo sa kapulisan matapos magdala ito ng takot at kahihiyan sa Grade 12 student.

Inilarawan niya ang lalaki na nasa 40s, maitim at mababa, nakasuot ng tshirt, short at tsinelas. May nakapagsabi na umano sa kanya na kilala nila ang lalaki at sadyang "ganito" raw ito.

Paalala niya sa iba pang dalaga na mag-ingat sa mga ganitong uri ng lalaki. Huwag magtitiwala sa hindi kakilala.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Motorsiklo sumalpok sa tricycle sa Malay, isa malubha

MALUBHA NGAYON ang lagay ng isang 16-anyos na babae makaraang sumalpok ang menamanehong motorsiklo sa tricycle sa Brgy. Argao, Malay hapon ng Huwebes.

Si Clarissa Antaran, 16-anyos, residente ng Brgy. Sambiray sa nasabing bayan ay patuloy na ginagamot sa intensive care unit ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.

Mabilis umano ang patakbo ng menor de edad sa motorsiklo dahilan para mawalan ito ng kontrol at sumalpok sa kasalubong na tricycle.

Ang tricycle ay menamaneho ni Rene Samson Santuyo, 31, residente ng Brgy. Caticlan, Malay.

Sa lakas ng impact tumilapon ang driver ng motorsiklo at ang backrider niya na si Roeil Duhaylongsod, 25, ng Iligan City, Mindanao.

Nawalan ng malay ang driver ng motorsiklo at agad isinugod sa ospital.  Confine din sa Aklan Baptist Hospital ang kanyang backrider.

Nabatid na parehong lasing ang dalawa nang maganap ang insidente.##

Thursday, December 13, 2018

Bonus para sa mga tauhan ng munisipyo ng Kalibo ipamimigay na

IPAMIMIGAY NA ng munisipyo ng Kalibo ang bonus at mga incintives para sa kanilang mga tauhan kasunod ng pag-apruba rito ng Sangguniang Bayan.

Ayon sa report ni Kasimanwang Joel Nadura,  ang mga job order at contract of services ay tatanggap ng bonus katumbas ng buwanan nilang suweldo.

Habang ang mga barangay nutrition scholars, barangay health workers at Day Care workers ay tatanggap ng Php3,500.

Inaprubahan rin ng Sanggunian ang 15 porsyentong pagtaas ng sahod para sa mga barangay nutrition scholars, barangay health workers at Day Care workers.

Ipatutupad umano ito simula sa susunod na taon.

Tatanggap rin sila ng insentibo pagsapit nila ng 65 anyos depende sa haba ng kanilang paglilingkod.

Ang mga barangay nutrition scholars ay tatanggap ng maximum na Php20,000; barangay health workers na Php10,000; at barangay Day Care workers na Php30,000.

Sinabi ni Ms. Dianne Fegarido, SB Secretary, ibibigay ang mga bonus bago magbakasyon ang mga empleyado ng pamahalaang lokal.##

U-box ng motorsiklo ninakawan sa Kalibo habang nakapark


NINAKAWAN ANG motorsiklong ito habang nakapark sa kahabaan ng C. Laserna St., Kalibo gabi ng Huwebes.

Ayon sa biktimang si Larry Venturado, 23-anyos, iniwan umano niya ang motorsiklo na nakapark sa harap ng pinagtratrabuhuhang restaurant sa Purok 1.

Makalipas lamang umano ang nasa 45 minuto nang balikan niya at tingnan ang loob ng u-box ng motorsiklo ay nawawala na ang kanyang pera.

Napansin rin niya na tila pwersang binuksan ang u-box ng kanyang motorsiklo gamit ang kung anong bagay.

Minabuti ng biktima na isang waiter at residente ng Acevedo St., Kalibo na iparekord sa Kalibo Police Station ang insidente.

Iimbestigahan pa ng kapulisan ang insidenteng ito.

Matatandaan na kamakailan lang ay ilang motorsiklo rin ang naiulat na ninakawan ang mga u-box at napag-alaman kalaunan na menor de edad ang responsable rito.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, December 12, 2018

Festival organizer sa mga kandidato: ibigay ang tarpaulin kay Sto. NiƱo

UMAPELA ANG Kalibo Sto. NiƱo Ati-atihan Festival Inc. (Kasafi) sa mga kumakandidato na iwasan ang "pangangampanya" sa festival sa darating na Enero.

"Let's give the tarpaulin to Sto. NiƱo. We appeal until January 20... Let's honor him and give him respect," panawagan ni Kasafi Chairman Albert MeƱez sa pulong balitaan araw ng Miyerkules.

Ang apelasyon ay kasunod nang hingin ng media ang kanyang reaksyon sa posibleng pagsamantala ng mga kandidato sa eleksyon sa Kalibo Ati-atihan festival.

"We are all educated, deboto ni Sto. NiƱo," sabi niya kaugnay sa mga kandidato na nais maglabas ng kanilang tarpaulin para sa pagbati kaugnay ng pagdiriwang.

Sinabi pa niya na hindi umano magiging kaaya-aya kung mukha ng politiko ang makikita katabi ng Sto. NiƱo sa mga ikinakabit na tarpaulin sa bayang ito.

Umaasa siya na ilalaan ng mga makikilahok sa pagdiriwang ang pagkakataong ito para ipakita ang debosyon sa Sto. NiƱo, patron ng Kalibo.

Samantala, sa parehong pagpupulong muling sinabi ni MeƱez na mahihirapan na silang ibalik ang snake dance dahil sa masikip na ang plaza o kalsada sa panahon ng pagdiriwang ngayon kung ikukumpara noon.

Pinangangambahan rin niya na posibleng magamit ang "snake dance" sa panghihimas ng iba sa kalahok lalo at mahigpit umano ang batas ngayon kaugnay rito.

Sinabi rin niya na bagaman bahagi na ng tradisyon ng Kalibo Ati-atihan festival ang pagsasadula ng "Barter of Panay" napag-alaman umano kalaunan na isa lamang itong kathang-kuwento.

Ang Kasafi ay isang pribadong institusyon na namamahala sa taunang pagdiriwang ng Kalibo Sto. NiƱo Ati-atihan, tinaguriang "The Mother of All Philippine Festival."##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo