Saturday, August 11, 2018

LALAKI PATAY MATAPOS SAKSAKIN SA BAYAN NG MALINAO; MGA SUSPEK SARILING KAPATID

PATAY ANG isang lalaki sa bayan ng Malinao matapos saksakin sa Brgy. Manhanip gabi ng Biyernes
Kinilala ang biktima na si Rolando Yabut, 46-anyos, residente ng parehong lugar. Samantalang ang mga itinuturong suspek ay sarili niyang mga kapatid.

Sa imbestigasyon ng Malinao PNP, ang biktima ay nakipag-inuman sa mga suspek at iba pang kamag-anak bago naganap ang insidente.

Nagkaroon umano nang mainit na pagtatalo ang magkabilang panig at habang nasa daan papauwi ay patuloy unano ang kanilang diskusyon.

Napag-alaman nalang kalaunan ng ilang kapitbahay na may tama na nang pananaksak sa kanyang tiyan samantalang tumakas naman ang dalawa niyang kapatid.

Dinala sa provincial hospital ang biktima pero pagkalipas ng nasa dalawang oras ay binawian rin ng buhay habang ginagamot dito.

Pinaghahanap na ngayon ng Malinao PNP Station ang dalawang suspek.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

SUSPEK SA PAGSAKSAK-PATAY SA ISANG LALAKI SA BAYAN NG MALINAO HAWAK NA NG KAPULISAN

(update) HAWAK NA ngayon ng Malinao municipal police station ang suspek sa pagsaksak-patay sa sarili niyang kapatid sa Brgy. Manhanip, Malinao gabi ng Biyernes.

Ang itinuturong suspek na sumaksak sa kay Rolando Yabut, 46-anyos, ay kapatid niyang si Christopher, 33, parehong mga residente ng nasabing barangay.

Matatandaan na ang dalawa at ang isa pa nilang kapatid na si Wilmer ay nakipag-inuman kasama ang ilang kamag-anak nang magkaroon sila ng mainit na pagtatalo dahil umano sa lupa.

Habang nasa daan papauwi ng bahay ay sinaksak ng suspek ang kuya niya na tinamaan sa tiyan. Saksi sa nasabing insidente ang live-in ng biktima.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima pero binawian rin ng buhay habang ginagamot doon. Samantalang agad nakapagtago sa mga otoriadd ang dalawa.

Ngayong umaga ng Sabado ay sumuko umano sa kapulisan si Christopher at inamin ang nagawang krimen.
Matapos imbitahin ng pulisya ay pinakawalan din si Wilmer matapos mapatunayang wala siyang partisipasyon sa krimen.

Nabatid na ang suspek ay nakulong na sa kasong frustrated murder at arson at ngayon ay posibleng maharap ngayon sa kasong homicide.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

AKELCO ANNOUNCES CHANGES IN THE READING CYCLE

the following is an announcement comming from Aklan Electric Cooperative (Akelco):

AKELCO would like to announce that there will be changes in the reading cycle starting this month of August to prepare for the “read and bill system” that is to be fully implemented on January 2019. Comparing to the previous schedule, reading for this month will be delayed to about 2 to 3 days and another adjustment in the next succeeding months until December. In result hereto, there will be noticeable changes in the total kilowatt usage that will reflect on the September power bill of the member consumers compare to their usual usage due to the added period in the reading cycle which will become more than 30 days.

In the “read and bill system”, power rate is a requisite before the meter reader could start reading kilowatt hour meters. AKELCO monthly power rate is released every 15th or 16th of the month. This is the reason why we needed these adjustments in the reading schedules because in the full implementation of “read and bill system” on January 2019, reading cycle will start every 17th of the month.

With the “read and bill system” Member Consumer Owners will no longer wait for days for their bills to arrive after meter reading, right away, bills will be distributed. These and more innovations are to be made to provide the service our member-consumer-owners deserve.

For queries and additional information, please visit our Area offices near you or you can call our Hotline number 144 or at the respective Area offices: Andagao Area Office 268-9205, Altavas Area Office 269-1079, Banga Area Office 267-5056, Lezo Area Office 274-7319, Ibajay Area Office 289-2081, Pandan Area Office 278-9168, Caticlan Area Office 288-7002 and Boracay Area office 288-3983.

Thank you for your continued patronage. | Akelco

KARPENTERO SA NUMANCIA NANALO SA SMALL TOWN LOTTERY BAGO NATAGPUANG PATAY

ISANG KARPENTERO ang natagpuang patay sa isang furniture shop kung saan siya nagtratrabaho sa Brgy. Camanci Norte, Numancia hapon ng Biyernes.

Kinilala sa report ng Numancia PNP ang biktima na isang Cezar Orbina, nasa 50-55 taong gulang, tubong Metro Manila at residente ng Brgy. Bulwang, Numancia.

Nabatid na nanalo ng Php17,500 sa Small-Town Lottery (STL) ang biktima noong Hulyo 30 at pagkatapos ay hindi na pumasok sa trabaho.

Nabatid na mahigit isang linggo itong nag-iinom kasama ang mga kaibigan sa bayan ng Kalibo.

Nang bumalik na sa trabaho ang lalaki ay napansin ng mga kasama na nanghihina siya, hindi na nagtratrabaho, hindi kumakain at palaging natutulog.

Huli umano siyang nakita ng isa niyang kasama na natulog sa kubo sa bisinidad ng nasabing furniture shop. Pagbalik niya para gisingin ang biktima ay hindi na umano ito sumasagot.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang kapulisan at walang nakikitang foul play sa kanyang pagkamatay at pinaniniwalaang natural death lamang ito.

Dinala sa isang punerarya ang bangkay ng lalaki at nakatakdang isailalim sa isang post mortem examination.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Friday, August 10, 2018

DSWD RELEASES 17,000 FAMILY FOOD PACKS FOR BORACAY

(press release) THE DSWD Field Office VI has started releasing family food packs numbering to 17,000 for Boracay closure-affected families.

“This is the first time that we are releasing goods in boxes here in the region. Most of the rice are in vacuum sealed packs,” said Rebecca P. Geamala, regional director.

The households, based on registered  Disaster Assistance Family Access Cards issued, is 10,880, of which 5,881 are in Brgy. Manocmanoc, 3,480 in  Balabag; and 1,519 in Yapak, and the number is still growing because of the temporary residents (more than 6months). Their applications to be registered with DAFAC were not considered by the BLGU before election.

“But this time, they will be served. Nobody will be left behind. This is why we are bringing in packs more than the number of households. We will serve even temporary residents who have been in the island for at least six months,” said Geamala.

Each box contains  rice, assorted canned goods and coffee amounting to P417.
Aside from this, the DSWD continues in implementing response efforts for those affected by the closure.

A total of 17,018 clients  were helped through  the Aid to Individuals in Crisis Situation in transportation, medical, educational and burial assistance amounting to P41.2 million.

On Sustainable Livelihood Program, P106.7 million was released in livelihood assistance grants to 7,119 persons with P15,000 each.

On Cash for Work implementation, 5,126 individuals availed with a P29.6 million released in form of assistance./dswd6

SECURITY GUARD ARESTADO SA BORACAY SA KASONG MURDER

Arestado sa Isla ng Boracay ang isang security guard na wanted sa Capiz dahil sa kasong murder.

Kinilala sa report ng kapulisan ang akusado na si NiƱo Bienes y Blanco, 29 –anyos, at residente ng Calapawan, Panay Capiz.

Si Blanco ay inaresto ng mga kapulisan sa Brgy. Balabag sa bisa ng order of arrest sa kasong murder na inilabas ng Regional Trial Court sa Roxas City, Capiz.

Ikinasa ng pinagsamang puwersa ng mga tauhan ng Panay Municipal Police Station at ng Boracay PNP Substation.

Walang itinakdang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

DR. MAGHARING PINABULAANAN ANG REKLAMO SA KANYA NI MAGPUSAO; MAGSASAMPA NG KASO SA PAGPAPARATANG SA KANYA

Naglabas na ng sinumpaang-salaysay si Dr. Karen Magharing kaugnay ng reklamo ni Kasimanwang Joefel Magpusao, reporter ng Energy FM Kalibo.

Matatandaan na una nang naibalita na inireklamo ni Magpusao si Dr. Magharing sa pamunuan ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital sa umano’y pambabastos sa kanya at sa reporter na si Romy Cahilig ng Brigada News FM Kalibo.

Mariing pinabulaanan ni Magharing na hindi umano niya binastos si Magpusao.

Sa affidavit ng doktora, isinalaysay nito na binati niya lamang si Magpusao ng, "Uy, dito na naman kayo. ‘Di ba ikaw si Magpusao? ‘Di ba taga-Ibajay ka rin? Magkababayan pala tayo.” Maayos at pangiti niya din umano itong sinabi sa reporter.

Hindi rin umano niya dinuru-duro si Magpusao kagaya ng reklamo ng reporter. Maayos umano niyang kinuwestiyon ang reporter kung bakit ito magsasagawa ng pag-interview ng walang pahintulot sa management ng ospital.

Sinabi pa niya na si Magpusao ang nagtaas ng boses sa kanya.

Anya, para sa kanya ay wala siyang ginawang mali kaya ganoon na lang ang kanyang pagkagulat ng maibalita sa ilang radio stations sa probinsya at maging sa mga social media ang reklamo ni Magpusao. Partikular niyang pinangalanan ang Energy FM Kalibo at ang Todo Radyo.

Magsasampa umano siya ng kaso sa mga sangkot sa pag-aakusa sa kanya ng walang katotohanan at sa pagsasapubliko ng mga paratang.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

MGA MAGULANG NAIS PARUSAHAN SA ISINUSULONG NA BAGONG CURFEW ORDINANCE NG KALIBO

Pinag-aaralan na ngayon ng Sangguniang Bayan ang pagpaparusa sa mga magulang sa isinusulong na bagong curfew ordinance ng Kalibo.

Nabatid na sa isinusulong na ordenansa kapag ang bata ay lumabag ng makatlong beses o mahigit ay parurusahan na ang magulang.

Ayon sa mga lokal na mambabatas ang isinusulong na bagong ordenansa ay base sa rekomendasyon ng Kalibo Municipal Police Station.

Ang umiiral na curfew ordinance sa kabiserang bayang ito ay base pa sa municipal ordinance no. 045 series of 1994.

Nakasaad rito ang pagbabawal sa mga 18-anyos pababa na pagala-gala sa mga lansangan at mga pampublikong lugar sa buong bayan mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Pinahihintulutan sa nasabing batas ang mga lehetimong lakad kasama ang mga magulang o guardian na nasa legal na na edad.

Taong 2007 ay isinulong rin sa Sanggunian ang pagpapalit sa nabanggit na ordenansa pero hindi rin naisakatuparan dahil sa hindi umano ayon sa "Pangilinan Law" ang ilang probisyon nito.

Magpupulong pa ang Sanggunian kaugnay sa isinusulong na bagong lokal na batas.

Hihingin pa nila ang legal opinion ng ilang abogado at maging ng prosecutor bago isalang sa pagdinig ng publiko.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Thursday, August 09, 2018

ELEMENTARY SCHOOL SA BALETE NILOOBAN NG DI PA NAKIKILALANG SUSPEK

Nilooban ng di pa nakikilalang suspek ang Bangbang Elementary School sa Brgy. Calizo, Balete.

Base sa report ng BALETE PNP, una umanong napansin ng tanod na si Procopio Concepcion na pinasok ang ilang kwarto ng nasabing paaralan umaga ng Huwebes.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na sinira ang mga padlock ng mga kuwarto ng Grade 1, 2, 3, computer room at principal's office.

Nabatid na natangay umano ng suspek ang isang laptop sa computer room na nagkakahalaga ng Php16,000. Pagmamay-ari ito ng guro na si Nelie Rasgo.

Nawala rin umano ang nasa Php1,000 halaga ng pera sa opisina naman ng principal na si Gia Guillermo Panganonong.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Balete PNP sa kaso. | EFM Kalibo

GROUNDWATER SA BORACAY POLLUTED PARIN AYON SA ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU

Contaminated parin ang groundwater sa Isla ng Boracay ayon sa Environmental Management Bureau (EMB)-6 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa report ng pahayagang Daily Guardian, sinabi ni EMB-6 legal chief Ramar Niel Pascua na as of June ang coliform level sa tatlong kabarangayan ng Isla ay mataas parin sa standard na 100 most probable number (MPN) per 100 milliliters (ml).

Ang Brgy Yapak ay nakapagtala ng tinatayang 400MPN per 100ml samantalang Manoc-Manoc at ang Balabag ay may mahigit 1,000MPN per 100 ml kada isa.

Sa kabila nito sinabi ni Pascua na ang mabuting balita ay bumaba ang contamination simula nang sumailalim sa rehabilitasyon ang Boracay.

Aniya matagal nang problema ang groundwater contamination sa Isla. Simula 2001 ay pinagbawal na ng National Water Resources Board (NWRB) ang paggawa ng balon at pagkuha ng tubig dito.

Kabilang sa mga dahilan ng kotaminasyon ay ang mga untreated wastewater ng mga establisyemento at ang mga dumi ng tao sa mga wetland na dumidiretso sa mga ilog o sapa.

Simula nang isara ang Boracay noong Abril 26, naghigpit na ang EMB sa mga establisyemento na siguruhing nakasarado ang kanilang mga septic tanks. Humingi na rin sila ng tulong sa Department of Health para matugunan ang suliraning ito. | EFM Kalibo

NO. 6 TOP MOST WANTED PERSON SA AKLAN ARESTADO SA MINDORO SA KASONG RAPE

Arestado ang no. 6 top most wanted ng Aklan sa probinsiya ng Oriental Mindoro sa kasong rape madaling araw ng Miyerkules.

Kinilala sa report ng kapulisan ang akusado na si Noly Nagrama, 40-anyos, tubo ng Brgy. Tigayon at residente ng Brgy. Nalook lahat sa bayan ng Kalibo.

Naaresto ng pinagsamang pwersa kapulisan ang akusado sa Brgy. Paco, Baco sa Oriental Mindoro. Ang operasyon ay pinangunahan ng Aklan Trackers Team.

Si Nagrama ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa section 2 of Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

Walang itinakdang pyansa ang korte para pansamantala niyang kalayaan. | EFM Kalibo

AKLANON POLICE WOMAN PINARANGALAN NI PRES. DUTERTE AT NI PNP CHIEF ALBAYALDE

Ginawaran ng parangal ang Aklanon policewoman na si SPO1 Nida Gregas bilang Best Senior PNCO for Administration 2017 kasabay ng 117th Police Service Anniversary.

Isa si Gregas sa sampung pulis sa buong bansa na kinilala bilang outstanding police. Ang mga parangal ay iginawad nina President Rodrigo Duterte at PNP Chief Oscar Albayalde araw ng Miyerkules sa Campo Crame.

Kasalukuyan siyang naglilingkod bilang hepe ng Public Information Office ng Aklan Police Provincial Office.
"Hindi ko na po iisa-isahin ang nagbigay suporta sa lahat po ng bagay kaya ko po natatamo ang walang tigil na tagumpay... maraming salamat po sa inyong lahat," mensahe ng pasasalamat ni Gregas sa mga sumuporta sa kanya.

Sa rehiyon ng Western Visayas, ginawaran din sina PSSupt. Marlon Tayaba, Provincial Director ng Iloilo PPO, Best Senior PCO for Operation; at PSSupt. Samuel Nacion, PD Capiz PPO, Best Police Provincial Office.

Narito ang 10 outstanding police men and women, uniformed and non-uniformed personnel:

* PSSupt. Leony Roy G. Ga it PRO 10, Best Senior PCO for Administration;
* PCInspector Roland M. Kingat, SAF, Best Junior PCO for Administration;
* PSupt. Jack Angog, SAF, Best Junior PCO for Operations;
* PSSupt. Marlon A. Tayaba, Best Senior PCO for Operations;
* SPO1 Ray Angelo Segualan, SAF, Best Senior PNCO for Operations;
* SPO1 Nida L. Gregas, PRO 6, Best Senior PNCO for Administration;
* PO3 Jean P. Pacia, PRO COR, Best Junior PNCO for Administration;
* PO3 Joker A. Albao, PRO 5, Best Junior PNCO for Operations;
* NUP Veneracion A. Llorin, Best NUP, Supervisory Level; at
*NUP Jose Rexil C. Manabit, PRO 9, Best NUP Non-Supervisory Level.##

- Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Wednesday, August 08, 2018

24-ANYOS NA LALAKI SA BAYAN NG ALTAVAS NAGBIGTI, PATAY

Patay ang isang 24-anyos na lalaki matapos umano itong magbigti sa CR ng pinagtratrabahuhan niyang bahay sa Brgy. Poblacion, Altavas bilang houseboy.

Kinilala ang biktima na si Ronel Sarita, 24-anyos, tubong San Joaquin, Iloilo at nabatid na nasa dalawang taon nang nagtratrabaho sa pamilya Isonza.

Kahapon ay ipinagdiwang pa ng pamilya ang kanyang kaarawan. Pero hindi na ito umano nakitang lumabas ng kanyang kuwarto gabi ng Martes para maghapunan.

Umaga ngayong Miyerkules ay kinatok umano ng mag-asawa Isonza ang biktima sa kanyang kuwarto pero hindi umano ito sumasagot dahilan para hanapin nila.

Hanggang sa nadatnan nalang umano ito na nakabitin na sa loob ng CR gamit ang sintas at isa nang malamig na bangkay.

Humingi ng tulong ang pamilya sa kapulisan para magsagawa ng inisyal na pagsisiyasat. Narekober sa kwarto ng biktima ang isang notebook na may mga “hugot notes.”

Nabatid na nag-aaral ang biktima bilang Grade 2 sa Alternative Learning System sa Altavas.

Nakatakdang isailalim sa autopsy examination ang bangkay ng biktima upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Isa sa tinitingnang dahilan ng pagpapakamatay ng lalaki ay dahil sa kabiguan sa pag-ibig. | EFM Kalibo

PAGKAWALA NG AKLANON SEAMAN HABANG NASA BARKO PALAISIPAN PA SA PAMILYA

Wala pang malinaw na pahayag ang kapitan ng barko at ang shipping company sa pamilya ng Aklanon seaman na si Paul JQ Repiedad kung paano ito nawala sa gitna ng dagat.

Matatandaan na naibalitang nawawala si Repiedad noon pang Agosto 3 habang sakay sa barkong Anjelique D mula Tsina patungong Pilipinas. Huli siyang nakita ng kanyang mga kasama sa hapunan gabi petsang iyon.

Pero ayon sa kanyang asawa na si Princess Lavina na ipinaalam lamang sa kanila ng ahensiya ng barko na Sea Power Shipping Enterprises Inc. ang insidente ika-5 na ng Agosto.

Base sa report na nakarating sa pamilya, umaga umano ng Agosto 4 anyayahin sana ng mga kasamahan ang able seaman para mag-almusal pero nagulat nalang sila na wala na ito sa kanyang cabin.

Tinungo ng asawa at ng mga magulang ng seaman ang shipping company para personal na makipag-ugnayan. Ipinagtataka ng pamilya na umabot na ng apat na araw ay wala parin silang maipakitang master report o pahayag mula sa kapitan ng barko.

“The staff incharge is trying to tell us to accept the situation, the problem is how come we can take it, if there is no proper explanation nor a specific evidence that they really tried to search for my husband,” post ng asawa sa kanyang FB account.

Ikinuwento pa niya na huli silang nag-video call noong Agosto 1 at ang huli niyang mensahe ay Agosto 2. Excited umano ang seaman dahil sa Pilipinas dadaong ang kanilang barko at plano nilang magkita sa Manila.

“May the Lord enlighten the mind of the people to speak for the truth,” dasal ng asawang babae. “Lord, we are still begging for your miraculous mercy to help my husband survive.” | EFM Kalibo

Tuesday, August 07, 2018

SANGGOL NA MAY BUTAS SA PUSO NA PINAGAMOT NG ENERGY FM KALIBO MALUSOG NA

NAALALA NIYO pa ba ang batang ito? Siya si John Aaron Colico ng Brgy. Bulwang, Numancia.

Matatandaan na noong Nobyembre 2017 nang dumulog sa himpilang ito ang ina niya na si Maribel na humihingi ng tulong na mapagamot ang kanyang anak.

Ang sanggol ay may butas sa puso o congenital heart disease at kailangan umanong ipaopera sa Manila o kung hindi maagapan ay posibleng makaapekto sa kanyang utak.

Sa tulong ng Energy FM Oplan Tabang ay nakalikom ng pera mula sa mga supporters at tagapakinig ng himpilang ito at nakaluwas patungong Manila ang pasyente kasama ang kanyang mga magulang buwan ng Enero.

Sumailalim si baby Colico sa intensibong paggamot sa Philippine General Hospital at na-confine doon sa loob ng halos isang buwan.

Natuklasan rin na may tubig ang ulo ng bata at may Pneumonia.

May mga indibidwal at grupo rin na tumulong sa kanila pagdating roon sa Manila.

Makalipas ang nasa anim na buwan, nitong araw ng Martes ay nagpost sa FB ang kanyang tito na si Arci Retiro kung saan makikita sa mga larawan na masaya at malusog na ang bata. | EFM Kalibo

MGA REPORTER NA MAG-IINTERVIEW "BINASTOS" NG DOKTORA SA AKLAN PROVINCIAL HOSPITAL

Dinuru-duro ng isang OB-Gyn at binantaan pa na tawagan ng guwardiya sa loob ng provincial hospital.

Ito ang naranasan ng reporter ng Energy FM Kalibo at hospital beat reporter na si Joefel Magpusao.

Saksi rin sa parehong karanasan si Romy Cahilig, reporter ng Brigada News FM.

Ang dalawa ay mag-iinterview sana sa doktora na nagpaanak upang mag-imbestiga sa namatay na sanggol batay sa reklamo ng isang ina.

Habang nasa nurse station ay dinuru-duro umano sila ni Dr. Karen Magharing at pinatatawagan ng gwardiya.

Aminado si Magpusao na nagkaroon umano sila ng sagutan ng doktora kalaunan. Iginiit niya na maayos ang kanilang pagtungo roon.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ng reporter na si Cahilig na hindi niya nagustuhan ang pag-uugali ng doktora.

Matatandaan na una nang inireklamo sa himpilan ding ito si Magharing ng malpractice dahil sa pagkamatay ng isang baby.

Idinulog na ni Magpusao ang nangyaring "pambabastos" ni Magharing sa kanila bilang media sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas - Aklan Chapter.

Pormal rin umano niyang irereklamo sa pamunuan ng ospital ang nasabing doktor. | EFM Kalibo

AD CAMPAIGN PARA SA BORACAY RE-OPENING, INIHAHANDA NA NG DOT

Inihahanda na ng Department of Tourism (DOT) ang isang bagong advesrtising campaign para sa re-opening ng Boracay island.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nakikipagusap na ang kagawaran sa top ad agencies sa bansa para makaisip ng bagong ad campaign para sa muling pagbubukas ng isla.

Maliban dito, patuloy din aniya ang bidding para sa isang media-buying agency na tutulong sa paghahanap ng mga space at timeslot sa ad placements.

Matatandaang pansamantalang sinara ng anim na buwan mula noong April 26 sa mga turista ang kilalang tourist destination para sa environmental clean-up at rehabilitasyon.

Nakatakdang buksan muli ang Boracay sa October 26 kung saan inaasahan ang dagsa ng mga turista.

Read more: http://radyo.inquirer.net/…/ad-campaign-para-sa-bora-re-ope…

"AKLAN PRIDE", SASABAK SA INTERNATIONAL DANCE COMPETITION SA CHINA

Isa pang dance Group mula sa Aklan ang ang lalahok sa Asia Pacific Street Dance Competition team category sa Chongzou City, China sa November 2-5.

Sila ang Aklan Pride Dance Crew na binubuo ng 15 miyembro mula sa mga bayan ng Banga, Kalibo at Numancia.

Dumating ang kumpirmasyon sa grupo mula sa United Dance Organisation (UDO) na sila ay kwalipikado para makalahok sa nasabing kompetisyon kasunod ng dance video na isinumite nila.

Ang UDO ay ang "world's largest international street dance organisation, and fastest growing street, hip hop and commercial dance brand globally," ayon sa kanilang official website.

Humihingi ngayon ng tulong ang grupo para matupad ang kanilang pangarap na katawanin ang Aklan at ang Pilipinas sa nasabing internasyonal na kompetisyon

Una nang naibalita na ang mga grupong Velocity X at ang X-Unit Dance Crew mula sa Aklan ay kwalipikado rin na lumahok sa parehong kompetisyon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo.

ANTI-SMOKING ORDINANCE SA BAYAN NG MALINAO MAHIGPIT NA IPAPATUPAD

Mahigpit nang ipapatupad sa Malinao ang lokal na ordenansa na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Kaugnay rito isang Anti-Smoking Enforcers ang binuo ng lokal na pamahalaan para ipatupad ang municipal ordinance 2016-06.

Nagsimula nang mag-ikot ang mga enforcers kasama ang mga municipal health staff at kapulisan para magsagawa ng public awareness.

Nagdikit na ng mga signages ang grupo sa mga tindahan at mga sasakyan kaugnay sa ipinatutupad na batas.
Layunin ng pamahalaang lokal na maging isang smoke-free municipality ang Malinao.

Ang mga mahuhuling lumabag sa anti-smoking ordinance ng munisipyo ay posibleng pagmultahin ng mula Php500-Php2,500.

Nag-aalok naman ang munisipyo ng smoking cessation program sa mga taong gusto nang huminto sa paninigarilyo. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

AKLANON SEAMAN NAWAWALA HABANG NASA BARKO MULA CHINA PATUNGONG PILIPINAS

Humihingi ngayon ng tulong at panalangin ang pamilya ng isang seaman na Kalibonhon, Aklanon matapos itong mawala simula pa noong Agosto 3.

Ayon sa facebook post ng kanyang asawa na si Princess Lavina, ang kanyang asawa ay nawala habang sakay sa barko mula China patungong Pilipinas.

Sinabi pa niya na huling nakita ng kanyang mga katrabaho si Paul JQ Repiedad dakong 6:30pm. Nagsagawa rin umano ng search and rescue habang onboard pero hindi na umano siya nakita.

Ayon sa babae, magkikita pa umano sana sila ng kanyang asawa pagdating nya sa Pilipinas.

"Mahal oh? Paul JQ Repiedad ansaya mo pa jan, kasi sabi mo byahe kayo Pilipinas at magkikita tayo, gagawa tayo ng munting ikaw at ako... Pero nasan na ikaw mahal?" emosyonal na sabi niya.

Sa kabila nito, umaasa parin ang babae na mahahanap siya. "Please be safe kung saan man ikaw ngayon... mahal na mahal at miss na miss ka namin... we trust the Lord to find you mahal."

Panalangin niya sa Panginoon na gawing birthday gift sa kanya ang makita ang nawawala niyang asawa. | EFM Kalibo

Monday, August 06, 2018

9-ANYOS NA BATA PATAY NANG MABUNDOL NG AMBULANSIYA SA BAYAN NG IBAJAY

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 9-anyos na batang lalaki matapos mabundol ng ambulansiya sa Brgy. Poblacion, Ibajay ngayong hapon ng Sabado.

Kinilala ang biktima na si Kenneth Delos Santos y Abayon, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PO1 Denmark Tiel, imbestigador, nanghuhuli umano ng isda sa kanal ang biktima nang mahulog ang ambulansiya roon sa kinaroroonan niya.

Pinaandar umano ng driver na si John Bautista y Mombay, 67, residente ng parehong barangay, ang ambulansiya nang bigla itong tumakbo. Paniwala ng iba ay nag-"wild" ito.

Nasa labas umano siya ng paandarin niya ito sa motorpool. Nagsasagawa umano siya ng maintenance nang maganap ang aksidente. Paniwala ng driver nakaneutral ito nang paandarin niya.

Tinataya ng imbestigador na nakatakbo ng nasa 30 metros ang nasabing sasakyan bago tuluyang mahulog sa kanal sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang bata dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Nasa pangangalaga na ngayon ng kapulisan ang suspek at habang hinihintay pa ang desisyon ng pamilya kung magsasampa ng kaso kontra sa driver. | EFM Kalibo

KAP. FELICIANO UMUPO NA SA PWESTO BILANG EX-OFFICIO MEMBER NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

UMUPO NA sa kanyang pwesto ngayong araw ng Lunes si Punong Barangay Acoi Feleciano bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan.

Mainit siyang binati ng iba pang miyembro sa unang regular session niya sa Sanggunian.

Sa kanyang mensahe nanindigan si Feleciano sa kanyang layunin na patatagin ang mga programa kontra iligal na droga sa mga barangay.

Si Feleciano ay nahalal bilang presidente ng Liga ng mga Barangay sa Aklan. Siya ang punong barangay ng Arcanghel Sur, Balete.

Siya ang humalili sa pwesto ni Interim Liga ng mga Barangay president Anthony Nabor na umupo bilang ex-officio member ng SP.

Sa isang pormal na seremonya nagpaabot naman ng pasasalamat si Nabor sa mga nakasama niya sa Sanggunian sa maiksing panahon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

TULAK NG DROGA ARESTADO SA BORACAY

Arestado ang lalaking ito sa Isla ng Boracay na itinuturing na isang malaking drug personality at no. 3 most wanted person ng Iloilo City Police Station 1.

Kinilala ang akusado na si Rommel Milliam Quidato, 29 anyos, tubong Brgy Veterans Village, Iloilo City.

Si Quidato ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa section 5 at 12 ng article II ng Republic Act 9165 na inilabas ng Regional Trial Court sa Iloilo City.

Walang itinakdang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Siya ay itinuturing na high value target level 1 sa listahan ng mga drug personality sa Iloilo City.

Nabatid na ang akusado ay nahaharap rin aa kasong homicide na inilabas ng RTC sa Iloilo City.

Siya ay naaresto ng mga kapulisan sa Sitio Tulubhan, Brgy Manocmanoc kung saan siya nagboboard.

Nabatid na nasa isang taon na siya sa Boracay at nagtratrabaho umano bilang isang tatoo artist.

Pansamantala siyang ikinulong sa Boracay PNP Substation. | EFM Kalibo

Sunday, August 05, 2018

NANAY NAGREKLAMO SA PAGKAMATAY NG KANYANG SANGGOL SA PROVINCIAL HOSPITAL

"Kung pinakinggan lang sana nila ako na hindi ko na kaya baka nabuhay pa ang anak ko."

Naghihinagpis ang nanay na ito matapos mamatay ang kanyang sanggol sa Aklan Provincial Hospital.

Nitong nakalipas na araw ay magtungo raw sila sa Hospital dahil sumasakit na ang tiyan nito at manganak na raw siya.

Dumating raw sila ng 7:00 ng umaga at ipinasok siya sa delivery room bandang alas 7:30 ng umaga. Nanatili siya doon hanggang alas 10:00 at nagsabi na hindi niya na kaya na mag normal delivery.

Pero sinabihan raw siya na kayanin lang at sinabihan raw siya na iiri lang ng husto. Umabot raw ng alas dos ng hapon at di na talaga niya kaya. Nagsabi na raw ang doktor na mahina na ang heart beat ng bata kaya kilangan na na-i-CS ito.

Pagkatapos ng operasyon namatay raw ang bata.

Ito na sana ang ikalawang anak nila na babae. Naghihinagpis ang nanay sa nangyari. Ayon sa kanya kung naniwala lang sana agad raw ang mga doktor sa kanya na i-CS siya buhay anya ang kanilang anak. | Archie Hilario, EFM Kalibo