Wednesday, January 10, 2018

PINANINIWALAANG MIYEMBRO NG SALISI GANG UMATAKE SA MAKATO PUBLIC MARKET; SUSPEK PINAGHAHANAP NA NG MGA AWTORIDAD

Pinaghahanap ngayon ng mga kapulisan ang lalaking ito na nakunan ng close circuit television matapos pagnakawan ang isang tindahan sa Makato Public Market.

Nitong Linggo, nagreklamo sa tanggapan ng Makato PNP ang negosyanteng si Luzvimenda Regalado na nakawan umano siya ng di pa nakikilalang suspek.

Salaysay ng biktima, pumasok umano ang suspek sa kanyang tindihan para bumili ng shampoo sa manok. Nagkakahalaga ng Php90 ang kanyang binili at sinuklian siya ng biktima ng Php910.

Ilang sandali ay bumalik umano ang suspek sa kanyang pwesto at sinabing Php500 lamang ang ibinigay niyang pera. Sinabi pa niya na may dugo ang perang ibinayad niya bilang palantandaan.

Nag-alala naman ang biktima at naging abala sa paghahanap sa naturang pera. Nalaman nalang niya kalaunan na nawawala na ang kanyang Php20,000 at pinaniniwalaang natangay ng suspek.

Mabilis namang nakaalis ang suspek sa lugar.

Nanawagan naman ang Makato PNP na kung sinoman ang nakikilala sa lalaking ito na pinaniniwalaang miyembro ng salisi gang ay magreport lamang agad sa mga kapulisan.

MGA KABATAAN "HUMUGOT", NAGTULA, KUMANTA PARA KAY CHENNIE

"Humugot", nagtula at kumanta ang ilang mga kabataan para makalikom ng pondo para sa isang Arteriovenous Malformation (AVM) patient.

Ang palabas na ito sa NVC Gymn ay inorganisa ng Aklan Literati (Aklit) – The Unspoken.

Nabatid na ang organizer ng event ay nakalikom ng nasa Php28,000 na ilalaan para sa pagpapagamot ni Chennie Del Rosario.

Si Del Rosario, 18 years old, ay kasalukuyang ginagamot ngayon sa isang ospital sa Maynila.

Ang accounting student ay sasailalim sa operasyon na posibleng gumastos ng nasa isang milyon.

Umaapela parin ng tulong pinansiyal at dasal ang pamilya para sa paggaling ng biktima.

ANO ANG AVM?

“An AVM is a tangle of abnormal and poorly formed blood vessels (arteries and veins). They have a higher rate of bleeding than normal vessels. AVMs can occur anywhere in the body.  Brain AVMs are of special concern because of the damage they cause when they bleed. They are very rare and occur in less than 1% of the general population.” (http://brainavm.uhnres.utoronto.ca/malformations/brain_avm_index.htm)

LALAKI BINARIL PATAY SA KALIBO AKLAN

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa Toting Reyes St. Kalibo Aklan. 

Naganap ang insidente pasado alas dose ng madaling araw. 

Kinilala ang biktima sa pangalang Randy Metchabe na nagtamo ng siyam na sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.