ARESTADO ANG isang 20-anyos na lalaki sa Makato, Aklan matapos mahulihan na nagdadala ng baril at mga bala ng walang kaukulang dokumento.
Kinilala ang suspek na si Alfred Kim Magallanes y Almanon, ng Roxas City, Capiz.
Nabatid na nagpapatrolya ang ilang tauhan ng Makato Municipal Police Station dakong 10:40 kagabi sa Brgy. Poblacion para magpatupad ng curfew nang mahuli nila ang suspek.
Napansin umano ng kapulisan ang tatlong lalaki na nakatambay sa waiting shed na dali-daling sumakay sa isang motorsiklo.
Naabutan umano ng kapulisan ang tatlo at hinanapan sila ng mga ID. Binuksan ng suspek ang kanyang bag at tumambad sa kapulisan ang 38 caliber revolver na may kasamang tatlong live ammunition.
Paliwanag ng suspek na pinadala lamang sa kanya ang baril ng kilala niyang guwardiya. Pupunta sana siya kasama ang dalawang iba pa sa isang okasyon sa Makato.
Inaresto ng Makato PNP ang suspek at pansamantalang ikinulong sa lock-up cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
Friday, July 19, 2019
Daeaga eumumpat sa tricycle matapos daehon sa konspisoyo nga lugar
File photo / Energy FM Kalibo |
SANGKA 19-ANYOS nga baye ro eumumpat sa anang ginasakyan nga tricycle matapos nga gindaea imaw it driver sa sangka 'suspesyoso' nga lugar sa banwa it Kalibo.
Do nasambit nga baye hay nagsakay kuno sa sangka tricycle halin sa Aklan Catholic College sa Archbishop Reyes St. ag manaog kunta sa ACC sa Roxas Avenue Extension.
Sa una may nakasakay kuno imaw nga sambilog nga nagpanaog sa PhilHealth Office sa D. Maagma St. pero sa pihak nga idiretso imaw sa eskwelahan hay gindaea ta kuno imaw sa sangka suspesyoso nga lugar sa Magdalena Village sa Brgy. New Buswang, Kalibo.
Suno pa sa estudyante ngara nangawa kuno imaw nga owa ta it katawo-tawo sa nasambit nga lugar ag naghambae pa kuno ro driver kana nga "malibot-libot anay kita ne".
Kinuebaan kuno ro baye ngara rason nga eumumpat imaw sa tricycle ag dumaeagan. Natabu ro insidente kahapon ag rayang adlaw imaw nagreklamo sa Kalibo PNP.
Suno kay PSSgt. Chris Paul Alejandro, imbestigador, nabuoe man ta it baye ro body number it tricycle ag natumod eon ro driver.
Nakataeana sigon nga ipatawag ro tricycle driver sa police station agud mabue-an man imaw it pagpahayag.##
"Toy Concours" gaganapin sa Kalibo
Sa mga toy collector o mga gunplay enthusiasts, ito na ang pagkakataon niyong ipamalas ang inyong talento.
Isang Toy Snapshot Contest kasi ang gaganapin dito sa baya ng Kalibo sa darating na Agosto 3 hanggang 5.
Sa contest na ito ay ipapakita ng mga kalahok kung paano bigyan ng buhay ang kanyang mga toy collection sa larangan ng photography.
Kasabay nito ay mayroon ding Gunpla Fun Build Off Contest. Dito ay ipapamalas naman ng mga kalahok sa iba kung paano ang tama at wastong paraan ng pagbuo ng Gundam Model Kit na nakaka-tuwang gawin.
Ang mga patimpalak na ito ay bahagi ng “1st Kalibo Toy Concours” na inorganisa ng grupong Hobbies Articulated Verse at ng Panay Toy Collection Hub na gaganapin sa CityMall Kalibo.
Magkakaroon din ng raffle draw kung saan ang mga kalahok ay may pagkakataong manalo ng iba't ibang toy collections mula consolation prizes at main prizes.
Maaaring makipag-ugnayan sa HAV Toys kung paano makasali at para sa karagdagan impormasyon.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Thursday, July 18, 2019
DENGUE ALERT: Sanggol sa Buruanga, Aklan namatay dahil sa dengue
KALIBO, AKLAN - Isang sanggol sa Brgy. Alegria, Buruanga,
Aklan ang namatay sa sakit na dengue habang ginagamot sa isang ospital sa Roxas
City, Capiz.
Sinasabi na ito ang kauna-unahang insidente ng may namatay sa sakit na dengue sa bayan ng Buruanga.
Narito ang salaysay ni Marlon Sulat sa kanyang facebook
post:
Nagpapaabot kami ng pakikiramay sa pamilya ng sanggol. Sinusubukan pa naming kunan sila ng salaysay.
Batay sa ulat ng Provincial Health Office nitong Hulyo 6 ang bayan ng Buruanga ay may 59 na naitalang kaso ng dengue nitong taon.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Tuesday, July 16, 2019
70% disaster preventive fund pwede nang magamit dahil sa 'Dengue Outbreak' sa Aklan
PWEDE NANG magamit nang gobyerno probinsiyal ang 70 porsyento ng disasters preventive fund kasunod ng deklarasyon ni Gov. Florencio Miraflores ng Dengue Outbreak sa Aklan.
Ang deklarasyon ay ginawa ng gobernador nitong Lunes sa pagpulong ng Provincial Anti-Dengue Task Force. Isang Executive Order ang nakatakdang lagdaan ng gobernador kaugnay rito.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay Dr. Cornelio Cuachon ng Provincial Health Office (PHO)-Aklan, kabilang sa posibleng pagamitan ng pondo ay ang pagbili ng mga karagdagang dengue testing kit at mga gamot.
Mababatid sa tala ng PHO-Aklan na umabot na sa 2,171 ang kaso ng dengue sa buong lalawigan sa taong ito, mataas ng 156 porsyento kumpara sa parehong peryod noong nakaraang taon. Labinlima na ang naitalang patay sa sakit sa taong ito.
Ang mga bayan ng Kalibo, Balete at Banga ay nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng dengue. Kapansin-pansin na sa mga nakalipas na linggo ay nakabilis ng pagtaas ng sakit sa buong lalawigan.
Samantala, napagkasunduan sa pagpupulong ng task force na isang sabay-sabay na paglilinis ang gagawin ng mga munisipalidad tuwing Biyernes, alas-3:00 hanggang alas-5:00 ng hapon at tuwing Sabado, alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, sa apat na magkakasunod na linggo.
Nakatakda namang sumailalim sa Memorandum of Agreement ang gobyerno probinsiyal sa tatlong pribadong ospital sa Aklan para i-admit ang mga dengue patient na hindi kayang mai-admit sa mga pampublikong ospital dito sa bayan ng Kalibo.
Ang mga pribadong ospital ay popondohan ng gobyerno para sagutin ang gastusin ng mga pasyente.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan (with report from Kasimanwang Jodel Rentillo), Energy FM Kalibo
KNOW: History of 'Tinuom ni Aewag' Festival in Madalag
'Tinuom'
The local word “Tinuom” describes a local highland dwellers recipe with native chicken as original ingredients. Other foodstuff such as fish, meat, and vegetables may be cooked this way. “Tinuom” is a way of cooking where the ingredients are wrapped in a leaf. Preferably banana leaf. The wrapper mix is cooked over boiling water or grill. The other basic ingredients of this dish includes salt pepper, onion and lemon grass, the fluid from the chicken itself cooks all the ingredients resulting in very flavorful soup.
'Tinuom ni Aewag' Festival
Madalag is one of the seventeen towns of the Province of Aklan that do not have a festival. For years of research and planning, Madalag has chosen a festival that would truly represent, illustrate and correspond to the identity and way of life of all the Madalagnons. Tracing back the pieces of the town’s history, the town’s name itself tells something about life –“madaeag’’ which means the yellowish color of the water coming from the creek maearag connotes life that is green, serene, calm, unexploited, virgin refreshing and sustaining.
Madalag was once ruled by a Datu named Aewag and by this time, early Madalagnons have their own and unique way of cooking - tinuom. Tinuom is a simple process or method of cooking foods, no particular cookware is needed and no artificial ingredients are used that makes it healthy and economical. The mixture of all the ingredients are wrapped in banana leaves and securely tied. It looks like a pouch when both ends of the leaves are tied together. The wrapped mixtures of ingredients are put on top of a flaming and glowing charcoal and it takes some time to cook.
Usually, Tinuom is made of native chicken locally called Tinuom nga manok but many other kind of fish, meat, vegetables and other ingredients may be cooked this way such as mushroom, ueang, dueupingan, kaeopdop, etc.
Spices are usually simple but abundant in town- aeabihig leaves, Lemon grass (tangead) and salt. A very minimal amount of water is added to the ingredients and the natural broth coming from it slowly cooks it, making the food unique and of delicious taste.
The launching of the Tinuom ni Aewag Festival of Madalag depicts the true nature of the town and of its people’s history and aspirations. The simplicity of this dish represents and reflects the lives of most Madalagnons – quite. Calm and uncomplicated yet full of faith, hope and love. It also signifies survival, unity, sincerity and religiosity – distinct marks in the timeline of Madalag’s history.
As we launch our Tinuom ni Aewag Festival, there is a high expectation that this will put our humble town in the map and do its share in contributing progress in the province, region and in the whole country. There is more to Madalag than its name. There is more to discover and unfold with the Inapo ni Aewag. Just like the tinuom, it is simple to look at, but full of surprises when opened and finally tasted.
Source: Madalag Mayor Alfonso Gubatina
Monday, July 15, 2019
Boracay, Cebu, Palawan pasok sa top 10 'Best Islands in Asia'
KALIBO, AKLAN - Tatlo sa mga Isla sa Pilipinas ang itinanghal na kabilang sa sampong "Best Islands in Asia" ng Travel and Leisure travel magazine nitong Hulyo 10, 2019.
Ang Palawan ay nasa pangalawang pwesto na itinanghal din na isa sa mga World's Best Islands ng parehong travel magazine. Pangpito ang Cebu habang pang-siyam ang Isla ng Boracay.
Narito ang buong listahan ng Top 10 Best Islands in Asia:
1. Sri Lanka (92.12)
2. Palawan, Philippines (90.87)
3. Bali, Indonesia (90.76)
4. Maldives (90.48)
5. Koh Lanta, Thailand (90.00)
6. Naoshima Island, Japan (87.43)
7. Cebu, Philippines (87.09)
8. Koh Samui, Thailand (86.94)
9. Boracay, Philippines (86.90)
10. Java, Indonesia (85.88)
Ang resulta ay batay sa pagboto ng mga mambabasa ng kilalang magazine. "Readers rated islands according to their activities and sights, natural attractions and beaches, food, friendliness, and overall value."##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
3 motorsiko nadisgrasya sa karerahan sa Numancia, 2 sugatan
photo: Lykshe Villanueva |
Dalawa ang nasugatan sa nasabing aksidente na kinilalang sina JR Jude Lota, 14-anyos, residente ng Brgy. Pusiw, Numancia, at Jonel Bayog, 16, residente ng Brgy. Albasan pawang mga driver ng motorsiklo.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Numancia PNP, nagkakarera ang tatlo Linggo ng umaga nang may lumikong van sa kanilang unahan.
Biglang nagpreno umano si Bayog dahilan para madisgrasya at matumba sa sementadong kalsada.
Nasagi naman ni Lota ang isa pang motorsiklo bago ito sumalpok sa likuran ng sinusundang van. Parehong natumba sa kalsada ang mga nasabing motorsiklo.
Agad isinugod ang mga sugatang driver sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital para magamot habang patuloy pang iniimbestigahan ng kapulisan ang insidente.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
17-anyos na lalaki patay sa karerahan ng motorsiklo sa Lezo
PATAY ANG isang 17-anyos na lalaki matapos madisgrasya sa menamanehong motorsiklo habang nakikipagkarera sa Brgy. Carugdog, Lezo hapon ng Linggo.
Kinilala ang lalaki na si Ericko Diaz y Galang, residente it Brgy. Agcawilan.
Sugatan naman ang kanyang angkas na si Joshua Taglay, 15, residente ng Brgy. Agcawilan sa nasabing bayan.
Ayon kay Taglay bumili umano sila ng alak sa Brgy. Carugdog nang makipagkarera sila sa mga nakasabay na motorsiklo habang papauwi.
Pagdating sa palikong bahagi ng kalsada ay naalangan umano ang driver dahil sa mabilis na patakbo dahilan para tumilapon sila sa palayan.
Parehong isinugod sa Provincial Hospital ang dalawa pero makalipas ang ilang oras ay binawian ng buhay si Diaz dahil sa malubhang sugat ng ulo.
Naka-confine naman ngayon sa Provincial Hospital si Taglay.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan (with report from Kas Joefel Magpusao), Energy Fm 107.7 Kalibo
Kinilala ang lalaki na si Ericko Diaz y Galang, residente it Brgy. Agcawilan.
Sugatan naman ang kanyang angkas na si Joshua Taglay, 15, residente ng Brgy. Agcawilan sa nasabing bayan.
Ayon kay Taglay bumili umano sila ng alak sa Brgy. Carugdog nang makipagkarera sila sa mga nakasabay na motorsiklo habang papauwi.
Pagdating sa palikong bahagi ng kalsada ay naalangan umano ang driver dahil sa mabilis na patakbo dahilan para tumilapon sila sa palayan.
Parehong isinugod sa Provincial Hospital ang dalawa pero makalipas ang ilang oras ay binawian ng buhay si Diaz dahil sa malubhang sugat ng ulo.
Naka-confine naman ngayon sa Provincial Hospital si Taglay.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan (with report from Kas Joefel Magpusao), Energy Fm 107.7 Kalibo
Sunday, July 14, 2019
Basura sa Caticlan, Malay pwedeng ipamalit ng bigas
KALIBO, AKLAN - Hinihikayat ngayon ng mga opisyal ng Barangay Caticlan sa bayan ng Malay ang kanilang nasasakupan na ipalit ng bigas ang nakolekta nilang basura.
Sa inilabas na panuntunan ng Barangay, ang isang kilo ng mga ginupit na plastic sachets o isang kilo ng mga mapapakinabangan pang mga plastic bottle ay pwedeng ipalit ng isang kilong bigas sa barangay hall.
Pero paalala ng Barangay na ang offer na ito ay para lamang sa mga taga-Caticlan at ang isang household ay maaari lamang makakuha ng limang kilong bigas bawat buwan.
Dapat din na nakagupit sa maliliit na piraso ang mga basurang plastik kagaya ng mga sachet samantalang ang mga plastic bottle naman ay malinis at maaari pang gamitin o iresiklo.
Pwedeng tanggihan ng person in-charge sa "Plastic Barter Store" ang mga basura na malalaman na kinolekta sa labas ng Brgy. Caticlan. Habang padadalhin rin ng eco-bag ang mga magpapalit ng basura para lagyan ng bigas.
Nananawagan ang Sangguniang Barangay sa mga nais suportahan ang inisyatibong ito sa pamamagitan ng pag-donate ng bigas o "any goods" sa tanggapan ni Punong Barangay Ralf Tolosa.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Operatives arrest habal-habal driver for possession of illegal drugs
[Updated] A habal-habal driver was arrested in a successful buy-bust operation staged at around 11:00PM of July 13, 2019 in Crossing Cubay Norte, Malay, Aklan.
The suspect was identified as Christopher Benignos, 25 years old, single, a Habal-habal (single motorcycle) driver from Brgy Dumlog, Malay, Aklan.
The operatives were able to recover from the possession and control of Benignos a zip-locked plastic containing suspected marijuana leaves, seeds and stem; buy-bust money, cash and cell phone.
This is a joint operation of Malay MPS, Aklan PDEU, PIB Aklan-PPO, HPG-Aklan, and PDEA-6.
Suspect will be charged for violations of Section 5&11 of R.A.9165 “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. (PSMS Christopher Mendoza, PCR PNCO)/Malay PNP
Subscribe to:
Posts (Atom)