photo by Darwin Tapayan/ Energy FM Kalibo. File photo |
Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III sa isang press conference na ginanap sa Isla ng Boracay Huwebes ng hapon.
Ayon kay Densing, kabilang sa ad hoc committee ang pamahalaang lokal ng Malay, labor department, Department of Justice, Department of Trade and Industry, Bureau of Immigration.
Isa umano sa dapat tingnan sa imbestigasyon ay ang mga kaukulang permit at mga lisensiya ng mga nasabing establisyemento. Aniya, “secondary in nature” lamang ang mga Chinese character na nakikita sa labas ng mga establishment na ito.
Aalamin din umano ng committee kung ang mga nagtratrabaho rito ay mga Pilipino. Pero kung may pinagtratrabaho umano silang mga foreigner ay dapat sumusunod ito sa mga batas ng bansa.
Saka palang umano magpapataw ng aksiyon ang gobyerno kapag may mga nakita silang lumalabag sa batas.
Pahayag pa niya dapat ay may kaakibat na English translation palagi ang mga Chinese characters sa mga establishment at dapat aniya ay para sa general public ang kanilang mga establishment lalo kapag restaurant.
Mababatid na ilang mga netizen at mga residente ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa kanilang naobserbahan na umano'y pagsulputan ng mga Chinese establishment sa Isla matapos itong ipasara.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo