INAPRUBAHAN NA ng Sangguniang Panlalawigan araw ng Biyernes ang resolusyon na nagsasailalim sa State of Calamity ng anim na bayan sa Aklan.
Matatandaan na nagpasa ng resolusyon ang System Management Committee (SMC) na binubuo ng Federation of IrrigatorsAssociation. Inc. at ng mga pamahalaang lokal.
Bagaman ang nasa resolusyon nila ay isasailalim sa State of Calamity ang mga bayan ng New Washington, Banga, Kalibo, Makato at Lezo ay dinagdag ng Sanggunian ang Numancia.
Ayon kay Committee on Agriculture Chairperson Soviet Dela Cruz nasa 17 hektarya rin umano ng sakahan sa Numancia ang apektado sa pagsasara ng irigasyon.
Ang resolusyong ito ay inindorso ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.
Ayon sa SMC nakakaranas na umano ng bahagyang El Niño at hindi pa umano nakakatanim ng palay ang mga magsasaka dahil sa kawalan ng suplay ng tubig.
Hindi pa rin umano nila natatanggap ang mga binhi na ipinangakong tulong ng gobyerno na gagamitin umano pamalit sa mga binhi na nangangailangan ng patubig.
Kapag nalagdaan na ng gobernador maaari nang gamitin ng probinsiya ang 20 porsyento ng calamity fund at 30 porsyento ng quick response funds.
Gagamitin ang mga pondo para mapagaan ang epekto ng pagsara ng irigasyon lalo na sa mga magsasaka.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment