Showing posts with label Special Report. Show all posts
Showing posts with label Special Report. Show all posts

Friday, July 19, 2019

"Toy Concours" gaganapin sa Kalibo


Sa mga toy collector o mga gunplay enthusiasts, ito na ang pagkakataon niyong ipamalas ang inyong talento.

Isang Toy Snapshot Contest kasi ang gaganapin dito sa baya ng Kalibo sa darating na Agosto 3 hanggang 5.

Sa contest na ito ay ipapakita ng mga kalahok kung paano bigyan ng buhay ang kanyang mga toy collection sa larangan ng photography.

Kasabay nito ay mayroon ding Gunpla Fun Build Off Contest. Dito ay ipapamalas naman ng mga kalahok sa iba kung paano ang tama at wastong paraan ng pagbuo ng Gundam Model Kit na nakaka-tuwang gawin.

Ang mga patimpalak na ito ay bahagi ng “1st Kalibo Toy Concours” na inorganisa ng grupong Hobbies Articulated Verse at ng Panay Toy Collection Hub na gaganapin sa CityMall Kalibo.

Magkakaroon din ng raffle draw kung saan ang mga kalahok ay may pagkakataong manalo ng iba't ibang toy collections mula consolation prizes at main prizes.

Maaaring makipag-ugnayan sa HAV Toys kung paano makasali at para sa karagdagan impormasyon.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, July 03, 2019

EXCLUSIVE: Mahigit Php150K ibinalik ng 14-anyos na batang Aklanon sa isang Chinese


KALIBO, AKLAN - Nagsauli ng napulot na bag ang isang 14-anyos na #HonestAklanon na pagmamay-ari ng isang Chinese National laman ang mahigit Php150,000 halaga ng pera.

Kinilala ang bata na si LJ Alejandro, residente ng Brgy. Pook, Kalibo at Grade 8 student sa Kalibo Institute. Habang ang may-ari ng pera ay si Yihe Yhong, lalaki, 33-anyos.

Nakita ng bata ang pera sa public CR sa bisinidad ng Kalibo International Airport. Kasama ang kanyang nanay ay isinauli nila ito sa airport police.

Kuwento ni LJ sa panayam ng Energy FM Kalibo, nakita umano niya ang bag na naiwan sa loob ng CR nang iihi sana siya. Ibinigay niya sa kanyang barkada ang bag dahil sa takot niya at humingi ng tulong sa kanyang ina.

Binalikan ito ng kanyang ina na si Jean at ibinalik nilang dalawa sa kapulisan. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumulog sa kapulisan ang may-ari.

Tuwang-tuwa ang Chinese national nang malamang naroon ang kanyang mga pera na kinabibilangan ng Philippine money at Yuan. Laman din ng bag ang iba pang gamit ng banyaga.

Nagpasalamat siya sa kabaitan ng bata at nagbigay ng pabuya sa kanya, sa kanyang ina at sa kanyang mga kaibigan.

Naganap ang insidente noong Hunyo 24 pasado alas-9:00 ng gabi.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Thursday, June 27, 2019

PANOORIN: Batang babae mula Buruanga, Aklan viral dahil sa pagkanta sa kanyang lola


KALIBO, AKLAN - Viral ngayon sa facebook ang isang batang babae mula Buruanga, Aklan dahil sa pagkanta sa kanyang lola ng "Aking Pagmamahal".

Siya si Kristina Cayla Flores Dolola ng Brgy. Poblacion, Buruanga, 10-anyos, at Grade 6 student sa Buruanga Elementary School.

Sa sandaling ito, umabot na sa dalawang milyon ang views ng video. Nasa 59 libo na ang reaksiyon, 4.6 libong mga komento, at nasa 96 libo na pagbabahagi simula nang maipost ito noong Hunyo 22, 1:08 ng hapon.

Makikita sa video na kinakantahan ng bata ang kanyang lola na nakahiga sa tabi niya sinasabayan ang tugtog sa cellphone. Kapansin-pansin ang pagkaaliw ng kanyang lola na si Victoria Flores, 74-anyos.



Nabatid na ang nagvideo ay ang kanyang mommy at inaplod sa facebook account ni KC at hindi nila inaasahan na magba-viral ang post. Katunayan, nakatakda siyang ifeature sa isang documentary program ng isang national TV.

Umani ng paghanga sa mga netizen ang husay ng bata sa pagkanta at sa ganda ng kanyang boses. Marami rin ang naantig sa "chemistry" ng bata at lola sa video. Ilang netizen ang nagsabing napaiyak sila at ang iba ay nagsasabing na-miss nila ang kanilang mga magulang.

Napag-alaman na isang stroke survivor ang kanyang lola na siya umanong nag-alaga sa kanya mula nang siya ay ipinanganak. Ayon sa kanyang tito na si Peter John Flores, talagang malapit sa isa't isa ang maglola.

Sinabi ng kanyang tito na siya ang ang nagko-coach sa bata sa pagkanta na tinatama umano niya si KC kapag hindi niya natatamaan ng husto ang nota. Ang kanyang tito ay isang composer na nag-compose ng municipal hymn ng Buruanga.

Posible umanong namana ni KC ang talento niya sa pagkanta sa kanyang mga magulang na sina Laurence Stephanie at Jonathan Dolola dahil sa mga magaganda nilang boses.

Madalas umano siyang sumasali sa mga singing contest at maraming beses nang nanalo. Lumalahok rin siya sa mga journalism contest sa paaralan. Siya ay consistent honor student mula Grade 1.

Nagpapasalamat naman ang pamilya sa mga positibong reaksyon ng mga netizen lalo na sa mga Aklanon sa talentong ipinamalas ni KC.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo


Wednesday, June 12, 2019

IKINASAL NA: viral couple sa mall sa Kalibo sa wedding proposal ikinasal na



IKINASAL NA ang nagviral couple sa isang video noong nakaraang taon matapos mag-propose ang lalaki sa babae habang on-duty bilang promodizer sa isang mall sa Kalibo.

Masaya na ngayong nagsasama bilang mag-asawa sina Velly Lee Villorente ng Libacao, Aklan at Marian Tambong-Villorente ng Makato, Aklan.

Matatandaan na Mayo 21, 2018 nang sopresahin ng lalaki ang kanyang nobya kung saan nagdala siya ng bulaklak at singsing sa babae habang nasa trabaho sa una rin nilang pagkikita.

Ayon sa dalawa, nakilala lamang nila ang isa't isa sa facebook! Hanggang niligawan ng lalaki si babae at naging sila for 9-months, long distance relationship!

Galing noon ang lalaki sa Maynila kung saan siya nagtratrabaho bilang call center agent.

Vinideohan ng pinsan ni Lee ang pagpropose niya sa nobya at nagviral sa facebook matapos itong maiupload.

"Ganyan talaga... if mahal mo sangka tawo ubrahon mo do tanan para kana ag di mo kinahihiya sa abong tawo," sabi noon ni Lee sa aming panayam.

Bumalik agad noon sa Maynila ang lalaki. Nasa isang linggo lamang ang lalaki sa Aklan pero sinulit na nila ang mga araw na sila ay magkasama.

Tinupad ng dalawa ang kanilang promisa na magpapakasal sila sa buwan ng Hunyo ngayong taon!

Mabuhay ang bagong kasal!

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, June 05, 2019

Dog lover naghanda sa birthday celebration ng 3 alagang aso

Si Manalo at isa sa mga alaga niyang aso na nag-birthday.
Pinagdiwang ng dog lover-owner na si Albert Manalo ang kaarawan ng kanyang tatlong aso na mga Aspin araw ng Martes sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, Kalibo.

Dinaluhan ito ng ilang dog-lover, kamag-anak at ilang mga kakilala na nasiyahan sa pagkain at inumin. May cake din na inihanda si Manalo.

Sa panayam kay Manalo sinabi na ginawa niya ito bilang pagmamahal sa kaniyang mga alagang aso na itinuturing na umano niyang mga anak.



Kasabay ng selebrasyon nagbigay rin siya ng tulong pinansiyal kay Cyle Jefherson Gervero, 5 anyos, ng Estancia, Kalibo na naputulan ng isang paa dahil sa aksidente.



Matatandaan na Enero nitong taon ay umani ng papuri si Manalo matapos na bigyan niya ng isang funeral service ang kanyang namatay na aso na si "Nikki" na isang Japanese Spitz.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Monday, April 01, 2019

Nawawalang sombrero ng isang Amerikano, kinuha raw ng isang South Korean

pctto
[update] KINUHA UMANO ng isang taga-South Korea ang nawawalang sombrero ng isang Amerikano sa Isla ng Boracay na mahigit isang linggo na niyang hinahanap.

"I am informed that the hat was taken by someone in South Korea so I must move on and trying to put behind [it] me," mensahe ni Matthew Craig, sa Energy FM Kalibo Linggo ng hapon.

Matapos ang mahigit isang linggong paghahanap ng nawawala niyang sombrero sa Isla ng Boracay ay kailangan na umano niyang mag-"move-on" at isantabi na ang paghahanap rito.

Nabatid na regalo ng kaniyang ina ang sombrero bago siya namatay. Isa itong bullcap na may tatak "Vincent Gordon X Grassroots."

Huli umano itong nakita sa isang blue e-trike sa Isla ng Boracay. Matiyaga niya itong hinanap at nag-alok pa ng Php7,000 na pabuya sa makakabalik.

Tumanggap rin umano siya nga mga negatibong reaksiyon mula sa mga netizen at pangungutya mula sa mga tao dahil sa kaniyang naging aksiyon sa nangyari.

Nagpapasalamat naman siya sa mga tumulong sa kaniya sa paghahanap ng kaniyang sombrero.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Friday, March 22, 2019

ALAMIN: Kasaysayan ng 19 na Martir ng Aklan

photo CulturEd Philippines
ITINUTURING NA mga unang bayani ng Aklan sa panahon ng Himagsikang Filipino ang 19 na Martír (1897) na pinatay ng mga Español sa Kalibo noong 23 Marso 1897. Noong Enero 1897, pinabalik ni Andres Bonifacio ang dalawang Katipunero na sina Francisco del Castillo (kilala rin bilang Francisco Castillo) at Candido Iban sa kanilang lalawigan ng Aklan upang magtatag ng unang sangay ng Katipunan sa Bisayas at mangalap ng mga bagong kasapi. Mula Cebu si Castillo samantalang si Iban ay isinilang sa Malinao, Aklan. Nagkakilala ang dalawa sa Australia bilang mga maninisid ng perlas. Dito nagwagi si Iban sa loterya. Ibinigay niya ang bahagi ng premyo sa Katipunan, at ginamit ang salaping ito upang makabili ng imprenta.

Kasama si Albino Rabaria ng Batan, Aklan, pinasimulan nina Castillo at Iban ang kilusang mapanghimagsik sa Aklan. Naging sentro ang Lilo-an sa Malinao ng grupo ni Iban. Si Castillo ang namuno sa isang sandugo sa Lagatik(ngayon ay New Washington) noong 3 Marso 1897. Noong 17 Marso 1897, nadakip si Iban at dinala sa Kalibo. Ilang daang Katipunero, sa pamumuno ni Heneral Castillo, ang nagmartsa sa Kalibo at humimpil sa harap ng mansiyon ni kapitan munisipal Juan Azaragal. Hinimok ni Castillo si Azaraga na lumabas ngunit pinaputukan ang heneral at namatay. Umurong ang mga nagalsa at umakyat sa bundok. Nagpabalita agad si Koronel Ricardo Carnicero Monet, pinunò ng puwersang Español sa Bisayas, na patatawarin niya ang mga rebolusyonaryo kung susuko. May limampung sumuko. Ngunit hindi tinupad ni Monet ang pangako. Sa halip, pumili siya ng 19 na inakalang lider, pinahirapan at binaril sa madaling-araw ng Marso23. Kinaladkad ang mga bangkay nila sa liwasang bayan upang huwag pamarisan.

Ang labinsiyam na martir ay sina Roman Aguirre, Tomas Briones, Domingo de la Cruz, Valeriano Dalida, Claro Delgado, Angelo Fernandez, Benito Iban, Candido Iban, Simon Inocencio, Isidro Jimenez, Catalino Mangat, Lamberto Mangat, Valeriano Malinda, Maximo Mationg, Simplicio Reyes, Canuto Segovia, Gabino Sucgang, Francisco Villorente, at Gabino Yonsul. Siyam sa kanila ang mula sa Kalibo, apat mula Malinao, at anim mula Lagatik.##


Halaw mula sa: 19 na Martir ng Aklan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura(Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts.

Saturday, March 16, 2019

Ostrich farm sa bayan ng Kalibo bagong atraksiyon sa Aklan


KALIBO, AKLAN - Nagiging atraksiyon ngayon sa lalawigan ng Aklan ang isang ostrich farm sa Brgy. New Buwsang, Kalibo.

Ayon sa may-ari at negosyanteng si Ramon Dio, may 23 siyang malalaking ostrich na inaalagaan maliban pa sa mga sisiw.

Nasa isang taon narin umano siyang nag-aalaga ng ostrich dito. Nagsimula lamang umano siya sa dalawa.

Ngayong dumarami na ito at nagiging atraksiyon na sa mga Aklanon at iba pa nais niyang ilipat ito ng mas malawak na lugar.

May nag-aalok umano ng lupa sa kanya doon sa Brgy. Caticlan, Malay pero nais din niya na sa malapit o nasa Kalibo lamang.

Nanawagan siya sa mga interesadong magpagamit ng kanilang lupa para maging komportable naman sa publiko at mga alaga niya.

Aniya hindi niya ibinibenta ang mga malalaking ostrich. Ibinibenta umano niya ang mga itlog at mga sisiw.

Maliban sa mga ostrich makikita rin sa kanyang bakuran ang iba pang mga hayop gaya ng civet cat, ilang uri ng parrot, mga uri ng uso, at peacock.

Ang kanilang farm ngayon ay sa harap lamang ng Camp Pastor Martelino. Wala pa umanong entrance sa ngayon at naniningil lamang sila sa gustong magpakain ng mga ostrich.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Friday, March 15, 2019

Animal welfare advocate pinakakasuhan ang pumatay kay "Bella"


PINAKAKASUHAN NI Animal Kingdom Foundation Inc. president Greg Quimpo ang pumatay sa asong si "Bella" sa Brgy. Laguinbanwa West Huwebes ng umaga.

Sa kanyang facebook Huwebes ng gabi hinikayat ni Quimpo si Kenneth Ang, may-alaga ng naturang aso na isang Siberian Husky, na sampahan ng kaso ang pumatay sa aso.

"A dog's life for a mildly bruised chicken. What a shame," sabi niya sa kanyang facebook post. "Kenneth Ang, let us pursue this case. Give your dog, Bella, the dignity and justice she is worthy of."

Sinabi pa niya na may abogado na tutulong kay Ang para mapakulong ang pumatay sa aso. "Animal rights lawyer, Heidi Marquez of Animal Kingdom Foundation is assisting Kenneth to put in jail the scumbag who did this."

Mababatid na inamin ni John Española sa panayam ng Energy FM Kalibo na pinalo niya ng bara de kabra ang aso ng makalawang ulit hanggang sa ito ay mapatay.

Ito ay matapos umanong mapagkamalan ng kapatid niya na si Raymar na isang "aswang" o mabangis na lobo ang naturang aso na naabutan nilang nilalapa ang ilang panabong na manok na inaalagaan nila.

Ayon kay Kenneth Ang, nagising umano siya at napag-alamang nakawala umano sa kulungan sa kanilang bakuran ang aso at nang komprontahin ang kapitbahay ay nalamang pinatay nila ito.

Nabatid na inireklamo na ni Ang ang kaso sa Numancia PNP at inirefer ang kaso sa Katurungang Pambarangay ng Brgy. Badio.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Thursday, March 14, 2019

Alagang aso inakalang aswang ng kapitbahay pinagpapalo patay


[2nd update] NUMANCIA, AKLAN - Isang alagang aso sa Brgy. Laguinbanwa West, Numancia ang pinatay ng kapitbahay matapos umanong mapagkamalang aswang.

Ang aso na isang eight-month old na husky ay alaga ni Kenneth Ang, isang negosyante.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo nagising umano siya kaninang umaga at napag-alamang nawawala na sa kulungan ang aso.

Hinanap umano niya ito sa kapitbahay at sinabing inatake umano ng aso na si "Bella" ang mga alaga niyang manok at nagwawala roon.

Napagkamalan umano ito ng kapitbahay na aswang kaya niya ito pinagpapalo ng makailang ulit hanggang sa mapatay.

Ayon kay Raymar Española, nagising umano siya at naabutang nilalapa ng aso ang mga alagang pansabong na manok.

Sinubukan niya itong awatin subalit nanlaban umano ang aso. Inakala umano niya na isa itong aswang dahil sa mabangis at hindi pangkaraniwan niyang kilos.

Nanlaban din umano ang aso sa kuya nitong si John. Inamin naman ni John ang paghambalos ng bara de kabra sa aso ng makalawang beses.

Ipinakita ng magkakapatid na nagbabantay lamang sa mga manok ang tatlong pansabong na manok na may mga sugat sa likod. Nawawala rin ang pitong sisiw na posible umanong kinain ng aso.

Inilibing nila ang aso sa likod na bahagi ng kanilang bakuran bago pa naabutan nalaman ng may-ari na napatay nila ito.

Plano naman nilang makipag-ayos sa nag-alalaga ng aso.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, March 13, 2019

Sunflower farm sa Ibajay palalawakin, pagagandahin

photo Joesol Jazz Aragon
KALIBO, AKLAN - Dinarayo ngayon araw-araw sa probinsiya ng Aklan ang sunflower farm sa Sitio Agbaliw, Brgy. San Jose, Ibajay kasunod ng pagviral nito sa social media.

Ayon kay Jesry Maquirang, may-ari ng farm, hindi umano niya inakala na dadagsain ito ng mga lokal at maging ng mga banyaga.

photo Joesol Jazz Aragon
Katunayan nitong Linggo mahigit isang 1800 ang bumisita sa kanyang farm. Humihingi siya ng paumanhin sa mga bisita dahil sa kakulangan pa ng pasilidad doon gaya ng comfort room.

Sinabi niya na di pa sila nangongolekta ngayon ng entrance fee sa halip ay donasyon lamang para gamitin sa pagpapanitili sa lugar at sa sunflower.

Galing pa umano sa bansang Japan ang mga sunflower na ito na Japanese at American Giant variety.

Paliwanag ni Maquirang sa panayam ng Energy FM Kalibo, nagsimula lamang siya sa pagtatanim ng sunflower para mapaganda ang lugar papunta sa kanilang silk cocoon production.

Si Maquirang ay isang sericulture technician consultant ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) sa ilalim ng Department of Agriculture.

Miyembro siya ng Ibajay Sericulture Farmer's Association. Naisip umano niya na pagandahin ang lugar para sa  mga bumibisita nilang department head mula sa DA at sa Department of Trade and Industry.

Kaugnay rito naghahanda ngayon ang grupo ni Maquirang na mas pa nilang pagagandahin at palalawakin ang nasabing farm mula sa sangkapat lamang na ektarya at para bigyan ng komportableng pasyalan.

photo Joesol Jazz Aragon
"May amon nga preparasyon April, May, o June nga panamion pa gid namon [ro sunflower farm]. Tamnan pa gid namon it abu nga sunflower dahil naila t-a gali ro mga Aklanon ag maging sa region 6," sabi niya.

Nagpapasalamat rin siya sa mga guro at estudaynte ng Naisud National High School na tumulong sa paglandscape sa lugar.

Nabatid na nagsimulang maging viral ang sunflower farm matapos isang guro ng nasabing paaralan sabi niya ay nagpost ng mga larawan nito sa facebook.

Nakikipag-ugnayan ngayon si Maquirang sa lokal na pamahalaan para ma-develop ang lugar bilang isang agri-farm tourist area.

Hinikayat naman niya ang mga nais pa na pumunta hanggang Abril dahil matatapos na ang pamumulak ng mga sunnflower. Pwede aniyang pumunta doon tuwing alas-8:00 ng umaga haggang alas-5:00 ng hapon Lunes hanggang Linggo.

Maliban sa sunflower farm, atraksiyon din dito ang wind mill at ang silk cocoon production.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo







Friday, March 08, 2019

Musika, sining, panitikan ipagdiriwang ng mga kabataan sa Kalibo


ISANG PAGDIRIWANG ng musika, sining at panitikan ang inorganisa ng Aklan Madya-as Art Festival at ng AkLit The Unspoken sa darating na Marso 9 dito sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ni Jed Nykolle Harme, presidente ng AkLit The Unspoken, ang aktibidad ay bahagi parin ng "National Arts Month" sa buwan ng Pebrero.

Aniya ang isang araw na aktibidad ay kinabibilangan ng zine fest, photo exhibit, visual arts, art fair, paper cutting, poetry slam competition, open mic event, poetry reading, graffiti, open style dance battle at tatooing.

Ang poetry slam competition ay bukas sa lahat ng may kakayahang bumigkas ng tula edad 14-anyos pataas kug saan sasabak sila sa preliminary competition, semi-finals, at grandslam.

Magkakaroon din ayon kay Harme ng open mic kung saan ang mga nais maghayag ng kanilang damdamin at ipamalas ang kanilang talento ay mabibigyan ng pagkakataon.

Habang ang art fair ay bukas sa lahat ng gustong i-display ang kanilang mga natatanging likhang sining gaya ng calligraphy, paintings, sketches, digital arts, zine, komiks, mga drawings at iba pa.

Sinabi ni Harme na pagkakataon ito ng mga kabataang Aklanon para ipamalas ang kanilang anking galing sa larangan ng musika, sining at panitikan at para maipahayag ang kanilang damdamin.

Ang pagdiriwang na ito na tinawag nilang "SIMULA - Sining, Musika, at Literatura" ay gaganapin sa Shots Music Lounge sa N. Roldan St., Kalibo.

Mayroong Php50.00 na registration fee sa nais dumalos sa nasabing aktibidad. Ang malilikom na pondo ay gagamitin ng organisasyon sa mga proyekto nila.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo



Wednesday, March 06, 2019

ALAMIN: Miyerkules ng Abo

sharinginthenet
Sa kalendaryo ng Kanluraning Kristiyano, ang Miyerkules ng Abo o Miyerkules-de-Senisa ay ang unang araw ng Kuwaresma at pumapatak apatnapu't-anim na araw (apatnapu kapag hindi binibilang ang mga Linggo) bago ang Pasko ng Pagkabuhay. Nagaganap ito sa iba't ibang araw bawat taon, dahil nakabatay ito sa petsa ng Pasko ng Pagkabuhay; maaaring pumatak ito ng pinakamaaga sa Pebrero 4 o pinakahuli sa Marso 10.

Nakuha ng Miyerkules ng Abo ang pangalan nito sa paglalagay ng abo sa noo ng namamalampalataya bilang tanda ng pagsisisi. Kinukuha ang mga palaspas sa nakaraang Linggo ng Palaspas upang sunugin at gawing abo para sa pistang ito. Sa ibang kasanayang pang-liturhiya ng ibang mga simbahan, hinahalo ang abo sa Langis ng mga Katehumen (isa sa mga banal na langis na ginagamit sa pagpahid sa mga bibinyagan), bagaman ginagamit ng ibang simbahan ang pangkaraniwang langis. Ginagamit ang abo at langis ng paring mangunguna sa misa o serbisyo upang makagawa ng antanda ng krus, una sa kanyang sariling noo at sa bawat taong luluhod sa kanya sa baranda ng altar. Pagkatapos sasabihin ng pari ang mga salitang: "Tandaan mo na nagmula ka sa alikabok, at sa alikabok ka rin babalik." (Wikipedia)

Thursday, February 21, 2019

FEATURE: Nanay at atletang anak hinahangaan sa kanilang nakaka-touch na kwento

photos Maila Villorente
(updated) SA LIKOD ng mga tagumpay ng mga atleta ay ang mga kuwento ng paghihirap, inspirasyon at pagmamahal. Gaya nalamang ng ibinahagi ng isang netizen na kuwento ng pagmamahal at tiyaga ng isang ina na sumusuporta sa kanyang atletang anak para makalahok regional athletic meet sa Roxas City, Capiz.

Sa isang facebook post ibinahagi ni Ms. Maila Villorente, sattelite physical therapist at incharge sa Stimulation Therapeutic Activity Center (STAC) sa bayan ng Malinao ang aniya ay hindi makasariling pagmamahal ni Nanay Helen Regino sa anak niyang si Chaira na mayroong kapansanan dahil wala itong normal na mga paa.

Si Chaira ay nag-uwi ng tatlong gintong medalya sa paralytic competition ng Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet sa larangan ng swimming. Nakuha niya ang mga gintong medalya sa breast style, sa freestyle, at sa back stroke.

Emosyonal pa na ibinahagi ni Ms. Villorente ang kanyang obserbasyon kung paano binubuhat ng kanyang ina at kinakalong simula pa ng maliit si Chaira para lamang makarating sa eskwelahan. Ngayon ay Grade 11 na ang anak.

Umiyak umano si Ms. Villorente nang siya ay yakapin ng ina sa lubos na pasasalamat nito sa tagumpay na narating ng anak. Pinasalamatan naman niya sa parehong post ang mga taong tumulong para sa training at para makarating si Chaira sa WVRAA sa Roxas City.

Ikinuwento rin niya ang pagsuporta ng kanyang ama at kapatid para manalo sa kompetisyon si Chaira. Si Chaira ay pasok na sa Palarong Pambansa.

Humanga siya sa mag-asawa sa pagpapalaki sa kanilang anak. “Nakaka bilib kun paano nyo gin pabahoe si Chaira bilang isaea ka mabuot ag may determinasyong pagka unga.Sa pagta-o nimo imo daywa ka siki para maka abot kun siin maw mag paadto hay pinaka mabahoe na parte ana pag daog,” pagbabahagi niya.

Ang post ay umani ng paghanga at pagpapaabot ng congratulations sa mag-ina at maging sa therapist na nag-alaga rin kay Chaira. Kami sa Energy FM Kalibo ay saludo sa inyong lahat!

Friday, February 15, 2019

"Pangga, Ikaw Lang Ang Aking Mahal": Archie & Marilyn Love Story


Ang napili naming bigyan ng libreng date ngayong araw ng Valentines Day sa pamamagitan ng Energy FM Kalibo "Pangga, Ikaw Lang Ang Aking Mahal Part 2" ay ang mag-asawang Archie Gutierrez, 28-anyos, at Marilyn Merano, 28, ng Polo, Banga, Aklan.

Nakilala ni Archie si Marilyn noong siya ay first year high school sa pamamagitan ng kanilang common friends. Second year high school naman noon ang babae.

Pareho nilang crush noon ang isa't isa pero matapos ang second year high school ay huminto sa pag-aaral si Archie dahil sa hirap ng buhay at nagtrabaho sa Iloilo at Manila ng ilang taon. Bagaman naghiwalay na sila, palagi paring nasa sa isip ni Archie si Marilyn.

Second year college na noon si Marilyn sa kursong culinary arts ng tila muli silang pinagtagpo ng tadhana nang magkita sila sa birthday party ng kakilala ni Marilyn. Dito na muling nanumbalik ang kanilang relasyon.
Nagsama noon sa iisang boardinghouse ang magkasintahan habang nag-aaral ang babae. Lingid pa ito sa kaalaman ng parehas nilang mga magulang.

Nakagraduate na si Marilyn at napag-alamang nagbubuntis na siya. Nadamay sa sunog ang kanilang boardinghouse at nagkasundo ang dalawa na umuwi sa bahay ng lalaki. Maayos naman na tinanggap ng pamilya ng lalaki si Marilyn.

Nanganak na si Marilyn bago siya nagtapat sa kanyang mga magulang. Galit na galit noon ang tatay ni Marilyn lalo at wala pang trabaho ang lalaki. Sinikap ni Archie na makapagtrabaho at pinanagutan ang anak nila ni Marilyn.

Sa ngayon ay secretary ng barangay Polo sa Banga ang babae at nagkokonstruksiyon naman ang lalaki. Nagsisikap ang mag-asawa na maitaguyod ang dalawang mga anak. Parehas nilang mahal na mahal ang isat isa tunay ngang masasabi nila: "Pangga, ikaw lang ang aking mahal."

Mabuhay kayong dalawa!

Sunday, February 10, 2019

ALAMIN: Pebrero 11 ay special non-working holiday sa Panay Island sa paggunita sa Evelio Javier Day


Ang Pebrero 11 bawat taon ay special non-working public holiday sa Isla ng Panay o sa mga lalawigan ng Antique, Aklan, Capiz at Iloilo bilang paggunita sa death anniversary ng dating gobernor ng Antique na si Evelio B. Javier.

Sino ba si Governor Evelio Javier? Siya ay isang politiko na pataksil na pinatay sa pagtatapos ng panunungkulan ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Si Javier ay masugid na taga-suporta ng noo'y presidential candidate na si Corazon Aquino. Binaril siya Pebrero 11, 1986 apat na araw pagkatapos ng snap election pero nasa kasagsagan pa ng bilangan ng boto.

Ang pagpatay kay Evelio Javier ay nakatulong sa pagbagsak ng rehimeng Marcos mula sa kapangyarihan dahil sa People Power Revolution.

Si Javier ay pinatay sa Freedom Park ng San Jose, Antique sa umano'y atas ng dating Assemblyman at kaanib ni Marcos na si Arturo Pacificador gayunman si Pacifador ay naabswelto sa kaso.

Simula 1987 taun-taon ay ginugunita ang Gov. Evelio B. Javier day kasunod ng Republic Act 7601. Ang freedom park sa Antique ang nagsiserbeng sentro ng paggunita bawat Pebrero 11.##

Thursday, February 07, 2019

Papal Nuncio Most Rev. Caccia dialogues with the youth of the Diocese of Kalibo


The following are the messages given by Papal Nuncio to the Philippines His Most Excellency Rev Fr Gabriele G. Caccia, DD on Feb. 6, 2019 at St. John the Baptist Cathedral during the Dialogue with the Youth. This transcription were taken from Diocese of Kalibo FB page.

"The church and the Pope cares for you, young people. I am here on behalf of Pope Francis to being grace. Each one is very important. This year is dedicated to the youth. You are Beloved.

Beloved - what has make you happy in your experience and what makes you very sad about your life as a young people?

You are a Filipino in mission......Gifted, Beloved and Empowered

Maybe you are facing difficulties now. The adults are busy, while others are not interested, you feel abandoned and unloved. It is difficut to bear and takes out all the joy, it brings us to despair, depression and feelings that you are not important.

On the contrary, if we experience the love we feel...we are happy .....when we are growing up happy we then feel important for somebody else.

We should always remember that in the eyes of God ...of Jesus.... each one of us is very important and always beloved.

There is Somebody behind me with arms open. He said, "For you I have given my life; For you I have always time. You can come to me always my Beloved, for I am with you."

Anytime you see the cross, remember how much Jesus loves you and me. We are never abandoned when we are with Jesus. He is always with us. If we understand and feel this experience our life changes. We feel the strenght of Jesus in us. If Jesus is with us who can be against us. In all diffuculties we are stronger, because Jesus is with us.

What I say to you is out of truth. With Jesus there is salvation. He forgave even those who killed Him, those who are attacking us in the name of Jesus, He forgives, because forgiving them is a way to salvation. If we know and we feel that Jesus loves us, we in this life are a happy person. We love and rejoice and it's the most precious treasure when Jesus loves us.

Final question, do you want to let Jesus enter in your life? Is it easy to let Jesus enter in our life?

To say yes to Jesus, we have to say no to what is against Jesus. If you want to follow Jesus we say no and we don't take and take...but we share. When we are at peace and in joy,  it is the sign of the presence of Jesus in us.

Yes to Jesus? In the meantime say no to what is againts Him..

Lastly, we need to be somebody who lives the Gospel. Do not just read the Gospel.... live the Gospel. Witness through the Gospel, the beauty, love and joy of Jesus." ❤

***

"If you are happy in your family it means your family is doing well. If in the family there is something that is not right, then the people in the family is not good. Ask yourself, how can I help to make a difference?

It is not actually about the structure. The structure can be either good or bad because of the the people in it. The people within the structure must be united, able to listen because listening is beautiful.....it's not the family but it's the way each one is doing.....depending on the people.

Whenever we find ourselves in a difficult situation, ask ourselves how we can change the situation or do good examples that is useful.

If you are a family with good experience, ask what can I do to make it better? How can I help the family not to repeat the same error?"

***

"Look at the people who are persecuted openly and mocked openly.... find strenght in them. If the enemies of the church steal from us, if we allow them to take out the love from us, we are dead Christians. In time of persecution, I tell you not to resist but pray for your enemies. Remember that the love of God is deeper than the age of its people. We lose life if we allow them to take the love of Jesus in us. Instead, be a living Christians. Take persecution and rejection as a test to see how deep Jesus love is in each one of us even to those who make bad things to us. God said, "I forgive you if you forgive your enemies." Always look at Jesus on the cross. Don't let difficulties take out the love in your life. Don't lose your faith in Him."

***

"Some people attract attention in a desperate ways especially in a wealthy society. That they feel adults have no time to listen to them...it is painful, indeed.

Rejection, fears and depression is a kind of cry for help. Pope Francis said, "Maybe your parents are busy or working too hard to send you to school. Try to talk with your grandparents... with elderly people because they have time. Being close to the end of life they know what is immortal, they are a good and wise adviser."

It is also the same feelings of the elderly people that they too, has no one to talk with about their sentiments in life. Make an alliance with them and you will receive wisdom. They give you hope and you give them hope at the same time.

Anytime we feel that no one wants to listen to us, cut the chain by doing something good or go to an elderly and talk. This changes the world. Learn from sufferings and bad experiences, since sometimes they are a grace that makes our eyes open to see the sufferings of others."

***

"The expectation of the church from you is also the expectation of Jesus. What Jesus expects from us is that He wants us to learn to listen to Him and give time to listen to Him.

Ask ourselves, "Where I am now?"

It is hard now adays to make people stay in the same place without their cellphones. We don't give attention to the real person because we are too much involve with our gadgets. Be attentive to the real person.

Always follow the good inspirations, continue your contribution and listen to good inspirations. Maybe that inspiration is what God wants us to do and that is something positive for others. "Dont be afraid for I am with you. I will sustain you."

As a youth leader may I ask, "What makes you fruitful and fear the Lord?"

Let us make the society a little bit better than what it is now."

###

Tuesday, February 05, 2019

Baye nga ginnabdusan ag gintalikdan it eaki naeuwas sa hana nga pagpakamatay

photo https://scandallas.wordpress.com
[Special Report] - Naeuwas sa kamatayon ro sangka baye sa banwa it Numancia matapos nga imaw ra hay mag-inom it bleach para tapuson ro anang kabuhi bangod sa problema sa paghigugma.

Suno sa 21-anyos nga baye, na-depress imaw it tuman tag owa magpakita ro eaki ag ro pamilya para mag-atubang sa ana nga pamilya matapos nga imaw hay magnabdos.

Adlaw nga Dominggo kunta ro kasugtanan it daywa ugaling wa gid mag-abot ro eaki ag ro anang mga ginikanan ag indi eon raya makontak.

Pagkagabii hay nag-inom it bleach ro baye sa sueod ku anang kwarto. Lipong imaw nga gindaea sa sangka pribado nga ospital sa Kalibo ag na-confine.

Nahisayuran nga Martes paeang ku nagtaliwan nga sangdominggo hay nakaagi eon it depresyon ro baye ag makapilang beses eon nga naghana nga magpakamatay ugaling napugngan it anang pamilya.

Gindugo ro baye ag aksidente nga nahueog ro unga.

Nasayuran pa nga masobra tatlong dag-on eon do baye ag ro 18-anyos nga eaki sa anda nga relasyon. Nasayuran eon sigon it andang pamilya ro andang relasyon pero ginatagu-tago ro pagnabdos it baye.

Daya nga istorya hay gindangop it baye sa Energy FM Kalibo agud ipapanawagan ro anang nobyo ag ro anang pamilya. Bukas pa gihapon kuno imaw sa kon ano nga pwede nanda maging kasugtanan.

Suno sa baye malisdan imaw nga maka-move-on bangod sa mabuhay nanda nga pag-iliba it eaki nga nagatuon pa makaron bilang first year college.

Do baye hay graduate eon bag-o eang sa kurso nga education.

Gintinguhaan namon nga makontak ro eaki ag ro anang pamilya para mabue-an it pagpahayag pero unatteded ukon out of coverage pa ro mga linya it andang mga cellphone.##

- report ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, January 23, 2019

Aso aalayan ng isang funeral procession sa Kalibo bago ang disenteng libing


ILILIBING NA ang aso na pinaglamayan ng mahigit isang buwan sa bahay ng may-alaga sa bayan ng Kalibo.

Una nang itinampok ng Energy FM Kalibo ang kakaibang pagmamahal ng may-alaga na si Albert Manalo sa namatay niyang aso.

Ang kanyang alaga na si Nikki ay ililibing araw ng Miyerkules sa labas ng kanilang bahay sa Oyo Torong St., Poblacion, Kalibo alas-3:00 ng hapon.

Nakahanda na ang kanyang libingan na mayroon pang lapida. Bago ang libing ay isa munang funeral procession ang iaalay sa aso na isang Japanese Spitz.

Namatay ang aso noon pang Disyembre 17, 2018 dahil umano sa atake sa puso. Edad pitong taong gulang ang aso na tinatawag ng may-alaga na "Nikki".

Inilagay ni Kasimanwang Albert ang namatay na aso sa isang kahon na nagsilbing ataol at inaalayan ng bulaklak, kandila at pagkain.

Matagal na dapat na nailibing si "Nikki" kaya lang hindi matanggap ng kanyang amo na ilibing siya agad. Paulit-ulit nilalagyan ng formalin ang aso para mapreserba.

Ilang kaibigan at pamilya rin ang dumadalaw sa burol ng aso para makiramay sa may-alaga.

Nais ng amo na iikot muna ito sa plaza bilang huling pamamasyal nila. Sasama rin sa prosesyon ang ilang kamag-anak, kaibigan at iba pa bago ito ilibing.##

Wednesday, January 16, 2019

Lyreman nagproposed ng marriage sa nobya sa gitna ng sadsad sa Kalibo Ati-atihan


WALANG MAPAGSIDLAN ang saya ng isang lyreman matapos matanggap ang matamis na "oo" sa babaeng nais niyang asawahin.

Kasama ang kanyang banda sinorpresa ni Reginaldo Panagsagan ang nobya sa harap ng St. John the Baptist Cathedral kung saan siya nagpropose ng marriage.

Ang buong akala ni Mary Jorelly Egol ay magsasadsad lamang siya kasama ang nobyo ang banda niya na Kamicouzins.

Laking gulat ng babae na biglang nahinto ang tugtog ng banda, medyo nagkagulo at biglang lumuhod ang lalaki at nagladlad ng banner ang grupo nakalagay "Will you marry me?"

Nagregalo ng isang lyre stick na mayroong pulang ribbon ang lalaki at syempre singsing at sinundan ng mahigpit na yakap.

Nangontratra rin ng isang drone operator ang lalaki para i-kober ang para sa kanya ay hindi makakalimutang sandali ng kanyang buhay.

Si Reg at si Jorelly ay apat na taon nang magnobyo. Una silang nagkakilala sa high school at naging matalik na magkaibigan pagdating ng kolehiyo.

Head barista ang 23-anyos na babae sa isang kilalang hotel sa Kalibo habang billing personnel naman sa isang cable company ang 24-anyos na lalaki.##