newyearseveblog.com photo |
Nagpaalala ang Department of Tourism (DOT) Region 6 sa mga accredited establishment sa Isla ng Boracay na mahigpit na ipinagbabawal ang fireworks lalo na ngayong panahon ng Pasko at Bagong Taon.
Ito ang unang isinaad ng DOT 6 batay sa inilabas na advisory araw ng Huwebes, bisperas ng Pasko.
Isa ang fireworks display sa inaabangang atraksiyon sa Isla tuwing panahon ng Pasko at Bagong Taon kaya marami ang nanghihinayang sa pagbabagong ito.
May ilan naman na tanggap na ang patakarang ito ng Boracay Inter-Agency Task Force para mapangalagaan ang Isla.
Nagiging sanhi kasi umano ito ng pagkabulabog ng mga flying foxes o mga uri ng paniki na naninirahan sa Boracay.
Maliban rito pinaalala rin ng DOT 6 na ipinagabawal rin ang mahigpit ring ipinagbabawal ang paninigarilyo o pag-inom sa mga pampublikong lugar.
Bawal rin ang pagkakalat, iligal na droga, sobrang lakas na mga tugtog, mga iligal na istraktura sa loon ng 25+5 easement, commercial sandcastle, pet sa beach area, at fire dancing.
Umaasa ang kagawaran sa kooperasyon na bawat establisyementon sa Boracay. Sa pinakahuling ulat ng DOT mayroon nang 279 accredited establishment sa Isla.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment