Sunday, April 14, 2019

4 bugaw sa Boracay arestado; 33 babae narescue sa prostitusyon

photo: Kay Chernush
KALIBO, AKLAN - Arestado ang apat na bugaw sa Isla ng Boracay Sabado ng gabi habang narescue naman ng mga otoridad ang nasa 33 kababaehan

Ikinasa ng Malay PNP, Provincial Prosecutor's Office, Aklan Mobile Force Company, at ng Maritime Police ang nasabing operasyon sa Sitio Kipot, Brgy. Manocmanoc.

Batay sa spot report ng kapulisan, nahuli nila ang mga suspek at narescue ang mga babae sa dalawang paupahang pwesto at dalawang dating KTV bars.

Kulong ang mga nasabing suspek sa Malay PNP Station at posibleng maharap sa kasong human trafficking.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo