Saturday, January 19, 2019
Lalaki arestado sa pagdadala ng baril sa Ati-atihan festival sa Kalibo
ARESTADO ANG isang lalaki sa Brgy. Poblacion, Kalibo umaga ng Sabado dahil sa pagdadala ng baril sa kasagsagan ng Ati-atihan festival.
Kinilala ng kapulisan ang suspek na si Edison Nemis, 60-anyos, ng Brgy. Janlud, Libacao. Nasabat sa kanya ang isang 9mm na baril laman ang limang bala.
Si Nemis ay miyembro ng Kalibo Auxiliary Police.
Una rito pumalag umano ang suspek nang hilingin sa kanya ng kapulisan sa sector 1-A na usisain ang dala niyang bag bago makapasok sa festival area.
Pero naharang ito ng kapulisan at tiningnan ang kanyang bag. Dito tumambad sa mga nagbabantay na mga pulis ang dala niyang baril.
Nakakulong ngayon sa Kalibo police station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comelec gu ban.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Friday, January 18, 2019
Mahigit 1,600 kapulisan, force multiplier pormal nang itinalaga sa Kalibo Ati-atihan festival
photos Aklan PPO / Kalibo PNP |
Isinagawa ang send off ceremony sa Camp Pastor Martelino na pinangunahan ni PCSupt. John Bulalacao, regional director ng Police Regional Office 6, task group commander.
"We are gathered here today to show our support to make Ati-atihan celebration this year a success. We have done this before and we can still do better this time," sabi niya sa kanyang mensahe sa STG Ati Feast 2019 personnel.
Sa buong Task Group, 1,419 dito ang PNP personnel, 44 ang Armed Forces of the Philippine personnel, at ang 205 ay mga emergency response team gaya ng PDRRMO at Bureau of Fire Protection.
"This is not just a show of force but an expression of our commitment to ensure that the community will be safe and secure for everyone. Thus Akeanons, tourists, and pilgrims need not worry, the police are here - we will help you," pahayag ni CSupt. Bulalacao.
Paalala niya sa mga kapulisan na maging alerto, maging confident at maging courteous o magalang sa mga bisita. Binawalan niya ang mga kapulisan na gumamit ng cellphone at matulog habang nasa duty.
Sa kabila ng malaking bilang ng kapulisan at iba pang law enforcers, sinabi ni Bulalacao na ang kanilang tagumpay ay nakasasalay rin sa pakikipagtulungan ng taumbayan.
Kabuuang naman 167 communication equipment at 73 mobility equipment gaya ng mga patrol car at motorcycle ng kapulisan, ambulansiya, at firetrucks ang gagamitin para sa seguridad ng festival.
Ang mga task group personnel at ang mga equipment ay binasbasan ng pari sa nasabing send off ceremony.
Layunin ng task group ang magkaroon ng zero major incident sa festival, at mapalakas pa ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan at sa pang pwersa ng gobyerno.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Lalaki pinatay ng sariling anak sa bayan ng New Washington; suspek arestado
PATAY ANG isang lalaki makaraang makaraang pasakan ng damit ng sariling anak ang kanyang bunganga sa Brgy. Candelaria, New Washington Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Haidee Prado, 59-anyos, habang ang suspek ay nakilala namang si Ger Prado, 31, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.
Batay sa ulat ng New Washington PNP, nagkaroon umano ng mainit a pagtatalo ang mag-ama na parehong nakaiom. Nabatid na palagi nang nagtatalo ang dalawa.
Itinali umano ng suspek ang paa at kamay ng ama gamit ang rattan at pinasakan ng damit ang bunganga.
Matapos ang insidente, mismong ang suspek ang nagsumbong sa kanyang step sister hinggil sa ginawa niya sa ama. Sumuko naman ang suspek sa mga otoridad.
Isinugod pa sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang biktima pero dineklara rin itong dead on arrival.
Inaalam pa ng kapulisan ang malalim na motibo sa insidente.
Kulong ang suspek sa New Washington PNP station at nakatakdang sampaha ng kasong parricide.##
Schedule ng Simbahan sa bisperas, kaarawan ng kapyestahan ng Sr. Sto. Niño de Kalibo
Narito ang schedule ng Diocese of Kalibo sa bisperas at kaarawan ng Sr. Sto. Niño de Kalibo ngayong taong 2019:
JANUARY 19, 2019 Saturday
4:00 am Dawn Penitential Procession
Blessing of Caro
5:00 am Devotees’ Mass (Hiligaynon)
7:00 am Mass (English)
7:30 am Mass (English)
9:30 am (English)
10:00 am Blessing of Tribes/Pilgrims
11:00 am Blessing of Children
12:00 nn Hornada
3:00 pm Novena
4:00 pm Mass (English)
5:00 pm Vesper Mass (English)
JANUARY 20, 2019
Feast Day
4:00 am Mass (Hiligaynon)
5:00 am Mass (Hiligaynon)
6:30 am Transfer of Sto. Niño de Kalibo
Image from the Shrine for Enthronement
for Pilgrim’s Mass
7:00 am PILGRIMS’ Mass (English)
Cathedral Front Yard
9:00 am GRAND Procession
10:00 am Mass (English)
11:00 am Mass (English)
12:00 noon Mass (English)
3:00 pm Religious and Torch Parade of Sto. Niño Images
4:00 pm Mass (English)
5:00 pm Mass (English)
6:00 pm Mass (English)
7:00 pm Mass (English)
SCHEDULE OF BAPTISM
January 19, 2019 (Saturday)
8:00 am to 11:00 am – Baptism (Chapel of the Saints)
January 20, 2019 (Sunday)
9:00 am to 11:00 am – Baptism (Chapel of the Saints)
SCHEDULE OF PAEAPAK
January 19, 2019 (Saturday)
6:00 am to 11:30 am
2:00 pm to 6:30 pm
January 20, 2019 (Sunday)
5:00 am to 8:00 pm
Thursday, January 17, 2019
Simulation exercise isasagawa kaugnay ng Kalibo Ati-atihan Festival 2019
photo Kalibo PNP / file, Ati Fest 2016 |
Ayon kay PO2 Jane Vega, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office, gaganapin ang aktibidad anumang oras araw ng Biyernes sa loob ng festival zone.
Susubukin umano rito ang kahandaan ng kapulisan at ng iba pang ahensiya sa pagresponde sa mga malalaking sakuna gaya ng bombing, mass shooting, at stampede.
Kaugnay rito, nagpaalala ang kapulisan sa mga bisita at publiko na huwag magpanic sa halip ay mag-cooperate sa mga owtoridad.
Araw ng Huwebes ay nakafull swing na ang pwersa ng kapulisan para sa pagbantay ng seguridad sa malaking selebrasyong ito lalo na sa bisperas at kaarawan ng festival o sa Sabado at Linggo.
Sa araw rin ng Biyernes, ay isasagawa ang send-off ceremony ng mga itatalagang kapulisan na pangungunahan ni PCSupt. John Bulalacao, regional director ng PNP.
Una nang ibinalita na nasa 1,500 kapulisan ang itatalaga sa festival. Malaking bilang nito ang mula sa regional office ng PNP.
Target ng kapulisan ang zero major incident para sa selebrasyon ng Ati-atihan sa Kalibo ngayong taon.##
- ulat ni Kasimawang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Snatcher sa Kalibo Ati-atihan Festival, arestado
Ang suspek at ang biktima. |
ARESTADO ANG isang lalaki sa selebrasyon ng Ati-atihan Festivl sa Kalibo makaraang nakawan ang isang lolo tanghali araw ng Huwebes.
Kinilala ang suspek na si Robert Fugura, 36-anyos, tubong Calumpang, Iloilo City. Habang ang biktima ay kinilala namag si Gil Silvederio, 67, residente ng Brg. Tabangka, Numancia.
Batay sa pagsisiyasat ng Kalibo PNP, bumibili umano ang biktima sa isang stall sa kahabaan ng F. Quimpo St. sa Brgy. Poblacion nang mapansin niyang nakabukas na ang zipper ng kanyang bag.
Bago ito naalala niya na may isang lalaking lumapit sa kanya. Hinanap niya ito at natagpuan sa kalapit na stall. Dito kinumpronta ng biktima ang suspek pero bigla itong tumakbo.
Agad na humingi ng saklolo ang biktima at agad na hinabol ng mga negosyanteng Muslim at kapulisan ang lalaki dahilan para mahuli ito.
Nasabat sa kanya ang ninakaw na pera mula sa biktim. Ikinulong ang suspek sa police station at nakatakdang sampahan ng kasong theft.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ng suspek na kalalaya lang niya mula sa kulungan dahil rin sa kasong pagnanakaw. Inamin rin niya na ninakawan niya ang biktima.
Samantala, nagpapasalamat naman si PO2 Erick John Delemos, imbestigador, dahil sa pagiging alerto ng biktima at ng mga Muslim brothers kaya nahuli ang snatcher.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Balete panalo na naman sa Higante Contest ngayong Kalibo Ati-atihan 2019
PANALO NA naman ang munisipyo ng Balete sa katatapos lang na Higante Contest sa Kalibo Ati-atihan Festival 2019.
Ang mga nanalo ay mga munisipyo ng Balete (Champion); Nabas (1st runner up); Batan (2nd runner up); Ibajay (3rd runner up); at Kalibo (4th runner up).
Ang champion ay tatanggap ng Php45,000, habang ang mga runner-up ay tatanggap ng Php40,000, Php35,000, Php30,00 at Php25,000 ayon sa pagkakasunod-sunod.
Ang limang iba pa na mga munisipyo na lunahok - Tangalan, New Washington, Madalag, Numancia, at Malinao. Sila ay tatanggap ng Php15,000 consolation.
Lahat ng mga lumahok sa contest ay may subsidy mula sa provincial goverment na Php30,000. Ang Higante Contest ay inoorganisa taon-taon ng Provincial Tourism Office.
Ang tema ng contest ngayong taon ay Aklan festivals. Matatandaan na noong nakaraang taon ay panalo din ang Balete sa tema na professional ati.
Ang criteria for judging ay relevance (30%), creativity (30%); artistry (30%); audience impact and appeal (10%).##
- ulat ni Kasimanwang Darwim Tapayan, Energy FM Kalibo

Pandan PNP: hindi totoo na tinangkang kidnappin ang 3 bata
Lumabas sa imbestigasyon ng Pandan PNP na walang katotohanan ang bali-balitang tinangkang kidnappin ang tatlong bata na nag-aaral sa Nauring Elementary School sa Brgy. Nauring, Pandan, Antique umaga ng Miyerkules.
Narito ang statement na inilabas ng Pandan PNP sa kanilang FB post kasunod ng kanilang pagsisiyasat:
This pertains to the alleged "Abduction Incident" posted in Facebook yesterday January 16, 2019 allegedly transpired at municipality of Pandan, Antique. Investigation revealed that the post is not true and was just a result of misunderstanding between the children and their aunt. Investigators of Pandan MPS met with the involved individuals today and confirmed that news has no basis at all.
Kaugnay rito nanawagan ang kapulisan na ibahagi ang impormasyong ito sa buong nasasakupan ng Pandan.##
Tatlong bata tinangka umanong dukutin sa Pandan, Antique
KALIBO, AKLAN - Iniimbestigahan na ngayon ng kapulisan ang umano'y ulat na may mga batang tinangkang kidnappin sa Brgy. Nauring, Pandan, Antique.
Ayon kay PSupt. Joeresty Coronica, hepe ng Pandan Municipal Police Station, nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang Women and Children Protection Desk at ang general investigation section kaugnay ng nasabing insidente.
Sinabi ni Cronica na nagkusa na ang Pandan PNP na magsagawa ng imbestigasyon. Simula umano kahapon na sinasabing naganap ang insidente hanggang sa mga sandaling ito ay wala pang pormal na nagrereklamo sa kanilang tanggapan.
Mababatid na kumakalat na ang balitang ito sa facebook post na may tatlong bata ang tangkang kidnappin, pilit pinasasakay sa isang puting van ang dalawang batang babae at isang batang lalaki na mga nag-aaral sa Nauring Elementary School sa Pandan.
Kaugnay rito marami ang nababahala sa nasabing insidente.##
Wednesday, January 16, 2019
13 sachet ng pinaghihinalaang shabu nasabat sa isang lalaki sa Kalibo.
INARESTO NG mga kapulisan ang isang lalaking sa buy bust operation sa sa Brgy. Estancia, Kalibo gabi ng Miyerkules.
Kinilala ang suspek na si Jonathan Hilario y Valencia, 32-anyos, residente ng Brgy. Ambulong, Batan.
Nasabat sa kanya ang 13 sachet ng pinanininiwalaang shabu at Php1,000 buy bust money.
Mariin namang itinatanggi ng suspek sa live interview ng Energy FM Kalibo na siya ay sangkot sa iligal na droga.
Kinumpiska rin ng kapulisan ang kanyang motorsiklo, at ang kanyang cellphone.
Nabatid ayon sa kapulisan ng Kalibo, una nang naaresto si Hilario dahil sa kasong pagnanakaw ng manok.
Ikinasa ng Kalibo PNP, mga tauhan ng Aklan Police Provincial Office at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nasabing operasyon.##

Chinese nalunod sa dagat sa Isla ng Boracay, patay
PATAY ANG isang Chinese National matapos malunod sa Coral Garden Snorkeling Area sa Station 1, Brgy. Balabag umaga ng Miyerkules.
Kinilala sa ulat ng Boracay PNP ang biktima na si Liu Ran, 23-anyos, lalaki, kasalukuyang nakatira sa isang resort sa parehong barangay.
Nabatid na nasa snorkeling activity ang biktima nang mapansin siya ng kanyang kasama na si Neno Shi na nahihirapan sa paghinga habang nakahawak sa bangka.
Ilang sandali pa ang lumipas ay napansin siya ng kasama na nakalutang na sa tubig at nakataob.
Dinala siya sa Island Medical Clinic pero dineklara ring patay.##
₱35,000.00 nakuha ng budol-budol sa pamilya ng OFW na taga Balete, Aklan
Dumulog sa himpilan ang pamilya ng isang OFW na nagtatrabaho sa Saudi para magsumbong tungkol sa modus ng scammer o budol budol.
Sa kwento ng complainant , may naging kaibigan raw sa facebook ang kanyang anak na nasa Saudi, bagamat hindi pa sila nagkita ng personal nanligaw raw ang nagpakilalang foreigner at magpapadala raw ito ng malaking halaga sa mga pamilya ng OFW.
Pinakita pa raw nito ang mga larawan ng mga gamit, alahas at malaking halaga raw ng pera na milyong piso ang halaga pagdating sa Pilipinas.
Inilagay na daw niya ito sa Box at ipinadala na sa Pilipinas sa nanay ng biktima.
Pagkalipas ng mga araw tumawag naman ang nagpakilalang taga Bureau of Custom at humingi raw ng ₱15,000.00. Agad naman na nagpadala ng pera ang mga biktima.
Pagkalipas ng ilang araw tumawag na naman ito at humingi ulit ng ₱20,000.00. Nangutang ulit ang mga biktima at pinadala sa suspek.
Pagkatapos ng ilang araw wala paring package na naideliver at tumawag na naman ang suspek at humihingi ng ₱37,000.00 para sa delivery raw.
Dito na nagduda ang tatay ng OFW at dumulog ito sa Energy fm.
Sunuri namin ang tracking number ng package sa website ng courier at walang makita.
Sinamahan rin namin ang mga ito sa Remittance center para makita ang larawan ng taong pinadalhan nila ng pera at kung taga saan ito. Ngunit ayon sa Remittance center kailangan nila ng police blotter at iba pang dukumento.
Kaya idinulog na namin sa Balete PNP ang kasong ito para matulungan ang mga biktima.
Nangako naman si Sp03 Dadivas na tutulungan nila ang mga biktima.##
- ulat ni Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo

Bayan ng Malinao magdiriwang din ng Ati-atihan Festival
MAGDIRIWANG ng Ati-atihan Festival ang bayan ng Malinao sa darating na Biyernes bilang pagpupugay kay Sr. Sto. Niño, patron ng Katoliko.
Ayon kay Mayor Ariel Igoy "a total of sixty three (63) participating groups and tribes will join and compete in this year's festival in Malinao, Aklan."
Batay sa kanyang facebook post, narito ang skedyul ng mga aktibidad sa Biyernes: Misa sa Plaza (7:30am); Procession (9:00am); Sadsad it Pagdayaw (10:00am-5:00pm).
Sa gabi ay mayroon namang Masquarade Ball at Presentation of Candidates ng Ms. Malinao Eco Tourism (7:00pm-12:00mn).
Ang iba pang mga bayan na magdiriwang ng Ati-atihan Festival ay ang Batan (Enero 19-20); Altavas (Enero 21-22); at Ibajay (Enero 26-27).
Katatapos lang ng Isla ng Boracay magdiwang ng Ati-atihan (Enero 12-13) at Makato (Enero 14-15).
Sa Enero 20 ay magtatapos naman ang mahabang selebrasyon ng Kalibo ng Ati-atihan Festival na nagsimula nitong Enero 2.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
- mga larawan mula kay Rose Eclevia Candelario / file

Lyreman nagproposed ng marriage sa nobya sa gitna ng sadsad sa Kalibo Ati-atihan
WALANG MAPAGSIDLAN ang saya ng isang lyreman matapos matanggap ang matamis na "oo" sa babaeng nais niyang asawahin.
Kasama ang kanyang banda sinorpresa ni Reginaldo Panagsagan ang nobya sa harap ng St. John the Baptist Cathedral kung saan siya nagpropose ng marriage.
Ang buong akala ni Mary Jorelly Egol ay magsasadsad lamang siya kasama ang nobyo ang banda niya na Kamicouzins.
Laking gulat ng babae na biglang nahinto ang tugtog ng banda, medyo nagkagulo at biglang lumuhod ang lalaki at nagladlad ng banner ang grupo nakalagay "Will you marry me?"
Nagregalo ng isang lyre stick na mayroong pulang ribbon ang lalaki at syempre singsing at sinundan ng mahigpit na yakap.
Nangontratra rin ng isang drone operator ang lalaki para i-kober ang para sa kanya ay hindi makakalimutang sandali ng kanyang buhay.
Si Reg at si Jorelly ay apat na taon nang magnobyo. Una silang nagkakilala sa high school at naging matalik na magkaibigan pagdating ng kolehiyo.
Head barista ang 23-anyos na babae sa isang kilalang hotel sa Kalibo habang billing personnel naman sa isang cable company ang 24-anyos na lalaki.##
Bading inirereklamo ng pangingidnap sa isang 17-anyos na lalaki
Humingi ng tulong sa Kalibo PNP station ang kapamilya ng 17 anyos na lalaki matapos tangayin ng suspek na bading.
Sa salaysay ng pamilya nahospital umano ang kanilang tatay at namatay kaya lumapit ang bading s kanila para tumulong umano.
Ang bading pa raw ang pumili ng mamahalin na kabaong at nakipagtransaksiyon sa punerarya.
Nitong nakalipas na araw ay siningil na sila ng funerarya at napag alaman na hindi nakapagbayad ang bading.
Tinangay din nito ang menor de edad na lalaki at humihingi pa raw ng ₱3,000. 00 kapalit ng pagpapauwi.
Ang suspek raw ang sumasagot tuwing tinatawagan raw ng kapamilya ang cellphone ng kanilang kapatid at humihingi ito ng mabanggit na halaga.
Napag-alaman na nabudol-budol rin pala ng suspek ang tinuluyang hotel dahil umalis ito na hindi nakapagbayad.
Matatandaan na natangay rin ng suspek ang cellphone ng Utility worker ng LGU Kalibo noong nakalipas na araw.
Ngayong umaga ay napag-alaman na pumasok ang bading sa isang bar at nang magtungo ang pulis sa lugar hindi na ito naabutan.
Patuloy sa ngayon ang pagtugis sa suspek.##

Tuesday, January 15, 2019
Misis dinukutan sa Kalibo; mahigit Php50k halaga ng pera, alahas natangay
ISANG MISIS ang nagsumbong sa kapulisan makaraang dukutan habang nasa loob ng isang shopping establishment sa Jaime Cardinal Sin Avenue, Andagao, Kalibo hapon ng Martes.
Ayon kay Ma. Ayren Timonera, 48-anyos, residente ng Brgy. Bacan, Banga, huli na umano niyang nalaman na nawawala na ang kanyang wallet sa loob ng kanyang sling bag.
Laman umano ng wallet ang mahigit Php6,000 halaga ng pera, dalawang gintong kwentas at isang gintong pulseras na nagkakahalaga lahat ng Php50,000.
Nang usisain ang CCTV makikita na sinusundan siya ng apat na babae at isang bading na kunwari na nagmimili rin ng mga damit. Makikita na binabanggan siya at tinatabihan ng mga di pa nakikilalang suspek.
Iniimbestigahan na ng Theft and Roberry Section ng Kalibo PNP ang isidente.
Una nang nagbabala si PO2 Erick John De Lemos, imbestigador ng Kalibo PNP, na nasa Kalibo ngayon ang salisi gang gumagamit ng iba-ibang modus upang makapambiktima.
Kaugnay nito, payo niya sa mga tao lalo na ngayong selebrasyon ng Ati-atihan Festival sa kabiserang bayan na mag-ingat at makipag-ugnayan agad sa kapulisan kapag may insidente.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Opisina it prinsipal it Estancia Elementary School sa Kalibo tinakawan
TINAKAWAN IT projector ag laptop ro opisina it prinsipal it Estancia Elementary School sa Brgy. Estancia, Kalibo.
Hapon it Martes nagdangop ro prinsipal nga si Ms. Marry Ann Alcedo sa Kalibo PNP para iparekord ro insidente.
Gintinguhaan it Energy FM Kalibo news team nga bue-an it paghayag si Ms. Alcedo angot sa natabu ugaling nagpamalibad imaw.
Ginasugid nga natabu ro insidente gabii ag pagkaaga, adlaw ng Martes, natueupangdan nga ro opisina hay sinueod it manakaw.
Paga-imbestigahan pa raya it theft and robbery section it Kalibo PNP.
Madumduman nga ku Enero 3 natueupangdan man nga ap-at ka kwarto it mga maestra ro sinueod ag ginpangmalitan ro anda nga mga pagkabutang.
Ginparekord man raya it mga maestra sa police station ag ginaimbestigahan pa it mga kapulisan ro nauna nga insidente.
Ro Estancia Elementary School hay nabutang sa kontobersiya hasta makaron bangud sa bagina nga nagapatunga sa kaabuan it mga manugturo at ku anda nga prinsipal.
Nagpetisyon man ro mga ginikanan it mga unga nga pahalinon sa eskwelahan o sayluhon ro prinsipal pero suno sa Deparment of Education (DepEd) - Aklan superintendent hay wa raya it basehan.##
34 mga tribu at grupo kalahok sa “Sadsad Ati-Atihan 2019”
Official List of Registered Ati-atihan Tribes and Groups:
BALIK ATI
1. APO NI INDAY - Calangcang Makato
2. KINANTUN-ING - San Roque Malinao
3. TRIBU ANONO-O - Briones Kalibo
4. TRIBU MANINIKOP - Caano, Kalibo
5. TA-EA AGILA - Calangcang, Makato
6. MALIPAYONG ATI - San Roque, Malinao
7. KABUTUNGAN TRIBE - Bulabod, Malinao
8. TRIBU DATU PUTI - Rosario, Malinao
9. TRIBU ILAYANHON NGA INAPO NI GENERAL CANDIDO IBAN - Lilo-an, Malinao
10. SINIKWAY NGA ATI - Dumga, Makato
TRIBAL SMALL
1. IWA IWA TRIBE - Estancia, Kalibo
2. TRIBU NINOLITOS - Tigayon, Kalibo
3. TRIBU BUKID TIGAYON - Tigayon, Kalibo
4. LEZO TRIBE - Ibao, Lezo
5. PAROLA TRIBE - Daja Norte, Banga
6. TRIPLE J TRIBE - Estancia, Kalibo
7. TRIBU RESPONDE - New Buswang, Kalibo
8. KABOG - Estancia, Kalibo
MODERN GROUP
1. BAE-OT BAE-OT - Pusiw, Numancia
2. ROAD SIDE - Linabuan Sur, Banga
3. AEANG-AEANG - Laguinbanwa West, Numancia
4. D’EMAGINE - Crossing Buswang, Kalibo
5. ATRAS ABANTE - (Mga Inapo ni Datu Kalantiaw) Poblacion, Makato
6. ROYAL SCORPIO - Poblacion, Kalibo
7. UNITED LINABUANON - Linabuan Sur, Banga
8. ANTS PAEA - New Buswang, Kalibo
TRIBAL BIG
1. PANGAWASAN TRIBE - Cayangwan, Makato
2. TRIBU TIIS TIIS - New Buswang, Kalibo
3. TRIBU ALIBANGBANG - Linabuan Norte, Kalibo
4. VIKINGS - Dumga, Makato
5. LIBTONG BOYS - Estancia, Kalibo
6. D’KAMANGGAHAN - Poblacion, Makato
7. BLACK BEAUTY BOYS - Linabuan Norte, Kalibo
8. MAHARLIKA - Dumga, Makato
Sa Sabado, Bisperas ng festival, gaganapin ang contest alas-8:00 ng umaga.
Augmentation force ng kapulisan sa Kalibo Ati-atihan Festival 50% na
NASA KALAHATING porsyento na ang augmentation force ng kapulisan sa nagpapatuloy na pagdiriwang ng Kalibo Ati-atihan Festival.
Ito ang pinahayag ni PSupt. Richard Mepania, help ng Kalibo PNP at ground commander ng event, sa isang media interview hapon ng Martes.
Aniya dumating ang kalahati ng inaasahang bilang ng augmentation force ng kapulisan araw ng Lunes at nagsimula nang italaga sa loob at labas ng festival zone.
Una nang ibinalita na nasa mahigit 1,500 kapulisan ang itatalaga sa malaking selebrasyong ito. Malaking bilang nito ang mula sa regional office ng Philippine National Police.
Dinagdag ni Mepania na sa Huwebes ay makokompleto na ang augmentation ng kapulisan para masiguro ang isang mapayapa at maayos na festival. Target nila ang zero major incident sa event na ito.
Mababatid na 18 police assistance desk ang kanilang itinayo para magbantay sa seguridad. Dadaan din sa pedestrian screening area ang mga festival goer.
Nakatakda namang pansamantalang patayin ang mga telecommunication signal sa festival zone sa bisperas at kaarawan ng pagdiriwang para sa seguridad.
Nanawagan naman ng kooperasyon ng taumbayan at mga bisita ang hepe ng Kalibo PNP sa mga ipinatutupad nilang seguridad at mga ordinansa.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Lalaki tinatad ng taga sa Ibajay dahil umano sa away sa lupa; suspek arestado
NAKARATAY NGAYON sa ospital ang isang lalaki na tinadtad ng taga sa Brgy. Naisud, Ibajay hapon ng Lunes.
Kinilala ang biktima na si Ricky Sastre habang ang suspek ay kinilala namang si Joeben Olid, pawang mga residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat ni Kasimanwang Joefel Magpusao, nagtamo ng ilang sugat ng taga sa ulo, sa mga kamay, at iba pang bahagi ng katawan ang biktima.
Ayon sa asawa, binantayan umano ng suspek ang biktima at tinaga ng makailang beses. Away sa lupa ang nakikita niyang motibo sa insidente.
Unang dinala sa Ibajay District Hospital ang biktima pero inilipat din sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital sa Kalibo.
Naaresto ng kapulisan ang suspek sa tulong ng mga opisyal ng barangay. Kulong ito sa Ibjay PNP Station at nakatakdang samapahan ng kaukulang kaso.##
Monday, January 14, 2019
Bahay ng negosyante sa Kalibo pinasok ng magnanakaw tangay ang Php200k
PINASOK NG magnanakaw ang bahay ng isang negosyante sa Brgy. Andagao, Kalibo tangay ang Php200,000 halaga ng pera at cellphone.
Ayon kay Ma. shane Degala nagising umano siya umaga ng Linggo na nakabukas na ang sliding window ng kanilang kuwarto at nawawala na ang kanyang bag.
Natagpuan nalang ang kanyang bag sa labas ng kanilang bahay, nagkalat ang mga papeles subalit wala na roon ang kanyang cellphone at pera na nakasilid sa pouch.
Sinabi ng negosyante na ilang beses umano niyang napansin na sinusundan siya ng di pa nakikilalang mga tao. Paniwala niya pinalano ang insidente.
Ipinarekord na niya ang nangyari sa Kalibo Police Station. Iimbestigahan pa ng kapulisan ang kaso.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Father Belandres nagpaalala sa mga political aspirants, "be humble"
Pinaalalahan ni Fr. Tudd Belandres, Parish Priest, ang mga political aspirants sa kanyang homiliya umaga ng Linggo na maging mapagpakumbaba.
Dumalo sa misa ang mga aspirants sa congressional, provincial at municipal level sa Kalibo bahagi ng kanilang commitment sa isang mapayapa, maayos, at tapat na eleksyon.
Sinabi ng pari na dapat iwasan ng mga tumatakbo sa eleksyon ang mga personal na pag-atake sa kanilang mga kalaban.
Pinaalalahanan rin niya ang mga tao na maging responsable sa pagboto.
Pagkatapos ng misa ay isinagawa ang paglagda sa Peace Covenant ng lahat ng mga tumatakbo sa halalan. Sinaksihan ito ng kapulisan, Simbahan, media, kinatawan ng Department of Interior and Local Government, at ng Commission on Election.
Bago ito isang unity walk ang isinagawa mula sa Magsaysay Park patungong Cathedral. Nilahukan ito ng mga political aspirant kasama ang ilan nilang mga taga-suporta.
Sa Magsaysay Park ay nag-alay rin ng dasal para sa mga aspirants ang mga lider ng Baptist at Muslim.
Layunin ng aktibidad na inorganisa ng kapulisan na magkaroon ng isang maayos, payapa at tapat na halalan sa taong ito.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Sunday, January 13, 2019
‘Hegante’ parade sa Kalibo Ati-atihan Festival, ‘ready na’
Balete, Champion Hegante Contest 2018 / photo Maria Lucel Villaruel |
ISA SA mga inaabang ng mga festival goers tuwing Ati-atihan festival sa Kalibo ay ang parada ng mga “hegante” mula sa iba-ibang munisipyo.
Ayon sa Aklan Provincial Tourism Office, organizer ng taunang Hegante Contest, ang tema ng contest ngayong taon ay “Aklan festivals”.
Nakatakda ang naturang aktibidad sa Huwebes, Enero 17, ala-1:00 ng hapon. Magsisimula ang parade sa D. Maagma St. patungong Pastrana Park para sa final judging at awarding ceremony.
Ang mananalo ay tatanggap ng cash at plaque habang ang hindi mapapalad ay tatanggap ng consolation prizes at plaque of participation. May subsidy rin na ibibigay sa lahat ng mga lalahok na munispalidad.
Noong nakaraang taon nanalo ang bayan ng Balete sa kanilang heganteng chef kung saan ang tema ng contest ay professional Ati.
Samantala, pangungunahan rin ng Tourism Office ng probinsiya ang Sangkalibong Tamboe at Aklan Festivals Float Parade sa Enero 14 simula ala-1:00 ng hapon.
May gaganapin rin na “Balikbayan Night” sa Enero 18, alas-7:00 ng gabi sa ABL Sports Complex na may temang “Paradise Regain” kaugnay ng rehabilitasyon at muling pagbubukas ng Isla ng Boracay.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Lalaki binaril ng nakailitan sa lupa sa bayan ng Ibajay
SUGATAN ANG isang lalaki sa Brgy. Yawan Ibajay makaraang barilin ng nakailitan sa lupa hapon ng Sabado.
Kinilala ang biktima na si Ricky Tayco y Pelayo, 26-anyos, habang ang suspek ay kinilalang si Rodencio Tenorio y Paulino, nasa legal na edad, parehong mga residente ng nabanggit na lugar.
Lumabas sa paunang pagsisiyasat ng Ibajay PNP na nag-ugat ang pamamaril dahil sa hindi umano nagkasundo ang dalawa sa hangganan ng kanilang mga lupa.
Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang dalawa at kalaunan ay binantayan ng suspek ang biktima sa daanan at binaril.
Nagtamo ng sugat ng pamamaril ang biktima sa panga at sa dibdib at agad isinugod sa ospital. Nakaratay ito ngayon sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.
Tinutugis pa ng kapulisan ang tumakas na suspek.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Subscribe to:
Posts (Atom)