Energy FM Kalibo photo |
Ito ang bansag ni dating board member Rodson Mayor sa ipinasang ordinansa ng Sanggunian para makautang ang gobyerno probinsiyal sa bangko.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo umaga ng Lunes sinabi ni Mayor na nagsabwatan umano ang Sanggunian at ang Development Bank of the Philippines para sa Php1 billion na loan facility.
Inakusahan rin ni Mayor ang Sanggunian na dinagdagan ang uutangin ng probinsiya mula sa orihinal na hinihingi ni Governor Florencio Miraflores na Php153 million lamang.
Sinabi niya na minadali nila ang pag-apruba rito para gamitin sa eleksyon. "Mayad ta kamo gautang hay sino gabayad? Ro pumueuyo nga nagabayad it taxes pambayad sa utang ngara nga ginagamit sa eleksyon."
Handa umano siya na sagutin ang anomang kaso na isasampa laban sa kanya kasunod ng kanyang mga akusasyon batay sa panayam sa kanya ni Kasimanwang Jodel Rentillo sa programang Prangkahan.
Nitong Disyembre 13 ay naghain ng petisyon ang dating opisyal sa Aklan Regional Trial Court upang ipawalang bisa ang naturang ordinansa na inaprubahan ng Sanggunian.
Sinubukan naming kunin ang reaksiyon ni Vice Governor Reynaldo Quimpo bilang regular presiding officer ng Sanggunian kaugnay sa petisyong ito kontra sa kanila pero tumanggi ito at sinabing premature pa na sagutin ito.
Napunta sa branch 4 ng korte ang pagdinig sa nasabing kaso na may Civil Case no. 10992.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment