Friday, August 18, 2017

‘OPLAN HAWAN’ SA FRONT BEACH SA ISLA NG BORACAY MULING UMARANGKADA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

photo (c) LGU Malay
Umaarangkada ngayon sa isla ng Boracay ang “Oplan Hawan” clearing operation laban sa mga illegal vendors, commissioners, at mga illegal structures sa front beach.

Ayon kay PSInsp. Mark Anthony Gesulga, hepe ng Boracay Tourist Assistance Center, ang tuluy-tuloy na operasyon ay para mapanatili ang magandang imahe ng world-known tourist destination sa mga turista.

Paliwanag niya, ang aksyon ay kasunod ng ilang reklamo ng ilang mga turista laban sa mga commissioner na hindi sumisipot sa mga itinakdang oras sa mga binayarang aktibidad.

Sinisira rin umano nila ang mga iligal na istraktura na humaharang sa mga daanan at kinukumpiska ang mga paninda ng mga ambulant vendor para walang maging sagabal sa mga turista.

Pinasiguro naman niya na tuluy-tuloy ang gagawin nilang random operation at profiling sa mga mahuhuling lumalabag para sa mas mabigat na multa kapag muling nahuli.

Ang task force ay binubuo ng pulisya, lokal na pamahalaan ng Malay, army, coastguard, auxialiary police at iba pa.

Nanawagan naman siya sa mga apektado ng koordinasyon at pag-intindi para sa ikabubuti at ikakaganda ng Boracay.

Thursday, August 17, 2017

PSA-AKLAN MAGAHALIN IT OPISINA

Agud nga mas mayad-ayad pa nga maserbisyuhan ro publiko, ro Philippine Statistics Authority-Aklan hay magasaylo sa bag-ong opisina umpisa sa harang buean it Agosto. 

Halinsa N. Roldan St, Poblacion, Kalibo, ro PSA-Aklan hay magahalin sa mas maeapad nga opisina sa Redepermavic Bldg, nahamtang sa likod it Ten Commandments Bldg nga maeapit sa Capitol Site.

Mga 1.5 kilometers ro distansya it nasambitan nga bag-ong opisina sa existing nga bilding.

Angot kara, ginpaabot it taeatapan ku PSA nga temporary nga pagasarhan ro Serbilis Center umpisa Agosto 31 (Huwebes) hasta Setyembre 1 (Byernes), 2017 para mataw-an it hugada ro paghalin it mga pasilidad.

Owa it pagabatunon nga mga requests sa birth, death, ag marriage certificates eakip man ro certificate of no marriage record sa nasambitan nga mga petsa.

Magabalikro normal nga operasyon it PSA Serbilis Center sa Setyembre 4 (Lunes), 2017 sa nasambitan nga bag-ong lugar. 

Ro PSA hay naga apela sa mga pumueoyo nga may plano nga magbuoe it mga civil registry documents nga magadto it mas temprano sa andangopisina para malikawan ro inconvenience nga matuga it dayang relocation.

ANTONET B. CATUBUAN
Chief Statistical Specialist

PMA ENTRANCE EXAM SA NVC SA KALIBO SA AGOSTO 20

Ang Philippine Military Academy (PMA) ay magsasagawa ng entrance examination sa darating na Agosto 20, Linggo, alas-7:30 sa Northwestern Visayan Colleges (NVC) dito sa bayan ng Kalibo.

Ang entrance exam na gaganapin sa 40 examination center sa buong bansa ay unang hakbang sa selection process para makapasok sa nasabing training school.

Ang mga kadete na makakapasok rito ay maeenjoy ang buong iskolarsyip ng pamahalaan at walang anumang babayaran sa kanilang training sa akademya.

Ang magtatapos sa training sa Bachelor of Science Degree ay komisyon na bilang 2nd Lieutenant at Ensigns ng Armed Forces of the Philippines. 

Ang eksam ay bukas sa lahat, edad 17 hanggang 22 anyos, single at hindi pa nakapag-asawa o buntis.

Dapat ay  walang anumang kaso administratibo o criminal, at dapat ay 5 feet pataas ang taas para sa baae at lalaki.

Magdala lamang nng NSO birth certificate, high school form 137 o 138.

28 ANYOS NA MISIS ARESTADO SA PAGNANAKAW SA DRY GOOD STORE SA KALIBO

Nakakulong ngayon sa Kalibo police station ang isang 28-anyos na misis makaraang magshoplift sa isang dry good store sa Kalibo.

Kinilala ng pulisya ang babae na si Rachel Villanueva y No-o, tubong Sebalew, Banga at nakatira sa brgy. Mataphao, New Washington.

Ayon sa PNP, ang suspek ay nahuling nagsilid ng mga kids garment sa loob ng kanyang bag.

Una rito, napaghalata ng isang promodizer na may kakaibang kilos ang suspek. Kumuha umano ito ng mga kids garments saka pumasok sa fitting room.

Sinundan umano siya ng promodizer ang suspek at nakita ang pagsilid ng mga damit sa kanyang bag.

Pagkatapos ay lumabas lamang umano ang misis sa establisyemento dahilan para habulin ng guard kasama ang miyembro ng auxiliary police at inaresto.

Narekober sa kanyang bag ang isang boy scout tshirt at ilang pares ng medyas. Wala umanong mapakitang ibedensya ang babae sa mga nasabing item kaya siya hinuli.

Posibleng maharap ang misis sa kaukulang kaso.

TOP 5 MOST WANTED SA BAYAN NG TANGALAN ARESTADO MATAPOS ANG 15 TAONG PAGTATAGO

Matapos ang 15 taong pagtatago, naaresto rin ng Tangalan PNP ang top 5 most wanted person sa kanilang listahan sa kasong frustrated homicide.

Kinilala ang akusado na si Ronald Narciso y Villareal, may asawa at residente ng brgy. Dumatad, Tangalan.

Ikinasa ng mga kapulisan ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court noon pang Marso 2002.

Ayon kay PO3 Antaran, imbestigador ng Tangalan PNP, naaresto nila ang akusado sa kanilang residensya matapos itong umuwi galing Manila kung saan siya naglagi ng ilang taon.

Php24,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

“OPLAN TOKHANG REBOOT” LABAN KONTRA DROGA NG PNP INILUNSAD SA WESTERN VISAYAS

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Inilunsad ng Philippine National Police ang “Oplan Tokhang Reboot” sa Western Visayas nitong Lunes kasama si PNP chief Ronald “Bato”Dela Rosa. 

Nagpahayag naman ng suporta ang gobernador, mga alkalde, iba pang mga opisyal at sectoral leaders ng rehiyon sa pamamagitan ng paglagda sa covenant of support.

Ang programa ay ginawa kasabay ng ika-116  taong pagdiriwang ng  Police Service Anniversary sa Camp Martin Delgado, Iloilo City.

Ayon kay PSSupt. Gilbert Gorero, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 6, ang konsepto ng ‘Tokhang Reboot’ ay kagaya ng one stop shop na mayroong ‘tokhang’, assessment, rehab at pangangalaga.

Bahagi rin ng proyekto ang paglalaan ng mga drop boxes sa mga police station at sa mga kabarangayan para sa taumbayan na magbigay ng impormasyon sa mga kilala nilang ‘drug personalities’.
Pinasiguro naman niya na ang karapatang pantao at due process of law ay nangingibabaw sa pagpapatupad ng proyekto.

Sa kabilang banda, sa nasabing programa sinabi ni "Bato" na walang ibang layunin ang pulisya kundi ang ibigay sa mga Pilipino ang mapayapang bansa kahit anuman umano ang mangyari. 

DROP BOXES PARA SA MGA PANGALAN NG DRUG PERSONALITIES SINIMULAN NANG ILAGAY SA MGA KABARANGAYAN SA AKLAN

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Sinimulan nang ilagay sa ilang barangay sa probinsiya ng Aklan at sa mga municipal police station ang mga drop boxes na paglalagyan ng mga pangalan ng mga newly identified drug personalities.

Ayon kay SPO1 Nida Gregas, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office, ito ay bahagi ng bagong lunsad na “Oplan Tokhang Reboot” laban kontra droga ng Philippine National Police at pamahalaan.

Nilinaw naman ni Gregas na pananatilihin nilang kompedensiyal ang mga impormasyon dito at dadaan rin anya sa tamang proseso at susunod sa karapatang pantao.

Pinasiguro naman niya na dadaan ito sa mabusising proseso kagaya ng koordinasyon sa mga opisyal ng barangay, pag-interview ng pulisya sa umano’y drug personalities, at iba pang proseso.

Kapag napatunayan umano ang itinuturong tao na sangkot sa iligal na droga ay iisasailalim nila ito sa rehabilitasyon depende kung gaano kalala ang kanyang adiksyon.

Sinabi ni Gregas na ang Western Visayas  ay isa sa may pinakamababang nagsurender sa buong bansa; sa Aklan halimbawa sa mahigit  574,000 populasyon, 1945 lamang umano rito ang naitalang sumuko sa pulisya.

Nanawagan naman siya sa taumabayan na maging bukas ang isipan at suportahan ang programa ng pamahalaan at pulisya.

Wednesday, August 16, 2017

PAGKAMATAY NG 12 MANOK AT PAGKASUGAT NG 9 IBA PA, PALAISIPAN

Misteryosong pagpatay sa mga manok na pansabong patuloy na gumugulo sa isipan ng mga may-ari.

Nadiskubre ang mga manok na may sugat sa likod na bahagi ngunit ang pinagtataka nila ay walang dugo na nakitang nakakalat sa lugar.

Hindi rin umano nag-ingay ang mga manok na ang farm ay napapalibutan ng mga bahay.

Ayon pa sa may-ari umalis umano sila sa lugar dakong alas-6:30 ng gabi pero pagbalik nila banda alas-7:00 ay ito na ang kanilang nadatnan.

Paniwala nila sinipsip ang mga dugo nito ng hindi pa malamang hayop o elemento.

Naganap ito sa Brgy. New Buswang, Kalibo sa isang farm kung saan 12 ang namatay at 9 ang kaparehong may sugat sa likod.

Iniimbestigahan narin ng veterinary office ang nasabing insidente na sa inisyal na reaksyon ay nagtataka rin sa nangyari.

MGA POULTRY PRODUCTS HINIHIGPITAN SA CATICLAN JETTY PORT

Mahigpit ngayon ang pinapatupad na seguridad sa Caticlan Jetty Port para masigurong walang makapasok na anumang poultry products mula sa Luzon.

Ito ang ipinahayag ni jetty port admistrator Niven Maquirang sa panayam ng Energy FM Kalibo kaugnay ng epedimya ng bird flu sa Pampanga.

Sinabi ni Maquirang nagbaba na ng memorandum ang Bureau of Quarantine upang higpitan ang mga pumapasok na poultry products sa probinsiya lalu na sa isla ng Boracay.

Ayon sa administrator, nakikipag-ugnayan naman umano ang mga tauhan ng quaritine sa Caticlan jetty port para inspeksyunin ang mga produktong dumaraan dito.

Sinabi pa ni Maquirang na nitong mga nakalipas na araw ay hidi nakalusot sa port ang kahon-kahong mga balot na lulan ng RoRo mula sa Luzon at ipinabalik ang mga ito.

Dumadaan rin umano sa mabusising inspeksyon ang mga produktong itinatawid sa world-tourist destination na isla ng Boracay.

Nakikipag-ugnayan rin umano siya sa mga coastguard para masigurong ang iba sasakyang pandagat ay dadaan lamang sa Caticlan jetty port para mamonitor.

SUSPEK SA PANANAKSAK SA VIVO, TANGALAN SUMUKO SA BAYAN NG MAKATO

Sumuko na sa opisyal ng brgy. Bagong Barrio, Makato ang suspek sa pananaksak sa brgy. Vivo, Tangalan Linggo ng gabi.

Ang suspek ay napag-alamang isa palang menor de edad.

Matatandaan na agad tumakas ang menor de edad makaraang saksakin ang nakainoman nitong si Noli Trayco, 27 anyos na nagresulta ng agaran niyang kamatayan.

Ayon kay PO3 Antaran, imbestigador ng Tangalan PNP station, dakong alas-9:00 ng umaga kanina nang sumuko ang Children in Conflict with the Law o CICL kay punong barangay Richard Taladro.

Matapos dalhin ng opisyal ang 17-anyos na CICL sa Makato PNP station ay tinurn-over din ito sa Tangalan PNP.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare and Development Office ang menor de edad at hinihintay nalang ng pulisya ang discerment dito.

Sa kabila nito, hinahanda na ng imbestigador ang kasong murder na ihahain sa piskalya laban sa CICL.

Nabatid na ang menor de edad ay may pamilya sa brgy. Bagong Barrio kung saan siya nagtago matapos ang insidente.

SB SA MGA PUBLIC SCHOOL: HUWAG TAASAN ANG PRESYO NG MGA SCHOOL SUPPLIES, PAGKAIN


Nanawagan ngayon ang Sangguniang Bayan ng Kalibo sa mga pampublikong paaralan sa bayang ito na huwag taasan ang presyo ng mga tinitindang school supplies at mga pagkain.

Sa inihaing resolusyon ni SB member Mark Quimpo, committee chairman on education, hiniling niya na magtakda ng reasonable price para sa mga panindang ito para sa mga mag-aaral.

Ito ay kasunod ng obserbasyon ng lokal na mambabatas na may ilang pampublikong paaralan sa bayang ito ang nagtitinda ng mahal. Paliwanag niya, hindi dapat taasan ang presyo ng mga ito dahil minsan ay kakaunti lamang ang baon ng mga bata.

Nanawagan rin ang opisyal sa mga namamahala sa mga paaralan na huwag nang mag-demand ng mga branded o mga mamahaling school supplies para hindi na maging pabigat sa mga magulang at mga estudyante.

Nakasaad rin sa inaprubahang resolusyon ang kahilingan sa Department of Education na i-monitor ang mga eskwelahan para masigurong sinusunod ito.

Tuesday, August 15, 2017

17 ANYOS NA LALAKI NABUDOL-BUDOL; PERA, MGA GROCERY ITEMS TINANGAY NG SUSPEK

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Sa ekslusibong video mula sa isang computer shop makikita ang ang dalawang lalaki na magkasabay na umupo sa labas ng shop. 

Ang isa ay may dalang grocery items (biktima) may bitbit ring plastik bag ang suspek.

Matagal na nag-usap ang dalawa, mamaya tumayo na ang suspek, hiningian ng pera ang biktima saka inutusan na bumili raw ng pagkain. Pagkaalis ng biktima kinuha na ng suspek ang mga grocery items saka tumakas.

Pagbalik ng biktima sa shop wala na ang suspek kaya nagsumbong ito sa pulisya. 

Kwento nito nagshopping umano ito nang lapitan ng suspek na nagpakilalang pinsan raw ng ama. Kaya nahikayat ang biktima hanggang sa nilinlang siya nito at kinuha ang pera at grocery items.

https://www.facebook.com/energyfmkalibo107.7/videos/1435408869840522/ 

59 ANYOS NA MISTER ARESTADO MATAPOS HIPUAN ANG ISANG ESTUDYANTE

Arestado ang isang 59-anyos na mister matapos hipuan ang isang 11-anyos na estudyante sa bayan ng Lezo.

Salaysay ng biktima sa Women and Children Protection Desk ng Lezo, naganap umano ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon habang nasa loob ito ng computer shop na pagmamay-ari ng suspek.

Nagtungo umano ang biktima sa shop para gumawa ng proyekto nang pagdating doon ay hinalikan siya ng lalaki sa magkabila niyang mukha.

Natigilan umano ang biktima pero nagpatuloy parin ito sa pag-computer. Sakto kasi na sa mga oras na iyon ay walang ibang tao sa shop.

Habang nagku-computer ang biktima ay menamasahe umano ng suspek ang kanyang balikat pero habang tumatagal ay unti-unting binababa ng suspek ang kanyang kamay papunta sa dibdib ng menor de edad.

Tinapik ng babae ang kamay ng lalaki at kinumprunta at kalaunan ay mabilis na umalis sa nasabing shop.

Agad namang nagreport ang Grade VI student sa kanyang nanay at lola bagay na sinugod ng mga ito ang suspek sa computer shop.

Sumuko naman ang suspek sa Lezo PNP station at inamin na menasahe ang bata. Ito umano ay pagsuporta lamang sa estudyanye at itinanggi rin na hinalikan niya ang biktima.

Nakulong ang suspek at sinampahan ng kasong act of lasciviousness pero matapos makapaghain ng Php12000 pyansa ay temporaryo ring nakalaya.

Hiniling ng pamilya ng biktima na huwag nang pangalanan pa ang suspek para sa proteksyon ng biktima.

LALAKI SINAKSAK SA LABAS NG BAR SA POOK KALIBO , PATAY

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Photo (c) MDRRMO Kalibo
Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng di pa nakikilalang suspek sa Bayanihan Road, Pook, Kalibo.

Kinilala ang biktima sa pangalang Rudy Onofrey Ruance 59 anyos residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon, isang van driver ang nagsumbong sa pulisya na may nakita itong lalaki na nakahandusay sa kalsada.

Agad rumesponde sa lugar ang pulisya kasama ang MDRRMO Kalibo emergency team.

Naisugod pa sa ospital ang biktima na nagtamo ng isang sugat sa likod, pero ideneklarang dead on arrival.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang suspek sa krimen na ito.

MOTORISTA BUMANGGA SA PADER SA BAYAN NG NUMANCIA, PATAY

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Patay ang isang lalaki matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang pader sa Laguinbanua East, Numancia. 

Kinilala ang biktima sa pangalang Shairel Macogue Almosa, 19 anyos, residente ng Navitas, sa nasabing bayan. 

Sa imbestigasyon ng pulisya patungo umano sa Kalibo ang biktima na napadaan sa pakurbadang kalsada ngunit lumagpas ito hanggang sa bumangga sa pader ng isang bahay sa lugar. 

Naisugod pa sa hospital ang biktima ngunit binawian rin ng buhay.

AWAY MAGKAPATID SA CAYANGWAN MAKATO AKLAN SA ASAWA SINISISI

Ulat ni Joefel P. Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Nakapanayam ng Energy FM Kalibo ang biktimang si Enrique Taborda, 40 anyos ng Cayangwan, Makato. 

Ayon sa biktima, dakong alas-9:00 ng gabi ng sumugod sa kanilang bahay ang lasing na nakababatang kapatid at nahahamon ng away. 

May dala umanong itak ang suspek at pilit na pumapasok sa bahay ng biktima. 

Nagdulot umano ito ng matinding takot sa pamilya ng biktima at agad itong kumaha ng itak (spading) para dipensahan ang pamilya. 

Ayon sa biktima nang hawakan nya ang itak (spading) aksidenteng sa talim nito tumama ang kanang kamay at ikinasugat ng kanyang daliri. 

Sinisisi ng biktima ang asawa ng suspek dahil di umano sa kadaldalan nito at hilig sa tsismis. Hindi na idinitalye pa ng biktima ang naging dahilan ng kanilang away. 

Dagdag pa ng biktima na nagkaroon na ng insidente ng pananaga na kinasangkutan din ng suspek at sariling kapatid din ang naging biktima. Balak na unamo nilang turuan ng leksyon sa pagkakataong ito ang kapatid na suspek. 

Nananatiling confine sa provincial hospital ang biktimang si Enrique Taborda.

2 LASING NA LALAKI NA MAY BITBIT PANG BARIL AT BALA ARESTADO

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Inaresto ng Kalibo PNP ang isang menor de edad at isang lalaki makaraang sa akto na may bitbit na baril. habang paikot-ikot sa Mabini St. Kalibo banda ala-una ng madaling araw.
Kinilala ang mga ito na sina Jesson,16 anyos at James Gascon, 29 anyos.

Narecover kay Jesson ang isang 38 revolver na may tatlong bala. Samantala siyam (9) na bala naman ng 38 caliber ang narecover kay James.

Sa panayam ng news team itinatanggi ng mga ito na may dala silang baril at bala, hindi raw nila alam kung saan nanggaling ang baril na sinasabi ng pulisya.

Alegasyon ni James sinuntok pa raw ito ng pulis na nakasibilyan habang iniimbestigahan.
Nakakulong na ang dalawang lasing na suspek sa kalibo PNP Station.

AWAY MAGTIYOHIN NAUWI SA PANANAGA

Ulat ni Joefel P. Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Linggo ng hating-gabi nang naganap ang away ng magtiyohin sa Brgy. Cortes, Balete na nauwi sa pananaga at ikinasugat ng biktimang so Kasimanwang Ruel Dela Cruz pamangkin ng suspek.

Kwento ng biktima nagkaroon umano sila ng hindi pagkakaunawaan ng tiyohin at nauwi sa suntokan. 

Dagdag pa ng biktima na dehado diumano ang tiyohin sa suntokan dahilan upang kumuha into ng patalim (sanggot) at tinaga ang biktima na nagtamo ng dalawang sugat sa kaliwang braso. 

Confine sa provincial hospital ang biktimang si Ruel Dela Cruz.

LALAKI SINAKSAK PATAY SA VIVO, TANGALAN

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong saksakin sa pavement ng brgy. Vivo, Tangalan Linggo ng gabi.

Kinilala sa report ng Tangalan PNP ang biktim na si Noli Trayco samantalang ang suspek ay si Leonardo Masula alyas Juan, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Salaysay ni punong barangay Jimmy Piano Sr. sa pulisya, nag-inuman umano sa pavement ng barangay ang suspek at ang biktima kasama ang isang Reynaldo "Olo" Sariano.

Pagkatapos nito ay umuwi ang suspek at si alyas Olo sa kanilang bahay pero kalaunan umano ay binalikan ng suspek ang natutulog na biktima.

Ginising umano ng suspek ang biktima pero nang walang anumang dahilan ay sinaksak niya ang biktima sa kanyang dibdib dahilan ng agarang kamatayan.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek sa mabundok na bahagi.

Inaalam pa ng mga kapulisan ang malalim na motibo sa nasabing insidente samantalang pinaghahanap narin ang suspek sa ikadarakip nito.

Ang Vivo ay ang napakalayong barangay ng Tangalan mula sa sentro.

36 ANYOS NA LALAKI PATAY MATAPOS BARILIN SA BAYAN NG NEW WASHINGTON, SUSPEK ARESTADO

Patay ang isang 36-anyos na lalaki makaraang barilin sa so. Kamangahan, brgy. Tambak, New Washington pasado alas-6:00 kagabi.

Kinilala sa report ng New Washington PNP ang biktima na si Ruperto Marquez y Rasgo, residente ng nasabing lugar.

Sa pagresponde ng mga kapulisan sa lugar, positibong itinuro ng mga testigo ang suspek sa insidente na nakorner ng mga awtoridad sa kanyang compound.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Bautista y Francisco, 32-anyos, isang sekyu at residente ng parehong barangay.

Narekober ng mga kapulisan sa posisyon ng suspek ang isang .38 revolver at dalawang fire cartridge na nakuha sa kanilang compound.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan.

Agad na isinugod ng mga kapulisan ang biktima sa provincial hospital pero kalaunan ay binawian rin ng buhay habang ginagamot sa intensive care unit.

Pansamantala namang ikinulong sa New Washington PNP station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

KAGAWAD AT ISA PA NAARESTO SA CHECKPOINT SA ALTAVAS MATAPOS MAHULIHAN NG BARIL

file photo (c) Altavas PNP
Arestado sa checkpoint sa bayan ng Altavas ang isang barangay kagawad at isa pang lalaki matapos mahulihan ng mga baril.

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina barangay kagawad Rolly Asiong ng Rizal Norte, Tapaz, Capiz at Nolito Dimas ng Aglobocan, Tapaz.

Una rito pinarahan ng mga kapulisan ang tatlong motorsiklo para i-verify dahil wala umano itong mga plate number at para kilalani ang mga sakay.

Sa panayam kay PCInsp. Rogelio Tomagtang Jr., hepe ng Altavas PNP, nang parahan ang nasabing mga motorsiklo, kapansin-pansin umano na hindi mapakali at naging kahina-hinala ang kilos ng iba.

Nakatakbo pa papalayo ang isang suspek pero nahuli rin ng mga kapulisan.

Nang usisain ng mga awtoridad, nahulihan ng caliber 45 na baril si Asiong samantalang si Dimas ay nakunan naman ng improvised shot gun.

Inaresto rin ng mga kapulisan ang pito pa nilang mga kasama na nabatid galing lahat sa Libacao para umattend ng libing at papauwi na sana ng Tapaz, Capiz.

Ayon kay CInsp. Tumagtang, inaalam pa nila kung ang mga ito ay kaanib ng makakaliwang grupo o NPA matapos makatanggap ng mga ulat na nauugnay ang mga ito.

Nakakulong ang mga suspek sa Altavas PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

BAHAY SA NEW WASHINGTON SINUNOG; SUSPEK SINAMPAHAN NG KASONG ARSON

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo


Sinampahan ng kasong arson ang lalaking ito dahil sa tangkang pagsunog sa isang bahay sa brgy. Tambak, New Washington.

Kinilala ang suspek sa pangalang Allan Fernadez na residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo sa kapatid ng suspek may problema raw sa pag-iisip ang suspek at hindi niya naman sinasadya ang panununog.

Sinindiham raw nito ang mga tuyong dahon sa bakanteng lote nga nagrereklamo hanggang sa kumalat ang apoy at nasunog ang bahagi ng bahay.

Mabilis na nakaresponde sa lugar ang BFP at naapula agad ang apoy.

Naisampa na ang kasong arson kahapon ng tanghali sa kabila ng pahayag ng pamilya na may deperensiya ito sa pag-iisip ay wala naman silang maipakitang dukumento sa piskalya.

Nasa Aklan Rehabilitation Center na ang suspek.

DAHIL SA GAGAMBA BATA NAHULOG SA PUNO

Ulat ni Joefel P. Magpusao, Energy FM 107.7 Kalibo

Dakong alas 7 ng gabi lumabas ng bahay ang biktimang si John Paul Parinas, 11 anyos panganay sa apat na magkakapatid upang naghanap ng gagamba.

Ayon sa tiyahin ng biktima, gabi kung maghanap ng gagamba ang mga bata dahil mas madali nila itong mahanap dahil lumalabas ito sa pinagkukublian at gumagawa ng sapot upang mag trap ng pagkain.

Nakita umano ng biktima ang gagamba sa itaas ng puno ng Indian mango at agad niya itong inakyat. 

Aksidenteng nahulog ang biktima ng akma na nitong abotin ang gagamba. Tumama sa bakod na gawa sa kawayan ang biktima sa pagbagsak nito. 

Dagdag pa ng tiyahin na kahit ganun pa man ang nangyari ay swerte padin ng biktima at walang tulis ang bakod na binagsakan. Nabali umano ang bakod na tumama sa may likurang bahagi ng hita ng biktima. 

Inaantay pa ng pamilya ng biktima ang resulta ng XRAY upang malaman kung kailangan pa bang operahan bago tahiin ang sugat na nagtamo ng biktima.

Napag alaman din ng Energy FM Kalibo na ang ama ng biktima ay may karamdaman dahil nakaranas ito ng stroke at ang ina nito ang nagtataguyod sa kanilang pamilya na naglalabada sa gabi.

MISTER HARAP HARAPANG PINAGTAKSILAN ANG MISIS, KABIT KASAMA NILA SA PAGTULOG!

Ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Nagkasagutan sa PNP station ang kabit, mister at legal wife dahil sa nagkabukingan na ang matagal na tinatago ng mister.

Nag-ugat ang iskandalo matapos magselos si mister sa kabit nito na pinagbibintangan na may iba pang lalaki sa buhay maliban sa kanya. 

Sinaktan niya ang kabit kaya nagsumbong ito sa pulisya. Habang iniimbestigahan, isa pang babae ang lumapit at nagpakilalang legal wife, 15 years na raw silang nagsasama ng kanyang asawa at may isa silang anak. 

Ang problema nag-umpisa nang dumating sa buhay ni mister ang isang babae na dati umano nilang kasama sa restaurant. Nagkaroon sila ng bawal na relasyon.

Ayon naman sa kabit, pera niya ang ginagamit ng lalaki sa pagnenegosyo, alam raw ng legal wife ang kanilang relasyon dahil minsan na silang nagsama sa isang kwarto. 

Biktima raw siya dahil sa pagnanais ng panandaliang ligaya. Siya na daw ang magpaparaya pero magsasampa raw ito ng kaso sa lalaki dahil sa pananakit sa kanya.

BORACAY KUMITA NA NANG PHP34 BILYON SA TAONG ITO

Umabot na sa mahigit Php34.5 bilyon ang kinita o tourism receipt ng Boracay mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

Ayon sa report ng Tourism Office ng probinsiya, ang Php22.8 bilyon dito ay mula sa foreign tourist at overseas Filipinos samantalang ang Php11.6 bilyon ay mula sa mga domestic tourist.

Nalikom ang kitang ito mula sa 1.2 milyon tourist arrivals sa unang anim na buwan ng taon kung saan mahigit 574 libo rito ang foreigners, mahigit 655 libo ang lokal at 31 libo ang mga balikbayan.

Nabibilang ang tourism receipt sa pamamagitan ng pag-multipy ng karaniwang  bilang ng araw na nilalagi ng bisita sa Boracay sa karaniwang nagagasto ng mga ito sa isang araw at sa bilang ng turista.

Ayon sa pamahalaang lokal ng Aklan, karaniwang nagtatagal ng nasa siyam na araw ang mga foreign tourist at balikbayan sa Boracay at karaniwang gumagasta ng Php3,882 bawat araw.

Tinatayang nasa Php37,927.15 ang average per Capita Expenditure ng mga bisita bawat buwan.

Napupunta ang tourism receipt sa mga hotels o resorts, transportasyon, restaurants, shops at iba pang mga establisyemento.

Noong nakaraang taon ay umabot sa Php48.8 bilyon ang tourism receipt sa Boracay.