Saturday, July 13, 2019

PRO 6 new top cop visits Aklan


Police Regional Office 6 new Regional Director, PBGEN Rene P Pamuspusan, conducted his first command visit in Aklan Police Provincial Office yesterday morning at Camp Pastor Martelino, New Buswang, Kalibo, Aklan.

Pamuspusan assumed his post last June 27 after the then regional director, PBGEN John C Bulalacao has retired in service.

During the command conference, Acting Provincial Director of Aklan PPO, PCOL ESMERALDO P Osia Jr., presented the situational updates of the province.

Likewise, the new regional director gave his guidance to all Aklan PPO personnel. In his message he said that he will not tolerate any illegal or criminal activities in Western Visayas and will strictly implement internal cleansing within his ranks.

 “During my watch, it will be a zero-tolerance to all criminalities and illegal activities. Likewise, all PNP personnel who will commit unlawful actions will be justly punished or sanctioned, if evidence warrants that they truly committed the offense. We are quick in giving rewards to our personnel but also swift in giving punishments to those who will lead the wrong path. Impartial and swift justice shall always be our priority in dealing with every issue that will confront the PNP,” he quipped.

Pamuspusan also made his appeal to the men and women of Aklan PPO to give their full support and cooperation in all the endeavors, programs and projects that he is going to put into action during his term of office as the region’s top cop.### (PSSG C. Lagatic)

Ma. Jane C Vega
Police Corporal
Aklan PPO, PIO PNCO

Dengue patient pwede nang maadmit sa mga pribadong ospital sagot ng gobyerno

Pwede nang maadmit ang mga dengue patient sa mga pribadong hospital sa Aklan na hindi kayang i-admit sa government hospital dahil sa kakulangan ng pasilidad.

Ito ay kapag nalagdaan na ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng gobyerno probinsiyal ng Aklan at mga pribadong pagamutan.

Ito ang sinabi ni Dr. Cornelio Cuachon ng Provincial Health Office (PHO)-Aklan sa panayam ng Energy FM Kalibo Biyernes ng umaga. Katunayan, minamadali na aniya ang paglagda rito.

Paliwanag ng provincial health official, ang hakbang na ito ay kasunod narin ng aniya "very alarming" na bilang ng kaso ng dengue sa probinsiya at sa pagdami ng mga pasyente sa Aklan Provincial Hospital.

Sinabi niya na ang St. Gabriel Memorial Medical Center, Panay Medical Health Care, at ang Aklan Cooperative Mission Hospital ay nagpahiwatig na ng kanilang kagustuhan na makipatulungan sa gobyerno probinsiyal.

Dagdag pa ng opisyal, maglalaan umano ng pondo ang gobyerno probinsiyal sa mga ospital na ito para masagot ang pagpapagamot ng mga pasyente rito.

Samantala, humingi narin ng tulong sa Department of Health (DOH) ang probinsiya na maglaan ng karagdagang mga nurses sa probinsiya.

Nagrequest na ng mga karagdagang dengue testing kit ang PHO-Aklan sa DOH, mga karagdagang dextrose, paracetamol, at iba pang mga gamot.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan (with report from Kasimanwang Jodel Rentillo), Energy Fm 107.7 Kalibo

7-anyos na bata sa Lilo-an, Malinao nirape ng 21-anyos na suspek

MALINAO, AKLAN - Patuloy pa ang paghahanap sa 21 anyos na lalaki sa Malinao, Aklan matapos gahasain ang pitong taong gulang na bata kahapon.

Sa impormasyon na nakalap ng news team, naiwan umano sa bahay ang biktima dahil umattend ng meeting ang nanay nito, nagtratrabaho din ang tatay nito sa kalapit na lugar.

Naglalaro raw sa ilog ang bata kasama ang kuya nito. Nanghuhuli raw ng isda ang kuya kaya nagpalayo ito sa kapatid at di nito napansin ang suspek.

Sa salaysay ng bata napadaan raw sa lugar ang suspek tinakpak raw siya sa bibig at binuhat saka dinala sa CR. at doon ginawa ang panghahalay.

Matapos halayin iniwan ng suspek ang biktima.

Pag-uwi ng nanay doon na nagsumbong ang biktima.

Agad silang nagsumbong sa Malinao PNP kaya nagsagawa naman ng operation ang kapulisan para mahanap ang suspek. Dinala naman sa Hospital ang biktima dahil ni lagnat ito kaya hanggang ngayon ay nakaconfine parin ito.

Ngayong umaga kahit malakas ang ulan ay nagpatuloy ang kapulisan sa paghahanap sa suspek.##

- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo

Friday, July 12, 2019

Madalag nag-aanyaya sa lahat sa kanilang ‘Tinuom ni Aewag’ Festival

photos: Las Islas / Amazing Madalag
KALIBO, AKLAN – Inaanyayahan ng pamahalaang lokal ng Madalag ang mga Aklanon at mga taga-ibang lugar na saksihan ang kanilang taunang ‘Tinuom ni Aewag’ Festival sa darating na Hulyo 29.

Ayon kay Rowena Hungay, Information Officer I ng munisipyo, bahagi ng pagdiriwang ang ‘tinuom food feast’ kung saan maaaring makabili at matikman ng mga bisita ang iba-ibang ‘tinuom’.

Ang ‘tinuom’ ay isang uri ng luto kung saan ang ulam kadalasan ay mga isda ay binabalot sa dahon ng saging at lutuin sa uling. Habang si ‘Aewag’ ay isang datu na kinikilala sa bayan.

Sinabi ni Hungay na ang pagdiriwang na ito - ngayon ay sa ikaapat na taon na - ay naglalayong maibalik o ipakita ang dating pamamaraan ng pagluto gamit lamang ang asin bilang kadalasang pampalasa.

Bahagi rin ng aktibidad ang dance presentation kung saan ang mga kalahok na mga estudyante o 'mga inapo ni Aewag' ay sumasayaw sa kalye bitbit ang mga tinuom.

Sa gabi ay kokoranahan ang Tinuom ni Aewag Festival Queen ngayong taon na si Friannah Faye Reyes. Susundan ito ng grand binayle. Bisita rito ang grupong CINCO, all male dancers and singers.

Samantala, sa Hulyo 30 ay ipagdiriwang naman ng mga Madalagnon ang ika-71 taon ng paghihiwalay ng bayan ng Madalag sa bayan ng Libacao taong 1948.


Kaugnay rito, isang misa ang isasagawa, susundan ng parada at isang programa para gunitain ang pagkakatatag ng Madalag bilang hiwalay na bayan. May mga laro rin ng lahi pagkatapos.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Dengue outbreak sa Aklan posibleng ideklara ng gobyerno probinsiyal


IMUMUNGKAHI NG Provincial Health Office (PHO)-Aklan sa Provincial Dengue Task Force ang pagdideklara ng dengue outbreak sa probinsiya dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue dito.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Cornelio Cuachon ng PHO-Aklan sa panayam ng Energy FM Kalibo Biyernes ng umaga. Sinabi ng local health official na "very alarming" na ang kaso ng dengue sa Aklan.

Kapansin-pansin aniya ang mabilis na pagtaas ng kaso ng dengue nitong mga nakalipas na linggo. Sa tala ng surveillance unit ng PHO-Aklan nitong Hulyo 6, umabot na sa 2,171 ang kaso at 15 ang patay.

Nilinaw naman ni Cuachon na kalakip sa bilang na ito ang nasa 50 dengue patient mula sa mga karatig lugar sa probinsiya ng Antique at Capiz na isinugod sa mga ospital dito sa Aklan.

Batayan umano ng pagdideklara ng outbreak ang mataas na rekord ng kaso ng dengue kompara sa inaasahan. Pagbabatayan rin aniya ang entomological, laboratory at environmental investigation.

Sinabi pa ni Cuachon na ang pagdideklara ng outbreak ay kailangan kung sakaling isailalim sa state of calamity ang lalawigan para magamit ang limang porsyento ng calamity fund.

Sa kabila nito nanawagan ang opisyal na huwag magpanik at sa halip ay sumunod sa 4S kontra dengue.

Inaasahan na sa darating na Lunes ay magpupulong ang Task Force sa pangunguna ni Governor Joeben Miraflores para pag-usapan ang pormal na deklarasyon ng dengue outbreak sa Aklan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan (with report from Kasimanwang Jodel Rentillo), Energy FM Kalibo

Thursday, July 11, 2019

Pagsisiga kontra dengue? Alamin ang sagot ng munisipyo ng Kalibo


ISINISISI NG ilang tao sa bayan ng Kalibo na ang pagtaas ng kaso ng dengue ay dahil sa pagbabawal ng munisipyo sa mga tao na magsiga sa kanilang paligid.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ni Adorada Reynaldo, head ng Solid Waste Managenent Services ng munisipyo, wala umanong sayantepikong batayan ito.

Dahil rito patuloy umano nilang ipinatutupad ang Municipal Ordinance No. 2004-009 o Ecological Solid Waste Management Code ng Kalibo.

Iginiit ni Reynaldo na ang lokal na ordinansa ay batay sa umiiral na mga batas sa bansa. Aniya ang pagsisiga ng basura o open-burning ay nagdudulot ng polusyon sa hangin.

Pero nilinaw niya na ang pagpapausok gamit ang mga dahon o mga kahoy kontra lamok ay hindi ipinagbabawal gaya ng bunot ng niyog, mosquito tree o kakawati.

Nanawagan siya sa taumbayan na panatilihing malinis ang paligid, linisin o alisin ang mga bagay na maaring pamuguran ng mga lamok.

Sa kabilang banda, sa Brgy. Briones sinabi ni Punong Barangay Rafael Briones na pinahihintulutan niya ang kanyang mga tao na magsiga.

Giit niya, nakakaalarma na ang kaso at para sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan ay handa umano siyang makulong dahil dito.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan (with report from Kasimanwang Joel Nadura), Energy Fm 107.7 Kalibo

Wednesday, July 10, 2019

Sucgang sa mga kasama sa konseho: huwag magpadikta batay sa political affiliation

photo: SP-Aklan
NANAWAGAN SI Opposition Board Member Harry Sucgang sa kanyang mga kasama na huwag padidikta batay sa kanilang political affiliation.

Ito ay bahagi ng speech ng opisyal sa kanilang inaugural session nitong Lunes. "Because once we are dictated by our political affiliation we cannot dispense with justice and truth," giit niya.

Nanawagan rin ang abogadong board member sa gobyerno probinsiyal na maging patas ang benipisyong ibinibigay sa bawat miyembro ng Sanggunian.

Aniya, kung ano mang benipisyo ang ini-enjoy ng karamihan sa Sanggunian ay dapat rin aniyang ibigay sa maynoriya.

Mababatid na una nang ipinahayag ni Sucgang sa Energy FM Kalibo na siya at ang incumbent Board Member na si Immanuel Sodusta ay hindi binigyan ng pondo ni Governor Joeben Miraflores noong nakaraang termino.

Si Sucgang at Sodusta ay parehong tumakbo kontra sa grupo ni Gov. Miraflores.

Ang regular presiding officer ng Sanggunian na si Vice Governor Reynaldo Quimpo at ang natitira sa mga board member ay tumakbong kasama ni Miraflores.

Sa kabilang banda, pinasiguro ni Sucgang sa taumbayan na maglilingkod ito ng may katapatan  at integridad.

Binigyang-diin naman ni Board Member Sodusta sa kanyang mensahe sa inaugural session ang kahalagahan ng maynoriya sa Sanggunian.

Si Sucgang ay nahalal bilang chairman ng Committee on Human Rights habang si Sodusta ay nahalal bilang chairman ng Committee on Labor and Employement, mga komitiba na hinawakan rin nila noong nakaraang termino.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Bag-ong set in Sangguniang Bayan naghiwat it inaugural session


Naghiwat it inaugural session ro Kalibo Sangguniang Bayan sa rayang adlaw nga Huwebes petsa 4 it Hulyo sa Kalibo SB hall.

Si Kalibo Mayor Emerson Lachica hay nagpresentar it ana nga mga plano ag mga programa. Ro sambilog kara hay ro ana nga mabahoe nga handum nga magpatindog it central market sa Kalibo.

Ro mga SB members man hay nagtao it andang mga mensahe sa pagsuporta sa bag-o nga administrasyon.

Gin amendar man ro portion it internal rules: sambilog kara hay pagsaylo it adlaw it sesyon halin it Huwebes nga maging Lunes eon.

Gintaw-an man it chairmaships ro mga miembro it SB sa mga sari-saring mga kometiba.

photos and text: Kasimanwang Joel Nadura / Energy FM Kalibo

LGU Kalibo: kaso ng dengue hindi "alarming"; hindi magdi-deklara ng State of Calamity


KALIBO, AKLAN - Hindi umano alarming ang kaso ng dengue sa bayan ng Kalibo ayon kay Dr. Makarius Dela Cruz, Municipal Health Officer.

Sinabi niya sa isang press conference nitong Martes na "increasing" lamang at hindi "alarming" ang kaso ng dengue sa kabiserang bayan.

Ipinahiwatig rin niya na may deskrepansiya sa ulat ng Provincial Health Office (PHO). Kailangan rin aniya na dumaan sa confirmatory test ang mga pasyente na sinasabing may dengue.

Mababatid na batay sa ulat ng surveillance unit ng PHO, ang Kalibo ang may pinakamataas na kaso ng dengue sa Aklan na may 394 kaso.

Sinasabing nasa tatlo na ang namatay sa nasabing sakit sa bayan ng Kalibo.

Sa buong Aklan, umabot na sa 1,603 ang kaso. Una nang sinabi ni Dr. Cornelio Cuachon ng PHO na sobrang nakakaalarma na ang nasabing kaso.

Pinuna rin niya at ni Basil Tabernilla, Executive Assistant to the Mayor, ang aniya ay mga maling ulat ng media tungkol sa kaso ng dengue sa Aklan na nagdudulot umano ng panic sa mga tao.

Ayon pa sa health officer, hindi umano nagkulang ang kanyang tanggapan at ang lokal na pamahalaan sa pagpapaalala sa mga tao sa pagsugpo ng dengue.

Iginiit pa niya na trabaho umano ng bawat-isa ang maglinis ng kapaligiran para maiwasan ang pamamahay ng mga lamok.

Sa kabilang banda sinabi ni Terence Toriano, MDRR Officer, na hindi pwedeng ideklara ang bayan ng Kalibo kung pagbabatayan ang bagong guidlines ng NDRRMC Memorandum Order No. 60 series of 2019.

Ang memorandum ay nagsasaad ng mga pamantayan sa pagdedeklara ng State of Calamity.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan (with report from Kasimanwang Joel Nadura), Energy FM Kalibo

Tuesday, July 09, 2019

13-anyos na estudyante natusok ng nail pusher sa maselang bahagi ng katawan sa eskwelahan sa Batan

photo: Kas Archie Hilario / Energy FM Kalibo
Nakabaon parin ang nail pusher sa maselang bahagi ng katawan ng 13-anyos na lalaking estudyante ng Angas Integrated School.

Natusok umano ang biktima matapos ilagay raw ng siyam na taong gulang na kaklase ang nail pusher sa upuan ng biktima.

Humingi naman ng tawad ang pamilya ng siyam na taong gulang na bata at nangako na tutulong sila sa pagpapagamot ng biktima.

Ayon naman sa pamunuan ng School mag-sasagawa pa raw sila ng imbestigasyon tungkol sa kung ano talaga ang nangyari.

Nakadakdang operahan ang biktima sa Aklan Provincial Hospital.##

- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo

ALAMIN: Mga komitiba, chairman, miyembro sa bagong SP Aklan

photo courtesy: SP-Aklan
1. Appropriation, Finance, Ways and Means
Chairman: Jose Miguel Miraflores
Members: Ramon Gelito, Soviet Dela Cruz

2. Barangay Affairs
Chairman: Ciriaco Feliciano
Members: Harry Sucgang, Nelson Santamaria

3. Agriculture and Aquatic Resources
Chairman: Soviet Dela Cruz
Members: Ramon Gelito, Nelson Santamaria

4. Environment
Chairman: Jay Tejada
Members: Teddy Tupaz, Nemesio Neron

5. Disaster Preparedness and Peace and Order
Chairmanship: Nemesio Neron
Members: Harry Sucgang, Jay Tejada

6. Education
Chairmanship: Soviet Dela Cruz
Members: Ramon Gelito, Esel Flores

7. Energy, Public Utilities, Transportation and Communication
Chairman: Nemesio Neron
Members: Jay Tejada, Immanuel Sodusta

8. Games and Amusement
Chairman: Teddy Tupaz
Members: Nemesio Neron, Ciriaco Feliciano

9. Good Governance and Public Accountability
Chairman: Jose Miguel Miraflores
Members: Ciriaco Feliciano

10. Health and Social Services
Chairman: Nelson Santamaria
Members: Juris Sucro, Jose Miguel Miraflores

11. Human Resources
Chairman: Jay Tejada
Members: Teddy Tupaz, Blessie Jizmundo

12. Human Rights
Chairman: Harry Sucgang
Members: Teddy Tupaz, Ramon Gelito

13. Internal Ethics, Privileges and Discipline
Chairman: Ramon Gelito
Members: Ciriaco Feleciano, Blessie Jizmundo

14. Labor and Employment
Chairman: Immanuel Sodusta
Members: Juris Sucro, Harry Sucgang

15. Laws, Rules and Ordinances
Chairmanship: Esel Flores
Members: Nemesio Neron, Immanuel Sodusta

16. NGOs, POs, and Cooperatives
Chairman: Teddy Tupaz
Members: Nemesio Neron, Soviet Dela Cruz

17. Oversight
Chairman: Ramon Gelito
Members: Esel Flores, Nelson Santamaria

18. Land Use, Housing and Urban Relocation
Chairman: Jose Miguel Miraflores
Members: Esel Flores, Juris Sucro

19. Senior Citizens, PWDs, and IPs
Chairman: Jay Tejada
Members: Nemesio Neron, Nelson Santamaria

20. Tourism, Arts and Culture
Chairman: Esel Flores
Members: Soviet Dela Cruz, Juris Sucro

21. Women and Family Welfare
Chairperson: Blessie Jizmundo
Members: Immanuel Sodusta, Jay Tejada

22. Youth and Sports Development
Chairperson: Blessie Jizmundo
Members: Jose Miguel Miraflores, Juris Sucro

23. Trade, Industry and Commerce
Chairman: Juris Sucro
Members: Jose Miguel Miraflores, Esel Flores

24. Science and Technology
Chairman: Juris Sucro
Members: Immanuel Sodusta, Blessie Jizmundo

25-anyos na lalaki nagbigti patay sa bayan ng Altavas


ALTAVAS, AKLAN - Patay ang isang 25-anyos na lalaki matapos magbigti patay sa kanyang bahay sa Brgy. Cabangila, Altavas.

Kinilala ang nasabing lalaki na si Raffy Clarite, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa kanyang ama na si Ricky, ginigising nila pasado ala-1:00 ng hapon ngayong araw ang lalaki pero hindi umano sumasagot.

Pwersahan umano nilang sinira ang pinto ng bahay at tumambad sa kanila ang nakabulugta sa sahig at wala nang buhay na lalaki.

Nakatali ang kanyang leeg ng lubid na napatid.

Ayon sa panayam sa kanyang tiya na si Dayma, nasa dalawang linggo nang hindi niya nakakausap ang nobya na bagong abroad dahil sa nasira ang kanyang cellphone.

Gusto umano niyang makabili nang bagong cellphone pero wala umano siyang pambili.

Wala namang nakikitang ibang dahilan ang kanyang pamilya sa insidente. Kumbinsido rin sila na purong pagbigti ang nangyari.

Iniimbestigahan narin ng Altavas PNP ang insidente.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Monday, July 08, 2019

Amerikanong sundalo nahulihan ng baril sa Caticlan Jetty Port


ISANG AMERICAN National ang nahulihan ng baril sa Caticlan Jetty Port sa Brgy. Caticlan, Malay kaninang umaga.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang suspek na si Tevin Lavell Vaughn, 24-anyos, isang aktibong sundalo.
Nasabat sa kanya ng mga otoridad ang isang 9mm laman ang walong ammunition.

Batay sa ulat, napansin umano ng duty x-ray machine operator ang imahe ng baril sa bag ng banyaga dahilan para usisain nila ito.

Tumambad sa mga otoridad ang nasabing baril. Nang hingan ng mga kaukulang dokumento ang Amerikano ay wala itong maipakita.

Nabatid na tatawid sana ng Isla ng Boracay ang banyaga kasama ang kanyang fiancée na isang Pinay nang mabulalyaso ang kanilang bakasyon.

Pansamantalang ikinulong sa Malay PNP Station ang susprek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Lalaki arestado matapos magbenta ng mga nakaw na appliances, atbp.

INARESTO NG kapulisan si Larry Dela Vega ng Oyotorong St., Kalibo matapos mapag-alaman na nagbebenta ng mga nakaw na gamit mula Mindoro.

Ayon sa Roxas PNP sa Mindoro, ang mga kagamitan umanong ibinibenta ng suspek ay mula sa sunod-sunod na nakawan sa ilang public school sa nasabing probinsiya.

Nasabat ng kapulisan mula sa suspek ang tatlong laptop, isang electric steamer, sewing machine, amplified speaker, at mga aksesorya sa gadget.

Kalaunan ay may nagsurender ng printer sa Kalibo PNP na nabili umano mula sa suspek sa halagang Php2,000. May nagsurender rin ng flat screen TV sa halaga namang Php4,000.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo sa suspek, nakuha umano niya ang mga gamit sa karelasyon niyang bakla sa Mindoro. Hindi umano niya alam na nakaw ang mga ito.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Apat na lalaki arestado dahil sa iligal na pagsabong sa Tangalan

INARESTO NG kapulisan ang apat na lalaki sa Brgy. Jawili, Tangalan kahapon ng hapon matapos maaktuhang iligal na nagsasabong.

Kinilala ang mga suspek na sina Robert Tejada, Rodolfo Gregorio, Jonifer Inlocido y Tabas at Randy Gregorio, mga residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng Tangalan PNP, nasabat sa kanila ang tatlong buhay na panabong na manok at dalawang "tari".

Ang mga nasabing suspek ay pansamantalang ikinulong sa lock-up cell ng Tangalan PNP Station.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 dahil sa iligal na pagsusugal.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo