INAPRUBAHAN NA ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan sa ikatlo at huling pagbasa ang ordenansa kauganay ng Php1 billion proposed loan ng gobyerno probinsiyal.
Pumabor ang lahat ng mga miyembro ng Sanggunian maliban lamang kina board member Atty. Harry Sucgang at Atty Noly Sodusta na negatibo ang mga boto kagaya ng mga unang pagbasa.
Ang nasabing Php1 billion proposed loan sa Developement Bank of the Philippines ay gagamitin umano sa iba-ibang proyekto ng probinsiya.
Kabilang sa mga proposed project na popondohan ay ang pagtatayo ng oxygen plant, pagbili ng medical waste decomposer, at pagsasaayos ng three-storey building ng Dr. Rafael S. Tumbolon Memorial Hospital sa halagang Php100 million.
Ang Php900 million ay mapupunta sa pagsaayos ng Caticlan Jetty Port, pagpapaganda ng Goding Ramos Park, pagpapatayo ng ICT Center sa bisinidad ng DRSTMH, pagtatayo ng night market sa Boracay, programang pang-agrikultura at pagbili at pagsasaayos ng ilang heavy equipment.
Nilinaw ni Vice Gov. Reynaldo Quimpo sa press conference pagkatapos aprubahan ang ordenansa na ang pagpondo sa bawat proyekto ay dadaan pa sa pag-apruba ng appropriation ordinance ng Sangguniang Panlalawigan.
Tiniyak naman ni Vice Gov. Quimpo na mataas ang kakayahan ng probinsiya na mababayaran ang uutangin ng gobyerno probinsiyal mula sa bangko.##
Image may contain: sky and outdoor
No comments:
Post a Comment