Saturday, January 28, 2017

SMOKING ORDINANCE NG KALIBO I-A-ANUNSIYO MAGING SA MGA EROPLANO

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

I-a-anunsiyo rin sa mga eroplanong lumalapag sa Kalibo International Airport ang anti-smoking ordinance ng bayan ng Kalibo bilang bahagi ng kampanya at implementasyon nito.

by SkyscraperCity
Ito ay makaraang ipasa ng Sangguniang Bayan ang proposed resolution no. 117 na humihiling sa mga eroplanong bumibiyahe sa Kalibo na mag-play ng informative in-flight advisory bago lumapag sa nasabing airport.

Sinabi ng may akda na si SB Philip Kimpo Jr. sa fourth regular session ng Sanggunian, malaking bagay ito upang mabigyan-kaalaman ang mga dayu tungkol sa ipinapatupad na ordenansa.

Nabatid mula sa lokal na mambabatas na ito rin ang pamamaraan ng ilang eroplanong bumibiyahe sa Davao kung saan ipinapatupad rin ang anti-smoking ordinance.

Maliban rito, hinihiling rin ng resolution sa Civil Aviation Authority of the Philippines (KAAP) – Kalibo na isama rin sa mga gagawing nilang signages ang “Smoke-Free Municipality”.

Una nang na-ireport na sa buwan ng Marso ay posibleng striktong nang ipatupad ang pagbabawal sa paggamit, pagbebenta, at pag-a-advertise ng sigarilyo at viping sa mga pampublikong lugar at paglalaan ng kaukulang penalidad sa mga lalabag rito.

DIOCESE OF KALIBO NADISMAYA SA MABAGAL NA AKSYON NG GOBYERNO SA ISYU NG DREDGING PROJECT

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Dismayado ang Diocese of Kalibo sa mabagal na aksiyon ng lokal na pamahalaan kaugnay sa hinaing ng taumbayan sa isyu ng dredging operation.

Kalibo Cathedral by Darwin Tapayan
Ayon kay Fr. Ulysses Dalida ng Social Action Center, naging mapagmatyag umano sila halos araw-araw sa galaw ng dredging vessel na dumaong sa baybayin ng So. Libuton, Brgy. Bakhaw Norte simula noong Nobyembre 22, 2016.

Napag-alaman na nagsasagawa ng mangrove reforestation ang Caritas sa lugar kasama ang Diocese of Kalibo kaya gayun na lang ang kanilang pagkabahala.

Katunayan anya, ipanaabot na niya ang hinaing ng Simbahan sa Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa operasyon ng barko sa lugar noong Disyembre 8, 2016 pero wala paring aksiyon.

Sa kanilang pagmonitor, nagsagawa umano ng inisyal na pagkilos ang barko noong Disyembre 21, 26 at Enero 22. Naniniwala ang Simbahan na magdudulot ng pagguho ng lupa ang nasabing proyekto at nanindigan na itigil na ang nasabing proyekto.

Kinukuwestiyon, ni Dalida kung bakit kailangan pang umabot sa puntong magkilos protesta ang taumbayan bago sila nagsagawa ng aksiyon.

Ikinadismaya rin niya ang kakulangan ng public consultation bago ang nasabing operation. Hindi rin umano sila pinaalam sa proyekto at ginawang kabahagi ng binuong Multi-partite Monitoring Team.

Matatandaan na nagsagawa ng protesta ang mga taga-Bakhaw Norte Huwebes ng umaga upang mahigpit na tutulan ang dredging operation ng probinsiya at ang kontraktor na STL Panay. Reklamo pa nila na dahil sa inisyal na dredging operation ng barko ay gumuho ang lupa sa tabing-ilog ng So. Libuton.

NOTORIOUS SA PAGNANAKAW NG MANOK SA MALAY, KALABOSO; PULIS BIKTIMA RIN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado sa isinagawang hot pursuit operation ng Malay police station at Barangay Police Action Team (BPAT) ang kinikilalang magnanakaw ng manok sa bayan ng Malay.

Kinilala ang naaresto kay Roy Bantang y Dela Torre, 20 anyos, reside
nte ng Union, Nabas.

Kasama rin sa naaresto ang isang 14 anyos na lalaki na tinuturong kasama niya sa pagnanakaw.

Ayon sa report ng pulisya, sa araw lang ng Huwebes ay apat na katao ang nagsasabing ninakawan sila ng mga manok.

Isa sa na ninakawan ay si SPO1 Jaime Nerbeol Jr., 37 anyos, residente ng Poblacion, Buruanga na nagkataong imbestigador din sa nasabing kaso. 

Ayon kay Nerbeol, ninakaw ang isa niyang pangsabong na manok sa Sambiray, Malay ng mga naturang suspek.

Matapos mapag-alaman ang kinaroroonan ng mga suspek ay agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad sa Union, Nabas Huwebes dakong 11:30 ng umaga. Narekober sa 20 anyos na suspek ang manok ng pulis samantalang ang iba pang mga ninakaw ay posibleng naibenta na niya.

Napag-alaman na noong buwan ng Disyembre ay may mga naitala na ring kaso ng pagnanakaw ng pansabong na manok.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang 20-anyos samantalang ang menor de edad na kasama ay nasa pangangalaga muna ng Malay Social Welfare and Development Office.

Friday, January 27, 2017

MAG-LIVE-IN ARESTADO SA PAGTUTULAK NG DROGA; ISA PA SANGKOT DIN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Hindi na nakapalag pa sa mga awtoridad ang mag-live-in partner at isa pa sa isanagawang drug buy bust operation sa Isla ng Boracay Huwebes ng gabi.

Sa buy bust operation dakong 9:00 ng gabi sa So. Bolabog, Brgy. Balabag, nabilhan ng isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu ang suspek na si Jeneveve Canja, 42 anyos, residente ng Tobias, Antique.

Narekober naman sa kanya ang Php1,000 mark money.

Maliban sa kanya inaresto rin ng mga awtoridad si Melchor Saron, 46 ng Brgy. Tagbaya, Ibajay makaraang maaktuhang nag-abot ng droga sa live-in partner. Narekober din sa kanyang posisyon ang apat pang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Hindi rin nakapalag ang kaibigan nilang si Jose Salvador Timoteo Cahilig na nagkataong presente sa nang gawin ang operasyon sa boarding house ng mag-live-in partner.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsamang pwersa ng Malay police station, Boracay Tourist Assistance Center, Aklan Public Safety Company, Maritime Police at Philippine Drug Information Agency.

Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PAGGUHO NG LUPA SA BRGY. BAKHAW NORTE, KALIBO, HINDI DAHIL SA DREDGING – DPWH AKLAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Pinabulaanan ni Department of Public Works and Highway (DPWH) Aklan district engineer Noel Fuentebella na hindi dredging ang dahilan ng pagguho ng lupa sa tabing ilog ng So. Libuton, Brgy. Bakhaw Norte noong Linggo.
STL Panay dredging vessel

Ito ang sinabi ni Fuentebella sa pag-uusap niya kasama ang ilang opisyal ng Brgy. Bakhaw Norte makaraang magsagawa ng kilos protesta kasama ang mga mamamayan sa tanggapan ng DPWH Aklan.

Paliwanag ni Fuentebella, sa isinagawa nilang imbestigasyon, ang walang humpay na pag-ulan sa mga nakalipas na araw at pagbaha sa ilog ang dahilan ng pagguho ng lupa roon.

Gayunman nilinaw niya na dahil sa pagdredge sa sandbar sa bukana ng Aklan river kaya maaring nakadagdag ang hightide sa pagtaas ng tubig sa ilog dahilan para lumambot at gumuho ang lupa.

Nangako naman ang district engineer na hahanapan nila ng pondo ang kahilingan ni punong barangay Maribeth Cual na malagyan ng istaka o proteksyon ang kanilang barangay bago isagawa ang proyekto. Katunayan, naglaan na ng P38 milyon si Cong. Carlito Marquez sa layuning ito.

DENR AKLAN MAGLALABAS NG SHOW CAUSE ORDER LABAN SA STL PANAY

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Maglalabas ng show cause order ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Aklan  laban sa STL Panay upang pansamantalang itigil ang dredging operation sa Aklan river.

Energy FM Kalibo photo
Ito ang ipinahayag ni Merlene Aborka ng DENR Aklan sa mga opisyal at mga mamamayan mula sa Brgy. Bakhaw Norte sa isinagawang kilos protesta sa kanilang tanggapan Huwebes ng umaga.

Ang kilos protesta na ginawa ng mga taga-Bakhaw Norte ay upang tutulan ang dredging operation ng STL Panay sa Aklan river.

Nababahala ang mga tagaroon na maaaring gumuho ang ilang bahagi ng kanilang barangay kapag ituloy ang operasyon. 

Una nang naireport na nagsagawa na ng di umanoy dry run o testing ang dredging vessel sa bukana ng Aklan river sa sa Bakhaw Norte. 

Kaugnay rito isinisisi ng mga taga-roon ang pagguho ng lupa at pagakawasak ng nasa apat na bahay sa So. Libuton noong mga nakalipas na araw.

DREDGING VESSEL NG STL PANAY PALALAYASIN MUNA SA AKLAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Tila nabunutan ng tinik ang mga opisyal at taumbayan sa Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo matapos maipaabot ang kanilang mga hinaing sa mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng kanilang pagtutol sa dredging project sa Aklan river.

Energy FM Kalibo photo
Ayon kay punong barangay Maribeth Cual, sang-ayon umano si Aklan governor Florencio Miraflores na paalisin muna ang dredging vessel ng Santarli (STL) Panay sa baybayin ng So. Libuton, Brgy. Bakhaw Norte. 

Hiniling ng gobernador na magsagawa sila ng barangay resolusyon sa layuning ito. Anya, hanggang hindi nakakukumpleto ang mga kaukulang dokumento ang kompanya ay hindi pa maaring dumaong ang kanilang barko sa lugar.

Ito ang naging laman ng isinagawang closed-door meeting ng mga opisyal ng barangay at ilang mamamayan kasama ang gobernador makaraang magsagawa ng kilos-protesta Huwebes ng umaga sa harapan ng kapitolyo upang tutulan ang dredging project.

Ang Singaporean vessel ay nasa bayan ng Kalibo kaugnay ng dredging operation sa Aklan river. Gayunman sa kabila ng mga pagtutol at wala pang mga kaukulang permiso mula sa gobyerno ay nagsagawa na ng dredging.

Naninindigan si Cual na maaring gumuho ang ilang bahagi ng nasasakupang barangay kabilang na ang isla ng So. Libuton kapag ipinursigi ang dredging project. 

Tuesday, January 24, 2017

MOTORSIKLO AT TRICYCLE NAGSALPUKAN; 1 PATAY, 2 MALUBHA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Isa ang patay samantalang dalawa naman ang malubhang sugatan sa nangyaring salpukan ng motorsiklo at tricycle sa Brgy. Bagacay, Ibajay Biyernes dakong alas-9:45 ng gabi.

Ayon kay PO1 George Ragalado Jr. , hindi na umabot pa ng buhay sa district hospital ng naturang bayan ang drayber ng motorsiklo na kinilalang si Jon Valdez, 14 anyos ng Brgy. Agdugayan, Ibajay.

Malubha naman ang kalagayan ng kanyang pinsan at backrider na kinilalang si Edward Hontiveros, 14 anyos, residente rin ng Brgy. Agdugayan.

Nagtamo rin ng malubhang sugat sa ulo ang drayber ng tricycle na kinilalang si Aldren Sorosa, 28 anyos ng Brgy. Unat ng parehong bayan.

Ayon sa imbestigador, binabaybay ng magpinsan ang barangay road patungong Brgy. Poblacion upang manood ng konsyerto nang agawin nila ang linya ng kasalubong na tricycle dahilan para sila ay magsalpukan.

Parehas silang dinala sa district hospital pero diniklarang dead on arrival ang driver ng motorsiklo. Samantalang naka-confine ngayon sa mga prominenteng ospital sa Kalibo ang dalawa pa.

Maswerte namang nagtamo lamang ng minor injuries ang tatlong pasahero ng tricycle.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa kaso.

2 ARESTADO SA KAGULUHAN SA BISPERAS NG PIYESTA SA ALTAVAS; 1 NAKUHAAN NG ILIGAL NA DROGA; 1 NANUNTOK NG BABAENG PULIS

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang dalawang lalaki makaraang magsagawa ng kaguluhan sa loob ng social hall sa bayan ng Altavas sa kasagsagan ng bayle kaugnay ng pagdiriwang ng Ati-atihan roon Sabado dakong alas-2:40 ng madaling araw.

Nanlaban pa ang suspek na si Reymark Negado, 21 anyos ng Brgy. Linayasan sa parehong bayan, kay PO2 Rowena Villar nang arestuhin siya sa gate ng social hall. Siniko umano niya ang pulis at sinuntok sa paa.

Samantala, arestado rin si Junmark Raz, 22 ng Brgy. Linayasan. Maliban rito nakunan
pa siya ng pinaghihinalaang dried marijuana leaves sa kanyang pitaka.

Pansamantalang ikinulong ang dalawa sa Altavas police station bago iniharap sa kaukulang korte.

4 AKLANON WAGI SA AGE GROUP AT OPEN CHESS TOURNAMENT

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Precious Day Yecla

Wagi ang apat na Aklanon  sa National Open Chess Championship at National Age Group Championship Visayas Qualifying Leg na isinagawa sa isang bar garden at mall sa Kalibo Enero 18 hanggang 21.

Sa under 20 age category nakuha ni Mira Mirano ng Kalibo ang 1st place at nakapag-uwi ng Php2,000 cash prize.

Sa under 12 girl naman, nakuha ni Precious Yecla Day ng Kalibo ang 1st place at pera na Php1,500.

Sa under 8 girl, ang tanging babaeng nakakuha ng puwesto ay si Kristine Pamintuan ng Brgy. Estancia, Kalibo na nag-uwi rin ng Php1,500.

Samantala, sa Open Chess Tournament naman, nakuha ni Kevin Mirano ang unang puwesto at nakapag-uwi ng Php10,000 cash prize. 

Nakuha rin ng kanyang kapatid na si Jan Francis Mirano ang pangsiyam na posisyon at Php700 sa parehong kategorya.

Maliban sa cash prize na nakuha ng mga nanalo ay ginawaran din sila ng tropeo at medalya. Sila ay nakatakdang sumabak sa national competition.

Ayon kay Fred Neri, Aklan provincial sports development officer III,  nilahukan ang age-group category ng 66 kalahok  mula sa Visayas at maging sa ibang bahagi ng bansa. Ang open category naman ay nilahukan naman ng 20 atleta.

Sinabi ni Neri na ang magkakapatid na Mirano at si Yicla ay maituturing na ‘Aklanon chess wizard’.

Ang kompetisyong ito ay inorganisa ng Philippine Sports Commision, National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at ng Peter I. Kimpo Memorial Chess Tournament sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Aklan.

Monday, January 23, 2017

PAGGUHO NG LUPA SA BAKHAW NORTE KALIBO, ISINISI SA DREDGING PROJECT NG STL

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

photo as provided in Kalibo PNP station
Sinisisi ng taumbayan ng Bakhaw Norte ang pagguho ng lupa sa So. Libuton sa ginagawa umanong dredging project ng Santarli company.

Ayon kay barangay kagawad Duvil Duran, nagsagawa umano ng dredging ang dredging vessel ng nasabing kompanya Linggo ng umaga dahilan ng pagguho ng lupa sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Duran, apektado ng naturang pagguho ang nasa apat na kabahayan.

Ang nasabing barko ay nakaankla umano sa tabing baybayin ng nasabing lugar nasa 150 metro ang layo.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay Engr. Roger Esto, tagapagsalita ng Management Monit

oring Team, magsasagawa umano sila ng imbestigasyon hinggil rito.

Giniit naman ni Esto na wala pang hudyat ang MMT sa Santarli upang simulan ang kanilang dredging project sa Aklan river. Katunayan anya, hindi pa nila naisusumite ang kanilang a-state survey, isang pangunahing requirement para masimula ang proyekto.

Posible anyang maharap sa kaukulang kaso ang Santarli kapag napatunayang may paglabag sila sa kanilang operasyon.

PAGPAPANGALAN NG BAKHAWAN ECO-PARK SA YUMAONG SI ATTY. QUIMPO, ISINUSULONG SA SB KALIBO

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo ang panukalang pagsasapangalan ng Bakhawan Eco-Park sa New Buswang Kalibo sa yumaong si Atty. Allen S. Quimpo.
by Trip Advisor

Sa draft proposed resolution no. 105 na inihain nina SB member Mark Quimpo at Philip Kimpo Jr. sa 2nd regular session ng Sanggunian, nais nilang tawaging “Allen Salas Quimpo Bakhawan Eco Park” ang nasabing lugar.

Ang panukala umanong ito ay upang bigyang pagkilala ang dating leader sa hindi mapapantayang na-i-ambag sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon ng mga Aklanon.

Sumailalim na sa committee meeting ang proposed resolution Lunes ng hapon kung saan inayayahan rito ang pamilya ng dating Kalibo mayor at kongresista ng Aklan upang marinig ang kanilang panig. Sang-ayon naman ang pamilya sa panukalang ito. 

Ayon sa anak na si Allan Angelo na siyang humalili sa ama bilang chairman ng Kalibo Save the Mangrove Association (KASAMA), isang non-government organization na namamahala sa nasabing parke, hindi umano sila tutol rito basta ang pangalan na Bakhawan Eco-park ay kailangang panatilihin.

Ang Bakhawan Eco-Park ay isang 220-hectare mangrove reforestation na sinimulan ni Atty. Quimpo noong 1990 na nagsisilbing panakip sa malalakas na daluyong at pagbaha. Maliban rito, isa nang tourism destination sa buong mundo ang nasabing eco-park.