Saturday, September 15, 2018

LOLO ARESTADO SA MALAY SA KASONG FRUSTRATED MURDER

ISANG 66-ANYOS na lolo ang inaresto ng mga kapulisan sa Brgy. Motag, Malay dahil sa kasong frustrated murder.

Kinilala sa report ng kapulisan ang akusado na si Wenceslao Delgado Taunan Jr., residente ng nasabing lugar.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa ilalim ng criminal case no. 2216 na nilagdaan ni Judge Romulo Arellano, RTC Branch 6.

Ikinasa ng kapulisan ang operasyon araw ng Huwebes sa pangunguna ng Aklan Trackers Team.

Pansamantala siyang ikinulong sa Kalibo PNP Station bago dinala sa kaukulang korte.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Friday, September 14, 2018

BILANG NG MGA COMPLIANT NA ESTABLISYIMENTO SA BORACAY NABAWASAN PA

IKINAGULAT NI Senator Cynthia Villar na nabawasan pa sa halip na madagdagan ang bilang ng mga establisyemento sa Boracay ang itinuturing na enviromental compliant na.

Sa deliberasyon para sa hinihinging P24.417 billion budget ng DENR para sa susunod na taon tinanong ni Villar ang ahensya kung nadagdagan na ang 30% compliance ng mga establisyemento sa Boracay para sa pagbubukas ng isla sa October 26.

Si Environmental Usec. Jonas Leanos ang sumagot at sinabi nito na umaabot sa 2,300 ang bilang ng mga establisyemento sa Boracay kung saan 180 pa lamang ang full compliant sa kanila.

Dahil dito nagulat ang senadora dahil noon sa pagdinig sa Boracay isyu sinabi ng DENR na 30% na ang compliance subalit ngayon ay lumalabas lamang na 7.8 % kaya’t malinaw na bumaba pa.

Pagtitiyak naman ni Environment Sec. Roy Cimatu na bago ang pagbubukas ng isla ng Boracay makakapag-comply na ang lahat ng negosyo sa Boracay.

Ngunit duda dito si Villar dahil 44 araw na lamang ang nalalabi para sa muling pagbubukas ng Boracay sa publiko at may binabalak pa ang DENR na dry run sa Oktubre 18.##

- Radyo Inquirer

BILANG NG TURISTA SA BORACAY LILIMITAHAN NG PAMAHALAAN

LILIMITAHAN NA ng gobyerno ang bilang ng mga turista sa Boracay island kapag nagbukas ito sa Oktubre matapos ang anim na buwang rehabilitasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, base sa rekomendasyon ng interagency na binubuo ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Tourism (DOT), nasa 19,215 lamang na turista ang papayagang manatili sa Boracay kada araw habang 6,000 ang tourist arrival kada araw.

Sinabi pa ni Roque na bukod sa paglilimita sa mga turista, lilimitahan na rin ang noise pollution o ingay sa Boracay.

Dagdag ni Roque, tutugunan na rin ng pamahalaan ang solid waste management sa isla.

Matatandaang Abril ng taong kasalukuyan nang iparasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Boracay para bigyang-daan ang rehabilitasyon dahil sa pagiging cesspool na nito.##

- Radyo Inquirer

LALAKI SA OLD BUSWANG SINAKSAK NG SUSPEK NA NAKASALUBONG!

Sinaksak at pinagsusuntok pa ng nakasalubong na suspek ang 18 anyos na lalaki sa Brgy Old Buswang Kalibo.

Kinilala ang biktima sa pangalang Joshua Pioquid Rodriquez, residente ng Sitio Ibog, Brgy Old Buswang Kalibo.

Kinilala naman ang suspek sa pangalang Jerick Andrade alyas Opong ng Bakhaw Sur Kalibo.

Naganap ang insidente pasado ala-una ng madaling araw, papauwi raw ang biktima mula sa (baylehan) kasama ang dalawa nitong kaibigan nang makasalubong ang grupo ng suspek. Nilapitan umano ng suspek ang biktima, sinuntok saka sinaksak sa likod.

Matapos ang insidente agad tumakas ang suspek kasama ang mga kaibigan.

Samantala isinugod naman ng mga rumespondeng tanod ang biktima sa Provincial Hospital.
Patuloy itong ginagamot sa nabanggit na Hospital.

Samantala patuloy pa ang paghahanap ng kapulisan sa suspek.

- Archie Hilario, Eergy FM Kalibo

Thursday, September 13, 2018

MAGLIVE-IN PARTNER NA NAGBEBENTA NG MGA PEKENG PERA KINASUHAN NA

[UPDATE] Sinampahan na ng kaso sa pamamagitan ng inquest proceeding araw ng Huwebes ang mag-live-in partner na nahuli ng kapulisan na nagbebenta ng mga pekeng pera sa Kalibo.

Matatandaan na umaga ng Miyerkules arestuhin sina Jemar Elera, 32-anyos, tubong Negros Occidental at Eubol Marcon, 40, tubong Iloilo at parehong mga residente ng Oyo Torong St., Kalibo.

Sa ikinasang buy bust operation, nabilhan ng dalawang pirasong pekeng Php1,000 bill ang lalaking suspek kapalit ng Php600 buy bust money.

Nasabat naman ng kapulisan sa bahay ng mga suspek ang 147 piraso ng parehong peso bill na pawang mga peke.

Sila ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code o "For: Illegal Possession of Counterfeit Treasury and Bank Notes".

Nakapiit na ang dalawa sa Aklan Rehabilitation Center. Php72,000 ang itinakdang piyansa para sa bawat isa sa kanila.##

PATAY NA NATAGPUAN SA TABING BAYBAYIN NG NABAS BINUGBOG BAGO NALUNOD

[UPDATE] Lumabas na ang resulta ng autopsy examination sa lalaki na natagpuang patay sa tabing baybayin ng Brgy. Union, Nabas umaga ng Linggo.

Ayon kay PO3 Zaldy Belen, imbestigador ng Nabas PNP, batay sa resulta binugbog at pagkalunod ang pagkamatay ni Edmar Bentoso, 22-anyos.

Si Bentoso ay laborer ng Datem Inc. sa nabanggit na barangay at tubong Sitio San Juan, Brgy. San Roque, Libertad, Antique.

Napag-alaman na gabi ng Sabado ay nakipag-inuman ang biktima sa isang videoke bar sa nasabing barangay kasama ang mga katrabaho niya sa Datem Inc.

Base umano sa kanyang mga kasama, nagpaalam umano ito sa kanila dakong alas-12:55 ng umaga para umuwi sa kanilang barracks.

Linggid sa kanilang kaalaman ang nangyari sa biktima bago ito natagpuang nakalutang sa tubig at wala ng buhay. Nakitaan ito ng mga sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan.

May mga persons of interest na ang Nabas PNP. Inaalam pa ang motibo sa likod ng nasabing krimen at kung ito ay may mga kaalit.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, September 12, 2018

MAG-LIVE-IN PARTNER ARESTADO SA PAGBEBENTA NG MGA PEKENG PERA SA BAYAN NG KALIBO

INARESTO NG kapulisan ang mag-live-in partner na ito sa bayan ng Kalibo umaga ng Miyerkules dahil sa pagbebenta ng mga pekeng pera.

Kinilala ang mga suspek na sina Jemar Elera y Magbanua, 32-anyos, tubong Negros Occidental at Eubel Marcon y Esposo, 40, tubong Iloilo at parehong mga residente ng Oyo Torong St., Kalibo.

Sa ikinasang buy bust operation, nabilhan ng dalawang pirasong pekeng Php1,000 bill ang lalaking suspek kapalit ng Php600 buy bust money.

Nasabat naman ng kapulisan sa bahay ng mga suspek ang 147 piraso ng parehong peso bill na pawang mga peke.

Ayon kay PO2 Erick John De Lemos, imbestigador ng Kalibo PNP, ikinasa nila ang operasyon laban sa dalawa makaraang makatanggap ng reklamo mula sa isang sibilyan kaugnay ng iligal nilang gawain.

Ipinasuri agad ng kapulisan ang mga nasabat na pekeng pera sa Bangko Sentral ng Pilipinas at napatunayang huwad ang mga ito.

Sa panayam sa lalaki sinabi niya na kanya ang mga pekeng pera. Kinukuha niya umano ito sa Cebu. Nasa tatlong linggo na umano siyang sangkot sa nasabing gawain.

Sinabi pa ng suspek na ilang pekeng pera na ang kaniyang naibenta. Kaugnay rito nanawagan naman si De Lemos sa taumbayan na kilatising maagi ang pera at kapag nalamang peke ay ireport agad sa kapulisan.

Nakakulong na ngayon ang dalawa sa Kalibo PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

PITONG PULIS SA BANGA KINASUHAN MATAPOS MAHULING NATUTULOG SA POLICE STATION

KINASUHAN ANG pitong pulis sa Banga Municipal Police Station makaraang nahuling natutulog sa isinagawang spot inspection ng National Police Commission.

Ito ang binanggit ni Romel Sta. Ana, Law Enforcement Evaluation Officer II ng Napolcom 6, sa panayam ng Energy FM Kalibo gabi ng Martes.

Ang spot inspeksyon aniya ay ginawa noong nakaraang buwan sa pangunguna mismo ni Napolcom 6 Regional Director Joseph Celis.

"Pagdating niya doon mga 10:30 ng gabi meron siyang nakitang pitong pulis na natutulog. Ginawan niya ng report yan pagkatapos may due process tayo nagfile tayo ng kaso sa kanila," pahayag ni Sta. Ana.

Sa kabila nito sinabi niya na on duty parin ngayon ang mga pulis na ito. Binigyan umano sila ng pagkakataong makapagpaliwanag sa kaso na isinampa laban sa kanila.

Samantala, sinabi pa ng opisyal na bukas ang tanggapan ng Napolcom sa mga nais magreklamo sa kapulisan.

"Kung may mga pulis na nag-abuso sa inyo ay maaari kayong tumungo sa tanggapan ng National Police Commission para makakuha ng kaukulang atensiyon at mabigyan ng solusyon ang mga problema ninyo." ##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

CONSTRUCTION NG POBLACION-MAGUGBA BRIDGE SA LIBACAO ISINUSULONG

ISINUSULONG NGAYON ng pamahalaang lokal ng Libacao ang pagtatato ng tulay na mag-uugnay sa mga barangay ng Poblacion at Magugba sa kanilang bayan.

Ayon kay Libacao Vice Mayor Vincent Navarosa bumisita umano siya sa Malacañang at personal niyang nakausap si Special Assistant to the President Bong Go kaugnay rito.

Mababatid na matagal nang hiling ng mga tao ang pagkakaroon ng nasabing tulay na mag-uugnay sa halos kalahati ng bayan sa town proper.

Iginiit ng bise alkalde na nananatiling mahirap ang bayan ng Libacao sa buong rehiyon dahil sa suliraning ito kung saan 11 sa 24 na mga barangay ay nahiwalay dahil sa Aklan river.

Isinaad pa niya na wala pa kahit ni isa mang tulay na nag-uugnay sa kalahati ng bayan. Mababatid na gumagamit ng balsa at bangka ang mga taga-Libacao para makatawid na dahilan umano ng ilang mga aksidente.

Pinasiguro umano sa kanya ni SAP Bon Go na prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng nabanggit na tulay kagaya ng nakapaloob sa National Infrastructure Program.

"Finally, our people will have an equal fighting chance to fight poverty. ito ang Tunay na biyaya ng pagbabago," sabi ni Vice Mayor Navarosa.

Samantala, maliban sa proposal sa konstruksiyon ng tulay isinusulong rin ng pamahalaang lokal ng Libacao ang pagtatayo ng revetment wall na magpopoprotekta sa Brgy. Magugba.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

PAGREGULATE SA PAG-AALAGA AT PAGPAPALAHI NG MGA BARAKONG BABOY APRUBADO NA NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa na magre-regulate sa pag-aalaga at pagpapalahi ng mga barakong baboy sa probinsiya ng Aklan.

Itinatakda sa General Ordinance 2018-015 ang pagrerehistro ng mga barakong baboy sa Office of the Provincial Veterinarian.

Bago ito kailangan munang kumuha ng endorsement sa Barangay, mga sertipikasyon mula sa Municipal Agricultural Officer o Municipal Agriculturist at sa Municipal Agricultural and Fishery Council Chairperson, at ng Veterinary Health Certificate.

Ang mga rehistradong baboy ay lalagyan ng easy-to-read coded ear tags. Kailangan din umanong umayon sa pamantayan ng Department of Agriculture ang kulungan ng mga baboy at ang ginagamit na behikulo.

Ang mga lalabag sa ordinansa ay posibleng pagmultahin ng mula Php1,500 hanggang Php2,500. Pwede ring makansela ang rehistro sa OPVET.

Ang ordinansa ay ipapatupad simula Enero ng susunod na taon ng mga pamahalaang bayan at ng probinsiya.
Una nang sinabi ng may-akda na si SP member Soviet Dela Cruz na layunin ng ordinansa na mapaganda ang produksiyon ng karne sa probinsiya at para sa pagbuo ng tracking mechanism.

Base sa report ng Office of the Provincial Veterinarian malaking bahagi ng mga barakong baboy sa Aklan ay inaalagaan sa bakuran samantalang limang porsyento lamang ang nasa commercial.

Karamihan din umano sa nag-aalaga o operator ay nagpapalahi sa parehong barakong baboy sa kanya ring pamilya. Nagdudulot umano ito ng depekto o sakit sa mga isinisilang na baboy.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Tuesday, September 11, 2018

AKLAN INFLATION REACHES 7.2%

AKLAN’S INFLATION rate picked up by 7.2 percent in August from 1.9 percent a year ago, according to the Philippine Statistics Authority.

The rapid growth comes as the Alcoholic Beverages and Tobacco index hits 23.8 percent, and Transport with 11.4 percent.

This is further pushed by higher annual mark-ups of other commodity groups such Food and Non-Alcoholic Beverages (8.9 percent), Recreation and Culture (8.3 percent), Restaurant and Miscellaneous Goods and Services (6.9 percent), Furnishings, HH Equipment and House Maintenance (5.4 percent), Clothing and Footwear (5.0 percent), Health (3.4 percent), Housing, Water, Electricity, Gas (HWEG) and Other Fuels (2.5 percent), Communication (1.0 percent).

Only Education showed a slower price movement at -21.1 percent.

On a monthly basis, consumer prices inched up by 1.8 percent, an increase over the previous month with 0.5 percent.

Five commodity groups exhibited higher increment comprising of Recreation and Culture (4.2 percent), Food and Non-Alcoholic Beverages (3.5 percent), Transport (1.6 percent), HWEG and Other Fuels (0.2 percent), and Restaurants and Miscellaneous Goods and Services (0.1 percent).

The rest of commodity groups retained its previous month’s rates.

The increase in price index across heavily-weighted food items was pushed by increments in Rice (9.8%), Bread and Cereals (7.6%), Fish (5.1%), Sugar, jam and related products (3.1%), Vegetables (2.2%), Fruit (2.0%), Oils and Fats (0.1%), Flour and Cereal Preparations (0.1%), and Milk, Cheese and Eggs (0.1%).

No price movement were observed in Corn, Food Products NEC, and Non-Alcoholic Beverages and Tobacco.

As a result of price increase, the purchasing power of peso in Aklan in August was pegged at P0.85, which means that one peso (P1.00) in August 2012 is worth 85 centavos (P0.85) in August 2018.##

- PSA-Aklan

MAGKAPATID NAGSAULI NG LAPTOP NA NAIWAN NG KANILANG PASAHERO!

Sila ang magkapatid na John Robert Ocampo at Jay Marvin Ocampo, ng Pusiw Numancia Aklan, mga tapat na Aklanon na nagsauli ng Laptop na naiwan ng kanilang pasahero sa pinapasadang tricycle.

Dahil linggo ngayon napagkasunduan raw nila na tulungan ang kanilang magulang at sila na muna ang namasada ng kanilang tricycle.

Ang laptop ay pagmamay-ari ng DEPEd.

TULINGON ROAD SA NABAS BUBUKSAN NA SA LAHAT NG MGA SASAKYAN

BUBUKSAN NA sa lahat ng mga sasakyan ang Tulingon road sa bayan ng Nabas sa darating na Setyembre 15.

Ito ang kinumpirma ni Department of Public Works and Highway - Aklan District Engr. Noel Fuentibilla sa Energy FM Kalibo umaga ng Lunes.

Pero nilinaw niya na kalahating bahagi lamang ng kalsada ang pwedeng daanan.

Binubuhusan pa umano ang kabilang bahagi ng kalsada at nagdadagdag pa ng mga suporta sa ilalim para maging matibay ito.

Posible aniyang matapos nila ang buong rehabilitasyon ng kalsada sa huling araw ng Setyembre.

Matatandaan na nagsimulang gumuho ang bahagi ng kalsada rito makaraan ang paghagupit ng bagyong Urduja sa Aklan Disyembre ng nakaraang taon.

Samantala, sa kasalukuyan ay maaaring makadaan ang mga motorsiklo sa ginagawang kalsada anumang oras ayon sa DPWH.

May mga nag-aantay rin na mga sasakyan sa magkabilang bahagi para sa mga bumibiyahe patungong Caticlan o Kalibo.##

- - Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

NEW WASHINGTON MAYOR PABOR SA BATAN-NEW WASHINGTON BRIDGE BASTA IDAAN SA PUBLIC CONSULTATION

PABOR SI New Washington Mayor Shimonnete Francisco sa planong pagtatayo ng tulay na magdurugtong sa kanilang bayan at bayan ng Batan.

Gayunman sinabi ng alkalde sa pagdinig sa Sangguniang Panlalawihan na dapat ay idaan muna ito sa pagdinig ng publiko upang alamin ang kanilang panig.

Giit niya marami ang mawawalan ng trabaho kapag naitayo na ang tulay kabilang rito ang mga kargador sa Dumaguit Port at mga ferry boat operators.

Dapat aniyang mailatag muna ang program of works, ang pangkabahuyang ipapalit sa mawawalan ng mga trabaho at kung anong uri ng tulay ang itatayo.

Matatandaan na una nang nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Batan na humihingi ng pondo sa Department of Public Works and Highway para sa naturang proyekto.

Ayon kay Batan SB member Erick Del Rosario, ang resolusyon ay inihain at inaprubahan kasunod umano ng hiling ni Batan Mayor Rodel Ramos.

Sa inisyal na pag-uusap umano ni Mayor Ramos sa mga opisyal ng DPWH ay ipinasusumite siya ng resolusyon para sa nasabing proyekto. Ang feasibility study ay isusunod umano nila.

Ang dalawang bayan ay ipinatawag sa Sangguniang Panlalawigan upang pakinggan ang kanilang mga panig. Una nang humingi ng endorsement ang SB Batan sa SP sa kanilang resolusyon.

Tinanggihan ng SP na bigyan ng endorsement ang SB Batan sa kanilang resolusyon dahil hindi pa handa ang kabilang bayan sa halip ay iminungkahi na idirekta nalang na ipadala sa tanggapan ng Kalihim ng DPWH.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

PARTY IPAGBABAWAL NA SA PAGBUBUKAS NG BORACAY

SA PAGBUBUKAS ng Boracay sa buwan Oktubre, hindi na papayagan ang mga party sa isla.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, ipinagbabawal na ito upang mapanatili ang ganda at manumbalik ang kulay ng buhangin ng isla.

Matapos ang anim na buwang rehabilitasyon, magbubukas ang isla para sa dry run mula October 15 hanggang 25.

Ayon kay Antiporda, ang mga otoridad ay magpapatuloy sa pag-oobserba at pag-iimbestiga sa mga waste water na magmumula sa mga hotel at resort na maaaring lumabag sa mga environmental guidelines.

Umaasa naman si Antiporda sa posibilidad na makita ang ecotourism sa pamamagitan nito.##

Radyo INQUIRER

SUSTAINABLE RURAL DEVELOPMENT MAKAKAMIT GAMIT ANG ELEKTRISIDAD AYON KAY NEA ADMINISTRATOR EDGARDO R. MASONGSONG

“Hinahangad ng gobyerno na makamtan ang rural development…. gamitin natin ang elektrisidad para lumago ang kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino. Ang pangarap ng NEA, “A dynamic and responsive NEA that is a vanguard of sustainable rural development in partnership with globally competitive electric cooperatives and empowered electricity consumers.” Kailangan makamit natin ang sustainable rural development sa pamamagitan ng partnership ng NEA, electric cooperative, at kayo mga member consumer owners.”

Vision, pangarap, gabay sa daang tinatahak, dito umikot ang mensahe ng naging panauhing pandangal ng AKELCO , NEA Administrator Edgardo R. Masongsong sa nakalipas na 35th Annual General Membership Assembly noong September 1, 2018. Sa kanyang mensahe, namulat ang mahigit labing-pitong libong member-consumer-owners na dumalo sa kahalagahan ng rural electrification program ng gobyerno kasama ang NEA at mga electric cooperatives na nagsimula pa sa panunungkulan ng dating Presidente Ferdinad Marcos at pinagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Napukaw rin ang kamalayan ng mga tagapakinig sa mahalagang papel ng NEA at mga electric cooperatives kabilang na ang AKELCO sa pagsakatuparan ng rural electrification program.

“Nag-umpisa po ako sa rural electrtification program sa electric cooperative dito po sa AKELCO. AKELCO actually made me the administrator of the National Electrification Administration. Kung hindi po ako nakasama para ayusin ang AKELCO baka hindi po ako naging administrator sa ngayon.”

Malinaw na naisalarawan ni Admin. Masongsong ang daang tinatahak ng gobyerno sa ngayon at eto ay patungo sa sustainable rural development kasama ang NEA at mga electric cooperatives-na upang makamit kailangang makilahok ang mga member-consumer-owners. Ang bagong Vision ng National Electrification Administration sa ngayon na naglalaman ng mahalagang direksiyon patungkol sa sustainable rural development ay pinagsikapang buuin ng buong kawani ng NEA sa ilalim ng kanyang paggabay.

“Maganda ngayon na nagkakaisa ang mga electric cooperatives…kahit lang sa karatula. Lahat ng EC’s ngayon na 121pare pareho ang signage. Sana mangyari rin na may pare-parehong uniporme sa suporta ng mga electric cooperatives“, aniya. Sa pagsasaayos ni NEA Admin. Masongsong na pagkaisahin ang lahat na electric cooperatives kasama sa pag-organisa ng mga allied organizations, kaniya ring binigyang diin ang kahalagahan ng empowerment o pakikilahok ng mga member-consumer-owners sa lahat ng gawain ng kooperatiba. Kaniyang ipinaalam na may kilusang binuo para sa mga member-consumer-owner noong April 26, 2017 na tinawag na NCEECO National Center of the Electric Cooperative Consumers.

“Kailangan ma-educate, maorganisa tayo, kailangan ma-empower, kailangan ma-enhance, maging in able, mag-engage.” Kaniyang ring ipinaalam ang pagsagawa ng National Headquarters sa Tarlac. Magtatayo rin ng ECCO Bank o Electric Coop. Consumer-Owned Bank sa tulong ng REFC (Rural Electrification Finance Corporation)tulong sa mga electricity consumers sa paghahanda sa cash-less society na Pilipinas sa ilang taon na darating Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, inimbitahan ni Amin. Masongsong ang lahat na maging kasapi ng NCEECO-na maging kaparti ng kilusan sa pagsakatuparan ng minimithing pangarap.##

- Akelco

THE BANGA RURAL HIGH SCHOOL (NOW AKLAN STATE UNIVERSITY BANGA CAMPUS)

Photo credits: Edwin Trompeta
The Aklan State University (ASU) is considered as one of the institutions of learning in Western Visayas. It started as the Banga Intermediate School in 1917 through a resolution passed by the Provincial Board headed by Governor Simeon Mobo. The school became a farm school with the conversion of the Banga Intermediate School into the Capiz Farm School (Aklan being a part of Capiz then), which was formally opened in June 1918.

As the enrollment increased considerably, the school was converted into a secondary rural school in 1928 and was named the Banga Rural High School. Through Republic Act No. 3439 authored by Congressman Jose B. Legaspi, the Banga Rural High School was named the Aklan Agricultural College (AAC) in 1963.

A two-year technical course was first offered. Subsequently, the college was permitted to offer Bachelor of Science in Agriculture (BSA) program, with Agronomy and Animal Husbandry as major fields on May 19, 1966. In the seventies, the College further strengthened its instruction program and continued to expand its higher education services by offering other baccalaureate courses. In addition, it offered graduate and post graduate programs to cater to the needs of professionals who seek for career and intellectual advancement.

Having met the standards and requirements of an agricultural state college, the Aklan Agricultural College was converted into the Aklan State College of Agriculture (ASCA) on April 10, 1992 by virtue of Republic Act No. 7371, which was sponsored by Congressman Ramon B. Legaspi Sr. Pursuant to pertinent provisions of R.A. 7722, and R.A. 8292, as well as R.A. 8745 or the General Appropriations Act of 1999, four (4) CHED-supervised institutions were integrated to ASCA in 1999. These were the Roxas Memorial College of Arts and Trades (RMCAT) in Kalibo; the Aklan National College of Fisheries (ANCF) in New Washington; the Northern Panay Teachers College (NPTC) in Makato; and the Western Aklan Polytechnic College (WAPC) in Ibajay. But better things came for ASCA.

The consolidated version of House Bill 1548 authored by Congressman Allen S. Quimpo and Senate Bill 2236 were passed on final reading on February 5, 2001, and on January 29, 2001, respectively. On April 4, 2001, R.A. 9055 entitled "An Act Converting the Aklan State College of Agriculture in the Municipality of Banga, Province of Aklan into a State University to be known as the Aklan State University, appropriating Funds Therefore and for Other Purposes" was finally signed into law by President Gloria Macapagal-Arroyo which elevated the former ASCA to Aklan State University (ASU).##

- Ro Akeanon

Monday, September 10, 2018

DANNY FAJARDO, FOUNDER NG PANAY NEWS PUMANAW NA

Ang Energy FM Kalibo ay nalulungkot sa pagpanaw ng aming kasama sa larangan ng pamamahayag - Danny Fajardo, founder ng kilalang pahayagang panrehiyon - Panay News at isa sa mga haligi ng pamamahayag sa Western Visayas.

Sunday, September 09, 2018

BANGKAY NG ISANG LALAKI NATAGPUAN SA TABING BAYBAYIN SA NABAS

ISANG BANGKAY ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa tabing baybayin ng Brgy. Union, Nabas umaga ng Linggo.

Kinilala ang biktima na si Edmar Bentoso, 22-anyos, laborer ng DATEM Inc. sa Brgy. Union at tubong Sitio San Juan, Brgy. San Roque, Libertad, Antique.

Batay sa paunang ulat ng Nabas PNP, unang nakita ni Romeo Baricautro ang nasabing biktima.

Agad umano siyang humingi ng saklolo sa guwardiya sa Caticlan Airport malapit lang sa lugar na sila namang nagpaalam sa mga kapulisan.

Hinango ang bangkay sa tubig at isang pagsisiyasat ang ginawa ng SOCO sa lugar at sa katawan ng biktima.

Nakitaan umano ito ng mga sugat sa ulo, mata, bibig at mga galos sa dibdib. May mga dugo rin umanong nakita sa buhangin.

Narekober ng mga otoridad sa kanyang pantalon ang cellphone, lighter, at wallet na may mga lamang pera, payslip at ID.

Dinala na sa isang punerarya ang biktima at nakatakdang isalalim sa post mortem at autopsy examination upang matiyak ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Nabas PNP hinggil sa nasabing kaso.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

LALAKI TINAGA, PATAY SA BAYAN NG MADALAG NG KANYANG MANUGANG

DEAD ON THE spot ang isang lalaki sa Brgy. Dit-ana, Madalag makaraang tagain ng sariling manugang umaga ng Sabado.

Kinilala ang biktima na si Junie Seleno, 51-anyos samantalang ang suspek ay si Jernel Narce, parehong mga residente ng Brgy. Medina, Madalag.

Ayon kay SPO2 Abdon Demateo, imbestigador ng Madalag PNP, naganap ang insidente nang magkita ang dalawa sa Bgry. Dit-ana habang nangangahoy.

Inamin ng suspek ang nagawang krimen at boluntaryong sumuko sa mga otoridad. Nabatid na may dati silang di pagkakaunawaan.

Napag-alaman na nasa pitong buwan nang magkahiwalay ang anak ng biktima sa suspek.

Nagtamo ng malubhang sugat ng pagtaga sa leeg ang biktima dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Isinuko rin ng suspek sa kapulisan ang sugar cane cutter o "ispading" na ginamit sa krimen.

Nakakulong na ngayon sa Madalag PNP Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo