IPINALIWANAG NI Vice Gov. Reynaldo Quimpo sa isang press conference kung bakit kailangang umutang ng gobyerno probinsiyal.
Ang kaniyang pahayag ay kasunod ng katanungan ng media kung paano matutulungan ng gobyerno probinsiyal ang mga mahihirap na pasyente na kailangan ipagamot sa labas ng probinsiya.
Sinabi niya na naglaan ng Php50 million ang pamahalaang probinsyal para sa indigency program sa ilalim ng tanggapan nf gobernador para gamitin tulong medikal sa mga mahihirap.
Sa kabila nito aminado si Vice Gov. Quimpo na kulang parin aniya ang pondong ito. Ito aniya ang dahilan kaya umuutang ang probinsiya upang gamitin sa mga proyekto na pwedeng pagkakakitaan.
"Kinahangean naton nga mag-utang agud maayudahan pa gid naton it abu ro aton nga mga kasimanwa nga nagakinahangean it bulig pinaagi sa mga revenue-generating nga mga proyekto," sabi niya.
Kabilang sa mga binanggit ng bise gobernador na mga proyekto ay ang pagtatayo ng panibagong pier sa Caticlan para gamitin ng mga RoRo vessel. Dagdag kita umano ito sa probinsiya.
Mababatid na ang pondong gagamitin rito ay uutangin mula sa Land Bank.
Binanggit rin niya ang planong pagtatayo ng tourist night market sa Boracay para sa mga displaced workers. Ito ay popondohan mula sa uutanging Php1 billion sa Development Bank of the Phippines.
Mababa aniya ang Internal Revenue Allotment dependency ng probinsiya para sa taong 2019 na nasa 53 porsyento dahilan para maghanap ng lokal na mapagkakakitaan ang kapitolyo.
Sinabi rin niya na sa kabila ng pagsara ng Boracay hindi umano nila nilimitahan ang budget para sa social services na nasa 40 porsyento ng mahigit Php2 billion kabuuang budget sa 2019.
"Without fear of contradiction, I can declare nga rayang administrasyon do may minatuod-tuod nga pagkabaeaka, pagtatap sa mga kubos naton nga mga igmanghod," pahayag ng opisyal.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment