Gabi-gabi niyo nang maririnig ang "wang-wang" na ito ng mga patrol car ng Kalibo PNP sa mga kalsada sa kabiserang bayang ito.
Ito ang sinabi ng hepe ng Kalibo police station na si PSupt Richard Mepania sa Energy FM Kalibo gabi ng Sabado.
Tinawag niya itong Oplan Bulabog. Paraan umano ito para mabulabog at matakot ang mga gustong gumuwa ng krimen.
Ayon pa sa hepe, ito ay bahagi ng Oplan Patrol Serenata ng Kalibo PNP. Isa anya itong proactive stance ng kapulisan laban sa mga kriminalidad.
Kabilang din sa konsepto ng Patrol Serenata ang Connected o Romantic Patrolling kung saan kasama nila ang mga tanod ng barangay sa pagroronda.
Ang isa pa sa tri-concept ng Serenata ay ang "Night Owl" kung saan nagseserena at bumaba sa mga palenke at mga bukas na establisyemento ang mga kapulisan.
Nilinaw ni Mepania na ang Patrol Serenata anya ay alas-8:00 hanggang alas-10:00 lamang ng gabi. Pero pagkatapos nito ay tuloy parin anya ang regular nilang pagpapatrolya.
Umapela siya sa taumbayan ng pag-unawa at kooperasyon sa kanilang trabaho. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
Saturday, June 09, 2018
MOTORISTA SA ALTAVAS NABUNDOL NG VAN PATAY
Patay ang isang lalaki sa bayan ng Altavas matapos mabundol ng van ang menamaneho niyang motorsiklo sa Brgy. Man-up umaga ng Sabado.
Kinilala sa report ng Altavas PNP ang biktima na si Rustico Verano, 45-anyos ng Brgy. Talon sa nasabing bayan.
Ayon sa police report, nagbiglang liko ang driver ng motor sa kahabaan ng national highway nang mabundol siya ng kasunod niyang van.
Kinilala naman ang driver ng van na si Tranquilino Salazar, 57, residente ng Brgy. Andagao, Kalibo.
Dinala naman umano ng driver van ang biktima sa district ospital sa Altavas pero patay na ito nang makarating ayon sa doktor.
Dinala naman sa himpilan ng kapulisan ang driver ng van para pansamantalang ikustodiya. Pero kalaunan ay nagkaayos rin sa pamilya ng biktima./ EFM Kalibo

Friday, June 08, 2018
JIZMUNDO NAHALAL BILANG SANGGUNIANG KABATAAN PANLALAWIGAN FEDERATION PRESIDENT
Si Blessie D. Jizmundo ng Dumaguit New Washington nahalal
bilang bagong Sangguniang Kabataan Panlalawigan Federation president.
Si Jizmundo ang uupo bilang kinatawan ng SK sa Sangguniang
Panlalawigan ng Aklan.
Sinabi ng 21-year old youth leader na pagtutuunan niya ng pansin
ang edukasyon at employment ng mga kabataan sa kanyang administrasyon.
Bagaman baguhan siya sa leadership position sa gobyerno,
pinasiguro niya na palalakasin niya ang mga kabataan sa Aklan katuwang ang
kanyang mga kasama sa pederasyon.
Ang pagtakbo umano niya sa leadership position sa kanilang
barangay hanggang sa probinsiya ay personal umano niyang kagustuhan.
Nagpapasalamat siya sa kanyang mga magulang at sa iba pang mga youth leaders sa kanilang suporta sa kanya.
Anya malaki ang tiwala ng mga president ng SK sa mga
munisipalidad kung kaya’t siya ang pinili nila para sa posisyon. Halos kilala
niya rin umano ang mga ito.
Pinabulaanan ni Jizmundo ang kumakalat sa social media na
may naghousing umano sa kanila bago ang eleksiyon. Nanindigan siya na ang
resulta ng eleksiyon ay desisyon umano ng grupo at walang bahid ng pulitika.
Siya ay graduate ng Bachelor of Arts major in Broadcasting
at planong mag-aral ng abogasiya./ EFM Kalibo
MGA NANALO SA SANGGUNIAN KABATAAN PANLALAWIGAN FEDERATION ELEKSYON NAHALAL NANG WALANG MGA KALABAN
Nanalo nang walang kalaban ang mga bagong halal na mga
opisyal ng Sanggunian Kabataan Panlalawigan Federation sa eleksyon ngayong araw
sa Legislative Building:
President: Blessie D. Jizmundo, New Washington
Vice President: Christine Hope D. Pagsuguiron, Malay
Secretary: Romylene Joy Q. Flores, Kalibo
Treasurer: Rocill Kate R. Ezar, Tangalan
Auditor: Renzjo I. Cezar, Nabas
Public Relations Officer: Mariane V. Inawasan, Lezo
Sergeant-at-Arms: Keith Joshua R. Imperial, Malinao
Ang mga nahalal ay agad na nanumpa sa kanilang mga pwesto
pangangasiwa ni Vice Governor Reynaldo Quimpo./ EFM Kalibo
AKLANON OFW PINARANGALAN BILANG “BAGONG BAYANI”
Isang Aklanon welder at glass aluminum technician sa Kuwait ang pinarangalan bilang “2018 Bagong Bayani” sa larangan ng community and social service sa labas ng bansa.
Siya si Dennis Nama Rata ng Libacao, Aklan, empleyado ng Design World Center Metal sa nabanggit na bansa.
Isa siya sa 12 lamang na mga Overseas Filipino Workers ang tumanggap ng nasabing parangal dahil sa kanyang “outstanding accomplishment, exemplary deeds and services”. Ginanap ang pagpaparangal Huwebes sa Philippine International Convention Center.
Inilarawan ng Bagong Bayani Foundation Inc. si Rata bilang “cooperative, honest, result-oriented and responsible” sa kanyang mga kasamahang OFW at trabaho sa loob ng apat na taon.
Si Rata ang naging daan sa layunin ng gobyerno na ma-irescue ang 30 household service workers sa Kuwait na may iba-ibang reklamo sa kanilang mga amo kagaya ng pagmamaltrato, hindi naswelduhan, detention, overwork, pangmomolestiya, pagkakasakit, at paglipat sa bagong employer.
Dahil sa kanyang malapit na ugnayan sa Embahada ng Pilipinas binigyan siya ng pagkilala sa kanyang mga naging kontribusyon bilang isang kilalang community leader ng mga OFWs doon.
Ipinaaabot ni Rata ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga Aklanon na sumuporta sa kanya at sa mga kasamahan niyang OFW. Iniaalay niya ang karangalang ito sa buong Aklanon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

MOTORSIKLO SUMALPOK SA TRICYCLE SA BAYAN NG MAKATO, DRIVER PATAY
Patay ang isang 43-anyos na lalaki sa bayan ng Makato gabi ng Huwebes matapos sumalpok ang menamanehong motor sa isang tricycle.
Kinilala sa report ng kapulisan ang biktima na si Ralph Valencia, isang kristo sa sabungan at residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Makato PNP, pauwi na umano ang biktima nang maganap ang insidente sa national highway sa Brgy. Calangcang.
Sumalpok ito sa isang tricycle na nakapark lamang umano sa kalsada. Napag-alman na malakas pa ang buhos ng ulan sa mga sandaling iyon.
Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang nasabing biktima.
Tinutukoy pa ng kapulisan kung sino ang may-ari o driver ng nasabing tricycle. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Thursday, June 07, 2018
Call center agent nagpropose ng kasal sa isang promodizer sa mall
Nakakakilig at kahanga-hanga ang pagpropose ng lalaking ito sa isang promodizer ng mall dito sa Kalibo, Aklan. Napag-alamang ito ang una nilang pagkikita!
Ang lalaki sa video ay si Velly Lee Villorente, 31-anyos at taga-Libacao, Aklan at call center sa Maynila. Ang babae naman ay si Marian Tambong, 25, taga-Makato.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo sa dalawa, nakilala lamang nila ang isa't isa sa facebook! Hanggang niligawan ng lalaki si babae at naging sila for 9-months, long distance relationship!
Hanggang nitong Mayo 21, umuwi si lalaki sa probinsya at dumeritso agad sa mall para sorpresahin ang nobya. Walang kaalam-alam si babae.
Nagulat ang mga tao sa mall at napatili. Nagpropose si lalaki at sinagot ng matamis na oo ni babae. Tuloy ang kasal! Ayon sa kanila sa Hunyo ng susunod na taon plano nilang magpakasal.
Nang mga sumunod na araw, pormal na ipinakilala ng lalaki ang kanyang magiging asawa sa kanyang mga magulang.
"Ganyan talaga... if mahal mo sangka tawo ubrahon mo do tanan para kana ag di mo kinahihiya sa abong tawo," sabi ni Lee sa aming panayam.
Sa ngayon balik na sa Maynila ang lalaki. Nasa isang linggo lamang ang lalaki sa Aklan pero sinulit na nila ang mga araw na sila ay magkasama.
Sinasabi ng marami na ito ang kauna-unahang may ganitong nangyari sa mall na ito. Ang video na ito ay kuha ng pinsan ni Lee na nagtratrabaho rin sa mall na kanyang kinuntsaba. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
Wednesday, June 06, 2018
MGA PINAY SA HONGKONG KABILANG ANG DALAWANG AKLANON WAGI SA LARONG CRICKET
Wagi ang mga Pinay mula sa Visayas kabilang na ang dalawang Aklanon na pawang mga domestic helper sa katatapos lang na internasyonal na palaro sa larong cricket sa Hong Kong.
Sila ang DIVAS Cricket Philippines Team na pinangungunahan ni Josie Arimas, two times MVP mula Bacolod at dating player ng Palarong Pambansa.
Nakalaban nila ang Indian Team, Chinese Team at saka mixed race sa Hong Kong Development Cricket League na ginanap nito lang June 3 sa Po Kong Village Diamond Hill.
Sa eight games na laro, lahat panalo! Straight wins hanggang sa last game for championship. Ang coach nila ay sina Najeeb Amar at ang team manager naman ay si Animesh Kulkarni, mga Indian.
Ang team ay binubuo nina Jona Eguid (Bacolod), Cecil Calsas (Guimaras), Emelie Mabaquiao (Guimaras), Manelyn Dela Cruz (Panit-an, Capiz), Jennifer Alumbro (two times MVP mula Iloilo City), Cherry Octavio (Iloilo City), Ely Quimpo (Kalibo, Aklan) at Jackie Lou Torate (Makato, Aklan).
"Proud kami bilang aklanon kasi we gave honor sa country namin, although this kind of sport eh wala sa Pilipinas pero hindi kami nagpapahuli sa mga batikan na national players ng Hong Kong kasi mga beterano na po sila [kahit] kami palang [ay] kakaumpisa," pahayag ni Jackie Lou, isang Aklanon.
Ang cricket ay isang uri ng laro na ginagamitan ng bola at pamalo. Tanyag iton sa India, United Kingdom, Australia, New Zealand, at West Indies. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Tuesday, June 05, 2018
PAMANGKIN NG ALKALDE NG LIBERTAD, ANTIQUE NA NANUTOK NG BARIL SASAMPAHAN NG KASO
screenshot by EFM Kalibo from Balita Tol FB |
Kinilala ang suspek na si Cesmar Tunogan. Damay rin ang bayaw ng mayora na si Rodel Flores na kasama ng nauna nang mangyari ang insidente.
Nakunan ito ng CCTV at naging viral sa social media.
Naganap umano ito nang hindi nagkaunawan ang suspek at biktimang si Arnold Sabando dahil sa pustahan sa game 1 ng NBA finals.
Nong Byernes na iyon ay agad umanong rumesponde ang mga kapulisan sa Brgy. Centro Este kung saan naganap ang insidente pero hindi naabutan ang mga suspek.
Kalaunan sa tulong ng alkalde ay pinagharap niya ang tatlo sa police station. Nais ng biktima na makipag-areglo nalang sa mga suspek.
Pero mismong ang mayora ang humikayat sa biktima na magsampa ng kaso laban sa mga suspek. Ipinasurender din niya sa mga suspek ang kanilang baril.
Ayon kay PSInsp Bryan Alamo, hepe ng Libertar PNP, isinurender na ni Tunogan ang kaniyang baril na isang Colt cal. 45.
Posible rin anyang maharap sa kasong paglabag sa RA 10591 ang supek dahil sa hindi lisensyadong baril.
Sa ngayon anya ay inihahanda na nila ang kasong grave threat laban sa dalawang suspek.
Nanindigan ang hepe na hindi nila itu-tolerate ang mga ganitong insidente kahit pamilya pa ng opisyal ang sankot. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
MAYOR NG LIBERTAD ANTIQUE KINONDINA ANG PANUNUTOK NG BARIL NG KANYANG PAMANGKIN
Kinokondena ng alkalde ng Libertad, Antique ang panunutok ng baril ng kanyang pamangkin sa isa lalaki sa kanilang bayan na nag-ugat sa pustahan sa NBA finals.
Base ito sa inilabas na pahayag ni Mayor Bebot Nicopier-Te sa kanyang official facebook page ngayong araw ng Martes.
Narito ang buong pahayag ni Te sa wikang Kinaray-a:
"Gusto ko ipamaan nga isa ako sa nasubuan kag nakibot kang makita ko ang video kang pag-inaway kang darwa sa myembro kang amon pamilya kag kang aton man ginakabig nga pamilya nga si Mr. Sabando.
"Sa aton pagimbistigar, nagaguwa nga dya bangod sa indi pagintindihanay sa sugal or tay-anay sa game 1 kang NBA finals (Cavs vs Warriors). Dya nga hitabo nagapakita lamang kang indi manami mga epekto kang sugal sa aton panimalay kag sa aton kumonidad.
"Gani, kaimaw nyo ako sa pagkundina kang dya nga hitabo. Ginaubra naton ang mga tikang nga sanda dya madisiplina kag masigurado nga indi run dya matabo liwat. Dya magaumpisa sa pagbaton kang sala, pagpangayo kang kapatawaran, kag paging responsable sa pag-atubang sa nahimo nga sala.
"Sa pihak nga bahin, aton man ginadumdum ang sitwasyon kag nabatyagan ni Mr. Sabando, ana asawa kag mga kabataan, kag kang ana bilog nga pamilya. Kabay mangin bukas sa gihapon ang aton mga pamilya sa pagistorya, pagintyendihanay, kag pagbuligay.
"Sa tanan, salamat sa inyo suporta kag pagkabalaka. Buligay kita sa pagsigurado kang katawhay kag kalinong sa aton nga banwa. Kag kabay nga sa padayon nga pag-ubay kang aton mahal nga Ginoo, ang pagintyendihanay kag pagpalanggaanay amo sa gihapon ang mangibabaw sa aton tanan. Padayon!"

'POOR WATER SUPPLY' NG MKWD SA BAYAN NG BALETE IIMBESTIGAHAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Nakatakdang imbestigahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang reklamong nakarating sa kanila kaugnay ng "poor water supply" ng Metro Kalibo Water District (MKWD) sa bayan ng Balete.
Isinaad ito sa petisyon ng 160 bagong elected officials ng mga barangay sa nasabing bayan laban sa MKWD.
Anila mahina ang suplay ng tubig sa kanilang lugar lalu na sa mga kritikal na
oras gaya ng tanghalian at hapunan. Minsan pa anila ay malabo ang tubig na lumalabas sa kanilang gripo.
Nagsimula umano ito nang magprotesta ang ilang municipal officials sa proyekto ng MKWD sa kanilang lugar dahil sa kawalan umano ng konsultasyon at pagbayad sa road-right-of-way.
Reklamo pa nila, ilang residente umano ang tinanggihan ng water provider na ito na makakonekta para masuplayan ng tubig. Rason umano ng public utility ay dahil sa umiiral na kaso sa pagitan ng pamahalaang lokal at ng MKWD. Pero ayon sa grupo ang kasong ito ay na-dismiss na.
Lumalabas anya na simula ng maupo si Edmund Peralta bilang chairman of the board ng MKWD, tila naging pribado na ang MKWD.
Oktubre rin umano ng nakaraang taon ay inalis umano ng MKWD ang kanilang paying office sa munisipyo bagaman gumagamit ito ng pasilidad ng libre.
Isa umanong panghaharas ang ginagawa ng MKWD. Kaugnay rito, hiniling ng grupo kay Gov. Joeben Miraflores na bigyan ng kaukulang atensyon ang reklamong ito bilang appointing authority ng MKWD.
Bagaman ang kaso ay nakaadres sa gobernador, nais ng Sanggunian na imbestigahan ang reklamo dahil ito umano ay para sa interes ng publiko./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

BAKESHOP SA KALIBO NABIKTIMA NG SALISI; P100K HALAGA NG ALAHAS TANGAY
Tinangay ng dalawang lalaki ang sling bag ng may-ari ng bakeshop na ito sa Osmeña Avenue Kalibo, Aklan.
Sa panayam kay Delfin Quintana, siya mismo ang nagbabantay ng bakeshop nang pumasok ang dalawang suspek.
Umorder ito ng walong bottled water at walong piraso ng tinapay.
Habang nakatalikod si Quintana at hinahanda ang mga inorder isa sa mga suspek ang lumapit sa table nito at kinuha ang sling bag.
Nakalagay sa sling bag ang mg alahas nito na nagkakahalaga ng humigit P100,000.00, cash na nagkakahalaga ng P2, 500.00, at iphone cellphone.
Matapos makuha ng isa sa mga suspek ang bag agad raw umalis sa bakeshop ang mga ito at nagpaalam na babalikan nalang ang mga inorder.
Makalipas ang ilang minuto doon na napansin ni Quintana na nawawala na ang bag nito.
Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente./ Archie Hilario, EFM Kalibo

NAKAW NA MOTORSIKLO NAREKOBER NG PULIS KALIBO; ANG SUSPEK ISANG 13-ANYOS NA BABAE
photo (c) PO2 De Lemos |
Ayon kay PO2 Erick De Lemos, imbestigador ng Kalibo PNP, pagmamay-ari umano ang motorsiklo na ito ng pamilya Ramos.
Ninakaw umano ng bata ang motorsiklo habang nakapark sa kahabaan ng Toting Reyes St. sa nasabing barangay noong Mayo 27.
Positibo namang kinilala ng may-ari ang motorsiklo bagaman ilan sa mga spare parts nito ang kinalas na ng bata.
Sinabi ng imbestigador, nakunan ng CCTV ang nasabing insidente at nakilala nila ang nasabing bata. Depensa umano ng menor de edad, napag-utusan lamang siya ng kanyang mga barkada na kunin ang motorsiklo.
Napag-alaman ayon kay PO2 Delemos, sangkot rin umano sa iba pang kaso ng pagnanakaw ang nasabing menor de edad. Iimbestigahan pa kung may iba pang pwedeng managot sa insidente.
Itinurn-over na ang menor de edad sa Women and Children and Protection Desk at sa Social Welfare and Development Office ng munisipyo para sa kaukulang disposisyon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
BYAHE NG BANGKA SA BORACAY INILIPAT
Nilipat na sa Tabon, Caticlan to Tambisaan, Manocmanoc sa Isla ng Boracay vice versa ang lahat ng biyahe ng mga bangka dahil sa malakas na alon sa Caticlan to Cagban area.
Ang pagbabagong ito ay simula pa Linggo ng hapon.
Napag-alaman Sabado ng gabi na isang bangka ang sumadasad at tumaob sa baybayin malapit sa Cagban. Wala namang naiulat na nasaktan sa 28 pasaherong sakay nito at tatlong crew.
Ayon kay Niven Maquirang, port administrator ng probinsiya, wala namang pagbabago sa oras ng byahe mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.
Pinasiguro naman ng Philippine Coastguard-Caticlan na hindi rin anya babaguhin ang seguridad na ipapatupad kagaya ng pagbeberipika ng ID ng mga gustong makapasok sa isla.

PANG. DUTERTE, HINDI PABOR NA MAGKAROON NG RESIDENTIAL AREA SA BORACAY
Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng residential area sa Boracay island.
Ayon sa pangulo, ito ay dahil sa maaring sa dagat lamang itapon ang dumi.
Ayon sa pangulo, gagawin niya ang Boracay na agricultural land, isasail
alim sa land reform at ipamamahagi sa mga magsasaka.
Sa ngayon ayon sa pangulo, kailangan pa niyang makita ang dokumento kung deklaradong commercial at residential area ang Boracay.
Ipinauubaya naman ng pangulo sa Kongreso ang pagpapasya kung magtitira ng bahagi sa Boracay para gawing commercial area. / Radyo INQUIRER

MAHIGIT 25 EKTARYA NA AGRICULTURAL LAND SA BORACAY MAAARI NANG IPAMAHAGI SA MGA KATUTUBONG MAGSASAKA
Natukoy na ng Department of Agrarian Reform o DAR ang unang batch ng agricultural land na pwedeng ng maipamahagi sa mga katutubong magsasaka sa isla ng Boracay matapos ang 90 araw.
Ayon kay Atty. David Erro, undersecretary ng DAR, sa ngayon aabot sa mahigit 26 hectare na agricultural land na pwede ng maipamahagi sa may 80 indibidwal na pawang mga katutubo.
Ito ay sa kabuuang 600 hectares na agriland na dineklara ni ating
pangulo at ngayon Congresswoman Gloria Arroyo sa isla ng Boracay.
Sinabi pa ni Erro na sa propose executive order na ipinasa ng DAR kay Pangulong Rodrigo Duterte, 1 kilometer mula sa aplaya ay pwedeng ideklara tourism spot para hindi pa rin mamatay ang turismo sa Boracay.
Pero ang lahat ng lalagpas na gusali dito ay ipapagiba ng DAR para maging kaaya-aya sa pagtatanim./ Radyo INQUIRER

Sunday, June 03, 2018
DIREKSYON NG REHABILITASYON SA BORACAY KINUWESTYON SA KAMARA
Kinuwestyon ng mga mambabatas ang kawalan ng komprehensibong plano sa rehabilitasyon ng isla ng Boracay.
Sa public hearing ng House committee on natural resources sa Boracay, pinuna din ng mga mambabatas ang kawalan ng malinaw na programa para sa mga nawalan ng kabuhayan at mga maaaring mawalan ng tirahan sa anim na buwan na rehabilitasyon.
Ipinahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na welcome ang ibang proyekto gaya ng pagpapalawak ng kalsada at pagpapaganda sa kalidad ng tubig.
Gayunman aniya, kinakailangan din ang malinaw na plano para sa mga pangangailangan ng mga residente.
Inobliga naman ni Liquefied Petroleum Gas Marketers’ Association party-list group Rep. Arnel Ty ang task force na magsumite ng komprehensibong plano sa loob ng isang buwan.
Isinara sa mga turista ang Boracay noong April 26 para isailalim sa rehabilitasyon dahil sa kakulangan ng sewage system sa isla./ Radyo INQUIRER

Subscribe to:
Posts (Atom)