Showing posts with label Aklanon Pride. Show all posts
Showing posts with label Aklanon Pride. Show all posts

Monday, December 24, 2018

Nakakaantig na kuwento ng viral tricycle driver na nag-ala-Santa Claus, alamin

Energy FM Kalibo photo

BINISITA NG Energy FM Kalibo sa Bliss Site, Kalibo ang nagviral na tricycle driver na nag-ala Santa Claus at nag-aalok ng libreng sakay para makilala at alamin ang kanyang kuwento.

Masaya niya kaming sinalubong at pinaunlakan ang aming panayam. Nakilala namin siya na si Andrie Diestro, residente ng nasabing lugar at tatay ng tatlo.

Napag-alaman namin na dati pala siyang seaman pero naaksidente sa pinagtratrabahuhan niyang barko kung saan nabaliaan siya ng kanang kamay.

Matapos ang 31 taon bilang seaman hindi na siya muli pang nakabalik sa trabaho dahil sa kanyang kapansanan bagay na ikinatuwa niya para makasama niya ang kaniyang pamilya.

Ito na umano ang pangalawang Pasko na makakasama niya ang kaniyang pamilya matapos hindi na nakabalik bilang seaman. Katunayan tuwing Pasko aniya ay mayroon silang Christmas Paty na magpapamilya kung saan siya nagsa-Santa costume.

Napanaginipan umano niya si Sant Claus madaling araw ng Christmas eve. Ito ang nag-inspire sa kanya na magsuot ng costume na Santa kahit hindi pa umano Christmas Party. Naisip umano niyang magbigay saya sa ibang tao kaya siya namasada na nakacostume at nag-alok ng libreng sakay.

Nagsimula siyang mamasada alas-4:00 palang ng madaling araw hanggang alas-12:00 na ng tanghali. Natutuwa siya na marami siyang napasaya at na-inspire. Katunayan hindi nga umano niya iniisip na ipopost siya sa social media at magviral ito.

First time umano niya itong ginawa. Nagulat nga ang ilang miyembro ng pamilya sa kanyang ginawa pero natutuwa umano sila at ipinagmamalaki siya. Katunayan likas daw talaga kay Kasimanwang Andrie ang mapagbigay. Aniya pa nga "Christmas is giving".

Mensahe niya ngayong pasko na gabayan tayo ng Diyos at magkaroon tayo ng masaganang Bagong Taon. Ipagkatiwala umano natin ang ating buhay sa Diyos.

Mabuhay ka Kasimanwang Andrie.##

Friday, December 21, 2018

Aklanon kinoronahan bilang Miss China-ASEAN Etiquette 2018


KINORONAHAN BILANG Miss China-Asean Etiquette 2018 si Esraphelle B. Tambong na kumatawan sa Pilipinas. Si Ms. Tambong ay tubong Kalibo, Aklan.

First runner up si Zhao Wenyi ng China habang second runner-up si Moukthida Souphanthachith ng Laos.

Si Ms. Tambong ay nag-aral sa Aklan Catholic College. Nag-aral din siya ng Bachelor of Arts, Political Science major in Paralegal Studies sa University of Makati.

Kinorohan siyang Ms. Model of the World 2017- Philippines.



Kasama niyang kumatawan sa bansa sa nasabing international pageants si Amira Alisha Qamhawe na pinarangalan bilang Miss Elegance.

Ginanap ang pageant sa Bangkok, Thailand nitong Disyembre 20. Ito na ang ika-14 taon ng internasyonal pageant.

"The pageant creates closer tide and learning good etiquette between China and Asian Country, it associate with China-ASEAN Expo held in Nanning annually!"##

Monday, December 10, 2018

Touching speech of first ever ASU alumnus to top in fisheries licensure exam


The following is a speech dilevered by Jonniel Saltoc Leyson of Brgy. Bubog, Numancia after he was awarded by the Sangguniang Panlalawigan of Aklan a resolution of commendation.

Mr. Leyson was placed among the top ten in the October 2018 Fisheries Technologies Licensure Examination given by the Professional Regulations Commission on October 24 and 25. According to an SP Resolution of Commendation, he was the first ever Aklanon fisheries graduate of Aklan State University to land among the top ten placers among the passers in the said examination since 2003.

To the provincial government of Aklan, headed by Hon. Reynaldo Quimpo,  to the Sangguniang Panlalawigan Members of Aklan Both in Western and Eastern District, Guests, parents, ladies and gentlemen, good afternoon.

I am very grateful to the Sannguniang Panlalawigan of Aklan for holding a commendation ceremony for me. But before anything else, allow me give you a short overview of the story of my success.

It all started with a curiosity that pushed me enter this profession. Honestly, my dream original dream before is to become a lawyer, but my family cannot afford to send me to a Law school. Since, I came from a Fisheries secondary high school, my mentors told me before that this track will provide opportunities for me in the future - and they were right.

FISHERIES! A college degree program offered by several state universities and colleges in the Philippines, which most people are unfamiliar and are not interested. However, despite of being nescient from this degree, I still took up the courage to enroll. Upon entering this profession, banters and discriminators still asked questions like; “siin man kamo pagkatapos nyo una? Sa baybay?” or “so mga mangingisda malang gali kamo dayon”. As well as, people says “Why Fisheries?” So what! We Fisheries students’ deals with science and science are very difficult to deal with. These statements may sound cliché but honestly, it left us being discriminated from our chosen field of professionalism. However, these statements became an inspiration to us to pursue and enlighten them that this profession plays a vital role to everyone.

Being a fisheries graduate and professional, comes a great responsibility to our nation. People may knock us down, but we play a vital role to the country.“Mangingisda malang?”  Excuse me? We feed you! We don’t literally but fisheries do -with us! Today, as the Fisheries sector of our country is suffering from the crisis of sustainability it is our duty as a fisheries graduate to create solution to supply sufficient food in the plates of many Filipinos. Recent researches say that in 2050, wild catch will no longer prevail and aquaculture will be the backbone for the supply of Fish in the market. This is just one of the problems in the industry that we are indeed needed to impart effective solutions with. That’s how important US the Fisheries Professionals and Graduates in the country.

On the other hand, I am very happy that I have taken up this field as well as I am grateful to the people behind this success. First and foremost, to our Almighty Father, for giving me wisdom, strength, courage and determination as well as for allowing me to enjoy this grace. To my parents, who have exerted so much effort in sending us to school and providing our needs especially in the financial aspects and for never stop believing that I can do this despite of the trials that I have encountered in filing for the Board Examination. To my Friends, who cheered me up every time I doubt myself; for all of the memories that we have during our review days. To my mentors who never fails to share their knowledge and expertise to us. To Aim To Top Aklan and to Dr. Reynaldo Paler and his Team, for trusting me that I can slay this board exam easy. To the Sangguniang Panlalawigan members of the province of Aklan, for giving me recognition and for commending my achievement as one of the Board Exam Topnotchers for Fisheries Technologist. To everyone who in one way or another helped me, Thank you so much! You guys are all amazing!

Thank you so much everyone and once again Good afternoon!

Sunday, December 09, 2018

Magkakapatid na Aklanon nag-uwi ng gintong medalya sa kanilang mga imbensiyon

Nag-uwi ng gintong medalya ang magkakapatid na mga Aklanon sa katatapos lang na Kaohsiung International Invention and Design Expo 2018 sa International Convention Center Kaohsiung, Taiwan.

Sila ang magkakapatid na sina Marian Regina, 15-anyos at Grade 10, at Macaila Ricci Taran, 14-anyos at Grade 9, na nag-aaral sa Manila Science High School.

Kinatawan nila ang Pilipinas sa international event na ito ng World Invention Intellectual Property Associations (WIIPA) at ng Taiwan Invention Products Promotion Association (TIPPA) mula Disyembre 7 hanggang 9.

Si Marian Regina B. Taran ay may invention/research title Na Betacyanin in Dragonfruit Peels Extract as Tracking Dye for Gel Electrophoresis.

Habang si Macaila Ricci ay may research paper/invention na The Anthocyanin in Butterfly Ternatea Flower Tea as an Indicator in Acid-Base Titration.

Nabatid na ang event na ito ay nilahukan ng 20 mga bansa na may 363 na mga imbensyon sa buong mundo.

Ang magkakapatid ay anak nina Richard Misplacido Taran at Atty. Marites Barrios Taran na mga taga-bayan ng Lezo at Malinao sa Aklan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Saturday, November 24, 2018

Aklanon sa Dubai nagsauli ng mahigit Php350,000 na naiwan ng kostumer sa pinagtratrabuhang coffee shop

[Update] ISANG AKLANON sa Dubai ang nagpamalas ng katapatan nang magsauli ito ng bag na naiwan ng isang Armanian National sa pinagtratrabuhang  coffee shop laman ang mahigit Php350,000.

Si Ralph Gregor Mopia ay tubong Ibao, Lezo at nasa apat na taon nang nagtratrabaho abroad. Baresta siya ngayon sa Caribou Coffee sa nasabing bansa.

Kasalukuyan siyang nasa trabaho nang mapansin niya ang bag na naiwan sa outside dining area ng coffee shop. Kinuha niya ito at ibinigay sa kanilang manager saka binuksan.

Kalaunan ay tumawag umano ang may-ari at nagtanong kung nandoon sa kanilang shop ang kaniyang bag. Binalikan ito kalaunan ng may-ari na si Artur Hayrapetyan na regular na pala nilang kostumer.

Laman ng bag ang 24,500 Dirham o pera ng UAE o katumabas ng nasa 357,500 Pesos. Kasama rin sa bag ang cellphone at passport ng may-ari  kaya gayon nalang ang kanyang pasasalamat sa Aklanon.

Dahil sa katapatan na ipinamalas niya sa trabaho ay binigyan siya ng reward ng kanyang kompanya.

"Bisan pobre basta may intigridad para ikapabugae ako sang asawa ag mga unga," mensahe niya sa isang chat conversation sa Energy FM Kalibo. "Eabi gid do mga taga-Ibao, Lezo ag ang mga pamilya una, taga-Aklan ag bilog nga Pilipino."

Nabatid na ang kanyang misis na si Cristina ay nagtratrabaho rin sa Dubai sa ibang coffee shop. Ang mag-asawa ay may dalawang anak na nag-aaral sa Kalibo Pilot Elementary School at sa Aklan Catholic College.

Si Kasimanwang Ralph ay dati nang nagtrabaho noon bilang nursing attendant sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital saka naging lineman sa Aklan Electric Cooperative.

"Proud Aklanon da. Nagapasalamat gid ako sa mga Aklanon nga proud gid kakon," dagdag pa niya.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo

Wednesday, November 21, 2018

Aklanons get 2018 Aliw Awards nomination

Aklanon performers/groups make it to the final nomination list for six different categories of the prestigious 2018 Aliw Awards.

They are as follows:
Aklan Performing Arts Network (Kalibo, Aklan) - Best Cultural Theatre Group Category
Artisano Dance Troupe (Malinao, Aklan) - Best Cultural Dance Group Category
Lourd Mikhael Menez - Best DJ for Electronic Dance Music Category
Bud'eak Adlao (Aklan Performing Arts Network) - ASU CFMS) - Best New Concept Production Category
Andrian Arca (Bud'eak Adlao / APAN / ASU-CFMS) - Best Performer in a New Concept Production Category
Peter Macrohon (Bud'eak Adlao / APAN / ASU-CFMS) - Best Director for New Concept Production Category

The Aklan Performing Arts Network won the Awit Awards for Best Cultural Group in 2017. Peter Macrohon, the founder of Aklan Performing Arts Network is a two time Aliw Awardee for Best Director in New Concept Production.

Aliw Awards by the Aliw Awards Foundation, Inc. was established by the renowned Philippine journalist Alice H. Reyes, to recognize achievements in the live entertainment industry in the Philippines. Founded in 1976 in Manila, it is the pioneer in giving awards for excellence in theatre, opera, dance, live vocal and instrumental shows.

The star studded Awards Night will be held on December 13, 2018 at the Manila Hotel.##

- Ro Akeanon FB

Thursday, September 20, 2018

AKLANON BUS DRIVER PINARANGALAN NG LTFRB DAHIL SA PAGSAULI NG PHP200K CASH SA ISANG KOREANO

PINARANGALAN NG Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) 7 ang Aklanon tourist bus driver na si Ricardo Ratay dahil sa kanyang katapan.

Matatandaan na unang naibalita sa Energy FM Kalibo na ang 44-anyos na driver na taga-Kinalangay Viejo, Malinao ay nagsauli ng nasa Php200,000 na pera ng Koreano niyang pasahero.

Setyembre 3 nang makita ni Ratay ang wallet ng dayuhan sa kanyang menamanehong coaster. Ang foriegner ay nagbabakasyon sa Bohol kasama ang asawa kung saan nangyari ang insidente.

Agad na inireport ni Ratay ang insidente sa kanyang supervisor na si Daniel Pastrana para makontak ang foriegner bagay na naibalik sa may-ari na si Mark Dae Hyun ang nasabing wallet.

Bilang pasasalamat binigyan ng dayuhan ng Php1,000 ang coaster driver na pansamantalang inilipat ng Southwest sa Bohol mula sa Aklan dahil sa pagsasara ng Isla ng Boracay.

Nitong Lunes iginawad ni LTFRB 7 Director Eduardo Montealto Jr ang certificate of commendation sa Aklanon driver bilang pagkilala sa kanyang katapatan.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Saturday, August 25, 2018

TRICYCLE DRIVER NAGSAULI NG PITAKA NG KANYANG PASAHERO LAMAN ANG PHP24K

ISANG TAPAT na Aklanon, tricycle driver ang nagsauli ng pitaka na pinaniniwalaang naiwan ng isa niyang pasahero laman ang nasa Php24,000 halaga ng pera.

Kinilala ang driver na si Rexes Zapico Villorente, 30-anyos, tubong Brgy. Sibalew, Libacao at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Andagao, Kalibo.

Maliban sa malaking halaga ng pera, laman din ng wallet ang mga ATM cards, mga ID, at iba pang mahahalagang mga dokumento.

Nabatid na ang wallet ay pagmamay-ari ni Mary Jane Asma, 32, residente ng Brgy. Tugas, Makato at guro sa Tibyawan Elementary School sa parehong bayan.

Ayon sa driver, isang pasahero ang nakakita ng nasabing wallet at ipinaalam sa kanya.

Agad siyang nagtungo sa police station ng Kalibo para isurender ang wallet ilang sandali lamang matapos nagpablotter din ang may-ari.

Nabatid na nasa tatlong taon nang nagdidrive ng tricycle si Villorente. May asawa ito at isang maliit na anak.

"Basta bukon akon sir nga kinabudlayan hay ginabalik ko gid ron," aniya sa panayam ng Energy FM Kalibo.

Naibalik na sa guro ang pera at labis itong nagpapasalamat sa katapan ng driver. "Sana dumami pa yong mga honest driver na gaya nya," sabi niya sa Energy FM.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Friday, August 03, 2018

KABUTIHAN NG DALAWANG AKLANON KINILALA NG ISANG CAPIZEÑO; VIRAL SA SOCIAL MEDIA

Viral ang dalawang lalaking ito na pawang mga Aklanon sa social media matapos ikuwneto ng isang netizen na si Khem Osental na taga-Capiz ang kabutihang ipinamalas nila.

Basahin, mainspire mga Kasimanwa:


***

Kanina habang nakapila sa NBI hindi po ako pinayagan na makakuha ng NBI Clearance dahil naka shorts po ako at may dresscode sila bawal daw. So sa haba ng pila parang nawalan ako ng pag asa kasi wala naman akong dalang pants pero may mga tao talagang may magandang kalooban kung nakikita nyo po yung lalaking naka gray katabo ng naka white na lalaki sya po ang nag offer sakin na pahiramin ako ng pants di ko po akalain na mangyayari yun so ayun na nga nag hubad na si kuya na naka gray at pinahiram sakin ang pants nya tapos hawak2 nya pa ang phone at folder ko pagbalik ko si kuya na naka white naman binantayan yung upuan ko at nakangiting sabi nya sakin " upo kana". So tapos na ang lahat nakakuha na ako ng NBI clearance ko, tinanong ko sila " taga saan po kayo kuya?" Sagot naman nila "taga Kalibo Aklan po kami" sabay ngiti ulit. Kaya nagpasalamat ako sa kanila at sinuklian ko naman sila ng matamis na ngiti. Sobrang bait ng mga taong to, God bless po sa inyong dalawa.

Very thankful ako today sa dalawang gwapong lalaki na tumulong sakin☺️. Thank you po talaga mga kuya😘😍❤️. I Love you mga taga KALIBO AKLAN😘😍❤️👌👍

#Aklanonis❤️
#loved
#humane
#thankful
📷Rofa Roxas❤️❤️❤️

***

Umabot na ngayon sa 12K ang reactions sa fb post na ito, 2.7K comments at 3.5 shares at patuloy pa sa pagdami. Iba talaga ang ugaling Aklanon kahit saan makarating!

Tuesday, July 24, 2018

MOROCCAN NATIONAL NARESCUE NG MGA AKLANON AT ANTIQUENIO SA DAGAT MEDITERRANEAN

Pinakain, dinamitan at binigyan ng gamot ng isang Aklanon na nagtratrabaho sa barko ang isang Moroccan National na narescue nila sa dagat Mediterranean kagabi.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay Roderick Panaguiton, tubong Ibajay, Aklan, at isang chief cook sa barkong oil tanker, napansin niya ang Moroccan na humihingi ng tulong habang nakasampa sa kanyang jetski.

Aniya napansin nilang nanghihina na ang lalaki dahilan para tulungan nila ito kasama ang iba pang mga Aklanon na seaman at kapitan ng barko na si Eleony Samilo na aniya ay taga-Pandan, Antique at siyang unang nakapansin sa foriegner.

Ayon pa sa kanya posibleng napadpad sa naturang karagatan ang Moroccan dahil nawalan ng gasolina ang kanyang jetski.

Sa ngayon anya ay nasa maayos at ligtas na na kalagayan at nasa pangangalaga na ng mga otoridad sa Huelva Port sa Spain ang nasabing foriegner.

"Lahat po tayo ay mahal po natin ang ating buhay kaya ito na po ang pagkakataon nating makatulong," sabi niya. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Monday, July 23, 2018

DILG NAGBIGAY - PUGAY SA AKLANON FALLEN SA SOLDIER

Nagbigay-pugay ang mga tauhan ng Department of the Interior and Local Government Regional Office VI sa Fallen Warrior na si 2nd Lieutenant Junibert Z. Zonio sa kanilang pagbisita sa burol nito sa bayan ng Malinao.

Kasama ang Social Welfare and Development Office ng munisipyo, nag-abot rin sila ng tulong sa pamilya.

Si Zonio, isang Aklanon, ay napatay sa aksyon sa bakbakan kontra sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) noong Hulyo 4. Nakatakda ang kanyang libing sa Hulyo 28.

Wednesday, July 11, 2018

19-ANYOS NA AKLANON KANDIDATA SA MISS PHILIPPINES USA SA CALIFORNIA

Isa si Eimie Tafalla Tsumura, 19-anyos, at tubong Navitas, Numancia sa 32 kandidata sa Miss Philippines USA sa California.

Nakatira na siya ngayon sa San Diego, California kasama ang kanyang pamilya.

"I was born in [a private hospital in] Kalibo, Aklan, but I grew up travelling between Japan and the Philippines. I currently reside in Southeast San Diego, studying at Grossmont College where I plan to transfer to UC San Diego as an Environmental Chemistry major," kwento ng kandidata.

"I joined Miss Philippines USA in hopes of being a positive representative of Asian-Americans in U.S. media, while also being an advocate for environmental awareness and health."

Gaganapin ang coronation night sa July 22 sa Alex Theater Glendale California. Itinuturing na isang prestihiyosong Fil-Am beauty pageant ang Miss Philippines USA.

Nanawagan siya at ang kanyang pamilya na botohan siya sa pamamagitan ng pageantvote.co para sa Miss Philippines USA Popularity 2018. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Monday, June 25, 2018

AKLANON NAGTAPOS BILANG MAGNA CUM LAUDE SA UP-VISAYAS

Isang Aklanon ang nagtapos sa University of the Philippines o UP-Visayas bilang Magna Cum Laude.

Siya si Maynard Fuentes Vargas ng Brgy. Linabuan Norte, Kalibo. Nagtapos siya sa kilalang unibersidad sa kursong Bachelor of Science in Computer Science.

Ayon sa kanya hindi niya inaasahan na matamo niya ang nasabing karangalan. "Trust me, I am no better than anyone of my batchmates. Grades are not everything," sabi niya sa kanyang FB post.

"This is just to show the results for the people who helped me along the way. This is for the people who helped me grow intellectually, emotionally and spiritually," dagdag pa niya.

Nagpapasalamat siya sa kanyang mga magulang sa naabot niyang ito. "Not aiming for this but I'm honored... Para da kinyo ma and pa," sabi niya.

Si Vargas ay nagtapos na valedictorian sa Regional Science High School for Region VI at sa Linabuan Norte Elementary School.

Nabatid na si Maynard ay scholars ng Department of Science and Technology at lumaki sa hirap ng buhay.

Samantala, ayon sa UP-Akeanon nagtapos din sa parehong unibersidad ngayong taon ang 28 Aklanon. Walo sa mga ito ang Cum Laude. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Friday, June 22, 2018

AKLANON NA NAGTOP-8 SA NURSING BOARD EXAM IBINAHAGI ANG KWENTO NG KANYANG TAGUMPAY

Pananampalataya sa Diyos, pagbalanse sa oras at sipag sa pag-aaral. Ito ang mga dahilan ni Jason Escobar Baldimor kung bakit nag-top 8 siya sa katatapos lang na Nursing Board Exam.

Ang 22-anyos na topnotcher at proud Aklanon ay taga-Cerudo, Banga at graduate ng West Visayas State University.

Nagpre-school at elementarya siya sa Christ the King at nagsekondarya sa Regional Science High School lahat dito sa Kalibo.

Plano ni Baldimor na mag-aral ng medisina para maging doktor at maglingkod dito sa ating bansa lalu na anya sa malalayong lugar.

Bagaman hilig nya rin ang pagbabasketbol, natuto umano siyang ibalanse ang kanyang oras at pagtuonan ng pansin ang kanyang pag-aaral. Nagpapasalamat rin siya sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Mensahe nya sa mga nais magtagumpay kagaya niya "una, saligan gid naton ro Ginuo... ag mapinangamuyuon... sa kada adlaw... ag sundan gid it pag-obra it aton nga parte."

"Dapat open minded... appreciate do beauty it mga tawo nga gasuporta katon... Ag di mag-ubra it desisyon nga makasamad sa inyong feature."

Si Baldimor ay isa lamang sa Aklanon na nakapasok sa top 10 ng Nursing Board Exam. Ang isa pa ay si Lucil Daisy Estanislao Cerrada ng Tigayon, Kalibo na nagtop-6. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Wednesday, June 13, 2018

KAUNA-UNAHANG IBAJAYNON NA NAGTAPOS SA HARVARD UNIVERSITY

Siya si Brian Enerio Mangilog, ang kauna-unahang Ibajaynon na nagtapos sa Harvard University sa kursong BS NeuroBiology minor in Global Health and Health Policy.

Ang kanyang mga magulang ay tubong San Isidro at Ondoy Ibajay.

Tunay na maipagmamalaki ng mga Ibajaynon at mga Aklanon!

Monday, June 11, 2018

DALAWANG AKLANON NA NAGWAGI SA NATIONAL SCHOOLS PRESS CONFERENCE BINIGYAN NG KOMENDASYON NG SP-AKLAN

Binigyan ng komendasyon ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ang mga Aklanon na ito na nagbigay karangalan sa probinsiya. Sila sina Gian Paulo Sibolinao, 12-anyos, ng Man-up, Altavas at Jonell Gregorio nga taga Brgy. Ginictan, Altavas, coach.

Si Sibolinao ay nanalo ng 1st Place sa Editorial Writing English Elementary Level sa 2018 National Schools Press Conference (NSPC). Siya ay nagtapos sa Echelon Development School at nag-aaral na ngayon bilang Grade 7 sa Altavas National High School./ EFM Kalibo

Friday, June 08, 2018

AKLANON OFW PINARANGALAN BILANG “BAGONG BAYANI”

Isang Aklanon welder at glass aluminum technician sa Kuwait ang pinarangalan bilang “2018 Bagong Bayani” sa larangan ng community and social service sa labas ng bansa.

Siya si Dennis Nama Rata ng Libacao, Aklan, empleyado ng Design World Center Metal sa nabanggit na bansa.

Isa siya sa 12 lamang na mga Overseas Filipino Workers ang tumanggap ng nasabing parangal dahil sa kanyang “outstanding accomplishment, exemplary deeds and services”. Ginanap ang pagpaparangal Huwebes sa Philippine International Convention Center.

Inilarawan ng Bagong Bayani Foundation Inc. si Rata bilang “cooperative, honest, result-oriented and responsible” sa kanyang mga kasamahang OFW at trabaho sa loob ng apat na taon.

Si Rata ang naging daan sa layunin ng gobyerno na ma-irescue ang 30 household service workers sa Kuwait na may iba-ibang reklamo sa kanilang mga amo kagaya ng pagmamaltrato, hindi naswelduhan, detention, overwork, pangmomolestiya, pagkakasakit, at paglipat sa bagong employer.

Dahil sa kanyang malapit na ugnayan sa Embahada ng Pilipinas binigyan siya ng pagkilala sa kanyang mga naging kontribusyon bilang isang kilalang community leader ng mga OFWs doon.

Ipinaaabot ni Rata ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga Aklanon na sumuporta sa kanya at sa mga kasamahan niyang OFW. Iniaalay niya ang karangalang ito sa buong Aklanon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Wednesday, June 06, 2018

MGA PINAY SA HONGKONG KABILANG ANG DALAWANG AKLANON WAGI SA LARONG CRICKET

Wagi ang mga Pinay mula sa Visayas kabilang na ang dalawang Aklanon na pawang mga domestic helper sa katatapos lang na internasyonal na palaro sa larong cricket sa Hong Kong.

Sila ang DIVAS Cricket Philippines Team na pinangungunahan ni Josie Arimas, two times MVP mula Bacolod at dating player ng Palarong Pambansa.

Nakalaban nila ang Indian Team, Chinese Team at saka mixed race sa Hong Kong Development Cricket League na ginanap nito lang June 3 sa Po Kong Village Diamond Hill.

Sa eight games na laro, lahat panalo! Straight wins hanggang sa last game for championship. Ang coach nila ay sina Najeeb Amar at ang team manager naman ay si Animesh Kulkarni, mga Indian.

Ang team ay binubuo nina Jona Eguid (Bacolod), Cecil Calsas (Guimaras), Emelie Mabaquiao (Guimaras), Manelyn Dela Cruz (Panit-an, Capiz), Jennifer Alumbro (two times MVP mula Iloilo City), Cherry Octavio (Iloilo City), Ely Quimpo (Kalibo, Aklan) at Jackie Lou Torate (Makato, Aklan).

"Proud kami bilang aklanon kasi we gave honor sa country namin, although this kind of sport eh wala sa Pilipinas pero hindi kami nagpapahuli sa mga batikan na national players ng Hong Kong kasi mga beterano na po sila [kahit] kami palang [ay] kakaumpisa," pahayag ni Jackie Lou, isang Aklanon.

Ang cricket ay isang uri ng laro na ginagamitan ng bola at pamalo. Tanyag iton sa India, United Kingdom, Australia, New Zealand, at West Indies. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Friday, June 01, 2018

MGA MAHUHUSAY NA AKLANON KINILALA NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

May Adel Salman ginawaran ng komendasyon ng SP-Aklan
photo (c) SP-Aklan
Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan ang ilang Aklanon sa kanilang ipinamalas na kahusayan sa larangan ng isport at pageantry.

Nitong Lunes ginawaran ng komendasyon ng Sanggunian si May Adel Ahmad Salman ng New Washington sa pagbibigay karangalan nito sa probinsiya sa mga beauty pageant.

Kinatawan ni Salman ang Aklan sa Miss Earth Philippines noong 2017. Ang Fil-Arabian beauty ay sumikat rin sa mga lokal at mga regional pageant.

Sa parehong araw sa regular session ng Sanggunian, ilang komendasyon pa ang kanilang ipinasa para sa mga Aklanon na nagbigay karangalan sa probinsiya:

*Edwin Villanueva ng Malay na nag-uwi ng 2 golds at 1 bronze medal sa 6th Philippines National Para Games competition sa Marikina nitong Mayo;

*Claire Calizo ng Ibajay na nag-uwi ng 3 gold medals sa parehong kompetisyon;

*magkakapatid na Myka Sidney at Shaun Kiefer Lacanaria ng Kalibo na humakot ng mga medalya sa katatapos lang 25th International Taekwondo Festival sa California, USA; at

*mga coaches ng Aklan delegation sa Batang Pinoy - Visayas Games Nobyembre ng nakaraang taon.

Nakaugalian na ng 17th SP sa pangunguna ni Vice Governor Reynaldo Quimpo na bigyan ng komendasyon ang mga Aklanon na nagbibigay karangalan sa probinsiya. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Tuesday, March 06, 2018

AKLANON NAG-TOP 5 SA MECHANICAL ENGINEER, CPM BOARD EXAM

Top 5 sa February 2018 Mechanical Engineer (ME), Certified Plant Mechanic (CPM) board exams ang isang Aklanon.

Siya si Kim Patrick Gonzales ng Brgy. Tigayon Kalibo na nagtapos ng Mechanical Engeneering sa Garcia College of Technology.

Sa facebook post ni Engr. Gonzales, nagpaabot ito ng pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng kanyang tagumpay kabilang na ang kanyang pamilya.

Maging ang mga nagda-down sa kanya ay kanya ring pinasalamatan dahil nagsilbi umano itong determinasyon sa kanya.

"Sa mga gadown kang ag sang pamilya, gapasaeamat man gihapon ako nga mas pinabaskog nyo pa ang determinasyon," ayon sa kanyang FB post.

Pinasalamatan nya rin ang Panginoon na nasagot ang kanyang hiling sa kabila nang kawalang pag-asa niya.

"Thank you Lord dahil gintao mo gid ang ginapangayo bisan eaum ko hai wa eon pagasa," dagdag pa niya.

Nakatakda namang gawaran ng pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan ang matagumpay na Aklanon.

Congratulations mula sa Energy FM Kalibo at sa lahat ng mga Kasimanwang Aklanon!