Friday, April 12, 2019

Tigayon Hill may viewing deck, binocular na


Mas pang mai-enjoy ngayon ng mga indibidwal, mag-anak, at magkakaibigan ang pagbisita sa Tigayon Hill sa Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan dahil sa bagong viewing deck at binocular nito.

Ang viewing deck sa tuktok at ang tourist information center ay binuksan sa publiko noong Marso 14.

Ang binocular ay coin operated para makita nang malapitan ang mga tanawin. Maglalagay ka lamang ng bagong limang piso para magamit ang binocular sa loob ng tatlong minuto.

Bukas ang Tigayon Hill alas-6:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.

Ang entrance fee para sa mga residente ng Kalibo, mga estudyante, senior citizens, person with disabilities ay Php30.00 habang Php50.00 naman para sa mga turista at ibang Aklanon.

Libre naman ang mga bata siyete anyos pababa at mga residente ng Brgy. Tigayon. Base ito sa Municipal Ordinance No. 2016-002.



Magandang lugar ang Tigayon Hill sa gustong magnilay-nilay lalo na sa panahon ng Kuwarisma o Semana Santa. Mayroon itong Stations of the Cross at may chapel sa tuktok kung saan pwede kang magdasal.

Mayroon din itong mini-museum kung saan makikita ang mga labi ng tao, hayop at mga sinaunang kagamitan na nahukay o natagpuan sa lugar.

May ilang kuweba rin ang Tigayon Hill.

Paalala naman ng Municpal Tourism Office sa mga bibisita na ipinagbabawal ang vandalism sa lugar, pagdadala  ng mga nakalalasing na inumin, at kalaswaan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Pasyente, bantay tinakawan it 2 ka cellphone sa Provincial Hospital


TINAKAWAN IT daywa ka cellphone ro sangka pasyente ag bantay it iba pang pasyente sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital.

Ginkilaea ro mga tinakawan nga sanday Kimberly Ordas, pasyente, ag Alex Valencia, bantay it pasyente.

Suno kay Kimberly, naka-charge kuno ro daywa nga cellphone sa idaeom it anang folding bed sa hall way it medicare ward kabii.

Habugtaw kuno imaw kaina it agahon tag mapa-uhan na ag pati man ro anang mama ag papa nga naduea eon ro mga nasambit nga cellphone.

Ginaimbestigahan eon it mga guwardiya it hospital ro nasambit nga insidente pati man ku Kalibo PNP.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, April 10, 2019

UPDATE: Motorsiklo nabundol ng bus sa Tangalan, isa patay; dalawa malubha

photo: MDRRMO Kalibo
PATAY ANG isang 15-anyos na lalaki makaraang mabundol ng bus ang menamanehong motorsiklo sa Brgy. Tagas, Tangalan Martes ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Clyde TaƱoan, residente ng Brgy. Afga sa nasabing bayan.

Malubha naman ang lagay ng kanyang mga angkas na sina Alexandra Valencia, 15, at Kimberly Ordas, 17, pawang mga taga-Brgy. Tagas at parehong nagtamo ng sugat sa ulo.

Hawak naman ngayon ng Tangalan PNP ang driver ng Philtranco bus na si Romulo Nale, 55, residente ng Rodriguez Rizal.

Ayon sa paunang pagsisiyasat ng Tangalan PNP, biglang lumiko ang motorsiklo para damputin sana ng driver ang nahulog niyang sombrero dahilan para mabundol ng kasunod na bus.

Mabilis na isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital ang tatlo pero ilang oras lang ang lumipas ay binawian rin ng buhay ang driver ng motor.

Hinihintay pa ng kapulisan ang magiging desisyon ng pamilya ng mga biktima kung magsasampa ng kaukulang kaso laban sa driver ng bus.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Tuesday, April 09, 2019

ALAMIN: Araw ng Kagitingan


Ang Araw ng Kagitingan o kilala rin bilang Araw ng Bataan o Araw ng Bataan at Corregidor, ay isang pagtalima sa Pilipinas kung saan ginugunita ang pagbagsak ng Bataan noong ika-9 ng Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nang bukang-liwayway ng ika-9 ng Abril taong 1942, taliwas sa utos nina Heneral Douglas MacArthur at Jonathan Wainwright, ay isinuko ni Komandante Heneral Edward P. King, Jr., pinuno ng puwersa ng Luzon sa Bataan, ang mahigit 76,000 nagugutom at nagkakasakit na mga sundalo (67,000 Pilipino, 1,000 Pilipinong Intsik, at 11,796 Amerikano), sa tropang Hapones.

Sinamsam ang mga pag-aari ng karamihan sa mga bilanggo ng digmaan bago sapilitang pinagmartsa sa 140 kilometro (90 milya) na tinawag na Martsa ng Kamatayan sa Bataan patungo sa Kampo ng O'Donnell sa Capas, Tarlac. Libo-libo ang namatay sa martsa dahil sa pagkauhaw, matinding init, mga tinamong sugat at pagpatay ng mga Hapon sa mga mahihina na habang naglalakad at pilit na isiniksik sa isang tren patungo sa kulungan.

Ang ibang pinalad na maisakay sa mga trak patungo sa San Fernando, Pampanga ay kinailangan ding maglakad ng karagdagang 25 na milya. Walang awang pinapalo ang mga bilanggo at kadalasan ay hindi binibigyan ng inumin at pagkain. Ang mga naiiwan ay pinapatay o iniiwan na lamang hanggang mamatay.

Ang 54,000 ng 76,000 lamang ng mga bilanggo ang nakaabot sa kanilang patutunguhan; mahirap tukuyin ang tiyak na bilang ng mga namatay sapagkat maraming mga nahuli ang nakatakas mula sa mga bantay na mga Hapon. Tinatayang may 5,000–10,000 Pilipino at 600–650 Amerikanong bilanggo ng digmaan ang namatay bago pa nila marating ang Kampo ng O'Donnell. / Wikipedia