MEDIA Z NETWORK MANAGEMENT AND MARKETING
ENERGY FM 107.7 KALIBO
3rd floor ACP Center Blg., corner Acevedo St. and Roxas Ave.
Poblacion, Kalibo, Aklan 5600 Philippines
268-6118 / 262-3353 / 500-8121
0930-478-1278
"KASIMANWA KO PALANGGA KO"
HISTORY
Ang Energy FM Kalibo ay dating Bay Radio na binuksan noong Abril 2010 upang maghatid ng mga musika sa mga taga-pakinig. Kalaunan ay nakilala rin itong Kasimanwa Radyo ng magsimula itong magkaaroon ng mga programang balitaan at pang-serbisyo publiko.
Itinatag ang himpilan ng radyong ito dahil na rin sa interes ng may-ari na si Apolonio Zaraspe III sa industriya ng pamamahayag at sa layuning makapaglingkod sa taumbayan.
Nakilala ni Zaraspe ang noo’y nagtratrabaho rin sa isa pang istasyon ng radyo na si Rodelio Lomibao at nabuo ang hangaring maitayo ang Bay Radio Kalibo.
Sa mga nagdaang taon, nakilala ang Energy FM Kalibo sa paglilingkod sa taumbayan lalo na sa mga mahihirap at naaapi sa pamamagitan ng paghahatid ng tapat at matapang na pagbabalita.
Maliban sa pagsasahimpapawid sa radio transmitter, iba pang flatforms ang binuo at ginamit para mapalawak pa ang paglilingkod ng himpilan sa mga kasimanwa tulad ng Facebook, worldwide live streaming, blog, at local cable TV channel.
Sa kauna-unahang pagkakataon, noong Marso 20, 2017, ang programa ni Papa J (dating Papa Jack) ay live na napakinggan sa Energy FM Kalibo mula sa mother station nito sa Manila.
No comments:
Post a Comment