ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Bilang pagpapakita ng simpatiya at pagmamahal sa yumaong presidente ng Northwestern Visayan Colleges na si Dr. Allen S. Quimpo, nakatakdang magsagawa ng ilang mga aktibidad ang mga estudyante, faculty and staff ng paaralan.
Sa inilabas na memorandum sa pamamagitan ni NVC Vice President for Academic Affairs Dr. Reinalda Magdaluyo, magkakaroon sila ng misa sa NVC RSQ quadrangle dakong alas-8:00 ng umaga bukas, araw ng Sabado. Susundan ito ng maiksing necrological service na pangungunahan ng Supreme Student Council.
Samantala, banda alas-5:30 ng hapon sa parehong araw ay nakatakdang dumating ang labi ni Dr. Quimpo sa Kalibo International Airport na sasalubungin naman ng mga empleyado ng eskuwelahan. Dadalhin sa kanilang heritage house sa Pastrana St., Poblacion, Kalibo sa pamamagitan ng motorcade at doon siya ibuburol.
Sa Lunes ay magsasagawa rin ng misa sa kanilang heritage house na pangangasiwaan ng College of Criminal Justice Education.
Nakatakda siyang ilibing sa Disyembre 20.
Si Dr. Quimpo, ay pumanaw sa edad na 71 anyos sa isang hospital sa Manila habang ginagamot sa stage 4 pancreatic cancer. Si Quimpo ay naglingkod bilang kongresista ng Aklan at alkalde ng Kalibo.
Friday, December 16, 2016
MGA EMPLEYADO NG AKLAN PROV. GOV’T MAKAKATANGGAP NG PHP10K BONUS
Tatanggap ng tig-Php10,000 bonus ang mga empleyado ng Aklan Provincial Capitol ngayong Christmas season.
Sa isang panayam, sinabi ni gobernador na Florencio Miraflores ay isang paraan ng pasasalamat sa lahat ng mga empleyado na matiyaga sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Samantala, tatanggap naman ng tig-Php3,000 ang mga casual employees ng pamahalaang lokal.
Nagpaabot naman siya ng pasasalamat sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan sa pag-aapruba ng kaukulang legislation para sa mga bonus at sa the Provincial Treasurer's Office sa paghahanap ng budget para rito.
Dagdag pa ng gobernador na karapat-dapat naman umano ang mga emleyado para dito dahilan para makuha ng lalawigan ang Seal of Good Local Governance na iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ngayong taon.
Umaasa siya na sa susunod na taon ay matatanggap parin ng pamahalaang lokal ang parehong parangal o pagkilala mula sa DILG.

PANLILIMOS SA ISLA NG BORACAY IPINAGBABAWAL NA
photo (c) Boracay Stories
Ipagbabawal na ngayon ang panlilimos sa bantog na Isla ng Boracay sa Malay, Aklan.
Sa isang panayam kay Malay social welfare officer Gemma Santerva, sinabi niya na ang pangangalimos sa isla ay “eye sore” sa mga turista dito.
Ang Malay Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO)ay nakikipagtulungan na sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang ipatupad ang no-begging policy sa isla.
Hinikayat naman ni Santerva ang mga turista na magreport agad sa Boracay PNP kapag nakaengkwentro sila ng mga nanlilimos sa isla. Humiling rin ito sa mga turista na daragsa ngayong kapaskuhan na huwag pagbigyan ang mga nanghihingi ng limos sa tabing-baybayin ng Boracay.
Nabatid na ang mga Ati at Badiao ay naging sentro ng mga reklamo sa isla dahil sa panlilimos at panghihingi ng mga pagkain sa mga turista, mga commuters at mga establisyemento. Maliban dito ay nirereklamo rin ang kanilang paglalasing at pagtulog sa mga kalsada o lansangan.

ABO NG NAMAYAPANG SI ATTY. QUIMPO, IUUWI SA AKLAN SA SABADO
Sumailalim na sa cremation ang labi ng namayapang si Atty. Allen Salas Quimpo kahapon ng hapon.
Matapos ang cremation ay inilagak sa Christ the King Parish sa Quezon City ang mga abo ng namayapang dating kongresista ng Aklan at mananatili dito hanggang bukas, Disyembre 16.
Nakatakda namang iuwi dito sa Kalibo, Aklan ang mga abo ni Atty. Quimpo sa Disymebre 17, araw ng Sabado.
Matatandaang binawian ng buhay ang dating kongresista kahapon, Disyembre 14, bandang alas-2:00 ng madaling araw habang nasa isang ospital sa Metro Manila sa edad na 71-anyos dahil sa pancreatic cancer.
Naulila nito ang kanyang asawa, limang anak, mga apo at mga kapatid.
Si Atty. Quimpo ay dating naglingkod bilang presidente ng Northwestern Visayan Colleges (NVC) at nagsulong upang mabuo ang Aklan State University.
Siya rin ay naging alkalde ng Kalibo noong 1990 at naging kongresista noong 1992 hanggang 2001, at isa sa mga nagtatag ng political party na TIBYOG Aklan.
Nagsilbi din ito bilang dating chairman ng Kalibo Save the Mangrove Association (KASAMA).

KALIBO TATANGGAP NG PHP785K MULA SA DOH
ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Nakatakdang tanggapin ng munisipyo ng Kalibo mula sa Department of Health (DOH) ang pondong Php785,046.06 upang ibili ng mga medical equipment sa Rural Health Unit (RHU) at mga Barangay Health Station (BHS).
Kaugnay rito nagpadala ng indorsement letter si mayor William Lachica sa Sangguniang Bayan upang pahintulutan siyang pumasok sa isang Memorandum of Agreement sa DOH na kakatawanin ni regional office VI director Marlyn Convocar.
Ang pondong ito ay kaugnay ng General Appropriation Act of 2015 for the Department of Health, sailim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP).
ORDENANSA UKOL SA MGA GLASS BOTTLED-DRINKS, IPAPATUPAD NA SA KALIBO ATI-ATIHAN
ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
photo (c) Energy FM file photo
Aprubado na kahapon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo ang ordenansa na nagbabawal sa pagbibit ng mga glass bottled-drinks sa sanglinggong pagdiriwang ng Kalibo Ati-atihan Festival tuwing Enero.
Sinabi ni SB Daisy Briones na confiscation at pagbabawal lamang ang mangyayari sa unang taon ng pagpapatupad nito sa 2017. Samantalang nilinaw niya na sa mga susunod na taon ay mapipilitan na ang pulisya na magpataw ng mga kaukulang penalidad kabilang na ang pagbayad ng hindi tataas sa Php1000.
Ayon naman kay SB Philip Kimpo, ipapatupad lamang anya ito sa loob ng itinakdang festival zone. Sinabi niya na positibo naman ang reaksiyon ng mga negosyante at iba pang sektor ukol rito sa isinagawa nilang committee at public hearing noong Lunes.
Matatandaan na ayon sa report ng Kalibo police station, karamihan sa mga aksidente at insidenteng naganap sa mga nakalipas na pagdiriwang ng Ati-atihan ay dulot o kinasasangkutan ng mga glass bottled-drinks.
Subscribe to:
Posts (Atom)