Saturday, September 01, 2018

MOTOR NABUNDOL NG VAN SA BAYAN NG TANGALAN, TATLO SUGATAN

ISANG MOTORSIKLO ang nabundol ng van sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Tamalagon, Tangalan umaga ng Sabado. Tatlo ang naiulat na sugatan.

Ayon sa Tangalan PNP, ang motorsiklo ay patungo sa bayan ng Makato. Menamaneho ito ni Gerald Sorca, 22-anyos, sakay sina Bernard,50, at Delma Macawili,48, mga residente ng Brgy. Agbalogo, Makato.

Tumabi umano sa gilid ng kalsada ang motorsiklo nang mapansing may mabilis na L300 van na paparating kasunod niya. Mabilis ang takbo ng van at sa tabi rin ito dumaan dahilan para masalpok niya ang sinusundan motorsiklo.

Parehong nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga sakay ng motorsiklo at agad isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.

Hindi naman nagtamo ng sugat ang driver ng van na nakilala na si Arnold Tabing, 52, ng Brgy. Bagto, Lezo.

Sinabi ng imbestigador na si SPO4 Manuel Estrada na sasagutin nalang ng driver ng van ang medikasyon ng mga biktima.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
photo c. Allen Goboy

Friday, August 31, 2018

LALAKI ARESTADO SA NUMANCIA SA PAKIKIPAGTALIK SA MENOR DE EDAD

ARESTADO ANG isang lalaki sa bayan ng Numancia hapon ng Huwebes makaraang ireklamo ng nakarelasyong menor de edad.

Kinilala ang akusado na si Eutiquio Ombajen Jr., 43-anyos, residente ng Brgy. Camanci Norte sa nasabing bayan.

Inaresto siya ng kapulisan sa kanyang residensiya sa bisa ng warrant of arrest sa krimeng paglabag sa Republic Act 7610 o Children's Welfare Act.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ng akusado na naganap ang insidente Hulyo 2017 ilang araw lang makaraang makilala niya ang babae.

Inamin niya na nakipagtalik siya sa biktima pero idenepensa na hindi niya alam na menor de edad ito. Iginiit niya rin na mayroon silang relasyon ng babae.

Sa mga sumunod na araw ang babae ay nakipaghiwalay uamano sa kanya dahilan para ihinto ang anumang komunikasyon sa biktima.

Nagbuntis umano ang biktima at nagkaanak.

Pansamantalang ikinulong sa Numancia Police Station ang akusado at nakatakdang dalhin sa korte. Php200,000 ang piyansang itinakda sa kaso.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Thursday, August 30, 2018

PULIS TINAGA NG LASING SA BAYAN NG BANGA

ISANG PULIS ang tinaga ng isang lalaki sa Brgy. Poblacion, Banga gabi ng Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si PO2 Danilo Dalida Jr., miyembro ng Banga PNP.

Salaysay ng biktima papauwi na siya sakay ng kanyang motorsiklo nang umovertake sa kanya ang suspek sakay rin sa kanyang motorsiklo.

Huminto umano ito sa harapan at nilapitan ang biktima saka tinaga ito. Maswerteng nakailag ang biktima.

Nagpakilala umano ang naka-off duty na si Dalida na siya ay pulis dahilan para bumalik ito sa motorsiklo at mabilis na tumakbo papalayo.

Nahuli rin ang suspek makaraang madisgrasya ito habang hinahabol ng biktima. Nabatid na nasa impluwensiya ito ng alak.

Siya ay nakilalang si Felix Namayan, 32 at residente ng Brgy. Benturanza, Banga.

Nasabat ng kapulisan ang nasa 18 pulgadang haba ng itak. Sinampahan narin ng kasong attempted homicide ang suspek.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

KASO LABAN SA MGA SUSPEK SA PANGHUHOLD-UP SA BALETE INIHAHANDA NA NG KAPULISAN

INIHAHANDA NA ng kapulisan ang kasong isasampa sa mga suspek sa panghuhold-up sa Brgy. Feleciano, Balete hapon ng Miyerkules.

Ayon kay PInsp. Lizel Goboy, hepe ng Balete Municipal Police Station, sa ilalim parin ng 72 oras na hot pursuit operation ang mga suspek.

Kinilala ang mga biktima na sina Almer Emblarinag, 34-anyos na taga-Antique, at Jonard Pacheco, 41, na taga-Iloilo.

Bagaman nakikilala ng mga biktima ang mga suspek, tumanggi muna ang hepe ng kapulisan na pangalanan ang mga ito habang tinutugis pa nila.

Tinutukan umano ng baril ng isa sa mga tatlong suspek ang dalawang biktima habang nasa loob ng van at pinagpapalo ng isa pa ang mga biktima gamit ang maso.

Natangay ng mga suspek ang Php228,000 halaga ng pera habang nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang mga biktima at patuloy na ginagamot sa pribadong ospital.

Kasong roberry hold-up ang ihahain laban sa tatlong suspek at dagdag kaso oras na lumabas na ang mga mediko legal ng mga biktima.

Nakipag-ugnayan na umano ang kapulisan sa pamilya ng mga suspek maliban sa mga pamamaraan nila para mahuli ang mga ito.

Humihingi naman ng kooperasyon ang hepe sa taumbayan na ipaalam sa kanila ang anumang impormasyon sa mabilis na ikadarakip ng mga suspek.

Samantala, ipinangako ni PInsp Goboy na maglalabas na sila ng mga pangalan at mga larawan ng mga suspek sa publiko kapag natapos na ang reglamentary period.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

BALETE RECORDS ROBBERY HOLD UP

A CASE of robbery hold up transpires along National Highway of Barangay Feliciano, Balete Aklan yesterday afternoon, August 29. Almer Emblarinag, 34 years old of Antique Province and Jonard Pacheco, 41 years old of Iloilo City are the victims of the said case.

Balete PNP responded in the area of incident upon the information received from a concerned citizen. Investigation reveals that Emblarinag and Pacheco were both on board in a white foton close van with temporary plate number GC1876 traversing from Numancia, Aklan going to Iloilo City together with one (1) of the unidentified suspects.

Upon reaching the area, a tricycle with two (2) unidentified personalities was already parked at the side of national highway. The person whom they are with then tapped them to stop at the said parked tricycle. From there, one of the waiting unidentified suspects stood up, approached the van and drew a firearm to the victims declaring a scenario of hold up. Then the suspect on board armed with a hammer struck the victims on their heads.

The suspects took the clutch bag with cash money amounting to more or less P228,000.00 of the victims and fled away heading Banga, Aklan. By chance, one of the victims was able to drive the vehicle to Poblacion Balete, Aklan to seek for help and immediate response. Residents in the area made it possible by bringing the victims to its Rural Health Unit (RHU) and then later on referred to a private hospital in Kalibo Aklan.

As to the statement of Balete PNP spearheaded by Police Inspector Lizel Goboy, COP Balete, the station is doing its best to mark this case as SOLVED. PI Goboy appeals to the suspects to surrender the soonest in order to the Balete Police Station and the Aklan PNP in general may help them to make themselves away from risk due to the continuous hot pursuit operation against them. Further she said that the identification of the suspects has already reached their office and were already communicated to other line units for reference.

“Nananawagan po ako sa mga kapamilya at kakilala ng mga suspetsado at maging sa kumunidad na ipagbigay alam ang kinaroroonan nila upang mas mapadali at mapagaan ang kasong ito”. Goboy added. 

Aklan PPO: "We appeal for the public's cooperation and support in the maintenance of a safe and orderly Aklan Province".##

PO2 Ma. Jane C. Vega, Asst. PIO APPO

62 ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA BANGA MATAPOS GAHASAIN ANG ISANG MENOR DE EDAD

ARESTADO SA bayan ng Banga ang isang 62-anyos na lalaki makaraang gahasain ang isang menor de edad na babae.

Salaysay ng 14-anyos na dalaga, naglalakad umano siya nang pwersahan siyang hinila ng suspek na si Efren Cristobal sa damuhan at doon pinagsamantalahan.

Pinagbantaan pa umano siya ng suspek na may mangyayaring masama sa kanya at sa iba pang miyembro ng kanyang pamilya kapag nagsumbong ito.

Habang ginagahasa ang biktima ay may hawak-hawak umano itong kutsilyo. Pagkatapos ay binigyan umano siya ng cellphone ng suspek at saka umalis.

Umuwi umano ang dalaga at nanahimik sa insidente hanggang sa tanungin siya ng pamilya kung saan niya nakuha ang bago niyang cellphone.

Inaresto ng kapulisan ang suspek makaraang magsumbong ang dalaga sa mga otoridad kasama ang pamilya. Sinampahan na ng kasong rape ang suspek.##

MGA KASIMANWA 100K+ VIEWS NA TAYO SA ATING NEWS BLOG SITE

Mga Kasimanwa, Maraming Salamat Po!


PAGLILIMITA NG MGA PLASTIC SA BORACAY MAHIGPIT NA NA IPATUTUPAD

MAHIGPIT NANG ipapatupad ng pamahalaang lokal ng Malay ang paglilimita sa paggamit ng mga plastic sa Isla ng Boracay at sa buong bayan.

Inanunsiyo ni Mayor Ceciron Cawaling sa inilabas na official video na sa Setyembre 1 ay sisimulan na ang mahigpit na pagpapatupad ng lokal na ordinansa kaugnay rito.

Ipinagbabawal sa Ordinance No. 320 series 2012 ang paggamit at pagbebenta ng plastic bag sa mga dry goods, at bawasan ang paggamit nito sa mga wet goods. Ipagbabawal rin ang paggamit ng styrofoam.

Samantalang hinihikayat sa lokal na batas ang paggamit ng mga reusable bags, woven bags, cloth bags, paper bags, at iba pa na gawa sa mga biodegradable materials.

Papatawan ang mga lalabag mula Php1,000 hanggang Php2,500 penalidad o pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan.

Posible namang ikansela ang operasyon ng mga establisyementong lalabag sa batas na ito.

Mensahe niya, "Iwasan po natin ang maging pasaway at sundin po natin ang batas ng bayan... para mabawasan ang basura sa Isla at para makatulong sa kalikasan."##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

LALAKI INIREKLAMO NG RAPE NG EX-GIRLFRIEND, KULONG

KULONG ANG isang 19-anyos na lalaki makaraang ireklamo ng rape ng kanya umanong ex-girlfriend.

Kinilala ang suspek na si Arjay Rota residente ng Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo at ang 16-anyos na babae ay taga-Bakhaw Norte, Kalibo.

Ayon sa suspek naganap ang insidente sa bahay ng kanyang pinsan sa Brgy. Camanci Norte, Numancia makaraang mag-inuman umano sila.

Ayon sa suspek pareho umano nilang ginusto ang nangyari kaya laking gulat niya nang hulihin siya ng mga kapulisan.

Naaresto ang suspek kinabukasan sa kanilang residensiya makaraang maganap ang insidente.
Giit pa niya, ilang beses na umano na may nangyari sa kanila.

Sinabi pa niya na hindi sila totally break-up bagaman sinasabing may iba nang boyfriend ang babae.
Nasa isang buwan lamang ang kanilang relasyon at nagcall-off nang nasa tatlong linggo na.

Kulong sa Numancia Municipal Police Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong seduction.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, August 29, 2018

DENR STANDS PAT ON STP REQUIREMENT IN BORACAY

The Department of Environment and Natural Resources (DENR) stands pat on its decision requiring establishments in Boracay to put up sewerage treatment plants (STPs), either individually or in cluster, to ensure that all wastewater have undergone appropriate treatment prior to their discharge into the sea.

“The President described Boracay as a ‘cesspool’. By that word alone, he meant that the waters around the island is of very poor quality. And, indeed, it was. The concentration of e-coliform in the water samples that were put to test in the early part of our rehabilitation efforts were too high – millions of times beyond the standard,” DENR Secretary Roy A. Cimatu said.

Cimatu said that while he acknowledged the initiative of the local government in coming up with ordinance requiring STPs before, such ordinance had not been faithfully enforced. “This time, the Boracay Interagency Task Force (BIATF) will make sure that the STP requirement shall be enforced fully,” Cimatu added.

“The President’s order has always been to give premium to the environment rather than to economic gains. Therefore, the STP is non-negotiable. It is one of the primary requirements for the opening of Boracay,” Cimatu stressed.

Commenting on the issues raised by certain quarters that the construction of STPs is “expensive”, the DENR chief, who also sits as chair of the BIATF, said there are government financial institutions that are willing to assist, such as the Development Bank of the Philippines and the Land Bank of the Philippines.

Meanwhile, Cimatu expressed appreciation for the support and cooperation shown by some establishments that have already put up or in the process of putting up their STPs, as well as to those who have come forward to help in the rehabilitation of the various wetlands in Boracay.

Two weeks ago, Cimatu had inked “adoption” agreements with two companies, Energy Development Corporation and Aboitiz, for the rehabilitation of Wetlands No. 2 and 4. Earlier, the Boracay Tubi System, Inc. has volunteered to adopt Wetland No. 6.

Along this line, Cimatu is appealing to other sectors to help in the rehabilitation of Boracay’s ecosystems as part of their corporate social responsibility.

“The ‘economic’ side of Boracay has been ‘gained’ by the business sector operating on the island for the past decades. This time around, give back to the environment, and give back to the next generations of Filipinos from whom we have borrowed Boracay’s splendor.”##

- DENR

POULTRY SA LIBAS, BANGA NASUNOG

NATUPOK NG sunog ang isang poultry sa Libas, Banga, Miyurkules ng madaling araw.

Ayon sa caretaker na si Jesie Retenio nagsimula ang sunog bandang alas 12:30 ng madaling araw.

Kasama sa nasunog ang 600 piraso ng manok at ₱19,000.00.

Ang nasabing poultry ay pagmamay-ari raw ni Kasimanwang Sony Retenio.

Sa inisyal na assessment ng BFP umaabot sa ₱130,000.00 ang pinsala na naidulot ng nasabing sunog.

Inaalam pa ng BFP ang dahilan ng sunog.##

- Archie Hilario, Energy FM Kalibo

PANINIGARILYO AT PAG-INOM NG ALAK BAWAL NA SA BORACAY

BAWAL NA ang paninigarilyo at pag-inom ng alak sa white beach ng Boracay.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, napag-usapan nila nina Environment Secretary Roy Cimatu at Interior Secretary Eduardo Año na may mga guidelines gaya ng bawal na ang uminom at magsigarilyo sa public beach.

Pwede naman aniyang manigarilyo at uminom pero sa kwarto sa hotel ng bisita.

Paliwanag ng kalihim, ang hakbang ay para sa kaligtasan ng publiko.

Dagdag ni Puyat, kapag muling binuksan ang isla sa Oktubre ay hindi na pwede ang malalaking party gaya ng ginagawa tuwing Labor Day o ang tinatawag na “Laboracay.”##

- Radyo Inquirer

MGA KLIYENTE NG MGA BANGKO SA AKLAN PINAG-IINGAT SA DIKIT-GLUE MODUS SA MGA ATM MACHINES

PINAG-IINGAT NGAYON ng bankers club sa Aklan ang kanilang mga kliyente na mag-ingat sa ilang modus kabilang na ang dikit-glue sa mga ATM machines.

Sa panayaman ng Energy FM Kalibo, sinabi ni Dingo Saranden, Aklan Bankers Club president, may ilan na umanong nabiktima ng nasabing modus.

Nitong weekend, ilang bangko sa Kalibo ang dinikitan ng glue ang mga keypad. Ang mga kasong ito ay naireport narin sa Kalibo PNP.

Hindi na umano bago ang kasong ito dahil sa nakalipas na buwan ay may ganito nang insidente na nangyari sa isang bangko dito.

Aniya, paraan umano ito ng mga gustong magsamantala na kapag nahihirapan na ang kliyente sa transaksyon gamit ang ATM ay magkukunwari umano ang mga suspek na tutulong sa kliyente.

Panawagan niya na gawin ang transaksiyon ng Weekdays sa banking hour para makaiwas sa mga ganitong insidente.

Kung hindi umano maiiwasang magwithdraw sa Weekend o labas sa banking hours ay makabubuting magpatulong lamang sa mga kakilala.

Ang mga matatanda ay kailangan ding magpasama ng maaasahan. Kapag may mga problema sa transaksiyon o may kahina-hinala ay magreport agad sa kapulisan.

Sa ngayon aniya ay nakikipagtulungan na ang kapulisan at ang mga tauhan ng mga bangko para malutas at masugpo ang nasabing insidente.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

BATANG NAMATAY UMANO SA BAKUNA SA ESKWELAHAN SA MAKATO NAKATAKDANG I-OTOPSIYA

photo © Energy File
NAKATAKDANG I-OTOPSIYA ang bangkay ni Kent Nadal para malaman kung ito ba ay nabakunahan.

Mababatid na humihingi ng hustiya ang pamilya ng Grade 7 student sa paniniwalang namatay ito dahil sa bakuna.

Naninindigan ang mga magulang ng bata na mismong si Kent umano ang nagsabi sa kanila na siya ay nabukunahan noong Agosto 13.

Ito ay sa kasagsagan umano ng school-based immunization program ng gobyerno kung saan binabakunahan ng MR at TD ang mga bata.

Nilagnat umano ang bata at naconfine sa ospital at pagdating ng Agosto 19 ay binawian ito ng buhay.

Sa isang pulong balitaan araw ng Martes, nanindigan ang Provincial Health Office na base sa kanilang imbestigasyon hindi nabakunahan ang bata.

Giit ni Dr. Cornelio Cuachon ng PHO wala umano sa listahan ng batang nabakunahan sa Makato Integrated School si Kent.

Sa kabila nito sumisimpatiya umano ang Health Office sa pamilya. Umaasa rin siya na ang resulta ng otopsiya ay magbibigay ng linaw sa insidente.

Ang paaralan at ang mga Health Office ng munisipyo at ng probinsiya ay naghahanap ng paraan na makatulong sa paraan na hindi ito mamimis-interpret.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

MGA ATM MACHINE NG HALOS LAHAT NG BANGKO SA KALIBO DINIKITAN NG GLUE ANG MGA KEYPAD

PATULOY ANG imbestigasyon ng mga kapulisan sa sunud-sunod na insidente ng sadyang pagdikit ng glue sa mga keypad ng halos lahat ng ATM machines sa Kalibo.

Kahapon lang, araw ng Martes, ang mga tauhan ng Philippine National Bank, China Bank, Land Bank, at Veterans Bank ay nagreklamo sa kapulisan matapos mabiktima ng ganitong insidente.

Ilan pang bangko gaya ng Asia United Bank, Eastwest Bank at PS Bank ang nauna nang nagreklamo sa Kalibo PNP sa parehong kaso.

Karaniwan sa keypad na nilalagyan ng glue ay ang zero. Ilan umano sa mga kliyente ng mga bangkong ito ay nagrereklamo dahil sa nahirapan silang makawithdraw ng pera.

Sa isang blotter report, isinaad ng tauhan ng bangko na batay sa kuha ng CCTV namataan umano ang isang babae na pinaniniwalaang responsable sa pagdikit ng glue.

Sa isa pang blotter report, isang kliyente ang nagreklamo na kinain ng machine ang kanyang ATM card at nang makuha ay nawalan na ito ng nasa Php7,000.

Ayon kay PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, inaalam pa nila ang motibo sa likod ng mga insidente. Pero ayon sa kanya, posibleng gamitin ito ng mga namamantala sa oras na hihingi ng tulong ang kliyente.

Nakikipag-ugnayan na umano sila sa mga tauhan ng bangko para sa imbestigasyon kabilang na ang pag-usisa sa kuha ng mga CCTV.

Sa ngayon, inatasan na niya ang mga kapulisan na magroving sa mga bangko lalu na pag gabi.

Panawagan niya sa mga nakikipag-transaksiyon gamit ang ATM machines na gawin ito sa office hour para kapag may problema ay makahingi ng tulong sa mga tauhan ng bangko.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

ILANG PRINCIPAL SA AKLAN KONTRA SA SCHOOL-BASED IMMUNIZATION AYON SA PROVINCIAL HEALTH OFFICE

ILANG PRINCIPAL sa Aklan ang umano'y nangangampanya kontra sa School-Based Immunization program ng gobyerno.

Ito ang malungkot na rebelasyon ni Dr. Cornelio Cuachon ng Provincial Health Office sa isang pulong balitaan araw ng Martes.

Sinabi ni Cuachon na ang programang ito ay partnership ng Department of Health, Department of Education, Department of Interior and Local Government at pamahalaang lokal ng probinsiya.

Ipauubaya na umano niya sa DepEd ang pagbibigay disiplina sa mga principal na ito.

Nagsimula ang immunization program na ito sa unang araw ng Agosto at inaasahang magtatapos sa huling araw ng Setyembre.

Ayon kay Cuachon mababa umano ang porsyento ng mga nagpapabakunang mga bata ngayon. May mga magulang rin umano na tumatanggi na mabakunahan ang mga bata.

Posibleng dulot anya ito ng isyu sa dengvaxia vaccine. Dagdag pa ang isyu ng pagkamatay kamakailan ng 12-anyos na bata sa Makato na paniwala ng pamilya ay dahil sa bakuna.

Sa kabila nito, nanindigan si Cuachon na base sa kanilang pag-aaral ang mga bakuna sa measles and rubella (MR) at Tetanus and Diphtheria (Td) ay ligtas.

Iginiit pa niya na ang pagpapabakuna ay mahalaga para sa kalusugan ng bata at sa pagsugpo ng pagkahawa ng sakit sa iba.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Tuesday, August 28, 2018

COMELEC-AKLAN IIMBESTIGAHAN ANG "NO COMELEC REGISTRATION, NO WORK" SA BORACAY

© Kagawad Nicky Boy Cahilig
IIMBESTIGAHAN NG Commission on Election (Comelec) - Aklan ang "no Comelec registration, no work" para sa mga nagtratrabaho sa Isla Boracay.

Ayon kay Comelec-Aklan spokeperson Dodoy Gerardo na nakarating na umano sa kanilang tanggapan ang mga sentimyentong ito at maging sila ay nais malaman kung saan galing ang impormasyong ito.

Nais umano nilang makumpirma sa kinauukulan ang impormasyon. Hihilingin rin umano nila na magbigay ng pahayag ang kinauukulan kaugnay sa isyung ito para magkaroon ng kapanatagan ang mga worker.

Masakit rin umano sa kanyang loob ang personal na naobserbahan sa sitwasyon ng mga nagpaparehistro sa Malay na pumipila sa ilalim ng matinding sikat ng araw at minsan ay ulan.

Aniya inaabot pa ng gabi ang marami sa kanila at desperadong makaparehistro dahil sa takot na kung hindi makapagparehistro ay posibleng hindi sila makatrabaho at mapaalis sa Isla.

Aminado siya na mabagal ang kanilang proseso sa Comelec-Malay dahil sa iisa lamang ang ginagamit na machine para sa pagpaparehistro. Dahil dito humihingi siya ng paumanhin at pag-unawa.

Nilimitahan umano nila sa 200 katao ang pwedeng magparehistro sa isang araw. Binibigyan nila ng numero ang mga nakapila na at pinababalik kinabukasan.

Ayon kay Gerardo hanggang alas-3:00 nalang umano ang paglilista nila ng mga magpaparehistro bukas sa mga nasa bisinidad na ng Comelec.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

COMELEC-AKLAN IIMBESTIGAHAN ANG "NO COMELEC REGISTRATION, NO WORK" SA BORACAY

IIMBESTIGAHAN NG Commission on Election (Comelec) - Aklan ang "no Comelec registration, no work" para sa mga nagtratrabaho sa Isla Boracay.

Ayon kay Comelec-Aklan spokeperson Dodoy Gerardo na nakarating na umano sa kanilang tanggapan ang mga sentimyentong ito at maging sila ay nais malaman kung saan galing ang impormasyong ito.

Nais umano nilang makumpirma sa kinauukulan ang impormasyon. Hihilingin rin umano nila na magbigay ng pahayag ang kinauukulan kaugnay sa isyung ito para magkaroon ng kapanatagan ang mga worker.

Masakit rin umano sa kanyang loob ang personal na naobserbahan sa sitwasyon ng mga nagpaparehistro sa Malay na pumipila sa ilalim ng matinding sikat ng araw at minsan ay ulan.

Aniya inaabot pa ng gabi ang marami sa kanila at desperadong makaparehistro dahil sa takot na kung hindi makapagparehistro ay posibleng hindi sila makatrabaho at mapaalis sa Isla.

Aminado siya na mabagal ang kanilang proseso sa Comelec-Malay dahil sa iisa lamang ang ginagamit na machine para sa pagpaparehistro. Dahil dito humihingi siya ng paumanhin at pag-unawa.

Nilimitahan umano nila sa 200 katao ang pwedeng magparehistro sa isang araw. Binibigyan nila ng numero ang mga nakapila na at pinababalik kinabukasan.

Ayon kay Gerardo hanggang alas-3:00 nalang umano ang paglilista nila ng mga magpaparehistro bukas sa mga nasa bisinidad na ng Comelec.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

REDISTRICTING NG AKLAN APRUBADO NA SA THIRD READING SA SENADO

APRUBADO NA sa ikatlomg pagbasa ng Senado sa ngayong araw ang paghati sa dalawang distrito ng probinsiya ng Aklan.

Ito ang malugod na inanunsiyo ni Aklan lone district representative Cong. Carlito Marquez.

Mismong ang kongresista ang nag-akda ng House Bill no. 7522 o An Act Reapportioning the Province of Aklan into Two Legislative Districts.

Sa nasabing panukalang batas na, ang unang distrito ay binubuo ng mga bayan ng Altavas, Batan, Balete, Banga, Kalibo, New Washington, Libacao, at Madalag.

Ang ikalawang distrito naman ay binubuo ng mga bayan ng Buruanga, Ibajay, Lezo, Makato, Malay, Malinao, Nabas, Numancia, at Tangalan.

Lalagdaan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing House Bill bago maging ganap na batas.

Kumpyansa si Marquez na magiging ganap na batas ang redistricting ng Aklan bago ang paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa eleksiyon sa Oktubre.

Ang pagkakaron ng dalawang distrito sa Aklan ay magdodoble ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) bawat taon para sa aprobinsiya.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

TOP 2 MOST WANTED PERSON NG HIGHWAY PATROL GROUP SA BUONG REHIYON ARESTADO SA AKLAN

ARESTADO ANG itinuturing na top 2 most wanted person ng Highway Patrol Group sa buong rehiyon sa Brgy. Andagao, Kalibo hapon ng Lunes.

Kinilala sa report ng kapulisan ang akusado na si Silver Tupaz Villariza, 56-anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Si Villariza ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Act of 1972.

Ang kanyang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court dito sa Kalibo. Php180,000 ang pyansang itinakda ng korte para sa pansamantala niyang paglaya.

Ang pagserbe ng warrant ay ikinasa ng pinagsamang pwersa ng Aklan Trackers Team, Aklan CIDG, Aklan PIB, New Washigton PNP at Highway Patrol Group ng Capiz, Iloilo at Aklan.

Pansamantalang ikinulong sa Kalibo Municipal Police Station ang akusado at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
photo © HPG-Aklan

MGA LOKAL NA BAYANI NG AKLAN BIBIGYANG PUGAY SA ISANG NATATANGING PELIKULA

ISANG NATATANGING pelikula ang binubuo ngayon para bigyang pugay ang 19 Martyrs of Aklan.

Ang documentary film na ito ay pinamagatang "Daan Patungong Tawaya" na nagtatampok ng buhay at kagitingan ng mga lokal na bayani.

Pinangungunahan nina direk Kevin Piamonte at direk JR Macahilas at executive producer Bobby Rodriguez ang produksyon ng pelikula.

Ilang krusiyal na bahagi ng pelikula ay kasalukuyang kinukuhanan sa Kalibo.

Kalahok ang binubuong pelikula sa SineSaysay, isang film competition na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines at ng National Historical Commission of the Philippines.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa Agosto 2019 bilang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ang 19 Martyrs ay mga lokal na bayani na nakidigma laban sa pananakop ng mga Español noong unang panahon.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Monday, August 27, 2018

AKLAN PNP COMMEMORATES NATIONAL HEROES DAY

EARLY MORNING today, Aklan Police Provincial Office Aklan PNP conducts traditional Monday Flag Raising Ceremony and a short program commemorating the heroic deeds of our National Heroes in line with the celebration of National Heroes Day.

PSSupt Lope M Manlapaz, PD, APPO spearheads the activity together with PSupt Jun V Derla, DPDO, APPO with all the provincial Command Staff to include the 1st Aklan Provincial Mobile Force Company and Kalibo Municipal Police Station.

This celebration is celebrated every last Monday of the month of August that was duly signed by the former President Gloria Macapagal Arroyo dated July 24, 2007 under Republic Act No. 9492. The same activity is conducted in different Municipal Police Stations all over the province.

Further, awarding of deserving PNP personnel has been conducted for their good performances shown in serving and protecting the public.

“What our National Heroes done for our country contribute a lot to what and where we are today, gawin po lamang natin ang ating trabaho na naayon sa kung ano ang ating sinumpaang tungkulin”, Manlapaz once quoted.

Aklan PPO: "We appeal for the public's cooperation and support in the maintenance of a safe and orderly Aklan Province".##

- PO2 Ma. Jane C. Vega, Asst. PPIO, Aklan PNP

37-ANYOS NA LALAKI SA BANGA NAGBIGTI, PATAY

PATAY ANG isang lalaki sa bayan ng Banga makaraang magbigti sa Brgy. Jumarap umaga ngayong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Jonel Dolfa, 37-anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Dinala pa ng rumespondeng mga tauhan ng MDRRMO-Banga sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital ang biktima pero hindi umabot ng buhay.

Napag-alaman na naabutan nalang ng kanyang pamilya na nakabigti na ito sa gilid ng kanilang bahay gamit ang kawad ng kuryente.

Ayon sa Banga PNP, hindi umano naireport sa kanila ang insidenteng ito.

Tumanggi naman ang pamilya na magbigay ng pahayag sa media sa dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

MGA FAST FOOD CHAIN SA KALIBO NAKAALERTO SA PAG-ATAKE NG MGA BUDOL-BUDOL

NAKAALERTO UMANO ngayon ang mga kilalang fast food chain sa Kalibo dahil sa pag-atake ng mga miyembro ng budol-budol sa kanilang mga store.

Modus umano ng mga suspek ang kunwaring magpapasukli ng malaking halaga ng pera kung saan nililito nila ang kahera para makapanloko.

Matatandaan na noong Biyernes isang kilalang pizza restaurant ang naibalitang nabiktima ng nasabing modus.

Natangay ng suspek ang Php5,000 halaga ng pera mula sa kahera na napag-alaman mag-iisang buwan palang sa trabaho.

Pinaniniwalaan na may mga kasabwat rin ang nasabik suspek.

Ayon sa isang restaurant manager ng isang fast food chain na tumanggi nang mapangalanan ang nagsabi sa Energy FM Kalibo na inalerto na nila ang kanilang mga tauhan.

Nabatid na bago paman makapangbiktima ang ang grupo sa pizza restaurant na iyon noong araw na iyon, nagtangka rin umano itong magpapalit ng malaking halaga pera sa kanilang store.

Buti aniya na inalerto siya ng kahera dahilan para maunsyami ang balak ng di pa nakikilalang suspek.

Nalaman umano niya na ang parehong suspek at parehong modus din ang nagtangkang mambiktima sa mga store ng mga sister company nila pero hindi rin umano ito umubra maliban lamang sa isa na iyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa mga insidenteng ito.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

LALAKI PATAY MATAPOS TAGAIN NG KAINUMAN SA BAYAN NG MALINAO

PATAY ANG isang lalaki sa bayan ng Malinao makaraang tagain ng kainuman madaling araw ng Linggo sa Brgy. Kinalangay Viejo.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang biktima na si Nilo Bacayo, 48-anyos habang ang suspek ay si Roland Fernando, 36, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Sa paunang imbestigasyon ng Malinao PNP, nag-inuman umano ang dalawa nang magkaroon sila ng mainit na pagtatalo.

Nagkasuntukan umano ang dalawa. Pinag-uuntog umano ng suspek ang biktima bago niya tinaga na tumama sa leeg.

Agad binawian ng buhay ang biktima habang naaresto naman ng kapulisan ang suspek sa Brgy. Manhanip sa parehong bayan.

Nasabat mula sa suspek ang itak na ginamit sa pananaga habang aminado siya sa nagawang krimen.

Nakapiit na ngayon ang suspek sa Malinao PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong homicide.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

PIZZA RESTAURANT NABUDOL-BUDOL; PHP5K NATANGAY NG SUSPEK

BUDOL-BUDOL ATTACKS in Kalibo!

Isang pizza restaurant ang nabiktima ng budol-budol sa bayan ng Kalibo ngayong araw ng Biyernes.

Nabatid na nasa Php5,000 ang natangay ng suspek mula sa kahera.

Ayon sa salaysay ng kahera sa Police Kalibo ang suspek ay bumili muna nang inumin sa restaurant.

Pagkatapos ay humiling na palitan ng tig-Php1,000 ang kanyang dalang Php10,000 na pera na puro Php100.

Pinalitan naman umano ito ng babaeng kahera. Pero matapos ang isang oras nang bilangin na ng kahera ang kinita ay nagkulang na ito ng Php5,000.

Nakunan naman ng CCTV ang panglilito ng di pa na nakikilalang suspek sa kahera. Pinaniniwalaan rin na may tatlo itong kasabwat na kasama niya roon.

Nabatid na mag-iisang buwan palang ang kahera sa kilalang pizza restaurant na humiling na huwag nang pangalanan.

Iniimbestigahan na ng kapulisan ang nasabing insidente.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Sunday, August 26, 2018

BARANGAY KAGAWAD SA BALETE, NAGBARIL SA SARILI PATAY

PATAY ANG isang barangay kagawad makaraang magbaril umano ng sarili sa Brgy. Aranas, Balete madaling araw ng Linggo.

Nakilala ang biktima na si Joselito Sison Nicolas, 52-anyos, at residente ng parehong lugar.

Ayon sa inisyal na ulat ng Balete PNP, nagtamo umano ng tama ng bala sa ulo ang biktima, dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Naglalaba umano sa kusina ang misis nang marinig niya ang isang putok ng baril mula sa kanilang kuwarto.

Kaagad umano niya itong inalam at laking gulat na ang duguang mister ang kanyang naabutan na nakadapa sa kama.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ang isang 357 na baril, isang fired cartridge, tatlong live ammunition, at isang metal fragment sa pinangyarihan ng insidente.

Isang suicide note ang narekober kung saan nakasulat "Palangga ko kamo Tanan".

Napag-alaman na kakalabas lang ng biktima sa hospital araw ng Sabado dahil sa sakit na diabetes.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

RIDER KRITIKAL MAKARAANG BUMANGGA SA TRICYCLE NA TINUTULAK SA KALSADA


KRITIKAL ANG isang motorcycle rider makaraang bumangga sa tricycle na tinutulak sa kalsada sa kahabaan ng Cardinal Sin Avenue madaling araw ng Linggo.

Kinilala ang driver ng motor na si James Andrew Belloc, 30-anyos, residente ng San Jose, Antique.

Samantala sugatan rin ang kanyang backrider na si Isidro Hersane, 45, New Buswang, Kalibo.

Ayon sa report ng Kalibo PNP, ang tricycle ay tinutulak ng magkakapatid na sina Erwin Sardon, 42, ng Poblacion, New Washington at Jerwin Sardon, 31, ng Brgy. Estancia, Kalibo.

Magpapagasolina sana ang magkakapatid nang habang tinutulak ang tricycle ay nabangga ito ng motorsiklo na sumusunod sa kanila.

Makikita sa CCTV footage na mabilis ang patakbo ng motorsiklo at nasa inner (center) right lane ang tricycle nang tinutulak ito ng magkakapatid.

Agad dinala sa provincial hospital ang dalawa. Nakatakdang dalhin sa ospital sa Iloilo ang driver ng motor dahil sa malubha na lagay niya.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo