Showing posts with label Niel Candelario. Show all posts
Showing posts with label Niel Candelario. Show all posts

Friday, December 21, 2018

Revetment wall sa Kalibo pinapaganda sa pamamagitan ng mural painting

PINAPAGANDA NGAYON ng Barangay Council ng Poblacion, Kalibo sa tulong ng iba-ibang organisasyon ang revetment wall sa Laserna St. sa pamamagitan ng mural painting.

Araw ng Biyernes ay sinimulan na ng Hope Foundation Int'l ang pagpinta sa revetment wall partikular sa nabanggit na lugar partikular sa Purok 2.

Mula pa sa iba-ibang bansa ang mga nagboluntaryo para gawin ang naturang proyekto. Magtatagal umano ng dalawang araw bago nila matapos ang pagpipinta.

Makikita sa mga mural painting na ang tema ay pangangalaga sa kabataan.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo sinabi ni Poblacion Punong Barangay Niel Candelario na magbibigay ito ng inspirasyon sa mga bata sa nasabing lugar.

Nanawagan naman ang punong barangay sa mga tao sa lugar na huwag itong dumihan ang mural painting para mapanatili itong maganda.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, September 26, 2018

MGA MENOR DE EDAD NIRESCUE SA KANILANG "HIDE-OUT" SA KALIBO

NIRESCUE NG ng mga otoridad ang mga menor de edad na nagtatago umano sa isang bahay kubo sa Purok 2 C. Laserna, Brgy. Poblacion, Kalibo umaga ng Miyerkules.

Tatlong lalaki at dalawang babae na pawang mga menor de edad ang naabutan ng Pulis Kalibo, social worker ng munisipyo at mga opisyal ng barangay sa itnuturing nilang hide out.

Una rito, nakatanggap ng petisyon ang Sangguniang Barangay ng Poblacion na ipagiba ang bahay kaugnay ng reklamo sa mga menor de edad na nag-iingay.

Ayon kay Punong Barangay Niel Candelario, umiinom umano ang menor at doon narin natutulog sa nasabing kubo. Ilan rin umano sa mga ito ang sangkot sa mga kaso ng nakawan sa bayang ito.

Wala na umanong nakatira sa bahay na ito na pagmamay-ari ni alyas Tatang.

Ginawa nang tuluyan ng mga menor de edad ang kubo kapag naglalayas sa kanilang sariling bahay. Galing umano sila sa iba-ibang barangay sa Kalibo.

Dalawa pang menor de edad - lalaki at babae ang naiulat sa Barangay na naglayas at hindi naabutan doon sa lugar.

Pinasasara at pinababatanyan na ng barangay sa mga tanod ang nasabing bahay para hindi na muling matirhan ng mga menor.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Women and Children and Protection Desk ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Kalibo ang mga nasabing bata para sa kaukulang disposisyon.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo