Tinaga ng sariling ama ang magkakapatid na ito sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tabon, Batan gabi ng Biyernes.
Kinilala ang suspek na si Jerry Parohinog, 45-anyos, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa misis, bigla nalang umanong nag-iba ang kilos ng mister at tinaga ang kanilang mga anak.
Ang 12-anyos na babae ay nagtamo ng daplis ng itak sa kanyang paa samantalang ang kapatid nitong lalaki ay nagtamo ng sugat-taga sa likod at sa dibdib.
Maliban rito, hinampas pa umano ng suspek ng barena ang batang babae sa kanyang likuran.
Kwento rin ng misis, tinangka rin umano siyang tanggain ng suspek. Naagaw umano niya ang itak at nagtamo ng daplis sa kanyang tiyan.
Dahil dito humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay at sa mga kapulisan bagay na naaresto ang suspek.
Wala namang nakikitang malalim na dahilan ang 46-anyos na misis para magawa ito ng asawang lalaki.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Batan PNP, na ilang araw na umanong hindi kumakain ang lalaki, palaging umiinom at hindi nakakatulog.
Posible umanong nakaranas ito ng depresyon.
Nanatiling naka-confine sa provincial hospital ang 7-anyos na batang lalaki.
Nakakulong naman sa Batan PNP station ang suspek habang inihahanda na ng Women and Children Protection Desk ang kasong frustrated parricide laban sa kanya. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
Saturday, June 30, 2018
3 PAWIKAN PINAKAWALAN SA BORACAY SA GITNA NG REHABILITASYON
Tatlong juvenile hawksbill turtles (eretmochelys imbricata) o uri ng pawikan ang pinakawalan pabalik sa kanilang natural habitat umaga ng Biyernes sa Station 1 sa Isla ng Boracay.
Ang mga highly endangered species na mga sea turtles na ito ay narescue umano noong March 9, 10 at 12.
Ang rehabilitation effort na ito ay naging posible sa pamamagitan ng by Environmental Management Services Unit ng pamahalaang lokal ng Malay.

Friday, June 29, 2018
DALAWANG MENOR DE EDAD NA LALAKI NG SEKSWAL UMANONG INABUSUHAN NG ISANG BADING
(exclusive) Isang bading ang inreklamo ng dalawang menor de edad na lalaki sa kapulisan matapos umano silang sekswal na abusuhan nito.
Ayon sa 11-anyos at 12-anyos na mga biktima inanyayahan daw sila ng suspek sa kaniyang tinutuluyang boarding house at doon ginawa ang pang-aabuso.
Binibigyan umano ng suspek ang kanyang mga biktimang menor ng pera. Inamin ng dalawang batang ito na binigyan sila ng Php50.00 para umano manahimik.
Nabatid na nagtratrabaho ang bading sa isang salon dito sa Kalibo at nagboboard lamang. Napag-alaman na kapitbahay niya ang isa sa kanyang mga biktima.
Kanikaibagan niya umano ang mga batang ito. Nagpakilala siyang si "Willard".
Sa hiwalay na imbestigasyon ng News Team nabatid na hindi ito ang totoo niyang pangalan. Napag-alaman rin na siya ay taga-Bacolod.
Ilang araw pa ang lumipas bago nalaman ng mga magulang ang naturang insidente. Kaya naman naalarma sila at agad na nagreklamo sa Kalibo PNP.
Inihahanda na ng Women and Children Protection Desk ang kaukulang kaso laban sa suspek sa pamamagitan ng regular filling. | EFM Kalibo

PEKENG DENTISTA HULI SA ENTRAPMENT OPERATION SA NUMANCIA AKLAN
Huli sa entrapment operation ang pekeng dentista na ito sa Numancia, Aklan. Ang suspek kinilala sa pangalang Enrique Gadiano y Tupas, 34-anyos, tubong Roxas City.
Sa panayam kay PSInsp Josephine Jomocan ng Numancia Police Station, nakatanggap umano ng ulat ang kanilang operatiba na may pekeng dentist sa kanilang bayan.
Nagpapasta, bumubunot ng ngipin at gumagawa rin raw ng pustiso ang suspek.
Kaya nagkasagawa sila ng entrapment operation. Isa sa mga operatiba ang nagtungo sa area nagkunwari na mag avail ng serbisyo. Hindi alam ng suspek na entrapment na pala.
Narecover sa lugar ang mga gamit sa paggawa ng pustiso, pambunot ng ngipin at iba./ Archie Hilario, EFM Kalibo

Thursday, June 28, 2018
PANUKALANG TAAS-PASAHE SA TRICYCLE SA KALIBO INIHAIN SA SANGGUNIANG BAYAN
Isinusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo ang taas-pasahe sa mga tricycle na bumibiyahe sa kabiserang bayang ito.
Ang panukalang ordenansa ay inihain ni SB member Juris Sucro, committee chair on transportation, para baguhin ang umiiral na fare rate.
Naging basehan dito ni Sucro ang municipal ordinance 2016-32. Sa kanyang panukala isinusulong niya ang Php2.00 dagdag singil sa umiiral na pamasahe.
Katwiran niya sa kanyang draft ordinance, ang taas-pasahe ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa pinapatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Matapos maipresenta sa plenaryo ngayong araw ng Huwebes napagkasunduan ng mga miyembro na irefer muna ito sa pagpupulong ng committee as a whole para pag-aralan pa.
Giit ni regular presiding officer at vice mayor Madeline Regalado kailangan munang mapagkasunduan ang dagdag-pasahe sa mga interior road sa mga kabarangayan at kung isasama ba ito sa ilalabas na matrix.
Matatandaan na nag-ugat ang panukalang ito nang sumulat sa Sanggunian ang asosasyon ng mga tricycle sa Kalibo Marso ngayong taon na taasan ang pamasahe ng Php2.50. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Wednesday, June 27, 2018
MOTOR SUMALPOK SA ISA PANG MOTOR SA BAYAN NG TANGALAN, ISA PATAY
Patay ang isang 22-anyos na lalaki matapos sumalpok ang menamaneho niyang motorsiklo sa isa pang motorsiklo sa bayan ng Tangalan gabi ng Martes.
Kinilala ang biktima na si Arjay Masula Lorenzo, 22-anyos, residente ng Brgy. Tamalagon sa parehong bayan.
Ayon sa report ng Tangalan PNP sumalpok umano ang motorsiklo ng lalaki sa isang pang motorsiklo na menamaneho ng isang 15-anyos na menor de edad.
Naganap ang aksidenteng ito sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Poblacion malapit sa tulay. Dahil doon natumba ang parehong motor sa kalsada.
Isinugod naman agad sa ospital ang mga sangkot sa aksidente. Pero tanghali ngayong Miyerkules ay binawian rin ng buhay ang nasabing motordriver habang ginagamot sa provincial hospital.
Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang nasabing biktima at nabatid na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin nang maganap ang aksidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasabing pangyayari. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

PAGSARA NG BORACAY ISA SA MGA DAHILAN NG PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE SA AKLAN - AKELCO
"In this June billing, the actual effect of Boracay closure could now be felt."
Ito ay bahagi ng inilabas na pahayag ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) kaugnay ng pagtaas nila ng singil sa bayarin sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.
Kumpara sa buwan ng Mayo, ang power rate sa buwang ito ay tumaas ng 0.2402 centavos per kilowatt ayon sa Akelco.
Ang rate para sa mga residential customers na kumukunsumo ng 21Kwh-up ay P11.2403/kWh kumpara sa P11.0001/kWh nong Mayo.
"When Boracay was closed for business, overall power demand dropped drastically resulting to inevitability of increase in power rate," paliwanag ng Akelco.
Sinabi pa ng Akelco na nagtaas sila ng singil ngayong buwan dahil sa pagbababa ng power consumption. Ito ay para mabawi umano nila ang babayarang transmission charge sa National Grid Corporation of the Philippines.
Dagdag pa umano sa pagtaas ng power rate ang Feed-in-tariff (FIT) na isang karagdagang tariff para ipambayad sa producers na gumagamit ng renewable energy (RE) bilang insentibo sa RE development.
Samantala, sinabi naman ng Akelco na walang paggalaw sa bayarin sa kanilang araw-araw na operasyon gaya ng distribution system charge, supply system charge at metering. | EFM Kalibo

AKLANON GRADE 12 STUDENT PANALO SA NATIONAL ART COMPETITION
Isang 17-anyos na Aklanon ang nagpamalas ng angking galing sa sining matapos manalo sa isang pambansang patimpalak.
Si Karen Abegail Honrado ng Andagao, Kalibo ay isa lamang sa sampung nanalo sa 2018 National Women's Month Celebration (NWMC) poster-making contest na idinaos noong Mayo.
Aniya ang konsepto ng kanyang entry na "Metamorphosis for Women" ay nagpapahayag ng pagbabago at kalayaan para sa mga kababaihan.
Sinabi ng Grade 12 student na siya mismo umano ang nagkonsepto at lumikha nito gamit ang oil pastel at acrylic paint sa illustration board.
Marami na umano siyang sinalihang kompetisyon sa ganitong larangan pero ito umano ang unang pagkakataon na nanalo siya sa national.
Nag-aaral siya sa Regional Science High School for Region VI ngayon. Plano niya maging arketekto balang araw. Simula bata ay hilig na niya ang pagguhit at pagpinta.
Ang poster-making ay joint initiative ng Philippine Commission on Women at Charity Sweepstakes Office.
Katuwang rin nila ang National Commission for Culture and the Arts sa paghost ng final judging noong Hunyo 19.
Layunin nito na ma-ipromote ang women’s empowerment at makagawa ng kamalayan sa mahalagang ginagampanan ng mga kababaihan sa sosyudad ng bansa. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

AKLAN OFFICIALS KINASUHAN SA KAPABAYAAN SA BORACAY
Inquirer file photo, Boracay Island |
Kasama sa mga sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ay sina Aklan Gov. Florencio Miraflores, Malay Aklan Mayor Ciceron Cawaling, Vice Mayor Abram Saulog at mga miyembro ng sangguniang bayan.
Gayundin ang licensing officer na si Jen Salsona, Provincial Environment Officer Valentin Talabero, Municipal Environment Officer Edgardo Sancho at tatlong Barangay Chairmen na sina Hector Casidsid, Chona Gabay at Lilibeth Sacapanio.
Batay sa mga reklamo, sinabi ni Densing na graft at administrative charges na gross neglect of duty, grave misconduct, conduct unbecoming of public officials at conduct prejudicial to the best interest of the service ang kinakaharap ng mga opisyal.
Ayon kay Densing, nagpabaya si Miraflores sa pag-supervise sa mga lokal na opisyal kaya napabayaan nang husto ang Boracay.
Dapat din aniyang managot ang mga opisyal ng bayan ng Malay, Aklan dahil lumalabas na naisyuhan ng business permits ang maraming establisimyento sa Boracay kahit hindi kumpleto ang requirements na kailangan para sa kaligtasan ng publiko tulad ng sa fire code at building code.
Hinimok din ni Densing ang Ombudsman na suspindehin ang mga naireklamong opisyal habang iniimbestigahan ang mga ito.
Nauna nang ini-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pansamantalang pagsara sa Boracay kasunod ng pagsasa-ilalim nito sa ilang buwang rehabilitasyon.
Read more: http://radyo.inquirer.net/…/aklan-officials-kinasuhan-sa-ka…
AKLANON BEAUTY ITINANGHAL NA MISS MANILA 2018
Isang Aklanon ang itinanghal na Miss Manila 2018 sa grand coronation ng pageant competition sa Philippine International Convention Center gabi ng Martes.
Nakamit ni Ms. Kathleen Sinag Paton ang korona sa nasabing competition mula sa 32 mga kalahok. Siya rin ang nag-uwi ng Best in Swimsuit.
Si Ms. Paton ang tatayo bilang Manila city’s ambassadress. Nag-uwi siya ng prize package na Php1 milyon.
Si Ms. Paton ay ang pinakabata sa apat na magkakapatid. Siya ay anak ng mag-asawang sina Roy Paton, isang Australian national, at Luz Sinag Paton ng Laserna, Nabas.
Si Ms. Paton ay ipinanganak sa isla ng Boracay at nag-aral sa Laserna Elementary School hanggang grade four.
Matatandaan na si Ms. Paton ay itinanghal rin na Miss Teen International 2017 na idinaos sa Thailand Setyembre nong nakaraang taon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Tuesday, June 26, 2018
ZERO-PLASTIC WASTE TARGET NG MALAY
Isang Memorandum ang inilabas ni Malay Mayor Ceciron Cawaling sa lahat ng departamento ng lokal na pamahalaan na nanawagan na iwasan ang paggamit ng mga plastic materials sa mga meetings, sessions, mga pagtitipon, at iba pang pagdiriwang.
Kaugnay ito ng kampanya ng LGU na mabawasan at maalis ang polusyon sa plastic sa buong bayan kabilang na ang Isla ng Boracay.

BUNTIS NA NATAMAAN NG KIDLAT NAMATAYAN NG SANGGOL SA SINAPUPUNAN
(update) Namatay na ang bata sa sinapupunan ng misis na una nang naibalitang natamaan ng kidlat noong nakaraang linggo sa bayan ng Libacao.
Kinumpirma ito ni Vilma Salem sa panayam ng Energy FM Kalibo ngayong Martes.
Aniya hapon ng Lunes pa nang malamang wala nang heart beat ang sanggol sa kanyang sinapupunan matapos siyang isailalim sa isang eksaminasyon.
Matatandaan ng Byernes nang tamaan ng kidlat ang 50-anyos na misis habang nasaloob ng kanilang bahay. Natamaan siya sa dibdib at isinugod agad sa ospital nong araw ding iyon.
Nag-alala ang ilang miyembro ng pamilya na malagay sa alanganin ang buhay ng ina sa sanggol na nasa sinupupunan pa niya.
Pero napawi rin ito kalaunan nang maipaliwanag ng mga nurse na ito na ligtas ang lagay ng ina. Hihintayin nalang umano na makalabas ito sa kanyang tiyan.
Nananatiling naka-confine sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang nasabing biktima.
Ito na sana ang ika-11 niyang anak na pitong buwan narin niyang dinadalan-tao at maituturing na isang menopausal baby. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Monday, June 25, 2018
REY TOLENTINO NAGPAALAM NA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Pormal nang nagpaalam sa kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan si Hon. Rey V. Tolentino bilang presidente ng Association of Barangay Councils sa probinsiya.
Isinagawa ang send-off ceremony sa kanya ngayong araw ng Lunes sa gitna ng sesyon ng SP-Aklan.
Magtatapos ang kanyang termino sa June 30 matapos ang dalawang taong paglilingkod nito bilang miyembro ng 17th SP-Aklan.
Nagpapasalamat naman siya sa lahat ng sumuporta sa kanya.

MGA TAMBAY AT GALA SA KALIBO BINALAAN NG HEPE NG KAPULISAN
(exclusive) Nagbabala ngayon si PSupt. Richard Mepania na sa mga susunod na araw ay huhulihin na nila ang mga tambay sa Kalibo.
Ito ang pahayag ng hepe ng Kalibo PNP sa panayam ng Energy FM Kalibo Lunes ng hapon.
Sa ngayon aniya ay pinaaalalahanan lang muna nila ang mga makikita nilang gumagala o tumatambay sa kabiserang bayang ito.
Aniya, batayan niya rito ang Code of General Ordinances ng munisipyo kung saan nakasaad sa Article 4 ang pagbabawal na tumambay o gumala sa mga pampublikong lugar.
Ayon sa lokal na batas, tumutukoy ang pampublikong lugar sa "streets, highways, parks, plazas, alley or sidewalk and such other places open to the public."
Narito ang mga regulated acts sa lokal na batas na ito:
*create or cause to be created a breach of the peace;
*create or cause to be created any disturbance or annoyance to the comfort and repose any person;
*obstruct the free passage of pedestrian or vehicles;
*interfere with the lawful activity of another person;
*create or cause to be created gang fights and/or gang violence;
*create or cause to be created destruction or vandalism of government properties; or
*create or cause to be created a haven for drug pushers and users.
Ang lalabag sa batas na ito ay posibleng pagmultahin ng Php500 o pagkakulong ng hindi bababa sa 30 araw o maaaring pareho alinsunod sa diskresyon ng korte.
Pinasiguro naman ni Mepania na hindi malalabag ang karapatang pantao ng bawat indibidwal sa ipapatupad nilang batas.
Kaugnay rito, payo ni Supt. Mepania na manatili nalang sila sa kanilang mga bahay kung wala namang lehitimong lakad. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

IMBUZE PAINTING DIUMANO NI DATING PANGULONG MARCOS NAIS ISULI NG PAMILYANG NANGANGALAGA NITO
(exclusive) Nais ipaabot ng pamilya Fontanilla sa pamilya Marcos ang orihinal diumano na imbuze painting ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ito daw ay galing mismo sa malakanyang noong rehimeng Marcos. Utos diumano ni Marcos na itakas itong imbuze painting upang hindi masira ng mga tao sa kasagsagan ng pagbagsak ng rehimeng Marcos.
Ayon sa pamilya Fontanilla, isang sundalo at katiwala diumano ng mga Marcos ang kanilang lolo na syang nagtakas ng imbuze painting. Sinisid umano ito para lang maitakas.
Marami na umanong gustong umagaw nito sa kanila at meron ding gustong bilhin sa halagang tatlong daang libong piso (300k) ngunit hindi daw nila ipinagbibili.
Bilin umano ng kanilang lolo na ibalik sa pamilya Marcos ang nasabing painting.
Nakakuha din umano sila ng litrato ng painting ni Marcos na nakalagay sa Museum ng mga Marcos sa Batac, Ilocos Norte at makikita sa larawan ang paghahambing nito./ Joefel Magpusao, EFM Kalibo

AKLANON NAGTAPOS BILANG MAGNA CUM LAUDE SA UP-VISAYAS
Isang Aklanon ang nagtapos sa University of the Philippines o UP-Visayas bilang Magna Cum Laude.
Siya si Maynard Fuentes Vargas ng Brgy. Linabuan Norte, Kalibo. Nagtapos siya sa kilalang unibersidad sa kursong Bachelor of Science in Computer Science.
Ayon sa kanya hindi niya inaasahan na matamo niya ang nasabing karangalan. "Trust me, I am no better than anyone of my batchmates. Grades are not everything," sabi niya sa kanyang FB post.
"This is just to show the results for the people who helped me along the way. This is for the people who helped me grow intellectually, emotionally and spiritually," dagdag pa niya.
Nagpapasalamat siya sa kanyang mga magulang sa naabot niyang ito. "Not aiming for this but I'm honored... Para da kinyo ma and pa," sabi niya.
Si Vargas ay nagtapos na valedictorian sa Regional Science High School for Region VI at sa Linabuan Norte Elementary School.
Nabatid na si Maynard ay scholars ng Department of Science and Technology at lumaki sa hirap ng buhay.
Samantala, ayon sa UP-Akeanon nagtapos din sa parehong unibersidad ngayong taon ang 28 Aklanon. Walo sa mga ito ang Cum Laude. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Subscribe to:
Posts (Atom)