Saturday, June 23, 2018

LOLO ARESTADO SA KASONG RAPE SA BAYAN NG KALIBO

Arestado ang isang 68-anyos na lolo sa kasong rape sa kanilang residensya sa bayan ng Kalibo umaga ngayong Sabado.

Kinilala sa report ng kapulisan ang akusado na si Mamerto Mosquera y Peralta, residente ng Brgy. Tigayon.
Siya ay nahaharap sa two counts of rape.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court dito sa Kalibo noon pang October 2012.
Walang pyansa na itinakda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Kalibo PNP ang naturang suspek at nakatakdang iharap sa kaukulang korte. | EFM Kalibo

BUNTIS TINAMAAN NG KIDLAT SA LIBACAO

Sitio Agbalogo Ilaya, Brgy. Sibalew, Libacao, Aklan - 50 anyos na buntis (menopausal baby) ang tinamaan ng kidlat alas kwatro ng hapon kahapon.

Habang nasa loob ng kwarto ang biktimang si Wilma Salem may bumulusok umanong kidlat papasok sa kanilang bahay. Gumapang ang kuryenteng dulot ng kidlat sa kable ng kuryente at kumalat sa loob ng bahay. Tumama sa dibdib ng biktima ang kuryente at nagtamo ito ng paso.

Ayon sa salaysay ng kapatid ng biktima, pati din umano sya ay nadaplisan at nasunog ng bahagya ang buhok.
Dalidali umano silang humingi ng tulong sa mga meyembro ng Brgy. Health Workers ng kanilang barangay upang madala sa hospital.

Ayon naman kay kasimanwang Magelyn Sabay 49 BHW ng Sibalew, Libacao, isa sa tumulong sa biktima na posible umanong dahilan ng pagtama ng kidlat sa biktima ay dahil sa pagbubuntis nito. Ito diumano ang paliwanag ng Pedia Doctor na nangangalaga sa biktima dahil sa matubig ang pagbubuntis nito.

Pitong buwang buntis at pang labing isang anak ang ipinagbubuntis ng biktima at sa pinakahuling lagay medikal pareho nang ligtas sa kapahamakan ang mag ina at patuloy pang nakaconfine sa provincial hospital./ Joefel Magpusao, EFM Kalibo

Friday, June 22, 2018

BORACAY POSIBLENG MAGBUKAS NA SA SETYEMBRE

Posibleng sa Setyembre na ang “soft opening” isla ng Boracay kapag naabot ang ilang kondisyon.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing, magiging posible ito kapag natanggal na ang lahat ng establisyimyento na lumampas sa easement zone at kalahati ng mga istrukturang itinayo sa wetlands.

Kinakailangan ding mailatag na ang 70% ng road at drainage systems, at lima sa siyam na wetlands sa isla ay dapat ma-reclaim.

Dapat din na malinis na ang tambakan ng basura sa isla.

Maliban dito, oobligahin din ng task force na pasok sa pamantayan ang waste water na inilalabas sa isla sa loob ng 30 magkakasunod na raw.

Sinabi ni Densing na isusumite sa Inter-Agency Boracay Task Force ang mga kundisyon para sa soft opening ng Boracay.

Isinara sa mga turista ang isla sa loob ng anim na buwan mula Abril para isailalim sa rehabilitasyon. | Radyo INQUIRER

AKLANON NA NAGTOP-8 SA NURSING BOARD EXAM IBINAHAGI ANG KWENTO NG KANYANG TAGUMPAY

Pananampalataya sa Diyos, pagbalanse sa oras at sipag sa pag-aaral. Ito ang mga dahilan ni Jason Escobar Baldimor kung bakit nag-top 8 siya sa katatapos lang na Nursing Board Exam.

Ang 22-anyos na topnotcher at proud Aklanon ay taga-Cerudo, Banga at graduate ng West Visayas State University.

Nagpre-school at elementarya siya sa Christ the King at nagsekondarya sa Regional Science High School lahat dito sa Kalibo.

Plano ni Baldimor na mag-aral ng medisina para maging doktor at maglingkod dito sa ating bansa lalu na anya sa malalayong lugar.

Bagaman hilig nya rin ang pagbabasketbol, natuto umano siyang ibalanse ang kanyang oras at pagtuonan ng pansin ang kanyang pag-aaral. Nagpapasalamat rin siya sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Mensahe nya sa mga nais magtagumpay kagaya niya "una, saligan gid naton ro Ginuo... ag mapinangamuyuon... sa kada adlaw... ag sundan gid it pag-obra it aton nga parte."

"Dapat open minded... appreciate do beauty it mga tawo nga gasuporta katon... Ag di mag-ubra it desisyon nga makasamad sa inyong feature."

Si Baldimor ay isa lamang sa Aklanon na nakapasok sa top 10 ng Nursing Board Exam. Ang isa pa ay si Lucil Daisy Estanislao Cerrada ng Tigayon, Kalibo na nagtop-6. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Tuesday, June 19, 2018

"BY ALL MEANS" PWEDE NANG MAGBOOK NG MGA TURISTA SA BORACAY - SEC. CIMATU

Kumpyansa si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu na mabubuksan ang Isla ng Boracay sa Oktobre 26.

"That is really the mandate." pahayag ng kalihim sa press conference ng Inter-Agency Task Force Martes ng hapon sa Boracay.

Kaugnay rito sinabi ni Cimatu na pwede nang magbook ngayon ng mga turisra ang mga hotel at resort sa Isla. "Yes! By all means," tugon ni Cimatu sa tanong ng mga media.

"But for those establishment who have violation that is a big no," dagdag ng kalihim. Iginiit nya na kailangan muna nilang itama ang kanilang mga paglabag o punan ang kanilang kakulangan.

Base sa report ng Department of Interior and Local Government, sa 1226 establishment sa Boracay na ininspeksyon ng Kagawaran, 95 lamang dito ang compliant pagdating sa mga permit, licenses at mga environmental clearances.

Sa pagtaya ni Cimatu nasa mahigit 50 porsyento na ang ginagawang rehabilitasyon ng gobyerno sa Boracay.

Samantala, sinabi naman ng kinatawan ng Department of Public Works and Highway na sa Hulyo ay magsisimula na ang buong rehabilitasyon ng nasa 5km main road. Posible anya nilang matapos ito sa Oktobre.

Matatandaan na isinara sa mga turista ang Boracay simula Abril 26 para bigyang daan ang anim na buwang rehabilitasyon nito alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Monday, June 18, 2018

DAHIL SA NAKAW NA HALIK, LASING NA LALAKI, ARESTADO

Arestado ang lalaking ito matapos ireklamo ng pambabastos sa kanyang kapitbahay na babae.

Naganap ang insidente pasado alas 9:00 ng gabi sa C. Laserna st. Poblacion, Kalibo, Aklan.

Nakaupo raw ang biktima habang nagtetext, nang biglang lumapit ang lasing na suspek hinawakan sa mukha at hinalikan ang babae.

Agad namang tumawag ng pulis ang kaanak ng biktima kaya naaresto ang suspek.


Iyak ng iyak ang suspek habang ipinapasok ito sa kulungan, hindi aniya nito magagawa ang alegasyon.

19 ANYOS NA BABAE, PINAGBANTAAN NG EX BF NA IKAKALAT SA SOCIAL MEDIA ANG KANILANG SEX VIDEO

Dumulog sa PNP station ang 19-anyos na babaeng ito, nagsumbong na pinagbabantaan raw siya ng ex-BF na ikakalat sa facebook ang sex video nila.

Napagkasunduan daw nila noon na kunan ng video ang kanilang pagtatalik dahil maayos naman ang kanilang relasyon.

Matapos ang ilang buwan nagkalabuan na sila at nagdesisyon ang babae na hiwalayan ang menor de edad na boyfriend.

Dito na nagsimula ang pagbabanta ng suspek.

Kahapon pumunta raw sa pinagtatrabahon ng babae ang suspek at tinangay ang cellphone nito. Sa cellphone raw kasi nakalagay ang sex video nila.

Agad nag-imbestiga ang PNP at tinungo ang bahay ng ex bf.

Itinanggi ng lalaki ang alegasyon ng ex gf . Wala raw silang video at hindi totoo ang pagbabanta. Mahal niya raw ang babae at handang makipagbalikan sa kanya./ Archie Hilario, EFM Kalibo