INARESTO NG kapulisan ang apat na lalaki sa Brgy. Jawili, Tangalan kahapon ng hapon matapos maaktuhang iligal na nagsasabong.
Kinilala ang mga suspek na sina Robert Tejada, Rodolfo Gregorio, Jonifer Inlocido y Tabas at Randy Gregorio, mga residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat ng Tangalan PNP, nasabat sa kanila ang tatlong buhay na panabong na manok at dalawang "tari".
Ang mga nasabing suspek ay pansamantalang ikinulong sa lock-up cell ng Tangalan PNP Station.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 dahil sa iligal na pagsusugal.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
Showing posts with label Tangalan Aklan. Show all posts
Showing posts with label Tangalan Aklan. Show all posts
Monday, July 08, 2019
Wednesday, April 10, 2019
UPDATE: Motorsiklo nabundol ng bus sa Tangalan, isa patay; dalawa malubha
![]() |
photo: MDRRMO Kalibo |
Nakilala ang nasawi na si Clyde TaƱoan, residente ng Brgy. Afga sa nasabing bayan.
Malubha naman ang lagay ng kanyang mga angkas na sina Alexandra Valencia, 15, at Kimberly Ordas, 17, pawang mga taga-Brgy. Tagas at parehong nagtamo ng sugat sa ulo.
Hawak naman ngayon ng Tangalan PNP ang driver ng Philtranco bus na si Romulo Nale, 55, residente ng Rodriguez Rizal.
Ayon sa paunang pagsisiyasat ng Tangalan PNP, biglang lumiko ang motorsiklo para damputin sana ng driver ang nahulog niyang sombrero dahilan para mabundol ng kasunod na bus.
Mabilis na isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital ang tatlo pero ilang oras lang ang lumipas ay binawian rin ng buhay ang driver ng motor.
Hinihintay pa ng kapulisan ang magiging desisyon ng pamilya ng mga biktima kung magsasampa ng kaukulang kaso laban sa driver ng bus.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Friday, March 15, 2019
Mangingisda sa Tangalan dalawang araw nang nawawala sa karagatan
PATULOY NGAYONG pinaghahanap ng pamilya at ng mga rescuers ang isang mangingisda sa bayan ng Tangalan na dalawang araw nang nawawala.
Kinilala sa ulat nga kapulisan ang biktima na si Jeno Panagsagan y Tapispisan, 26, residente ng Brgy. Afga sa nasabing bayan.
Batay sa ulat ng Tangalan PNP, umalis umano si Jeno ng bahay dakong alas-6:00 ng gabi noong Marso 13 para mangisda kasama si Aljun Trasmil na isang pipi.
Nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi ay umuwi na si Aljun sa kanilang bahay pero kinabukasan pa umano nagsumbong na nawawala ang kanyang kasama sa bangka.
Paniwala ng pamilya, posibleng inatake ng
sakit na epilepsy si Jeno at nahulog sa bangka. Posible rin umanong natakot ang kanyang kasama na tulungan ito dahil malakas ang alon.
Agad nagsagawa naman ng search and rescue operation ang mga tauhan ng MDRRMO Tangalan subalit nabigo silang matagpuan ang mingingisda.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Thursday, March 07, 2019
Tricycle ag motorsiklo nagbanggaan sa Tangalan; 3 ninahon
TATLO RO ninahon sa natabu nga banggaan it motorsiklo ag tricycle sa palikuon nga parte it national highway sa Brgy. Pudiot, Tangalan kahapon it hapon.
Ginkilaea ro driver it motorsiklo sa report it Tangalan PNP nga si Andre Flaviano, 36-anyos, samtang ro anang angkas hay si John Philip Icay, 31, parehong mga taga-Brgy. Poblacion, Libacao.
Samtang ro driver man t-a it tricycle hay si Julie Tabanero, 44, it Sitio Ilawod, Brgy. Tamalagon, Tangalan.
Nasayuran nga halin sa banwa it Ibajay ro motorsiklo ag pauli eon kunta it Libacao ro mga sakay tag pag-abot sa natabuan it aksidente hay gulpi sandang inagawan it linya it tricycle halin sa pihak nga direksyon.
Parehong natumba sa sementadong karsada ro tricycle ag ro motor. Ninahon ro mga eakot sa nasambit nga aksidente ag ginpandaea sa ospital sa Kalibo.
Nasayuran nga una sa impluwensiya it makahieilong nga ilimnon ro driver it tricycle suno sa sugid it kapulisan.
Nagapadayon pa ro imbestigasyon sa natabo.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Sunog nageuntad sa kabukiran sa banwa it Tangalan
NASUNOG RO kabukiran nga sakop it mga barangay Dumatad, Afga ag Tagas kahapon it hapon.
Suno sa report it Bureau of Fire Protection (BFP) - Tangalan, nag-umpisa ro sunog alas-12:00 pa it udto ro adlaw ag gindiklara nga fire-out mga 4:30 eon it hapon.
Suno kay Emelith Pascual, kagawad it Brgy. Dumatad, ginabana-bana 30 hektaryas gid ron gineamon it kaeayo.
Nagbueuligan ro mga bombero halin sa Kalibo BFP ag Ibajay BFP gamit ro tatlo ka mga firetrucks para mapaeong ro kaeayo. Nagbulig man ro kapulisan, mga tanod ag opisyal it barangay, MDRRMO, ag mga pumueoyo.
Nasayuran man nga temprano ginbuhian ro mga estudyante it Dumatad Elementary School maeapit eamang sa nasunog nga bukid.
Owa man it may naireport nga naninahan sa nasambit nga insidente. Samtang nagapadayon pa ro imbestigasyon it BFP-Tangalan sa nasambit nga insidente.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Friday, January 25, 2019
Abuse of Authority: Punong Barangay sa Tangalan sinuspende ng Sangguniang Bayan
SINUSPENDE NG Sangguniang Bayan ng Tangalan ang Punong Barangay ng Tondog na si Henry Cuanico dahil sa grave abuse of authority.
Reklamo ni Rodolfo Tala-oc tinanggihan umano ng punong barangay na mabigyan ng permit ang kanilang organisasyon na magsagawa ng benefit dance.
Nabatid na noong Nobyembre 18, 2018 naghain ng aplikasyon ang Guardian Philippines Brotherhood para sa naturang aktibidad.
Inireklamo ni Tala-oc ang punong barangay sa Ombudsman Visayas pero ibinalik rin sa Sanggunian ang pag-iimbestiga at desisyon.
Sa imbestigasyon ng Sangguniang Bayan Adhoc Committee pinaburan nila ang nagrereklamo at nagdesisyon na suspendehin ang punong barangay.
Dahil nasa election period ngayon, ang suspensiyon ng Punong Barangay ay ipapatupad sa Hunyo 13, 2019.
Samantala, una nang idinepensa ng Sangguniang Barangay na hindi umano nakipag-ugnayan ang grupo ni Tala-oc sa kanila kaugnay ng kanilang aktibidad.
Idinagdag pa nila na may mga kasayahan umano ang grupo at videoke na madaling araw nang natatapos. Nakakadisturbo ito umano sa mga kalapit nila.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Monday, December 17, 2018
Bata na nalunod sa beach sa Jawili natagpuan na
NATAGPUAN NA ang bangkay ng bata na nalunod araw ng Sabado sa Jawili beach, Tangalan.
Ang bangkay ng 9-anyos na si Manuel John Prado, residente ng Silakat Nonok, Lezo ay natagpuan dakong alas-2:00 ng madaling araw sa tabing baybayin ng naturang lugar.
Ayon sa ulat ng Tangalan PNP, isa umanong mangingisda ang unang nakakita sa bangkay ng bata.
Matatandaan na isa sa apat na nalunod noong Sabdo ang nasabing bata. Patay agad ang isang buntis habang dalawa naman ang naka-survive.
Kinilala ang namatay na si Alcel Ureta ng Brgy. Agcauilan, Lezo habang nailigtas naman ang 10-anyos niyang anak na si Aizy Ureta, 10 na confine sa ospital.
Nailigtas rin Mengela Prado, 19-anyos, ate ni Manuel John. Patuloy rin siyang ginagamot sa provincial hospital.
Nabatid na kasama sila sa Christmas party ng Day Care workers federation ng Lezo sa Jawili.
Naglalaro umano ang bata sa tabing baybayin ng abutin sila ng alon at tinangay. Agad naman tumulong ang ina at kapatid ng mga bata pero sila rin ay nalunod.
Ilang construction worker na nakasaksi sa insidente ang tumulong na sila ay mailigtas. Naiahon agad ang tatlo pero binawian agad ng buhay ang buntis.##
Ang bangkay ng 9-anyos na si Manuel John Prado, residente ng Silakat Nonok, Lezo ay natagpuan dakong alas-2:00 ng madaling araw sa tabing baybayin ng naturang lugar.
Ayon sa ulat ng Tangalan PNP, isa umanong mangingisda ang unang nakakita sa bangkay ng bata.
Matatandaan na isa sa apat na nalunod noong Sabdo ang nasabing bata. Patay agad ang isang buntis habang dalawa naman ang naka-survive.
Kinilala ang namatay na si Alcel Ureta ng Brgy. Agcauilan, Lezo habang nailigtas naman ang 10-anyos niyang anak na si Aizy Ureta, 10 na confine sa ospital.
Nailigtas rin Mengela Prado, 19-anyos, ate ni Manuel John. Patuloy rin siyang ginagamot sa provincial hospital.
Nabatid na kasama sila sa Christmas party ng Day Care workers federation ng Lezo sa Jawili.
Naglalaro umano ang bata sa tabing baybayin ng abutin sila ng alon at tinangay. Agad naman tumulong ang ina at kapatid ng mga bata pero sila rin ay nalunod.
Ilang construction worker na nakasaksi sa insidente ang tumulong na sila ay mailigtas. Naiahon agad ang tatlo pero binawian agad ng buhay ang buntis.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Friday, October 05, 2018
AKLANON BEAUTY WAGI BILANG MS. SCUBA PHILIPPINES 2018

Ang Coronation Night ay ginanap nitong October 3 sa Chaos Manila City of Dreams kung saan nagtagisan sa pagrampa at pagsagot ang anim na kandidata.
Si Ms. Uy-Tuazon na may lahing Tangalanon ay isang biological anthropologist at isang licensed diver.
Hindi maipagkakailang nasa puso ng ang pangangalaga at pagpapahalaga sa kalikasan.
Itataguyod niya ang "sustainable marine ecotourism preservation through coral rehabilitation and transplantation."
Kumandidata rin siya sa Miss Philippines Earth kung saan kinatawan niya ang bayan ng Tangalan.
Si Ms. Tuazon ang kakatawan sa bansa sa Miss Scuba International 2018 na gaganapin sa Kota Kinabalu Sabah, Malaysia sa darating na Nobyembre 2018.##
-Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
Saturday, September 01, 2018
MOTOR NABUNDOL NG VAN SA BAYAN NG TANGALAN, TATLO SUGATAN

Ayon sa Tangalan PNP, ang motorsiklo ay patungo sa bayan ng Makato. Menamaneho ito ni Gerald Sorca, 22-anyos, sakay sina Bernard,50, at Delma Macawili,48, mga residente ng Brgy. Agbalogo, Makato.

Parehong nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga sakay ng motorsiklo at agad isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.
Hindi naman nagtamo ng sugat ang driver ng van na nakilala na si Arnold Tabing, 52, ng Brgy. Bagto, Lezo.
Sinabi ng imbestigador na si SPO4 Manuel Estrada na sasagutin nalang ng driver ng van ang medikasyon ng mga biktima.##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
photo c. Allen Goboy
Monday, August 20, 2018
PARMASIYA SA TANGALAN PINASOK NG MAGNANAKAW; PHP20K TINANGAY NG MGA SUSPEK
![]() |
photo © Trip Suggest |
Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, dumaan ang mga suspek sa bubungan ng Grany's Pharmacy at sinira ang kesame na yari sa sawali.
Natangay umano ng di pa nakikilalang mga suspek ang nasa Php20,000 na halaga ng pera sa parmasiya.
Pinaniniwalaang dumaan palabas sa backdoor ng nasabing establisyemento.
Nadiskubre ng mga empleyado ang nasabing insidente Sabado ng umaga. Wala pang testigo sa insidente. Wala ring CCTV sa lugar.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari.##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Monday, August 13, 2018
LALAKI NA BUMUNOT NG BARIL SA ISANG SAYAWAN SA TANGALAN, ARESTADO

Kinilala ang suspek na si Victoriano Trance y Villanueva, 61-anyos, residente ng Brgy. Panayakan sa parehong bayan.
Nasabat naman ng otoridad mula sa kanyang pangangalaga ang isang 38 revolver na may lamang limang bala at 11 iba pa na nakalagay sa catridge holder.
Ayon sa report ng Tangalan PNP, may naganap umano na komosyon sa labas ng sayawan sa Brgy. Jawili covered court nang bumunot ito ng baril.
Ang suspek ay agad hinuli ng kapulisan na nakabantay sa lugar at pansamantalang ikinulong sa Tangalan PNP Station.
Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o "Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act." | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
Wednesday, June 27, 2018
MOTOR SUMALPOK SA ISA PANG MOTOR SA BAYAN NG TANGALAN, ISA PATAY

Kinilala ang biktima na si Arjay Masula Lorenzo, 22-anyos, residente ng Brgy. Tamalagon sa parehong bayan.
Ayon sa report ng Tangalan PNP sumalpok umano ang motorsiklo ng lalaki sa isang pang motorsiklo na menamaneho ng isang 15-anyos na menor de edad.
Naganap ang aksidenteng ito sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Poblacion malapit sa tulay. Dahil doon natumba ang parehong motor sa kalsada.
Isinugod naman agad sa ospital ang mga sangkot sa aksidente. Pero tanghali ngayong Miyerkules ay binawian rin ng buhay ang nasabing motordriver habang ginagamot sa provincial hospital.
Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang nasabing biktima at nabatid na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin nang maganap ang aksidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasabing pangyayari. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
Wednesday, April 04, 2018
MAS MASAYA AT MAKULAY NA "BUGNA IT TANGAEAN" PINAGHAHANDAAN NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN

Inaasahan na magiging masaya at makulay ang selebrasyon ng "Bugna it Tangaean" ngayong taon dahil sa mga bagong aktibidad.
Ayon kay Mayor Gary Fuentes, isa sa mga aabangan ay ang search for Mr. and Ms. Bugna it Tangaean na lalahukan ng mga kandidata mula sa 15 barangay.
Kaiba umano sa unang Mr. and Ms. Bugna na pinipili through popularity vote, ngayon ay may talent show at question and answer portion na bilang bahagi ng pageant o beauty search.
Sa Mayo rin ay may patimpalak ang pamahalaang lokal sa pagpili ng magiging opisyal na municipality hym.
Sa Mayo 15 at 16 ang highlight ng sanglinggong pagdiriwang kung saan matutunghayan ang float parade at street dancing ng mga kabarangayan.
Ipinagmalaki rin ni Mayor Fuentes na kinakatawan ngayon ni Ms. Noelle Fuentes ang bayan ng Tangalan sa Ms. Earth pageant na opisyal na magsisimula ngayon Abril 14.
Samantala, inaprubahan na ng kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang pagdideklara ng Hulyo 31 tuwing taon bilang 'Tangalan Day'.
Thursday, January 25, 2018
MGA DRIVER SA TANGALAN, AKLAN ISASAILALAIM SA RANDOM DRUG TESTING

Nitong Lunes ay pumasa sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ang municipal ordinance 2017-71 ng nabanggit na munisipalidad matapos itong dinggin ng komitiba.
Gayunman bago ito inaprubahan ng Sanggunian ay naging mainit muna ang diskusyon sa sesyon kaugnay rito.
Kinuwestiyon ni SP member Soviet Dela Cruz ang legalidad ng ipapatupad na ordenansa. Aniya, paglabag umano ito sa karapatang pantao ng mga drivers dahil sa biglaang drug testing.
Sang-ayon naman si SP Harry Sucgang sa punto ni Dela Cruz at sinabing labag sa saligang batas ang naturang ordenansa.
Nanindigan naman si SP Jay Tejada, mayroong ilalabas na implementing rules and regulations ang ehukutibo para masiguro na walang malalabag na karapatang pantao ang pagpapatupad ng ordenansa.
Sa ginawang botohan, pumabor ang anim na miyembro ng Sanggunian samantalang tatlo ang hindi pumabor sa ordenansa. Abstain naman si SP Lilian Tirol.
Thursday, January 18, 2018
DALAWANG KATAO NAILIGTAS MATAPOS TUMAOB ANG SINASAKYANG BANGKA
![]() |
not actual photo / photo (c) google |
Kinilala ang mga nailigtas na si Franklin Ledesma Jr, 28 anyos at kanyang father-in-law na si Bernardo Gonzales, pawang mga residente ng Manda-on, Masbate.
Napag-alaman na dakong alas-5:00 ng hapon kahapon ay tumaob na ang kanilang bangka matapos tangayin ng malakas na alon sa baybaying sakop ng Brgy. Camanci Norte, Numancia.
Madaling araw na ngayong araw, Enero 18, nang matagpuan at nailigtas ang dalawa sa baybayin malapit sa Brgy. Dumatad, Tangalan.
Unang nailigtas si Ledesma nang mapansin siya ng mangingisda na si Guloy Panagsagan na palangoy-langoy sa dagat.
Humingi naman ng tulong ang dalawa sa mga opisyal ng barangay at sa mga rescuer dahilan para mailigtas ang isa pang biktima.
Nabatid na sa Brgy. Dumatad din ang tungo ng dalawa. Galing umano sila sa Brgy. Dumaguit kung saan nila ibinaba ang iba pang miyembro ng pamilya galing Masbate.
Nasa mabuti nang kalagayan ang dalawa.
Saturday, October 21, 2017
BUNDOK SA TANGALAN DINAGSA SA ARAW NG PIYESTA


Matatanaw sa tuktok ng bundok ang ilog, mga kabundukan, palayan, mga kabahayan, at maging ang buong tanawin sa bayan ng Tangalan kabilang na ang dagat ng Jawili, Campo Verde ng Panayakan at Baluga Hill kalapit nito.

Tinawag ito ng mga taga-roon na "Tagaytay it Tagas".
Friday, October 13, 2017
27 ANYOS NA LALAKI PATAY NANG MABUNDOL NG VAN SA BAYAN NG TANGALAN
ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Kinilala ang biktima na si Alvin Nicolas y Tagumpay residente ng Brgy. Jawili sa parehong bayan.
Ayon sa report ng Tangalan PNP, tatawid sana ang biktima sa kahabaan ng national highway nang mabundol ito ng pampasaherong van galing sa Caticlan patungong Kalibo.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa kalsada ang biktima at nagtamo ng malubhang sugat sa katawan at ulo.
Agad na isinugod sa provincial hospital ang biktima pero binawian rin ito ng buhay kinaumagahan habang inoobserbahan sa surgical intensive care unit.
Pagkatapos ng insidente, agad namang sumuko s mga awtoridad ang driver ng van na si Crisanto Aguilar, residente ng bayan ng New Washington.
Pansamantalang ikinulong sa Tangalan municipal police station ang driver ng van para sa kaukulang disposisyon.
Thursday, August 17, 2017
TOP 5 MOST WANTED SA BAYAN NG TANGALAN ARESTADO MATAPOS ANG 15 TAONG PAGTATAGO

Kinilala ang akusado na si Ronald Narciso y Villareal, may asawa at residente ng brgy. Dumatad, Tangalan.
Ikinasa ng mga kapulisan ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court noon pang Marso 2002.
Ayon kay PO3 Antaran, imbestigador ng Tangalan PNP, naaresto nila ang akusado sa kanilang residensya matapos itong umuwi galing Manila kung saan siya naglagi ng ilang taon.
Php24,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Wednesday, August 16, 2017
SUSPEK SA PANANAKSAK SA VIVO, TANGALAN SUMUKO SA BAYAN NG MAKATO

Ang suspek ay napag-alamang isa palang menor de edad.
Matatandaan na agad tumakas ang menor de edad makaraang saksakin ang nakainoman nitong si Noli Trayco, 27 anyos na nagresulta ng agaran niyang kamatayan.
Ayon kay PO3 Antaran, imbestigador ng Tangalan PNP station, dakong alas-9:00 ng umaga kanina nang sumuko ang Children in Conflict with the Law o CICL kay punong barangay Richard Taladro.
Matapos dalhin ng opisyal ang 17-anyos na CICL sa Makato PNP station ay tinurn-over din ito sa Tangalan PNP.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare and Development Office ang menor de edad at hinihintay nalang ng pulisya ang discerment dito.
Sa kabila nito, hinahanda na ng imbestigador ang kasong murder na ihahain sa piskalya laban sa CICL.
Nabatid na ang menor de edad ay may pamilya sa brgy. Bagong Barrio kung saan siya nagtago matapos ang insidente.
Subscribe to:
Posts (Atom)