Friday, January 25, 2019

Abuse of Authority: Punong Barangay sa Tangalan sinuspende ng Sangguniang Bayan


SINUSPENDE NG Sangguniang Bayan ng Tangalan ang Punong Barangay ng Tondog na si Henry Cuanico dahil sa grave abuse of authority.

Reklamo ni Rodolfo Tala-oc tinanggihan umano ng punong barangay na mabigyan ng permit ang kanilang organisasyon na magsagawa ng benefit dance.

Nabatid na noong Nobyembre 18, 2018 naghain ng aplikasyon ang Guardian Philippines Brotherhood para sa naturang aktibidad.

Inireklamo ni Tala-oc ang punong barangay sa Ombudsman Visayas pero ibinalik rin sa Sanggunian ang pag-iimbestiga at desisyon.

Sa imbestigasyon ng Sangguniang Bayan Adhoc Committee pinaburan nila ang nagrereklamo at nagdesisyon na suspendehin ang punong barangay.

Dahil nasa election period ngayon, ang suspensiyon ng Punong Barangay ay ipapatupad sa Hunyo 13, 2019.

Samantala, una nang idinepensa ng Sangguniang Barangay na hindi umano nakipag-ugnayan ang grupo ni Tala-oc sa kanila kaugnay ng kanilang aktibidad.

Idinagdag pa nila na may mga kasayahan umano ang grupo at videoke na madaling araw nang natatapos. Nakakadisturbo ito umano sa mga kalapit nila.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Lalaki natagpuang patay sa bayan ng Malinao


ISANG LALAKI sa Brgy. Manhanip, Malinao ang natagpuang patay sa isang sapa hapon ng Biyernes.

Kinilala sa ulat ng Malinao PNP ang lalaki na si Bernaldo Ibisate y Nabor, 61 anyos, may asawa, self employed, residente ng nasabing lugar.

Batay sa pahayag ni SPO2 Icayan, imbestigador, tumatawid umano sa tulay na yari sa kawayan ang lalaki nang ito ay mahulog.

Pinaniniwalaan na nalunod ang lalaki sa sapa nasa dalawang oras na ang nakalilipas bago ito natagpuan.

Nabatid na nakainom umano ito nang maganap ang aksidente.

Kumbinsido naman ang pamilya na walang foul play sa nasabing pangyayari. Mabait at wala umanong kaaway ito sa kanilang lugar.##

Thursday, January 24, 2019

Batan-New Washington bridge top priority ng administrasyon sa Batan


BATAN, AKLAN - Top priority ng administrasyon ng pamahalaang lokal ng Batan ngayong taon ang pagtatayo ng tulay na mag-uugnay sa kanilang bayan at bayan ng New Washington.

Ito ang ibinihagi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago sa kanyang mensahe sa bayan ng Batan bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Ati-ati Festival doon.

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng senatorial aspirant dating Sec. Bong Go ang naturang proyekto.

Ibinida rin ni Pialago ang iba pang proyekto ng pamahalaang lokal ng Batan sa pangunguna ni Mayor Rodell Ramos. Kabilang rito ang aniya ay ongoing construction ng Mandong-Napti bridge.

Ipinagmalaki rin niya ang nakatakdang pagtatayo ng municipal school, district hospital, Batan port sa Brgy. Poblacion, Tabon bridge, at 500-million worth ng seawall na itatayo sa Songcolan.

Ikinatuwa naman ito ng taumbayan na presente sa programa. Ang iba pang mga panauhin sa nasabing aktibidad ay mga lokal na opisyal at kinatawan ni Dong Mangundadato.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, January 23, 2019

Binaeayran sa kuryente nagnubo pagid sa buean it Enero suno sa Akelco


Raya ro ginpaguwa nga pahayag it Akelco angot sa power rate nanda sa buean it Enero:

Malipayon nga ginapaabot it AKELCO nga nagnaba sa uman rong power rate per kilowatt hour umpisa ku Disyembre hasta sa rayang buean it Enero. Nahatunga sa tatlo nga klase it customer ro ginserbisyuhan it AKELCO, hayra ro detalye it pagkumpara:

CUSTOMER TYPE DECEMBER JANUARY
RESIDENTIAL(21Kwh-up)
11.1722( DECEMBER) 11.1159 (JANUARY) (0.0563)
LOW VOLTAGE (non-residential)
10.2305 (DECEMBER) 10.1749 (JANUARY) (0.0556)
HIGH VOLTAGE(non-residential)
8.5314 (DECEMBER) 8.4678 (JANUARY) (0.0636)

Sa makaron nga buean, ro kabangdanan it pagnaba hay bangud sa direktiba it PSALM (Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation) nga pundohon eon ro pagkolekta it UC-SSC o Universal Charge-Stranded Contract Cost umpisa sa January billing sa rayang dag-on. Ro PSALM hay otorisado nga mgkolekta sa mga distribution utilities kaparehas it AKELCO ag transmission company kamana ku NGCP it P0.1938/kwh UC-SSC umpisa ku Mayo ku nagtaliwan nga dag-on agud ma-recover ro kueang sa contracted cost it kuryente it Nat’l Power Corp. kato kumpara sa aktuwal nga presyo it kuryente sa power industry (ERC Case No.2011-091RC).

Ku Disyembre 2018 nakumpleto eon ro recovery it nasambit nga Stranded Contract Cost ngani umpisa sa raya nga buean indI eon magkolekta ro PSALM paagi sa AKELCO it P0.1938/kwh nga UC-SSC.

As per ERC Case No.2011-091RC, PSALM is authorized to collect P0.1938/kwh, referred as the Stranded Contract Cost (SCC), from all distribution utilities like AKELCO and transmission company like NGCP. Collection of UC-SSC started in May 2018 and as per December 2018 remittance, PSALM received the full recovery. UC-SSC is no longer reflective in January billing; the reason of decrease in power rate)

Para sa dugang nga impormasyon, magtawag sa mga AKELCO Area Offices o makipag-angot sa AKELCO Corporate Planning (CorPlan) & Utilities Division sa numero 274-7525.##

Anomaliya sa konstruksiyon ng Makato Public Market pinaiimbestigahan ng Sangguniang Bayan sa COA


PINAIIMBESTIGAHAN NG Sangguniang Bayan ng Makato sa Commission on Audit ang hindi natapos na konstruksyon ng harapan ng kanilang pamilihang bayan.

Nabatid na naglaan ng Php5,000,000.00 pondo ang pamahalaang lokal ng Makato para sa phase 1 ng rehabilitasyon ng pamilihan. Mula ito sa 20 porsyento ng kanilang development fund.

Nagsimula ang konstruksyon Hunyo 2018 at inasahang matapos sa Oktobre ng parehong taon. Kinontrata nila ang Audric Construction and Supply para sa nasabing proyekto.

Ayon kay Bob Augusto Legaspi, bise alkalde, sapat umano ang pondong inilaan ng pamahalaang lokal para sa naturang proyekto kaya ipinagtataka niya kung bakit hindi parin ito natatapos.

Aniya, mga tauhan pa ng munisipyo ang nagligpit ng mga nakatiwangwang na materyal na ginamit sa konstruksyon matapos aniyang pabayaan ng kontraktor.

Sinabi pa niya na humihingi muli ng panibagong budget si Mayor Abencio Torres sa pamamagitan ng Sanggunian pero hindi umano nila ito inaprubahan.

Nais muna umano nilang paimbestigahan ang nasabing anomaliya sa COA.

Sa kabilang banda, naniniwala si Mayor Abencio Torres na politika ang nasa likod ng pagtanggi ng Sanggunian sa kanyang hiling na dagdag budget para sa kontruksyon ng public market.##

Aso aalayan ng isang funeral procession sa Kalibo bago ang disenteng libing


ILILIBING NA ang aso na pinaglamayan ng mahigit isang buwan sa bahay ng may-alaga sa bayan ng Kalibo.

Una nang itinampok ng Energy FM Kalibo ang kakaibang pagmamahal ng may-alaga na si Albert Manalo sa namatay niyang aso.

Ang kanyang alaga na si Nikki ay ililibing araw ng Miyerkules sa labas ng kanilang bahay sa Oyo Torong St., Poblacion, Kalibo alas-3:00 ng hapon.

Nakahanda na ang kanyang libingan na mayroon pang lapida. Bago ang libing ay isa munang funeral procession ang iaalay sa aso na isang Japanese Spitz.

Namatay ang aso noon pang Disyembre 17, 2018 dahil umano sa atake sa puso. Edad pitong taong gulang ang aso na tinatawag ng may-alaga na "Nikki".

Inilagay ni Kasimanwang Albert ang namatay na aso sa isang kahon na nagsilbing ataol at inaalayan ng bulaklak, kandila at pagkain.

Matagal na dapat na nailibing si "Nikki" kaya lang hindi matanggap ng kanyang amo na ilibing siya agad. Paulit-ulit nilalagyan ng formalin ang aso para mapreserba.

Ilang kaibigan at pamilya rin ang dumadalaw sa burol ng aso para makiramay sa may-alaga.

Nais ng amo na iikot muna ito sa plaza bilang huling pamamasyal nila. Sasama rin sa prosesyon ang ilang kamag-anak, kaibigan at iba pa bago ito ilibing.##

Monday, January 21, 2019

Mga plakard na may bastos na mensahe ipinagbabawal sa Ati-ati festival sa Ibajay

hindi amin ang mga larawan / kredit sa mga may-ari
MAHIGPIT NA ipinagbabawal sa sanglinggong selebrasyon ng Ati-ati festival sa bayan ng Ibajay ang pagbitbit ng mga plakard na naglalaman ng mga bastos na mensahe.

Ito ay batay sa ipinalabas na executive order ng alkalde ng Ibajay na si Jose Enrique Miraflores ngayong araw ng Lunes, Enero 21. Epektibo simula Enero 21 hanggang Enero 27 ang nasabing atas.

Ipagbabawal rin ang mga plakard na nakakasira sa iba at mga may kaugnayan sa politika.

"The gaiety and solemnity of the festival during the week-long celebration has always been sustained, with devotees and pilgrims experiencing a unique way of appreciating the Ati-ati festival at Ibajay, Aklan," saad sa E.O. no. 03.

"The carrying of obscene, indecent, offensive, and politically-related placards will destroy the solemnity of the festival and will create a great disrespect to our Patron Saints, Sto. NiƱo".

Inatasan ng alkalde ang kapulisan, mga tanod at mga force multiplier na binigyan ng otoridad ng munisipyo na magbantay at pagsabihan ang mga lalabag rito at kumpiskahin ang kanilang mga plakard.

Ang naiibang selebrasyon ng Ati-ati festival sa Ibajay ay bumibighani ng libu-libong mga bisita at mga deboto.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

"Zero major incident" sa selebrasyon ng Ati-atihan Festival 2019 - PCSupt. Bulalacao


NAGING GENERALLY peaceful ang katatapos lang na sanglinggong pagdiriwang ng Ati-atihan Festival sa bayan ng Kalibo na walang anumang malaking sakuna na naitala ayon sa kapulisan.

Lunes ng umaga sa flag raising ceremony sa Camp Pastor Martelino ay binigyang pugay at parangal ni PCSupt. John Bulalacao, regional director ng Police Regional Office 6, ang mga kapulisan na itinalaga sa festival.

Ayon kay General Bulalacao, "zero major incident" ang selebrasyon ngayong taon. Bumaba rin aniya ng husto ang mga street incidents. Kumpara noong 2018 na may sampung kaso ng physical injury, ngayong taon ay dalawa lamang aniya.

Kung may ilan man aniyang insidente ay maliliit lamang o hindi na naiulat sa kapulisan. Ang iba aniya ay nagkaayos nalang at hindi na nagsampa ng kaso.

Sinabi pa ni Bulalacao na ang matagumpay na pagpapatupad ng seguridad sa selebrasyong ito ay gagayahin rin nila sa iba pang selebrasyon gaya nalang ng nalalapit na Dinagyang Festival sa Iloilo.

Pinarangalan niya rin ang ilang miyembro ng PNP dahil sa mga accomplishment gaya nalang ng pagkakaaresto sa isang snatcher, at mga drug personalities sa kasagsagan ng selebrasyon.

Pinsalamatan rin niya at binigyan ng parangal ang ilang stakeholders gaya ng media, mga emergency support unit, at ang pamahalaang lokal ng Kalibo at ang event organizer sa pagsuporta sa kapulisan.

Samantala, sa kanyang mensahe naging emosyonal si Kalibo Mayor William Lachica sa ipinamalas na kagitingan at tiyaga ng kapulisan para sa aniya isang "very, very successful event."

Pagkatapos ng seremonya ay babalik na sa kani-kanilang mga unit ang kapulisan. Matatandaan na kabuuang mahigit 1,600 kapulisan, sundalo at emergency response team ang itinalaga sa festival bilang bahagi ng Site Task Group Ati Fest 2019.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Sunday, January 20, 2019

Listahan ng mga nanalo sa "Sadsad Ati-atihan 2019"



Narito ang listahan ng mga nanalo sa "Sadsad Ati-atihan 2019"

TRIBAL BIG
Grand Winner - Black Beauty Boys (Linabuan Norte, Kalibo)
2nd place - Vikings (Dumga, Makato)
3rd place - Libtong Boys (Estancia, Kalibo)

TRIBAL SMALL
Winner - Kabog (Estancia, Kalibo)
2nd place - Tribu NiƱolitos (Tigayon, Kalibo)
3rd place - Tribu Bukid Tigayon (Tigayon, Kalibo)

MODERN GROUP
Winner - Aeang-aeang (Laguinbanwa West, Numancia)
2nd place - Atras Abante (Mga Inapo ni Datu Kalantiaw) (Poblacion, Makato)
3rd place - Roya Scorpio (Poblacion, Kalibo)

BALIK ATI
Winner - Tribu Datu Puti (Rosario, Malinao)
2nd place - Sinikway nga Ati (Dumga, Makato)
3rd place - Malipayong Ati (San Roque, Malinao)

MODERN TRIBAL - INDIVIDUAL
Best 1 - Jess Magpusao (Pagaspas) (Albasan, Numancia)
Best 2 - Junnel Palmani (Goddess of Terra Matter) (Old Buswang, Kalibo)
Best 3 - Milmar Soguilon (Tul-ang, Ibajay)

ORIGINAL ATI TRIBAL - INDIVIDUAL
Best 1 - Terry Ebiel (Negra La Viva) (Dumaguit, New Washington)
Best 2 - Jomel Patricio (Tul-ang, Ibajay)
Best 3 - Noel Trance (Catriona Fauna) (Tagas, Tangalan)




Bishop Talaoc: tulungan ang mga mahihirap, pansinin ang mga Ati, iba pang katutubo


BINIGYANG DIIN ni Most Rev. Jose Talaoc, Bishop ng Diocese of Kalibo, sa kanyang homiliya sa kapyestahan ng SeƱor Santo NiƱo de Kalibo ang pagpapakumbaba at pagtulong sa mga mahihirap.

Ibinahagi niya ang halimbawa ng Panginoong Jesus Cristo na naglingkod sa mga nangangailangan bilang pagtupad sa gawain ng Ama. "Daya man do challenge katon tanan, kakon, sa mga pari, sa mga lider it nasyon, sa atong probinsiya ag mga banwa."

Nagpaalala siya sa lahat na maging mapagpakumbaba. "I'm always reminding myself and our leaders that we can only emulate great leader nga simple, mapinainubuson para masabat ro mga kinahangeanon it mga pobre." Aniya ang mga napapabayaan ay ang mga mahihirap.

Binanggit rin niya ang pagbibigay pansin sa mga Ati sa Boracay, sa mainland Malay, sa Bulwang, Numancia, at sa Altavas ganoon rin ang mga katutubo sa mga bayan ng Madalag at Libacao.

Ang misa ay dinaluhan ng libu-libong deboto na pumuno sa Pastrana Park. Kasunod nito ay pinangunahan naman ni Kalibo Mayor William Lachica ang pagtataas ng imahe ng Sto. NiƱo at pagsigaw ng "Viva kay Sr. Sto. NiƱo!"

Sinundan ito ng procession ng mga Sto. NiƱo images at sadsad ng mga tribu at grupo na kalahok sa patimpalak ng selebrasyon ng Ati-atihan Festival.

Ang kultural at relihiyosong selebrasyon ng Kalibo Sto. Nino Ati-atihan Festival ay nagsimula noong Enero 2 at magtatapos ngayong araw ng Linggo, Enero 20.##

3 arestado sa pagtutulak umano ng droga sa Kalibo Ati-atihan festival


ARESTADO ANG dalawang drug surenderee at isa pa sa ikinasang buy bust operation sa kaarawan ng kapyestahan ng Kalibo Ati-atihan Festival.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Adrias alyas "Pads", 32-anyos, isang tatoo artist, residente ng Roxas City, Capiz; Jamaica Cill, 19, residente ng Panay, Capiz; at Angelica Aranza, 26, residente ng Roxas City, Capiz.

Nasabat sa kanila ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng Php5,000 buy bust money.

Batay sa ulat ng kapulisan, sina Adrias at Aranza ay mga drug surenderee sa Roxas Capiz. Kinumpirma naman ito Adrias subalit tumangging magbigay iba pang pahayag sa panayam ng Energy FM Kalibo.

Inaresto ang tatlo sa kanto ng Acevedo St. at Regalado St. sa Poblacion, Kalibo madaling araw ng Linggo.

Ang operasyon ay ikinasa ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency at ng Kalibo PNP.

Pansamantalang ikinulong ang tatlo sa Kalibo PNP Station at nakatakdang sampaham ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.##