Saturday, June 16, 2018

'BAKBAKAN SA BUGSAYAN' MULING AARANGKADA SA PISTA NG SAN JUAN

Magpapasiklaban na naman sa husay at bilis sa pagsagwan ang mga lalahok sa boat race competition sa Kalibo sa darating na pista ng San Juan sa Hunyo 24.

Ang atraksiyong ito na inorganisa ng Energy FM Kalibo ay tinaguriang “Bakbakan sa Bugsayan”, ngayon sa ikaapat na taon na, bilang pagpupugay o “panaad” kay San Juan Bautista.

Naniniwala ang organizer ng event na sa pamamagitan nito ay mapapahalagahan ang kulturang Aklanon sa “bugsayan” o pagsagwan ng bangka.

Maliban sa boat race bilang main event, magpapasiklaban rin ang ilang mga Aklanon rapper sa event na ito na gaganapin kapwa sa Beach Boy Beach Resort, Brgy. Pook, Kalibo simula alas-8:00 ng umaga.

Mag-eenjoy rin ang mga dadalo sa iba pang palaro na inihanda ng Energy FM kagaya ng habulan ng baboy.
Katuwang ng Energy FM si Kalibo konsehal Juris Bautista Sucro sa aktibidad na ito.

Bukas pa ang pagpaparehistro para sa boat race competition at rap contest. Sa mga katanungan makipag-ugnayan lamang sa numerong 09477085467./ Darwin T. Tapayan, EFM Kalibo

PAGREGULATE SA PAG-AALAGA AT PAGPAPALAHI NG MGA BARAKONG BABOY ISINUSULONG SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Sumailalim na sa pampublikong pagdinig ang isinusulong na panukalang ordenansa na magre-regulate sa pag-aalaga at pagpapalahi ng mga barakong baboy sa probinsiya ng Aklan.

Ayon kay Sangguniang Panlalawigan member Soviet Dela Cruz, may akda, layunin ng ordenansa na mapaganda ang produksiyon ng karne sa probinsiya at para sa pagbuo ng tracking mechanism.

Base sa report ng Office of the Provincial Veterinarian malaking bahagi ng mga barakong baboy sa Aklan ay inaalagaan sa bakuran samantalang limang porsyento lamang ang nasa commercial.

Karamihan din umano sa nag-aalaga o operator ay nagpapalahi sa parehong barakong baboy sa kanya ring pamilya. Nagdudulot umano ito ng depekto o sakit sa mga isinisilang na baboy.

Para maiwasan ito, isinusulong ngayon na ang mga operator ng barakong baboy ay kumuha ng Mayor's Permit.

Bago ito sasailalim muna sa inspeksyon ng agriculturist at ng beterenaryo ang baboy, at kung akma ang kulungan nito at ang behikulong ginagamit sa paglilipat sa hayop.

Kapag nakapasa ay bibigyan ng Barangay Permit, Certification mula sa Municipal Agricultural Office, at ng Veterinary Health Certificate.

Nababahala naman ang ilan na dahil sa paghihigpit na ito ay mawala na ang mga nag-aalaga at nagpapalahi ng mga barakong baboy dahil sa dagdag gastusin.

Maliban rito, isinusulong rin sa ordenansa ang pagkakaroon ng Artificial Issemination Center sa probinsiya.
Sasailalim pa sa karagdagang pag-aaral ng kaukulang komitiba at ng Sanggunian ang nasabing panukala bago ito tuluyang aprubahan. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

REGULASYON SA MGA COMPUTER SHOP SA KALIBO HIHIGPITAN NA NG KALIBO PNP

Simula sa susunod na linggo ay strikto nang ipapatupad ng kapulisan ang ordenansa na nagreregulate sa mga internet café at mga video games center sa Kalibo.

Ito ang naging babala ni PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, sa mga may-ari at mga namamahala ng mga computer shop sa isang pagpupulong araw ng Byernes.

Kasunod ito nang mga nahuli nilang mga computers shop na nagpapasok ng mga menor de edad sa kanilang establisyemento dis oras ng gabi.

Binigyang-diin ni Supt. Mepania sa mga negosyanteng ito na huwag papasukin ang mga menor de edad kabilang na ang mga estudyante sa kanilang mga shop sa itinakdang oras ng curfew.

Maliban rito pinahihigpitan narin ni Mepania ang pagbabawal sa mga menor na mga estudyante na pumasok sa mga shop nila sa mga oras ng klase katulad ng nakasaad sa municipal ordinance 2012-025.

Nakasaad sa Code of General Ordinance ng Kalibo na bawal na manatili ang mga estudyante sa mga internet shops 7:30am-11:30am at 1:30pm-4:30pm maliban lamang kapag walang pasok at tuwing weekend.

Sinumang lalabag sa ordenansang ito ay pagmumultahin ng hanggang sa Php2500 o revocation, maging non-renewal of license. Sa Code of General Ordinance naman aabot rin sa Php2500 ang pwedeng multa o pagkakulong ng dalawang linggo.

Ilang negosyante naman ang nag-aalala na malulugi sila sa kanilang negosyo at posibleng maghanap nalang ng ibang pagkakakitaan dahil marami sa mga kostumer nila ay mga menor at mga estudyante.

Pinaintindi naman ng hepe ng Kalibo PNP na matimbang sa kanila ang kaligtasan at kinabukasan ng mga menor. Sa kabila nito humingi siya ng pag-unawa at kooperasyon sa lahat. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Friday, June 15, 2018

MGA KABATAAN NAHULI NG PULIS KALIBO NA NAG-IINUMAN SA LABAS NG KLASE

Nahuli ng mga kapulisan ng Kalibo ang mga menor de edad na ito na nag-iinoman dakong ala-1:30 ng hapon sa Brgy. Andagao, Kalibo.

Kasama ng mga kapulisan ang social welfare ng munisipyo para pangaralan at gabayan ang mga nasabing bata.

Mababatid na mahigpit ngayong ipinatutupad ang Liquor Ban para sa mga menor de edad lalu na sa oras ng klase.

Ayon kay PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP nirerescue lamang nila ang mga bata at pinapatawan ng kaukulang multa ang mga establisyementong mahuhuling nagbebenta sa kanila ng inumin.

Thursday, June 14, 2018

ILANG COMPUTER SHOP OWNERS SA KALIBO HINDI SUMUSUNOD SA CURFEW ORDINANCE AYON SA PNP

Ilang computer shop sa Kalibo ang napag-alamang hindi sumusunod sa curfew ordenance ng munisipyo ayon kay PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP.

Anya, ilang menor de edad ang kanilang nahuli sa loob ng mga internet shop at video game center sa kabiserang bayang ito dis oras ng gabi sa sunod-sunod nilang inspeksyon.

Nakasaad sa municipal ordinance no. 045 series of 1994 ang pagbabawal sa mga menor de edad 18-anyos pababa na gumala sa mga lansangan at mga pampublikong lugar mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Exempted sa batas na ito ang mga lehitimong lakad kasama ang kanilang mga magulang o mga guardian na nasa legal na edad.

Kaugnay rito, ipapatawag ni Supt. Mepania ang mga may-ari at namamahala ng mga nasabing establisyemento sa Byernes para ipaunawa sa kanilang ang nabanggit na ordenansa.

Sa kabilang banda, planong imungkahi ni Mepania sa mga opisyal ng bayan at sa Sangguniang Kabataan ang pagkakaroon ng isang rehabilitation program para sa mga menor de edad na lumalabag sa mga batas. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

DAGDAG SAHOD, INAPRUBAHAN NG WESTERN VISAYAS WAGE BOARD

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Western Visayas ang panukalang taasan ang sahod para sa pribadong sektor.

Sa pulong balitaan sa Sugar Workers Development Center sa Bacolod City ay inanunsyo ni RTWPB Region 6 Chairman Johnson Cañete na P365 na ang minimum wage kada araw sa rehiyon.

Sa ilalim ng Wage Order No. 24, ang naturang halaga ay ipasasahod sa mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga kumpanyang mayroong 10 empleyado pataas.

Habang P295 na ang arawang sahod ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga kumpanyang mayroon lamang mas mababa sa 10 empleyado.

Para naman sa sektor ng agrikultura, makakatanggap ang mga empleyado ng P295 na sahod kada araw.
Ibig sabihin nadagdagan ng P23.5 hanggang P41.50 ang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.

Ang mga nabanggit na taas sweldo ay mas mababa sa kahilingan ng mga labor groups.

Nakasaad kasi sa petisyon ng mga labor group na itaas ng P130 hanggang P150 ang arawang sahod ng mga manggagawa.

Inaasahang ipatutupad ang naturang wage hike sa rehiyon sa Agosto.

Kinakailangan pa muna kasi itong suriin ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) bago pa dalhin sa Department of Labor and Employment (DOLE) para aprubhan ni DOLEC Secretary Silvestre Bello III./ Radyo INQUIRER

KARAGDAGANG COASTGUARD STATION PLANONG BUKSAN SA AKLAN

Kinumpirma ni Philippine Coastguard-Aklan commander Ramil Palabrica sa Energy FM Kalibo na for approval na ang kanyang planong magbukas ng dalawang dagdag na Coastguard station sa probinsiya.

Anya, ilalagay ito sa mga bayan ng Buruanga at Ibajay.

Sa kasalukuyan ang mga coastguard station sa Aklan ay sa Dumaguit, New Washington at Caticlan, Malay kabilang na ang sub-station Boracay.

MGA BUMIBIYAHE SA DAGAT PINAG-IINGAT NG COASTGUARD-AKLAN DAHIL SA HABAGAT

Pinag-iingat ngayon ng Philippine Coastguard-Aklan ang mga maliliit na sakayang pandagat na maglayag dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Ayon kay PCG-Aklan commander Ramil Palabrica, delikado ang pumalaot para sa mga maliit na bangka dahil sa umiiral na habagat sa ating bansa.

Dahil rito sinisiguro umano ng mga coastguard na nakabantay sa mga port na ang mga sakayang pandagat ay sumusunod sa pamantayang pangkaligtasan.

Bago maglayag ang isang bangka sinisiguro umano nila ito na hindi overloaded, nasa kondisyon, at ang mga nakasakay ay nakasuot ng life jacket.

Samantala, kinumpirma naman ni Palabrica na Martes ng umaga isang babae ang nahulog sa karagatan mula sa sinasakyang bangka mula sa Isla ng Boracay patawid sana ng San Jose, Romblon dahil sa lakas ng alon.

Patay na nang matagpuan ang biktima sa baybaying sakop ng Carabao Island sa Romblon. Maswerte namang nakaligtas ang dalawa niyang kasama sa bangka.

Nabatid na nakalusot ang bangkang ito sa ipinagbabawal na lugar sa Boracay. Dumaan umano ito sa So. Malabunot sa Balabag na klarong paglabag sa "One Entry, One Exit" policy.

Sa kabila nito, ilang bangka na anya ang kanilang nahuling lumabag sa nasabing provincial ordinance bilang paghihigpit kaugnay ng ginagawang rehabilitasyon sa Boracay. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

NO. 3 MOST WANTED PERSON SA MALAY, AKLAN NA MAY KASONG RAPE ARESTADO SA BULACAN

Arestado ang tinuturing na no. 3 most wanted person sa Malay, Aklan sa Hagunoy, Bulacan gabi ng Martes.

Ang akusado ay nakilalang si Roderick Domingo y Torres, 48-anyos, at residente ng Brgy. Iba, Hagunoy.

Nahaharap siya sa two counts ng kasong Rape Under Paragraph 2 Article 266-A.

Ikinasa ng Hagonoy PNP at ng Regional Intelligence Unit 6 ang nasabing operasyon sa bisa ng warrant of arrest.

Ang kanyang kaso ay nilabas ng Regional Trial Court Branch 3 dito sa Kalibo, Aklan noon pang Abril 26, 2011.

Php240,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nakatakdang dalhin sa Aklan ang nasabing akusado para harapin ang kanyang kaso sa nasabing korte.
Napag-alaman na mismong anak niya ang kanyang biktima. | EFM Kalibo

Wednesday, June 13, 2018

KALIBO PNP NAGTALAGA NG MEDIA CORNER SA KANILANG POLICE STATION

Isang media corner ang itinalaga ng Kalibo PNP para sa mga reporter na nagkokober sa Kalibo police station.

Pormal na itong pinasinayaan ngayong araw.

Ito ang pangako ni PSupt. Richard Mepania sa mga media sa kanyang pag-upo bilang hepe ng Kalibo PNP.

Itinuturing ni Supt. Mepania ang media bilang partner pagdating sa information dessimination sa taumbayan.

KAUNA-UNAHANG IBAJAYNON NA NAGTAPOS SA HARVARD UNIVERSITY

Siya si Brian Enerio Mangilog, ang kauna-unahang Ibajaynon na nagtapos sa Harvard University sa kursong BS NeuroBiology minor in Global Health and Health Policy.

Ang kanyang mga magulang ay tubong San Isidro at Ondoy Ibajay.

Tunay na maipagmamalaki ng mga Ibajaynon at mga Aklanon!

Tuesday, June 12, 2018

BABAENG NATUTULOG SA KWARTO PINASOK NG NAKAHUBAD NA LALAKI SA NUMANCIA

Isang 23-anyos na babae ang nagreklamo sa kapulisan ng Numancia nang di umano'y pasukin siya ng isang nakahubad na lalaki sa kanyang kwarto.

Sa salaysay ng biktima, natutulog umano siya nang dakong alas-11:30 ng gabi nakaramdam siya na may bumabatak sa kanyang kulambo.

Nang magising ay isang nakahubad na lalaki ang kanyang nakita sa loob ng kwarto. Kumaripas din umano palabas ang suspek nang kanyang makita.

Ayon sa biktima, nakabukas ang ilaw sa loob ng kanyang kwarto kaya namukhaan at nakilala nya ang nasabing lalaki.

Nagdala ito ng nerbyos at takot sa biktima bagay na inireklamo nya sa mga kapulisan. Inirefer naman ang kanilang kaso sa Lupong Tagapamayapa ng barangay. | EFM Kalibo

BANGKAY NG ISANG MAGSASAKA NATAGPUAN SA ILOG SA BAYAN NG MAKATO

Isang bangkay ang natagpuan sa ilog sa hangganan ng Brgy. Tibiawan at Brgy. Cayangwan, Makato ngayong umaga.

Ayon sa Makato PNP, nakilala kalaunan ang nasabing bangkay na si Maximo Tacas, 53-anyos, residente ng Brgy. Cayangwan.

Sa inisyal na imbestigasyon, gabi ng Sabado nakipag-inuman pa umano ang nasabing biktima sa kasamahan niyang magsasaka.

Pagkatapos ay nagpaalam umanong umuwi pero ipinagtataka nila na hindi na ito nakabalik sa trabaho kinabukasan.

Hanggang Martes ng umaga, isang residente ang nakakita sa naaagnas na na bangkay ng lalaki.

Pinaniniwalaang tinangay ng malakas na agos ang biktima habang tumatawid sa ilog gabi ng Sabadong iyon.

Kumbinsido naman ang pamilya at ang mga kaibigan nito na walang foul play sa kanyang pagkamatay.
Dinala na sa punerarya ang bangkay at isasailalim sa post mortem at nakadepende pa sa pamilya kung ipapautopsiya nila ito. | EFM Kalibo

Monday, June 11, 2018

DALAWANG AKLANON NA NAGWAGI SA NATIONAL SCHOOLS PRESS CONFERENCE BINIGYAN NG KOMENDASYON NG SP-AKLAN

Binigyan ng komendasyon ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ang mga Aklanon na ito na nagbigay karangalan sa probinsiya. Sila sina Gian Paulo Sibolinao, 12-anyos, ng Man-up, Altavas at Jonell Gregorio nga taga Brgy. Ginictan, Altavas, coach.

Si Sibolinao ay nanalo ng 1st Place sa Editorial Writing English Elementary Level sa 2018 National Schools Press Conference (NSPC). Siya ay nagtapos sa Echelon Development School at nag-aaral na ngayon bilang Grade 7 sa Altavas National High School./ EFM Kalibo

65-ANYOS NA LALAKI SA BAYAN NG MAKATO ARESTADO SA PAGTUTULAK NG ILIGAL NA DROGA

Huli ang 65-anyos na lalaki na ito na nakilalang si Genaro Torno sa isang buy bust operation umaga ng Lunes sa Brgy. Calangcang, Makato.

Nakuha umano sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng Php1000 buy bust money. Mariin naman itong itinatanggi ng suspek.

Sa pagrekesa sa kanya, dalawa pang sachet ng kaparehong sangkap ang nasabat ng mga kapulisan.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang pagkakasangkot niya sa droga at ang mga nasabat mula sa kanya ay “itinanim” lamang umano ng operatiba.

Ikinasa ng Makato PNP station ang nasabing operasyon kasama ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit.

Nakakulong na sa Makato PNP station ang nasabing suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso./ EFM Kalibo

PROVINCIAL ASSESSOR NG AKLAN AT MUNICIPAL ASSESOR NG MALAY PINADIDISMISS NG OMBUDSMAN

Narito po ang disclosure na inilabas ng Boulevard Holdings, Inc. (BHI) sa naging desisyon ng Ombudsman sa isinampa nilang kaso laban kina Kokoy Baladjay Soguilon, Aklan provincial assesor at Erlinda Tumaob Casimero.

SUBJECT OF THE DISCLOSURE

Fire Out Decision by OMBUDSMAN. We copy you hereto the recently mailed OMBUDSMAN DECISION —upgrading from NEGLECT OF DUTY to GRAVE MISCONDUCT to violate the law—to fire from office the Provincial Assessor of Aklan and the Municipal Assessor of Malay, forfeiting their full retirement benefits as well as banning them in perpetua from holding any public office.

Decision for the ADMINISTRATIVE CHARGE and Resolution for Criminal Charge.

BACKGROUND/DESCRIPTION OF THE DISCLOSURE

The cause of this action is BHI’s Fridays Holdings, Inc. subsidiary’s complaint against these government officials for:

1) refusing to issue a proper 2015 tax declaration update of ownership by Fridays Boracay, and instead showing a bogus loan of several billions on the Tax Declaration and showing Mila Yap again as owner;

2) refusing to certify our 2014 Tax declaration, issued by the same assessor, showing us as owner of the 1,500 sq meters of land we bought from Mila Yap and family in 2009;

3) and conniving to dishonor our duly paid BIR Certificate Authorizing Registration (CAR) after paying 5 million in transfer taxes and their act to cancel our 2014 Tax Declaration of ownership of the parcel;

4) they used as an excuse the change in Assessment value from 2014 to 2015 as the reason to cancel our duly transferred ownership and 2014 Tax Declaration and give back ownership to Mila Yap and her allies.

In the meanwhile both Assessors stated until 2016 that the Tax Declaration showed Mila Yap as owner still.

***

NAME OF THE COURT OR AGENCY IN WHICH THE PROCEEDINGS ARE PENDING:
Office of the Ombudsman, Agham Road, Diliman, Quezon City

DATE INSTITUTED: Oct 25, 2017
DOCKET NUMBER: OMB_V-A-16-0292; OMB-V-C-16-0245
PRINCIPAL PARTIES:
*Friday's Holdings, Inc. (Plaintiff-Appellee)
*Kokoy Baladjay Soguilon (SG 26) (Respondent)
*Erlinda Tumaob Casimero (SG 24) (Respondent)

***

NATURE AND DESCRIPTION OF THE LEGAL PROCEEDINGS
Decision for the ADMINISTRATIVE CHARGE for neglect of duty that respondents are hereby found administratively liable of grave misconduct.

Resolution for the CRIMINAL CHARGE for there being a probable cause to indict respondents for violation of Section 3(e) of RA 3019 known as Anti-Graft and Corrupt Practices Act, as amended, let the corresponding information be filed with the Sandiganbayan.

The effect(s) on the Issuer's business or operations, if any

1. The OMBUDSMAN also took recognition of our properly executed purchase-sale of Mila Yap’s beach frontage parcel of 1,500 sq m.

2. In the final analysis, the passage of time shows Friday’s Holdings, Inc. own the property fair and square after paying the CAR.

4. RESOLUTION referring for filing of criminal charges and indicting for high probability of involvement in anti-graft and corrupt practices against the Municipal Assessor of Malay, Aklan and the Provincial Assessor of Aklan at the Sandiganbayan.

FILED ON BEHALF BY: Mauro Badiola (VP Finance/ Chief Corporate Information Officer & Alternate SEC Compliance Officer)

Sunday, June 10, 2018

8-KATAO ARESTADO DAHIL SA ILLEGAL NA SUGAL SA BATAN, AKLAN

Arestado ang walong lalaki sa Brgy Magpag ong Batan Aklan dahil sa illegal na sugal. Kinilala ang mg suspek na sina:

1. Dexter Villaruel y Bonifacio, 40-anyos;
2. Iluminado Conde y Cos, 66;
3. Jenry Paclibare y Baladjay, 38;
4. Alexander Canonigo y Barasola, 57;
5. Andy Pelonio y Andrade, 34;
6. Alberto Sabino y Prado, 69;
7. Reygie Duro y Florentino, 33; at
8. Ryan Bautista y Teodosio, 31.

Sa pahayag ng Batan PNP nakatanggap sila ng text (sms) mula sa Concern citizen na may nagaganap na illegal na sugal sa lugar.

Rumesponde agad sa lugar ang PNP at huli sa akto na nagpupusoy at nagmamadjhong raw ang dalawang grupo.

Narecover ang bet money na P330.00 sa mga naaresto.

Nakakulong ngayon sa Batan PNP station ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaso. / Archie Hilario, EFM Kalibo

BINATILYO SA BATAN, NALUNOD PATAY!

Patay ang 15 taong gulang na lalaki matapos malunod sa baybayin sakop ng Songcolan Batan, Aklan alas kwatro ng hapon.

Kinilala ang biktima sa pangalang John Loyd Gusi Santillan na taga Lupit Batan, Aklan.

Sa panayam kay P03 Kenneth Catuiran ng Batan PNP, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na kasama ng biktima ang mga barkada nito.

Uminom raw sila ng alak bago naligo sa dagat. Naghahabulan raw sila na
ng biglang lumayo ang biktima hanggang sa marating nito ang malalim na bahagi ng dagat at doon na nalunod.

Humingi sila ng tulong sa mga mangingisda at mga tao doon. Hinanap nila ang biktima at nakita lamang ito pagkaraan ng mahigit 30 minuto./ Archie Hilario, EFM Kalibo

EMPLEYADO NG LGU BANGA NADISKUBRENG PATAY SA LOOB NG BOARDING HOUSE SA ESTANCIA, KALIBO

Patay na ng madiskubre ng mga kaboardmate ang isang lalaki sa Villa Emilla Brgy Estancia alas 9:00 pasado ng umaga.

Kinilala ang biktima sa pangalang Billy Trugillo y Pulmano, 40 taong gulang, tubong Cantilan Surigao Del Sur, kasalukuyang empleyado ng LGU Banga.

Ayon sa mga kaboardmate nito, nakita nilang pumasok sa kwarto ang biktima noong Hunyo 8 pa ng gabi.

Nagtataka sila kung bakit hindi ito lumalabas ng kwarto, hanggang sa inusisa nila ito kaninang umaga at doon na nadiskubre ang bangkay.

Rumesponde roon ang SOCO at PNP. Pinayuhan ng SOCO ang pamilya na isailalim sa autopsy ang bangkay./ Archie Hilario, EFM Kalibo

43 ANYOS NA BABAE HINIPUAN SA DIBDIB NG LASING NA SUSPEK

Dumulog sa kalibo PNP ang isang 43 anyos na babae matapos umanong hipuan sa dibdib ng lasing na suspek.

Sa salaysay ng biktima, nanonood raw siya ng basketball sa kanilang Barangay nang biglang lumapit ang lalaki at agad dinakma at hinipuan ito sa dibdib.

Sinampal niya raw ang suspek pero ngumiti lang ito at umalis sa lugar.

Inirefer ng Kalibo PNP ang kaso sa Barangay./ Archie Hilario, EFM Kalibo