Arestado ang isang barangay kagawad na ito sa ikinasang drug buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Provincial Drug Enforcement Unit.
Kinilala ang suspek sa pangalang Cielo Tolosa, 35-anyos, kagawad ng Caticlan, Malay, Aklan.
Nakuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang suspek sa pamamagitan ng buybust operation kapalit ng Php500.00.
Isa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu ang nakuha umano sa body search.
Mariin namang itinanggi ng suspek ang pagkakasangkot niya sa iliga na droga./ Archie Hilario, EFM Kalibo
Friday, July 20, 2018
PANIBAGONG KASO ISINAMPA NG NBI VS MGA NEGOSYANTE, MGA LOKAL OPISYAL KASUNOD NG KRISIS SA BORACAY
Nagsampa ng panibagong kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) Environmental Crime Division Department of Justice (DOJ) kaugnay ng krisis sa kalikasan na kinakaharap ng Isla ng Boracay.
Ang sinampahan ngayong araw ng Byernes ay ang Yooringa Corporation, may-ari ng Karuna Boracay Suites sa Bgy. Balabag, Isla ng Boracay, Malay.
Ito na ang ikaanim na isinampa ng Task Force Boracay ng NBI sa paglabag sa Revised Forestry Code, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at Local Government Code. Ang unang limang kaso ay isinampa araw ng Huwebes.
Narito naman ang mga sangkot na mga government officials:
*Malay, Aklan Mayor Ceciron Cawaling;
* former Mayor John Yap;
* former Aklan Provincial Assessor Enrique Claudio;
* former Aklan Provincial Assessor Vicente Teodocio;
* former Aklan Provincial Assistant Assessor Ramon Panagsagan;
* former Aklan Provincial Assessor Milagros Azarcon;
* present Aklan Provincial Assessor Kokoy Suguilon;
* Malay Municipal Assessor Erlinda Casimero; at
* Malay Municipal Zoning Administrator Alma Belejerdo.
Ayon sa report ng ABS-CBN, sinabi ng NBI na ang kaso ng mga respondents ay “continuing… since 1999.” Nabatid na nakatayo sa forest land ang nasabing resort.
Una nang sinampahan ang Correos Internacionale, Boracay Island West Cove Management Philippines, Denichi Boracay Corporation, Seven Seas Boracay Properties, at Boracay Tanawin Properties. | EFM Kalibo

LAHAT NG ECC SA BORACAY SINUSPINDE NG DENR
Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng environmental compliance certificates (ECC) ng lahat ng business establishments sa Isla ng Boracay.
Alinsunod ito sa Memorandum Circular 2018-08 na nilagdaan ni Environment Secretary Roy Cimatu. Ayon sa kanya, ang hakbang ay para bigyang-daan ang pagrereview ng compliance sa mga environmental laws sa Isla.
Inatasan na ni Cimatu ang Environmental Management Bureau (EMB) office sa Region 6 (Western Visayas) na patuloy na imonitor ang lahat ng mga establisyemento sa Boracay para masigurong hindi ito lalabag sa mga environmental laws.
Ayon sa report ng Manila Bulletin, ang deadline sa pagsusumite ng mga kaukulang dukomento para malift ang suspension ng ECC ay sa Agosto 15.
Pwede umanong isumite ito sa National Task Force sa Casa Pilar Resort Boracay. Ang mga bagong permit ay ilalabas ng tanggapan bago o sa mismong sa Setyembre 15.
Isang committee na binubuo ng mga tauhan ng DENR, EMB and Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang magrereview sa lahat ng mga establishment.
Una nang sinabi ni Sec. Cimatu na sa Oktubre 26 ay bubuksan na ang Isla ng Boracay idinagdag na tanging ang mga compliants lamang ang papayagan mag-operate. | EFM Kalibo

BOARD MEMBER SODUSTA AT ASAWA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA PAGLABAG SA ENVIRONMENTAL LAWS SA BORACAY
Dawit si Aklan Board Member Nolly Sodusta sa mga kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) dahil sa paglabag sa environmental laws sa Boracay.
Base sa report kabilang si Sodusta sa mga stockholders at mga may-ari ng Boracay Tanawin Resorts na sinampahan ng NBI ng kaso.
Kabilang din siya at ang kanyang asawa na si Angels Sodusta sa mga incorporators at board of directors ng Denichi Boracay Corporation na kinasuhan din ng NBI.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ni Sodusta na handa umano niyang sagutin ang kaso. Giit niya, unclassified pa ang mga lugar noon nang itayo ang mga resort na nabanggit bago idineklara itong forestland area.
Kinasuhan din ang mga stockholders/owners ng Boracay Island West Cove Management Philippines, mga stockholders/officers ng Correos International Incorporated Internacional Inc. at ng Seven Seas Boracay Properties Inc.
Kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Local Government Code of 1991 ang isinampa laban sa naturang respondents. | EFM Kalibo

SUSPEK SA PAGPATAY SA CONSTRUCTION WORKER SA ISLA NG BORACAY ARESTADO NA
(Update) Nasa kamay na ng Boracay PNP ang suspek sa pagpatay sa isang lalaki na natagpuang naaagnas sa kanipaan sa Brgy. Manocmanoc, Isla Boracay umaga ng Miyerkules.
Ang suspek na si Glemer Escasulatan, 25-anyos ay nahuli sa Brgy Mataphaw, New Washington hating gabi ng Huwebes sa pamamagitan ng hot pursuit operation ng Boracay at New Washington PNP, at mga tanod ng Brgy. Manocmanoc.
Ayon kay PO1 Christian Ureta, imbestigador ng Boracay substation, ang bangkay ay kinilala ng pamilya na si Donie Manuel, 45-anyos, isang construction worker at tubong Sta. Fe, Romblon.
Batay umano sa testigo na si Sadam Nacionales, gabi umano ng Sabado nang magsumbong sa kanya ang pinsan na pinatay niya ang biktima at itinapon umano sa kanipaan at pagkatapos ay tumakas.
Sinabi ni PO1 Ureta na Byernes ng hapon ay nag-inuman pa umano ang suspek at ang biktima. Simula noon ay di na umano nasilayan pa ang biktima.
Nahaharap sa kasong murder ang nasabing suspek.| Darwin Tapayan, EFM Kalibo

MGA LOKAL NA OPISYAL SA AKLAN AT IBA PA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA MGA PAGLABAG SA ENVIRONMENTAL LAWS SA BORACAY
Maliban sa mga opisyal, stockholders at incorporators ng mga resort sa isla ng Boracay na kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) narito naman ang mga lokal na opisyal at iba pa na kinasuhan din dahil sa mga paglabag sa environmental laws sa Boracay:
*Malay Mayor Ceciron Cawaling
*Former Mayor John Yap
*Municipal Engr. Elizer Casidsid
*Municipal Zoning Administrator Alma Belejerdo
*Municipal Assessor Erlinda Casimero
*Aklan Provincial Assessor Kokoy Soguilon
*Local Assessment Operations Officer 4 Roger Rembulat
*Boracay Island Chief Operations Officer Glenn SacapaƱo
*Environmental Management Specialist Tresha Lyn Lozanes
*Boracay Foundation Inc. Director Pia Miraflores
Kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Phils, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Local Govt Code of 1991 ang isinampa laban sa naturang respondents./ EFM Kalibo

ILANG RESORTS SA BORACAY, KINASUHAN NA NG NBI
Sinampahan na ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang ilang korporasyon sa Boracay at mga lokal na opisyal ng Malay, Aklan dahil sa paglabag sa environmental laws.
Kabilang sa mga kinasuhan ng NBI ang stockholders at mga may-ari ng Boracay Tanawin Resorts na sina George Wells, Immanuel Sodusta at Kennylyn Gonzaga.
Sinampahan din ng kaso ang incorporators at board of directors ng Denichi Boracay Corporation na sina Matsuo Denichi, Sheryl Zonio, Immanuel Sodusta, Angeles Sodusta at Socrates Canta.
Kinasuhan din ang Boracay Island West Cove Management Philippines stockholders/owners na sina Crisistomo Aquino, Maria Jovita Aquino, Juan Fidel Aquino, Marlon Aquino, Regine Erica Aquino at Lorna Aquino.
Kasama rin sa respondents ang Correos International Incorporated Internacional Inc. stockholders/officers na sina Lim Chee Yong, Maria Christina Romualdez, Gene Arthur Go, George Lin Yuhui, Amelita Morales, Aileen De Mesa at Alex Alamsya.
Inireklamo rin ng NBI ang Seven Seas Boracay Properties Inc. stockholders/officers na sina Leo Angelo de Jesus, Maria Concepcion Soledad,Gabriel Tabalon, Amelita Poppaw.
Kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Local Government Code of 1991 ang isinampa laban sa naturang respondents.
Una nang inatasan ni Justice Menardo Guevarra ang NBI na bumuo ng Task Force Boracay na mag-iimbestiga laban sa mga lumabag sa environmental laws na nagdulot ng kontaminasyon sa isla.
read more >> https://tnt.abante.com.ph/ilang-resorts-sa-boracay-kinasuh…/

Thursday, July 19, 2018
TAAS-PASAHE SA MGA TRICYCLE SA KALIBO APRUBADO NA SA SANGGUNIANG BAYAN
Inaprubahan na ng Sangguniang Bayan sa ikatlo at huling pagbasa ang ordinansa na nagtatakda ng taas-pasahe sa mga tricycle sa Kalibo ngayong Huwebes sa kanilang regular session.
Nakasaad sa ordinansa ang dalawang pisong taas-pasahe sa kasulukuyang regular na pamasahe.
Halimbawa, sa Poblacion, Kalibo mula sa pitong piso ay magiging siyam na piso na ang pamasahe.
May 20 porsiyento namang diskwento ang mga senior citizens, persons with disabilities at mga estudyante.
Isinama rin sa ordinansa ang mga presyo ng pamasahe sa mga Sitio sa mga barangay sa Kalibo base sa napagkasunduan ng mga tao at mga tricycle driver at mga operator.
Nilinaw naman ni Vice Mayor Madeline Regalado, regular presiding officer ng Sanggunian, na magiging epektibo lamang ang taas-pasahe kapag napirmahan na ng alkalde ang ordenansa at kapag lumabas na ang mga taripa.
Matatandaan na nag-ugat ang panukalang ito nang sumulat sa Sanggunian ang asosasyon ng mga tricycle sa Kalibo Marso ngayong taon na taasan ang pamasahe. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

MAY-ARI NG MGA BARIL NA NAREKOBER SA KOTSE NA NADISGRASYA SA IBAJAY PATULOY NA TINUTUKOY
(update) Patuloy na inaalam ng kapulisan kung sino ang nagmamay-ari ng dalawang baril na narekober sa loob ng nadisgrasyang kotse sa Brgy. Colong-colong, Ibajay gabi ng Linggo.
Ang mga baril na ito ay isang 9mm at 45 caliber. Ayon kay PCInsp. Ariel Nacar, hepe ng Ibajay PNP, wala umanong mga bala ang mga baril na ito nang marekober ng kapulisan.
Sinabi pa ni Nacar na isang retiradong sundalo na hindi na pinangalanan pa ang dumulog umano sa kanilang tanggapan kinabukasan matapos ang insidente at inaangkin ang mga baril na nagpakita rin ng mga dokumento.
Beberipikahin parin umano ang mga ipinakita niyang dokumento. Sa ngayon ay hinihintay pa ng Ibajay PNP ang sagot ng Firearms and Explosive Division ng PNP sa Campo Crame para mapatunayan kung sino ang nag-mamay-ari ng mga ito.
Iginiit rin niya sa panayam ng Energy FM Kalibo hapon ng Miyerkules na hindi pwedeng makasuhan ang driver at isa pang sakay ng kotse dahil hindi narekober ang mga baril sa kanilang posisyon.
Matatandaan na sumalpok sa pader ang kotseng ito na menamaneho ni Adrian Alag kasama ang sakay na si Randy Fernandez, parehong taga-Brgy. Laguinbanwa, Ibajay, at nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ng maganap ang insidente.
Parehong nagtamo ng mga sugat sa katawan ang dalawa at mabilis na isinugod sa ospital ng rumespondeng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).
Base sa ulat ng Ibajay PNP, hindi kasama sa aksidente ang naturang retiradong army. Itinatanggi naman ng driver at ng sakay nito ang mga nasabing baril. Inaalam rin kung sibo ang nagmamay-ari ng kotse.
Nabatid na ang driver ng kotse ay anak ni dating SB member Ariel Alag at ngayon ay MDRRMO officer sa nasabing bayan. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Wednesday, July 18, 2018
CONSTRUCTION WORKER NATAGPUANG PATAY SA ISLA NG BORACAY
Isang bangkay ang natagpuan na nakalubog sa putikan sa kanipaan ng Sitio Ambulong, Brgy. Manocmanoc Isla ng Boracay umaga ng Miyerkules.
Ayon kay PO1 Christian Ureta, imbestigador ng Boracay substation, ang bangkay ay kinilala kalaunan ng pamilya na si Donie Manuel, 45-anyos, isang construction worker at tubong Sta. Fe, Romblon.
Nabatid na naaagnas na ang bangkay ng matagpuan ito. Plano ng mga otoridad na isailalim ito sa otupsiya para malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Batay umano sa testigo na si Sadam Nacionales, gabi umano ng Sabado nang magsumbong sa kanya ang pinsan na si Glemer Escasulatan na pinatay niya ang biktima.
Simula nang gabi na iyon ay hindi na umano nakita pa ang suspek.
Sinabi ni PO1 Ureta na Byernes ng hapon ay nag-inuman pa umano ang suspek at ang biktima. Simula noon ay di na umano nasilayan pa ang biktima.
Pinaghahanap na ngayon ng otoridad ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong murder. Patuloy ring inaalam ang motibo sa insidente. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
photo © Jhonny Ponce

GOBERNOR NG AKLAN AT ASAWA NAHAHARAP SA KASO KRIMINAL DAHIL SA MAANOMALYANG SALN
Nahaharap ngayon sa apat na paglabag ang gobernador ng Aklan na si Florencio “Joeben” Miraflores sa Sandiganbayan Second Division dahil sa maanumaliyang deklarasyon sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Sinampahan siya ng mga paglabag sa Section 8 of R.A. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kasama ang kanyang asawa na si dating Ibajay Mayor Ma. Lourdes Martin Miraflores base sa charge sheets na isinampa ni Graft Investigation and Prosecution Officer III Rachel T. Cariaga-Favila.
Mababatid na ang mag-asawang Miraflores ay nabigo na ideklara sa kanilang 2006, 2007, 2008 at 2010 SALN ang ilang ari-arian kabilang ang kanilang P6,160,000 investments sa Rural Bank of Ibajay, Inc., isang Isuzu Elf (RDJ867), isang Mazda pick-up (FCW954), isang Nissan Safari wagon with plate number TTF447, at isang Kawasaki motorcycle ( 062810).
Kabuuang Php120,000 ang itiakdang pyansa sa kanila o Php30,000 per breach of conduct charge.
Sa ilalim ng Section 8 of R.A. No. 6713, “public officials and employees have an obligation to accomplish and submit declarations under oath of, and the public has the right to know, their assets, liabilities, net worth and financial and business interests including those of their spouses and of unmarried children under eighteen (18) years of age living in their households.”/ source: Manila Bulletin

KAHIT NAKASARA, BORACAY KINILALA BILANG BEST ISLAND IN ASIA
Bagaman isinara sa mga turista simula Abril ang Isla ng Boracay napanatili parin nito ang kanyang pwesto sa Travel + Leisure magazine’s list ng Top 10 islands in Asia.
Pangwalo ang Boracay ngayong taon. Pang-anim ang Cebu samantalang ang Palawan ay nasa ikalimang pwesto.
Ang top spot ay ang Java, Indonesia na nanguna rin sa Travel + Leisure magazine’s world’s best islands list.
Narito ang Top 10 islands in Asia, base sa pagboto ng mga mambabasa ng Travel + Leisure:
1. Java, Indonesia (95.28)
2. Bali, Indonesia (94.06)
3. Lombok, Indonesia (93.88)
4. Maldives (90.48)
5. Palawan, Philippines (90.04)
6. Cebu, Philippines (89.10)
7. Phuket, Thailand (86.14)
8. Boracay, Philippines (86.14)
9. Koh Samui, Thailand (85.07)
10. Koh Lanta, Thailand (82.50)
Kinatuwan naman ng Department of Tourism ang pagkasama ng tatlong isla ng Pilipinas sa Travel + Leisure’s list.
“Still one of Asia’s finest. See you soon, Boracay!” sabi ng ahensiya sa kanilang facebook post araw ng Martes./ EFM Kalibo

Tuesday, July 17, 2018
PASCUA SA MALINAO ITINANGHAL SA PAGBISITA NG ALIW AWARDS SCREENING COMMITTEE SA BAYAN NG MALINAO
Ito ang pagtatanghal ng Pascua sa Malinao Festival na ipinakita sa pagbisita ng Aliw Award Foundation Inc. sa bayan ng Malinao araw ng Lunes.
Ito ay pagtatanghal ng Artisano Dance Troupe ng Malinao School for Philippine Craftsmen sa pangunguna ni Jomer Protacio.
Ang dance troupe ay kabilang sa Aklan Performing Arts Network (APAN) na pinarangalan bilang Best Cultural Group sa 30th Aliw Awards noong nakaraang taon.
Lingid sa kaalaman ng iba, ang Pascua sa Malinao ay taunang pagdiriwang ng bayan tuwing Disyembre na inoorganisa ng pamahalaang lokal at ng parokya.
Ang mga bisita ay mainit na sinalubong ng mga opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Ariel Igoy.
Isang maikling programa rin ang ginawa ng pamahalaang lokal kung saan ipinakita rito ang mayamang kasaysayan at kultura ng Malinao.
Ang Aliw Award screening committee ay naglilibot sa buong Panay para makahanap ng inonominate para sa iba-ibang mga parangal.
Ang grupo ay binubuo nina Luciano "Sonny" Valencia, Frank Rivera at Danilo Salcedo. Si Peter Macrohon isang Aliw awardee at siya ring artistic director ng APAN ang nagfacilitate sa pagbisita ng grupo sa probinsiya.
Ang Aliw Award ay parangal sa mga natatanging pagtatanghal kagaya ng theatre, opera, dance, live vocal at instrumental shows. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
photos © Jeff Darvin Igoy Repedro

LISTAHAN NG MGA NAHALAL NA PRESIDENTE NG LIGA NG MGA BARANGAY SA 17 MUNISIPYO SA AKLAN
Narito ang mga nanalong punong barangay sa pagiging presidente ng Liga ng mga Barangay sa bawat munisipyo sa Aklan sa eleksyon araw ng Lunes:
Altavas
HERNAN CATUIRAN
(Brgy. Tibiao)
Banga
ALMA NERON
(Brgy. Sigcay)
Balete
CIRIACO FELICIANO
(Brgy. Arcangel)
Batan
Rizal Rodriguez
(Brgy. Cabugao)
Buruanga
QUEZON LABINDAO
(Brgy. Poblacion)
Ibajay
REMAR BAUTISTA
(Brgy. Poblacion)
Kalibo
RONALD MARTE
(Brgy. Pook)
Lezo
ALBANE NEPOMUCENO
(Brgy. Tayhawan)
Libacao
ROSELO ZAMBRONA
(Brgy. Pinonoy)
Madalag
CHRISTOPHER NAVARRO
(Brgy. Alas-as)
Makato
BOBBY CLYDE LEGASPI
(Brgy. Poblacion)
Malay
RANIE TOLOSA
(Brgy. Caticlan)
Malinao
NESTOR TACUD
(Brgy. Osman)
Nabas
ALONAJOVE ANN COCHING
(Brgy. Buenavista)
New Washington
CHRISTIAN PERALTA
(Brgy. Poblacion)
Numancia
ALVIN NABOR
(Brgy. Laguinbanwa West)
Tangalan
GLENN TABANG
(Brgy. Tamalagon)
Ang mga nanalo ay uupo bilang ex-officio member ng Sangguniang Bayan sa kani-kanilang mga munisipyo. Magbobotohan din sila ng Liga ng mga Barangay president sa buong Aklan.

ANTHONY NABOR UMUPO BILANG BAGONG KINATAWAN NG LIGA NG MGA BARANGAY SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Si Anthony Nabor, punong barangay ng Alaminos, Madalag ang pansamantalang umupo bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan para kumatawan sa Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.
Sa regular session ng Sanggunian araw ng Lunes ay pormal nang naupo sa pwesto si Nabor. Nahalal siya bilang interim president ng Liga, Aklan Chapter.
Ibinoto siya ng apat na miyembro ng board of directors na sila nalang natitira sa Liga matapos muling maihalal na mga punong barangay noong Mayo.
Si Nabor ay incumbent president ng Liga sa bayan ng Madalag simula noong 2013. Siya ay incumbent na miyembro ng board of directors ng Liga, Aklan Chapter bago siya nahalal na presidente rito.
Mababatid na nabakante ni dating ex-officio member, ABC president Rey Tolentino ang pwesto sa SP-Aklan.
Sa Hulyo 30 ay pormal na maghahalal ang mga presidente ng Liga sa 17 munisipyo ng presidente nila sa buong probinsiya. Ang mapipili ang regular na uupo bilang ex-officio member sa SP./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

44 ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA PAGGAHASA SA ISANG 10-ANYOS NA BATANG BABAE
Arestado ang lalaking ito matapos ireklamo ng panggahasa sa isang 10-anyos na bata sa bayan ng Kalibo.
Kinilala ang suspek na si Ariel Viray, 44-anyos, isang pahenante sa truck, residente ng C. Lacerna St., Kalibo.
Salaysay ng ama nalaman niya ang nangyari nang magsumbong sa kanya ang biktima.
Nahuli sa follow-up operation ng Kalibo PNP ang suspek sa Candelaria, New Washington.
Nabatid na tiyuhin ng bata ang lalaki.
Sa recorded interview ng Energy FM, itinatanggi pa ng suspek ang nangyari pero inamin rin kalaunan.
Depensa niya, lasing siya ng mangyari ang insidente.
Humihingi naman ng pasensiya ang suspek sa pamilya.
Pansamantalang nasa pangangalaga ngayon ng Kalibo PNP ang suspek at posible sampahan ng kaukulang kaso. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

PAGLIMITA SA BILANG NG TURISTA AT IMPRASTAKTURA SA BORACAY PINAG-AARALAN – DILG
Plano ng Department of Interior and Local Government na limitahan ang bilang ng mga turista at mga imprastraktura sa Boracay.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, nagsasagawa ngayon ang Department of Environement and Natural Resources ng pag-aaral sa “carrying capacity” o ang dami ng tao na kaya ng isla para mapangalagaan ito laban sa pagkasira ng kalikasan.
Kasama rin sa pag-aaral ang posibildad ng paglimita sa mga imprastrukturang itatayo sa lugar.
Samantala, sinabi naman ni Densing na hindi pa natutukoy sa ngayon kung kailan maaaring simulan ng mga turista at ng tourist operators ang pag-book ng flights.
Matatandaang isinailalim sa anim na buwan na rehabilitasyon ang Boracay mula noong Abril at inaasahang bubuksan muli ito sa mga turista sa Oktubre.
Read more: http://radyo.inquirer.net/…/paglimita-sa-bilang-ng-turista-…

Monday, July 16, 2018
LALAKI SINAKSAK PATAY SA BAYAN NG MAKATO
Patay ang isang lalaki sa Brgy. Cayangwan, Makato matapos saksakin sa kanilang bahay gabi ng Linggo.
Kinilala sa report ng Makato PNP ang biktima na si Rexel Isanan, 31, laborer, residente ng nabanggit na barangay.
Kinilala naman ang suspek na si Romel Tumanon, magsasaka, 37, ng Sitio Laguna sa parehong lugar.
Ayon sa report ng pulisya, sinugod umano ng suspek ang biktima sa bahay at nagtalo pa bago niya ito sinaksak.
Nagtamo ng malubhang sugat ng pananaksak sa tiyan ang biktima dahilan para bawian ito ng buhay.
Nakaoagtago pa ang suspek sa pagresponde ng kapulisan pero kalaunan ay personal ring humarap ang suspek sa Makato PNP station sa tulong ng kagawad ng barangay.
Nabatid na bago naganap ang insidente, nagkainuman pa ang dalawa sa isang bahay at nagkaroon ng pagtatalo roon.
Nasa pangangalaga na ng Makato PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

2 BAHAY SA BORACAY NASUNOG
Nasunog ang dalawang bahay na ito sa Sitio Bolabog, Brgy Balabag sa Isla ng Boracay umaga ngayong Lunes.
Ang mga bahay na ito base sa report ng Bureau of Fire (BFP) - Boracay ay pagmamay-ari nina Ronie Maayon at Ben Prado.
Mabilis namang naapula ng mga bombero ang apoy. Bahagyang nasunog ang mga bahay na ito.
Sinabi ni FO1 Kcylyn Macariola, imbestigador, tinatayang aabot sa Php260,000 ang pinsalang dulot ng sunog.
Wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing insidente.
Inaalam pa ng BFP-Boracay ang sanhi ng ng sunog. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

BOARDING HOUSE SA ESTANCIA, KALIBO NILOOBAN; MGA SUSPEK ARESTADO
Dalawang lalaking suspek sa pagnanakaw ang nahuli ng otoridad sa loob mismo ng tinarget nilang boarding house sa Capitol Site, Estancia, Kalibo.
Naganap ang insidente bandang alas 3:00 ng madaling araw.
Sa pagresponde ng PNP, nagtago pa sa loob ng comfort room ang suspek na si Oliver Distor, 19 anyos, na taga-Magdalena Village, New Buswang, Ang isa pang suspek na si Lendon Dela Cruz ay nagtago naman sa ilalim ng lamesa.
Na-recover sa mga ito ang mga ninakaw na kape, cellphone, kutsilyo, screw driver, pera na nagkakahalaga ng P200.00 at iba pa./ Archie Hilario, EFM Kalibo

PRIBADONG FARM SA KALIBO BUBUKSAN SA PUBLIKO BILANG ISANG TOURISM SITE
photos © Rhea Rose Meren, Kalibo Tourism Office |
Kaugnay rito isang resolusyon ang ipinasa ng Sanggunian Bayan upang ideklara na official tourism site ang pribadong farm na ito.
Ayon kay SB member Philip Kimpo, committeee chair on tourism, ito umano ang kauna-unahan sa Kalibo. Pagmamay-ari ito ng pamilya Policarpio.
Pero ayon kay Kimpo posibleng sa mga susunod ay may mga farm tourism site pa na isasama sa listahan ng mga official farm tourism site ng Kalibo.
Ayon sa tourism office ng munisipyo, ang farm ay may mga iba-ibang prutas, gulay, palaisdaan. May beach, swimming pool, mga cottages at pwede rin magboating.
Nakatakdang magbigay ng mga life jacket ang DOT6 para gamitin ng mga bisita at mga turista.
Umaasa ang pamahalaang lokal ng Kalibo na ang panibagong tourist site na ito ay magdadala ng investment at trabaho sa mga tagarito at revenue sa munisipyo. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
KOTSE BUMANGGA SA PADER SA BAYAN NG IBAJAY, DALAWA SUGATAN
Bumangga ang kotse na ito sa isang konkretong pader sa Brgy Colong-colong, Ibajay gabi ng Linggo.
Sugatan si Adrian Alag, driver, 25-anyos at kasama niyang si Randy Fernandez, 24, parehong mga taga-Brgy. Laguinbanwa sa nasabing bayan.
Ayon sa report ng Ibajay PNP, binabaybay umano ng dalawa ang kahabaan ng national highway nang pagdating sa kurbadang bahagi sa Brgy. Colong-colong ay lumagpas ito sa kalsada at bumangga sa pader.
Isinugod naman agad ang dalawa sa ospital para malapatan ng kaukulang paggamot.
Sinabi ng imbestigador na nakainom umano ang driver.
Samantala, kinumpirma ng kapulisan na nasabat nila ang dalawang baril mula sa mga sakay ng kotse. Biniberipeka pa umano kung rehistrado ang mga ito. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Sunday, July 15, 2018
MINIMUM WAGE EARNERS IN REGION 6 GETS PAY HIKE
Iloilo City, Philippines - The Department of Labor and Employment Region 6 has announced that minimum wage earners in the Region will get a raise effective July 12, 2018.
DOLE 6 Regional Director Atty. Johnson G. CaƱete, in a press briefing at Smaville 21 Hotel in Iloilo City on Wednesday, announced that the new minimum wage rate in the region is P365, covering workers in non-agriculture, industrial, commercial and agricultural sectors.
CaƱete said that under Wage Order No. RBVI-24, workers in the non-agriculture, industrial and commercial establishments employing more than 10 employees will receive a minimum wage of P365 per day from the previous P323.50 due to an increase of P26.50 on basic wage and cost of living allowance (COLA) of P15.
For companies employing less than 10 workers, the new daily wage rate is P295 from the previous P271.50, an increase of P18.50 in basic wage and P5.00 for the COLA.
In the case of workers in the agriculture sector, the new minimum wage rate for plantation and non-plantation workers is P295. Plantation workers were granted P8.50 hike in basic wage and P5.00 for COLA while those in the non-plantation were given P18.50 hike for the basic wage and P5.00 for COLA.
On the other hand, CaƱete emphasized that the minimum wage increase will temporarily not take effect in the province of Aklan. Instead, the increase will take effect in November 2018, except for Barangays Manoc-Manoc, Yapak and Balabag in Boracay, where the wage hike will start three months after the re-opening of the island resort.
“The temporary closure of Boracay which has affected the operations of business establishments and local economy of Aklan was taken into consideration when the wage increase was deliberated”, he said.
In addition, the grant of COLA for Sugar Industry Enterprises within the agricultural, industrial and commercial sector will take effect six months after the issuance of the wage order in time for the estimated milling season.
CaƱete also added that the Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) will conduct a province-wide caravan to ensure efficient information dissemination.
CaƱete also emphasized that the DOLE will closely monitor the compliance of establishments with the new minimum wage rate. Relative to this, DOLE 6 labor inspectors were also gathered on Wednesday afternoon for an orientation on the wage hike and its implementation.
Dir. CaƱete reminded the public that DOLE labor inspectors are empowered by virtue of the visitorial and enforcement power of the Secretary of Labor to conduct inspection and compliance visit to establishments in the region.
The DOLE director also encouraged the public to report to the Department non-compliance of their respective companies. He also added that for those who oppose the new wage rate, they have ten (10) days to file their appeal.
Meanwhile, distressed establishments, new business enterprises and those affected by calamities such as natural and/or human induced disasters may seek for exemption./ dole6

Subscribe to:
Posts (Atom)