Friday, February 22, 2019
Lalaki arestado matapos nakawan ang kapwa estudyante; nahulihan pa ng patalim
NAHAHARAP NGAYON sa kasong theft at kasong paglabag sa Comelec Gun Ban ang isang lalaki matapos magnakaw sa bayan ng Libacao at mahulihan pa ng patalim.
Kinilala ang suspek na si Jhandelle Adoc y Zonio, 18-anyos, residente ng Brgy. Poblacion at Grade 8 student sa Guadalupe National High School.
Habang kinilala naman ang biktima na si Christine Nacuray y Telesporo, 18, residente ng Brgy. Ortega at Grade 12 student sa Ortega Integrated School.
Batay sa ulat ng Libacao PNP ninakawan ng suspek ang biktima habang nagbabantay sa loob ng isang computer shop sa Brgy. Poblacion bilang on the job trainee.
Dinukutan umano ng suspek ang biktima sa kanyang bag at nakuha ang kanyang pera. Nakita naman ito ng ilan sa loob ng computer-an. Agad nagsumbong sa kapulisan ang biktima.
Sa pagresponde ay naabutan ng kapulisan ang suspek sa lugar at inaresto ng kapulisan. Nasabat sa kanya ang Php820 at isang patalim.
Matapos maaresto kahapon, araw ng Huwebes, ay agad ding isinailalim sa inquest proceeding ang suspek para sampahan ng kaukulang kaso.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Thursday, February 21, 2019
Batang may sakit sa puso nailigtas matapos makulong sa sasakyan sa Kalibo
NAILIGTAS SA kapahamakan ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos aksidente itong ma-lock-an sa loob ng sasakyan sa Kalibo kaninang umaga.
Kuwento ng ina ng bata, pinapakain umano niya ang anak nang may kinuha ito sa comparment at nang isara na niya ang pinto ng comparment ay atomatiko rin naglock ang lahat ng pinto ng sasakyan dahil naka-joint lock umano ito.
Nataranta ang ina dahil nasa loob ang susi ng sasakyan at nakaandar ito. Humingi ng tulong ang ina sa mga tao sa lugar at ipinarating nila ang insidente sa Kalibo PNP na agad namang rumesponde sa lugar.
Sinubukan ng kapulisan na pukpukin ng martilyo ang pinto sa kaliwang bahagi ng sasakyan sa driver seat banda pero nahirapan silang masira ito. Pinangambahan rin na baka matalsikan ng bubog ang bata.
Hanggang naisipan ng kapulisan na gamitan na ng drilling machine ang salamin ng pinto para madali itong mabasag. Nagkataon na may nagkokonstrukyon sa malapit roon na may ganoong gamit.
Sinira ang salamin ng pinto sa driver seat para mabuksan ang sasakyan at makalabas ang bata. Mangingiyak na nagyakapan ang mag-ina matapos mabuksan ang sasakyan.
Pinangambahan ng ina na kung ano ang mangyari sa bata lalo at may sakit ito sa puso. Aniya umabot rin ng halos kalahating oras bago nabuksan ang sasakyan.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Kalibo PNP Chief sa mga establishment, magbigay agad ng kuha ng CCTV
NANAWAGAN NGAYON ang Kalibo PNP sa mga may-ari o namamahala ng mga establishment sa bayang ito na magbigay agad ng kopya ng CCTV sa kapulisan kapag may krimen sa loob o malapit sa kanila.
Ayon kay PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, may mga karanasan na naaabala ang agarang paglutas ng kaso dahil may ilang kompaniya umano rito ang humihingi pa muna ng permiso sa kanilang mga head office sa Maynila bago makapaglabas ng kuha ng CCTV.
Ngayong araw ng Huwebes ay ipinatawag ng hepe sa police station ang mga may-ari o namamahala ng ilang establishment sa bayang ito para sa isang pagpupulong kaugnay sa nasabing usapin.
Hiningi ni Supt. Mepania ang pagsang-ayon ng mga ito sa panukalang magkaroon ng isang Memorandum of Agreement ang mga kapulisan sa mga establishment na maglabas agad ng kuha ng CCTV para makatulong sa imbestigasyon nila.
Sang-ayon naman ang mga ito sa nasabing panukala. Ayon sa hepe, binabalangkas na ang laman ng MOA na aniya posibleng sa susunod na linggo ay lalagdaaan na nila ito.
Inilahad ng hepe na sang-ayon sa section 12 at 13 ng Kalibo Ordinance no. 2017-024, kapag may insidente na naganap sa loob o malapit sa establishment ay kailangang makipag-ugnayan agad ang mga may-ari o namamahala sa kapulisan para makapaglabas ng kuha ng CCTV.
Nagbabala rin ang opisyal na ang hindi susunod rito ay posibleng maharap sa kaukulang parusa na itinatakda ng parehong lokal na ordinansa.
Binigyang diin ng hepe na malaking tulong sa kanilang imbestigasyon sa paglutas ng ilang krimen ang mga kuha ng CCTV gaya nalang pag-aresto sa mga magnanakaw.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
FEATURE: Nanay at atletang anak hinahangaan sa kanilang nakaka-touch na kwento
photos Maila Villorente |
Sa isang facebook post ibinahagi ni Ms. Maila Villorente, sattelite physical therapist at incharge sa Stimulation Therapeutic Activity Center (STAC) sa bayan ng Malinao ang aniya ay hindi makasariling pagmamahal ni Nanay Helen Regino sa anak niyang si Chaira na mayroong kapansanan dahil wala itong normal na mga paa.
Si Chaira ay nag-uwi ng tatlong gintong medalya sa paralytic competition ng Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet sa larangan ng swimming. Nakuha niya ang mga gintong medalya sa breast style, sa freestyle, at sa back stroke.
Emosyonal pa na ibinahagi ni Ms. Villorente ang kanyang obserbasyon kung paano binubuhat ng kanyang ina at kinakalong simula pa ng maliit si Chaira para lamang makarating sa eskwelahan. Ngayon ay Grade 11 na ang anak.
Umiyak umano si Ms. Villorente nang siya ay yakapin ng ina sa lubos na pasasalamat nito sa tagumpay na narating ng anak. Pinasalamatan naman niya sa parehong post ang mga taong tumulong para sa training at para makarating si Chaira sa WVRAA sa Roxas City.
Ikinuwento rin niya ang pagsuporta ng kanyang ama at kapatid para manalo sa kompetisyon si Chaira. Si Chaira ay pasok na sa Palarong Pambansa.
Humanga siya sa mag-asawa sa pagpapalaki sa kanilang anak. “Nakaka bilib kun paano nyo gin pabahoe si Chaira bilang isaea ka mabuot ag may determinasyong pagka unga.Sa pagta-o nimo imo daywa ka siki para maka abot kun siin maw mag paadto hay pinaka mabahoe na parte ana pag daog,” pagbabahagi niya.
Ang post ay umani ng paghanga at pagpapaabot ng congratulations sa mag-ina at maging sa therapist na nag-alaga rin kay Chaira. Kami sa Energy FM Kalibo ay saludo sa inyong lahat!
66% Filipinos say illegal drug users in their area decreased: SWS Survey
Energy FM photo |
By area, the proportion of people who said that there are less drug addicts in their area compared to last year was highest in Mindanao at 83 percent, compared to the 6% who said that the number increased, and 4 percent who said it remained the same.
In Visayas, 71 percent said it decreased, 11 percent said it increased, and 6 percent said it remained the same. In Metro Manila, 67 percent said it decreased, 22 percent said it increased, and 8 percent said it remained the same.
Finally, in Luzon, 54 percent said it decreased, 18 percent said it increased, and 8 percent said it remained the same./ Aklan PNP PIO
Wednesday, February 20, 2019
Kaso ng tigdas sa Aklan umabot na sa 35 ayon sa Provincial Health Office
UMABOT NA sa 35 ang kaso ng tigdas ang naitala ng Epidemiological and Surveillance Reporting Unit ng Provincial Health Office (PHO) sa taong ito as of February 20.
Batay pa sa ulat ng PHO, sa kasong ito ay 43 porsyento ang walang makitang rekord ng bakuna at 34 porsyento ang napag-alamang hindi nabakunahan.
Karamihan umano sa mga pasyente ay edad limang taon pababa. Kaugnay rito hinihikayat ng mga otoridad sa mga magulang na pabukanahan ang kanilang mga anak.
Nabatid na bumisita sa Aklan ang mga tauhan ng Department of Health Immunization Program para magbigay ng kaukulang tulong para masugpo ang pagdami ng tigdas aa probinsiya.
Samantala, sa buong Western Visayas umabot na sa 566 kaso na ang naitala as of February 19. Mababatid na kabilang ang rehiyon na may outbreak ng ganitong virus sa buong bansa.
Ang impiksiyon ng tipdas ay maaaring magsresulta sa malalang komplekasyon gaya ng pneumonia, dehydration, pagkabulag, impiksyon sa tinga, encephalitis at posible pang ikamatay.##
Tuesday, February 19, 2019
Sigaeot it mga pamilya Katimpo ag Idala sa Libacao ginhusay it alkalde
LIBACAO, AKLAN-Isaeang ka hinun-anon ro ginpatigayon ni Mayor Charito I. Navarosa sa Opisina it Sangguniang Bayan sa tunga it pamilya Katimpo ag Idala nga taga Barangay Oyang Libacao, Aklan.
Nag-umpisa ro sigaeot o indi pagkaeasugot it daywang ka pamilya pagkatapos nga ro pamilya Idala hay nagreklamo bangud nga ginapugngan sanda it pamilya Katimpo nga padayon nga umahon ro eugta nga suno kanda hay andang pinanubli sa andang ginikanan.
Ginahambae ni Bonifacio Idala, Jr. nga imaw hay may eanas nga mga saysenta gantas ag mga daywang pasong nga taeamnan it eanot (abaca) sa nasambit nga propyedad ag daya suno kana hay pinanubli na man sa anang ginikanan, ugaling eamang hay owa imaw it ikapakita nga deklarasyon o titulo it eugta.
Ginpakita man ni Larry Katimpo ro deklarasyon it eugta may Numero 05-020-0139 sa ngaean ni Ogda Katimpo nga anang lolo, ag suno kana hay nakasakop sa eugta nga gina uma ni Bonifacio Idala, Jr.
Sa nasambit nga hinun-anon, naghilisugot ro daywang ka pamilya sa gin-hueong ni Kapitan Guillermo O. Colas, Jr., IP Mandatory Representative nga adtunan nana sa Huwebes, Pebrero 21 kaibahan sanday Kapitan Aurelio Idala ag Tribal Leader Arnie Dolinog ro nasambit nga lugar agud usisaon ro mga dueunan it eugta agud masayran kun nakasueud gidman sa rayang lote ro gintamnan ag ginkultibar it pamilya Idala.
Mientras owa pa it resulta, naghilisugot ro daywang ka partido nga padayunon ro normal nga pagsinaeayo, ag matapos ro pag-usisa hay mapatawag uman it hinun-anon kanda.
Ro hinun-anon hay gintambungan man it Libacao Police ag mga kapamilya ko Idala ag Katimpo./ Rey Orbista, SB Secretary
8 out of 10 first born in Aklan are illegitimate
pbs.org |
Of the total eldest children, 3, 475 or 78 percent are illegitimate, while 1, 003 or 22 percent are legitimate.
The highest number of illegitimate first born was recorded in Kalibo with 2, 041, followed by Ibajay with 319, and Malay with 266.
Illegitimate children are those who were conceived and born to parents out of wedlock.
Meanwhile, most of the first born registered last year were males with 51% (or 2, 290), while females comprise 49% or (2,188).
Majority of the eldest were born when the mother was at the age of 20 years old with 8% (or 438) and to father at the age of 22 years old with 7% (or 327).
Eldest children were mostly born at the hospital with 74% (or 3,336), while those at home accounts for 24% (or 1, 090).
Physician was the most popular attendant at birth by first born with 69% (or 3,082), followed by hilot with 22% (or 971), midwife with 6% (or 338), and nurse with less than one percent (or 23).
According to PSA these data were derived from the certificate of live birth submitted by local civil registry offices every end of the month. / PSA-Aklan
Lalaking nanghipo, nahulihan ng baril sinampahan na ng kaso
NAHAHARAP NGAYON sa mga kaukulang kaso ang isang lalaki na inaresto sa Ibajay dahil sa umano'y nanghipo at nahulihan pa ng baril.
Si Jay Tilos, 48-anyos, tubong Tigbauan, Iloilo at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Balusbos, Malay ay nahaharap sa mga kasong Act of Lasciviousness at paglabag sa Comelec Gun Ban.
Inireklamo siya ng 20-anyos na babae na umano'y nanghipo sa kanya sa pribadong bahagi ng katawan habang nasa loob sila ng isang pampasaherong van patungong Caticlan.
Nakuhanan rin siya ng isang .45 caliber pistol na baril at mga bala. Nagpakilala siyang asset ng Philippine Army.
Naganap ang insidente araw ng Lunes at ngayong araw ng Martes ay sinampahan siya ng mga kaso sa pamamagitan ng inquest proceeding. Php36,000 ang pyansa sa bawat kaso.
Nakakulong na ngayon sa Aklan Rehabilitation Center ang lalaki para sa kaukulang disposisyon.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Lalaki arestado sa Ibajay matapos manghimas ng dalaga, mahulihan ng baril
ARESTADO ANG isang lalaki sa bayan ng Ibajay makaraang manghimas ng dalaga at mahulihan ng baril kahapon sa Brgy. Aquino.
Kinilala ang suspek na si Jay Tilos, 48-anyos, tubong Tigbauan, Iloilo at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Balusbos, Malay. Aniya operatiba siya ng Philippine Army
Batay sa salaysay ng 20-anyos na babae sa kapulisan, nakatulog ito sa van na mula Kalibo patungong Caticlan nang maramdaman nito na may nanghihimas sa sa pribadong bahagi ng kanyang katawan.
Sumigaw umano ang biktima dahilan para mabulubog ang suspek. Mabilis na tumalon ang suspek mula sa sasakyan sa Brgy. Aquino, Ibajay.
Nahuli ng mga tanod ng barangay ang suspek at sa pagrikisa sa kanya ay nakitaan ito ng isang 45 pistol ng baril. Wala itong maipakitang dokumento.
Posibleng maharao sa kasong paglabag sa Comelec gun ban ang suspek.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Monday, February 18, 2019
Bangkay na natagpuan sa Masbate hindi taga-Buruanga, Aklan
photo c. Masbate Star News |
NILINAW NG Philippine Coast Guard Aklan na hindi ito ang nawawalang mangingisda sa Buruanga, Aklan na natagpuan sa karagatang sakop ng Masbate.
Mababatid na simula Sabado ng gabi ay hindi na nakauwi si Panfilo Tandog ng Brgy. Katipunan, Buruanga sa kanilang bahay matapos mangisda sa karagatan.
Ayon kay PTO1st Class Pat Joenard Belarmino, Buruanga Coast Guard Chief, may natanggap silang ulat na may natagpuang bangkay sa dagat sa Masbate.
Ipinakita ng Coast Guard ang larawan ng bangkay sa pamilya pero ayon sa kanila hindi ito si Panfilo.
Ang bangkay na nakita Sabado ng umaga ay kinilala kalaunan na si Romeo Adiaton y Vicario alyas Tamala, 68-anyos, residente ng Pilar, San Antonio, Northern Samar.
Si Adiaton ay napabalitang nawawala simula pa Pebrero 10 makaraang umalis sakay ang maliit na bangka.
Natagpuan nalang ito Pebrero 16 na pugot na ang ulo sa baybaying dagat sakop ng Brgy. Marintoc, sa Mobo, Masbate.
Patuloy parin ang monitoring at paghahanap ng Coast Guard sa nawawalang mangingisda.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Mangingisda sa bayan ng Buruanga nawawala sa karagatan
photo c. PCG Buruanga |
[Exclusive] ISANG MANGINGISDA ang pinaniniwalaang nawawala sa karagatang sakop ng bayan ng Buruanga simula pa araw ng Linggo.
Kinilala ang nasabing lalaki na si Panfilo Tandog, 52-anyos, residente ng Brgy. Katipunan, Buruanga.
Batay sa kanyang kapatid na si Jose Tandog umalis umano si Panfilo dakong alas-6:00 ng gabi araw ng Sabado sakay ng kanyang bangka para umano mangisda.
Nagtaka ang kanyang pamilya na lumipas na ang gabi ay hindi parin ito nakakauwi ng kanilang bahay.
Kinabukasan ay natagpuan nalang ng ibang mangingisda ang kanyang bangka sa gitna ng karagatan malapit sa baybayin ng Brgy. Katipunan, Buruanga nakataob na at wala nang tao.
Simula kahapon ay nag-search and rescue operation ang mga tauhan ng MDRRMO, Bantay Dagat at Philippine Coast Guard sa mga karagatang sakop ng Buruanga at Boracay subalit hindi parin ito natatagpuan.
Batay sa pamilya, nakasuot ng itim na jacket ang mangingisda, nakapantalon, maputi at may taas na 5'7".##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Subscribe to:
Posts (Atom)