Friday, June 28, 2019

Kapulisan sa Western Visayas may bagong direktor at deputy director


KALIBO, AKLAN - Pormal nang umupo sa pwesto bilang bagong police director dito sa Western Visayas araw ng Huwebes si PBGen. Rene Pamuspusan.

Siya ang humalili sa nagretiro na si PBGen. John Bulalacao matapos ang mahigit isang taon niyang paglilingkod sa rehiyon.

Bago ang pagkatalaga sa Western Viasayas si Pamuspusan ay naging hepe ng Philippine National Police Headquarters Support Service.

Si Pamuspusan at si Bulalacao ay parehong kabilang sa Maringal Class 1988 ng Philippine Military Academy.

Epektibo rin nitong Hunyo 27, si PBGen. Jesus Cambay Jr., deputy director for administration ng Police Regional Office 6, ay itinalaga bilang bagong direktor ng PNP Support Service na binakante ni Pamuspusan.

Humalili sa kanyang pwesto ang PRO-6 deputy regional director for operations na si PCol. Remus Zacharias Canieso.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Prostitusyon sa Isla ng Boracay problema parin ayon sa Regional Social Welfare Office

file photo / Darwin Tapayan

KALIBO, AKLAN - Problema parin ang prostitusyon sa Isla ng Boracay.

Ito ang pahayag ni Anna Karla Villanueva ng Department of Social Welfare and Development 6 at Secretariat ng Regional Inter-Agency Committee against Trafficking and Child Pornography and Violence Against Women and Children, sa isang press conference sa bayang ito araw ng Martes.

Matatandaan aniya na na noitng Abril ay 33 kababaehan ang narescue ng mga otoridad mula sa pambubugaw. Apat ang naaresto sa nasabing operasyon.

Patunay aniya ito na umiiral parin ang prostitusyon sa Isla ng Boracay. Inamin ni Villanueva na nahihirapan silang sugpuin ang prostitusyon dahil karamihan umano sa mga biktima ay ginugusto ang pumasok sa ganitong uri ng trabaho.

Nabatid na sumasailalim sa paggabay ng local social welfare office ang mga narerescue sa operasyon kontra prostitusyon at inaalok umano ng livelihood program pero mas pinipili parin umano nilang bumalik sa dating trabaho dahil madali umano ang pera rito.

Sa buong rehiyon, pangalawa ang prostitusyon sa pinakamaraming kaso ng human trafficking. Batay sa ulat kapulisan, noong nakaraang taon ay nakapagtala sila ng 18 kaso ng prostitusyon kasunod ng labor exploitation na may 28 kaso.

Aniya ang tanging magagawa ng pamahalaan ay ang hulihin ang mga nambubugaw at palakasin ang edukasyon kontra sa human trafficking.

Samantala, ang Aklan ang napili ng Regional Social Welfare Office na pagdausan ng Blue Heart Campaign o kampanya laban sa human trafficking. Ang "Blue Heart" ay sumisimbolo ng kalungkutan at pagmamahal sa mga biktima ng trafficking.

Kabilang umano sa iimbitahan nila sa aktibidad na ito ay ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at mga Supreme Student Government leaders. Kabilang sa mangangasiwa nito ay ang Department of Justice sa Aklan, at ang Provincial Social Welfare Office.

Walang pang detalye sa nasabing aktibidad at kung kelan ito idaraos. Ang Aklan umano ang napili nilang pagdausan ng aktibidad dahil dito ang Isla ng Boracay, isang internasyonal na destinasyon.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Attorney arestado sa kasong murder sa bayan ng Altavas


ARESTADO ANG isang prosecutor sa salang murder o pagpatay sa Brgy. Man-up, Altavas tanghali ng Huwebes.

Kinilala sa ulat ng Altavas PNP ang akusado na si Atty. Freddie Alayon Ofialda, 54-anyos, residente ng nasabing lugar.

Si Ofialda ay dinakip ng kapulisan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas Regional Trial Court sa Kalibo nito lang Hunyo 20, 2019.

Walang piyansang itinakda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nabatid na matapos arestuhin ang attorney ay isinugod ito sa isang ospital sa Capiz dahil sumama umano ang pakiramdam niya rason na naka-ospital arrest ang akusado.

Siya ay nakatalaga bilang prosecutor sa Mambusao Municipal Circuit Trial Court sa Capiz. Naglingkod din siya bilang prosecutor sa Aklan ng ilang taon.

Napag-alaman na si Ofialda kasama ang noo'y isang retiradong pulis na namatay na ay inaakusahan sa salang pagpatay sa noon ay kapitan ng Brgy. Cabangila, Altavas.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Mamamayan sa Kalibo, buong Aklan pinag-iingat sa mga nag-iinspeksyon ng LPG


NAGBABALA ANG Sangguniang Barangay ng Poblacion, Kalibo sa taumbayan na mag-ingat sa mga nagbabahay-bahay at nag-aalok na inspeksyunin ang LPG.

Ayon kay Kagawad Kim Melgarejo, ilang reklamo umano ang natanggap ng barangay kaugnay sa mga taong ito na nag-iinspeksyon ng walang mga kaukulang dokumento.

Sinabi ni Melgarejo na kahit walang sira ang LPG ay sasabihin nito na hindi na ligtas at isa umano sa kanilang modus ang mag-alok ng mga gadget para sa LPG para bilhin ng taumbahay.

Hindi umano mga taga-rito ang mga ito na ilan sa kanila ay dumarayo pa mula sa Cebu at sa ibang lugar. Wala umano itong koordinasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Kalibo at sa Sangguniang Barangay.

Samantala, sinabi naman ni FO1 Sandro Fernando, tagapagsalita ng BFP-Kalibo na tanging ang mga bombero lamang ang otorisadong mag-inspeksyon sa mga bahay kabilang na ang mga LPG.

Sa ngayon umano wala silang binigyan ng otoridad na magsagawa ng ganitong pag-iinspeksyon. Ang BFP umano ay nag-iinspeksyon sa mga establishment kapag nag-aapply ng business permit.

Kaugnay rito, sinabi ni Fernando na ang mga otorisadong mag-inspeksyon ay nakasuot ng uniporme ng BFP at may otorisasyon mula sa pumunuan ng lokal ng BFP at may ugnayan sa barangay.

Kapag may ganito aniyang insidente ay ireport lamang sa barangay, sa kapulisan o sa mga bombero.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Thursday, June 27, 2019

Municipality of Libacao combats global warming, plants more trees

photo credit to the owner
LIBACAO, AKLAN  - Massive tree planting program is the answer by the local officials of this town for ecological restoration and resilience.

To minimize global warming the Sangguniang Bayan (SB) adopted municipal environment code (MEC) of 2018 thru municipal ordinance 02-18 dated 04 April 2018 thoroughly approved by the Sangguniang Paanlalawigan (SP).

Global warming poses threat due to impact on environmental hazards to human health, such as: extreme weather, ozone depletion, increased danger of woodland fires happening in other countries nowadays, loss of biodiversity, stress to food-producing systems and the global spread of infectious diseases.

The code declares May to September of each year as tree planting season which requires all commercial, industrial, institutional establishments and residential subdivisions in all 24 barangays to hold a tree planting activity in areas either inside or outside their jurisdiction, as approved by the municipal environment and natural resources officer (MENRO) who requires submission of monitoring report of surviving trees.
It is provided in the Environment Code that a rural-urban architectural design shall be followed on what species of trees and other planting materials to be planted along major roads and highways and in public places. The planting of timber and fruit-bearing trees are encouraged to get returns on investment.

Moreover, it also mandates that all male and female applicants for marriage shall each plant ten (10) different species of trees before issuance of marriage license. Non-compliance will deny them issuance of the latter.
The intent of the trees planted by marriage applicants is not only to comply the requirements but to keep and protect them as they grow while they also live as husband and wife.

The ordinance further provides that the couple may seek assistance from barangay officials where to plant the trees if they have no land in possession and let their family keep the trees grow should they transfer residence.

Another policy is for all incoming pre-school, elementary, high school and college students in all schools within Libacao to plant and adopt a tree or shrub upon enrollment as directed by their respective school administrators.

Integrated in the code is Municipal Resolution No. 11, series of 1993 that requires adoption, conservation and protection of ACACIA as municipal tree; GUMAMELA as municipal flower and MUDFISH as municipal aquatic animal or fish, in compliance with DENR’s Community Awareness on Resources and Environment (CARE) program.

An “Adopt A Place” campaign shall be undertaken to preserve and maintain the aesthetic outlook of trees in all public lands drawing participation from the private sector. The MENRO shall formulate appropriate guidelines for sectoral participation in adopting the place.

To promote and conserve the beauty of objects of scenic and ornamental value along public places and help preserve a cool, fresh and healthy climate, the code mandates to cherish, protect, and conserve planted or growing trees, flowering plants and shrubs, or plants of ornamental value along public roads, in plazas, parks, school premises, or in any other public grounds, including street islands as well as shoulders of all roads or streets in the town proper, barangays, subdivisions and compounds.

These areas shall be planted with shade or ornamental trees in a manner that is scientifically and agriculturally acceptable, or at intervals sufficient to provide the healthy growth of such flora.

The code also empowers the sangguniang bayan in consultation with the Department of Environment and Natural Resources (DENR) to declare eco-tourism areas to preserve the quality of watershed areas and improve water recharging potential of underground aquifers (tilaga).

Libacao is known as the watershed and last frontier in the eastern part of the province and occupies almost 1/6th the total land area of Aklan. It contains wide tract of land which approximately measures 42,573 hectares. 25% (10,500 hectares) is alienable and disposable (A&D) and 75% (31,990 hectares) is public forest (DENR classification). It is blessed with seven different soil types identified as Mt. soil undifferentiated, sara clay loam, umingan sandy loam, alimodian clay loam, sigcay clay, san Miguel clay loam.

No development permit or any favorable endorsement shall be issued by the municipality for subdivisions or housing projects and business establishments unless there are provisions for the planting of trees in their development plan.

Any person given the authority to cut, destroy or injure a tree shall plant no less than five (5) tree seedlings for every single tree cut, destroyed or injured in a watershed or area designated.

The code further empowers the MENRO to conduct annual inventory of trees both in alienable and disposable lands and forestlands that shall be classified by species, age, location, ownership and other related data. All trees shall be numbered and entered into the registry for monitoring and management purposes.##

- Rey Orbista / LGU Libacao

PANOORIN: Batang babae mula Buruanga, Aklan viral dahil sa pagkanta sa kanyang lola


KALIBO, AKLAN - Viral ngayon sa facebook ang isang batang babae mula Buruanga, Aklan dahil sa pagkanta sa kanyang lola ng "Aking Pagmamahal".

Siya si Kristina Cayla Flores Dolola ng Brgy. Poblacion, Buruanga, 10-anyos, at Grade 6 student sa Buruanga Elementary School.

Sa sandaling ito, umabot na sa dalawang milyon ang views ng video. Nasa 59 libo na ang reaksiyon, 4.6 libong mga komento, at nasa 96 libo na pagbabahagi simula nang maipost ito noong Hunyo 22, 1:08 ng hapon.

Makikita sa video na kinakantahan ng bata ang kanyang lola na nakahiga sa tabi niya sinasabayan ang tugtog sa cellphone. Kapansin-pansin ang pagkaaliw ng kanyang lola na si Victoria Flores, 74-anyos.



Nabatid na ang nagvideo ay ang kanyang mommy at inaplod sa facebook account ni KC at hindi nila inaasahan na magba-viral ang post. Katunayan, nakatakda siyang ifeature sa isang documentary program ng isang national TV.

Umani ng paghanga sa mga netizen ang husay ng bata sa pagkanta at sa ganda ng kanyang boses. Marami rin ang naantig sa "chemistry" ng bata at lola sa video. Ilang netizen ang nagsabing napaiyak sila at ang iba ay nagsasabing na-miss nila ang kanilang mga magulang.

Napag-alaman na isang stroke survivor ang kanyang lola na siya umanong nag-alaga sa kanya mula nang siya ay ipinanganak. Ayon sa kanyang tito na si Peter John Flores, talagang malapit sa isa't isa ang maglola.

Sinabi ng kanyang tito na siya ang ang nagko-coach sa bata sa pagkanta na tinatama umano niya si KC kapag hindi niya natatamaan ng husto ang nota. Ang kanyang tito ay isang composer na nag-compose ng municipal hymn ng Buruanga.

Posible umanong namana ni KC ang talento niya sa pagkanta sa kanyang mga magulang na sina Laurence Stephanie at Jonathan Dolola dahil sa mga magaganda nilang boses.

Madalas umano siyang sumasali sa mga singing contest at maraming beses nang nanalo. Lumalahok rin siya sa mga journalism contest sa paaralan. Siya ay consistent honor student mula Grade 1.

Nagpapasalamat naman ang pamilya sa mga positibong reaksyon ng mga netizen lalo na sa mga Aklanon sa talentong ipinamalas ni KC.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo


Tuesday, June 25, 2019

Anim na menor de edad arestado sa pagnanakaw sa isang gasolinahan sa Kalibo


HINDI MAKASUHAN ang anim na menor de edad na nagnakaw umano sa AKY gasoline station sa Brgy. Andagao, Kalibo kagabi.

Batay ito sa pahayag ni PSSgt. Erick De Lemos, imbestigador sa theft and roberry section ng Kalibo PNP, sa panayam ng Energy FM Kalibo.

Nabatid na nasa 10-anyos hanggang 14-anyos ang mga nasabing bata. Paliwanag ni De Lemos, pag 14 pababa ang mga menor de edad na sangkot sa krimen ay hindi ito pwedeng makasuhan.

Sinabi ng imbestigador na matapos maimbestigahan ng kapulisan ay itu-turn-over na nila ang mga bata sa Municipal Social Welfare and Development Office ng Kalibo para sa kaukulang disposisyon.

Nabatid sa imbestigasyon ng kapulisan na dalawang menor de edad ang pwersahang pumasok sa cashier's booth ng nasabing gasolinahan at sinasabing nakapagnakaw ng nasa Php92,000.

Ang apat na iba pang menor de edad ay nagsilbing look out. Matapos ang pagnanakaw ay pinaghatian nila ang ninakaw na pera.

Sa follow-up investigation ng kapulisan nadakip ang anim na menor de edad at nasabat ang nasa Php51,000.

Ayon kay De Lemos, ilan sa mga menor de edad ay ilang beses na nilang inimbitahan sa police station dahil sa pagkakasangkot rin sa mga kaso ng nakawan sa bayang ito.

Samantala inaresto rin ng kapulisan ang isang alyas Ricky, sa legal na edad, na tiyuhin ng isang menor de edad na itinuturo ng huli na tumanggap ng Php20,000 mula sa kanya.

Itinanggi naman ni alyas Ricky ang alegasyon ng menor de edad.

Sa ibang dako, sa imbestigasyon ng kapulisan, hindi ang mga nagnakaw na menor de edad ang bumasag sa cashier's booth ng AKY gasoline station kundi ibang grupo.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

70-anyos na lalaki patay matapos madisgrasya sa Ibajay


PATAY ANG isang 70-anyos na lalaki sa Brgy. Naisud, Ibajay matapos makabanggaan niya sa menamanehong motorsiklo ang isa pang motorsiklo hapon ng Lunes.

Kinilala ang namatay na si Manuel Pelayo, 70-anyos, ng nabanggit na lugar habang nakilala naman ang nakabanggaan nito na si Jocopido Sanchez Jr., 38, ng San Jose, Ibajay.

Batay sa ulat ng Ibajay PNP, binaybay ni Sanchez ang kalsadahin mula Brgy. Naisud patungong Brgy. Poblacion nang nag-cross umano sa kalsada si Pelayo dahilan ng kanilang banggaan.

Unang isinigod ang dalawa sa Ibajay District Hospital. Idineklarang outpatient si Sanchez habang inilipat naman sa isang pribadong ospital sa Kalibo si Pelayo dahil sa malubha nitong sugat sa ulo.

Binawian ng buhay si Pelayo ilang oras matapos itong ilipat sa ng ospital. Inaresto naman ng kapulisan ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Dalawa sugatan matapos mabali ang inaakyatang palosebo sa Ibajay

ISINUGOD SA Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang dalawang lalaki matapos na sila ay madisgrasya sa larong palosebo sa Brgy. Naisud, Ibajay Lunes ng hapon.

Nabali kasi ang kanilang inaakyatang kawayan. Ang aktibidad na isinagawa sa beach ay bahagi ng taunang selebrasyon ng Barangay Council sa kapyestahan ng #SanJuan2019.

Kinilala ang mga biktima na sina Joven Claud, 34-anyos, at pinsan na si Jackie Jon Claud, 19, parehong mga residente ng Brgy. Buenavista, Ibajay.

Sa eklusibong panayam ng Energy FM Kalibo kay Brgy. Naisud Punong Barangay Edgar Pelayo, nasa walo na kasi umano ang umaakyat sa kawayan kaya bumigay ito.

Aniya bumagsak sa sa malaking putol na kahoy ang mga biktima. Agad silang isinugod sa ospital.
Na-confine sa ospital si Jackie Jon matapos umanong mabalian sa katawan.

Ayon naman kay Punong Barangay Pelayo, tumutulong na ang Barangay Council sa gamutan sa mga mag-pinsan.

Humingi naman ng pasensya sa pamilya ng mga biktima at sinabing disgrasya ang nangyari.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Monday, June 24, 2019

Isa at kalahating taon na batang babae nalunod sa dagat, patay


Isang batang babae edad 1 1/2 anyos ang nalunod patay sa Brgy. Andagao Baybay, Kalibo kaninang hapon.
Kinilala ang bata na si Mary Majesty Pinos y Inan.

Nabatid na nanonood umano ng karera sa bangka ang mga magulang na iniwang natutulog sa kubo ang bata.
Lingid sa kaalaman ng mag-asawa na nagising ang bata at lumusong ito sa tubig dagat.

Pagbalik ng mga magulang nakita nilang nakalutang na ang bata sa tubig.

Isinugod pa sa isang pribadong ospital sa Kalibo pero ilang minuto lamang ay binawian rin ito ng buhay.
Ang pamilya ay residente rin ng nasabing lugar.

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo