MALIBAN SA mga grupo at
mga tribu na gustong masaksihan ng mga tao sa pagdiriwang ng Kalibo Sto. Niño
Ati-atihan Festival ay ang pagbisita rin ng iba-ibang mga artista.
Sa Enero 11 sa Pageant at
Coronation Night ng “Mutya it Kalibo Ati-atihan 2019” ay magiging bisita ang
mga singer na sina Daryl Ong at Christian Bautista para haranahin ang mga
kandidata.
Bisita rin sa parehong
okasyon na gaganapin sa sa ABL Sports Complex, alas-7:00 ng gabi ang
model-actor na si Jason Abalos, “That’s My Bae” grand winner Kenneth Earl
Medrano at Asia’s Next Top Model Cycle Grand 5 Grand Winner Maurren Wroblewitz.
Sa Enero 16 naman sa
Pastrana Park ay magpapakilig at magpapasaya ang magkasintahan na sina Barbie
Fortez at Jak Roberto na usap-usapan ngayon sa social media. Ganoon din ang
magkasintahan na sina Paul Santos at Mika Dela Cruz.
Maliban rito magpapasaya
rin ang ilang mga kilalang banda kabilang na ang Callalily sa “Hala Bira Nights”
sa Magsaysay Park simula Enero 14 hanggang 20.
Ang selebrasyon ay
nagsimula na nitong Enero 2 kasunod ng unang novena at opening liturgy para kay
Sr. Sto. Niño de Kalibo.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment