photo RB Bachiller |
Sinabi ni FSInsp. Lorna Parcellano, hepe ng BFP-Malay, na sa inisyal na pagsisiyasat tinatayang nasa Php22.5 milyon umano ang pinsalang iniwan ng sunog.
Tulong-tulong naman ang mga bombero ng BFP-Malay, BFRAV, Savoy Hotel, at ilang volunteers para maapula ang apoy. Tumagal umano ng nasa dalawang oras ang sunog bago tuluyang naapula.
Natupok ng apoy ang ilang mga commercial establishment at kabahayan. Tinatayang nasa 1,500 squate meters ang nasakop ng sunog.
Dalawa aniya ang naiulat na nasugatan kabilang ang isang kagawad ng barangay.
Samantala matapos ang sunog, may isa umanong nagpapakilalang may-ari ng lupa ang sinubukang magtayo o bakuran ang lugar na pinangyarihan ng sunog subalit pinigilan ito ng BFP para hindi makapinsala sa nagpapatuloy nilang imbestigasyon.
Ayon kay SInsp. Parcellano, isa ang nag-overheat na electric fan sa isang istraktura ang pinaniniwalaang dahilan ng sunog.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP-Malay sa nasabing sakuna.
Ito na ang ikatlong malaking sunog na naganap sa Isla sa taong ito.##
kaugnay na balita
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo