UMAPELA ANG Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival Inc. (Kasafi) sa mga kumakandidato na iwasan ang "pangangampanya" sa festival sa darating na Enero.
"Let's give the tarpaulin to Sto. Niño. We appeal until January 20... Let's honor him and give him respect," panawagan ni Kasafi Chairman Albert Meñez sa pulong balitaan araw ng Miyerkules.
Ang apelasyon ay kasunod nang hingin ng media ang kanyang reaksyon sa posibleng pagsamantala ng mga kandidato sa eleksyon sa Kalibo Ati-atihan festival.
"We are all educated, deboto ni Sto. Niño," sabi niya kaugnay sa mga kandidato na nais maglabas ng kanilang tarpaulin para sa pagbati kaugnay ng pagdiriwang.
Sinabi pa niya na hindi umano magiging kaaya-aya kung mukha ng politiko ang makikita katabi ng Sto. Niño sa mga ikinakabit na tarpaulin sa bayang ito.
Umaasa siya na ilalaan ng mga makikilahok sa pagdiriwang ang pagkakataong ito para ipakita ang debosyon sa Sto. Niño, patron ng Kalibo.
Samantala, sa parehong pagpupulong muling sinabi ni Meñez na mahihirapan na silang ibalik ang snake dance dahil sa masikip na ang plaza o kalsada sa panahon ng pagdiriwang ngayon kung ikukumpara noon.
Pinangangambahan rin niya na posibleng magamit ang "snake dance" sa panghihimas ng iba sa kalahok lalo at mahigpit umano ang batas ngayon kaugnay rito.
Sinabi rin niya na bagaman bahagi na ng tradisyon ng Kalibo Ati-atihan festival ang pagsasadula ng "Barter of Panay" napag-alaman umano kalaunan na isa lamang itong kathang-kuwento.
Ang Kasafi ay isang pribadong institusyon na namamahala sa taunang pagdiriwang ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan, tinaguriang "The Mother of All Philippine Festival."##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment