Saturday, June 15, 2019

DPWH, TIEZA inaming mabagal ang road, drainage works sa Boracay

file photo: Boracay Rehabilitation Continues FB

KALIBO, AKLAN - Inamin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) na mabagal ang kanilang trabaho sa rehabilitasyon ng mga kalsada at drainage sa Isla ng Boracay.

Ito ang kanilang ipinahagay sa pagdinig ng joint committee sa Sangguniang Panlalawigan araw ng Martes sa isinagawang legislative inquiry kaugnay ng obserbasyon ni Board Member Esel Flores na tila wala nang nagtratrabaho sa kalsada ng Boracay.

Ayon kay Engr. Noel Fuentebella, District Engineer ng DPWH-Aklan, bumabagal umano ang kanilang trabaho dahil sa mga nakaharang na mga pipeline, electrical line, cables, sewer line at maging ang mabigat na daloy ng trapiko at mga puno.

Sinabi pa ni Fuientebella na mas mabilis umano ang kanilang trabaho noon ng nakasara ang Isla. Hindi rin umano sila makapagtrabaho ng gabi dahil maingay umano ang kanilang mga kagamitan na nakakadisturbo sa mga bisita.

Ganito rin ang pahayag ni Engineer David Capispisan, assistant project manager ng TIEZA.

Sinabi pa nila na delay rin umano ang pondo para mapabilis ang trabaho sa Boracay. Sa ngayon ay nasa phase II palang ang proyekto at posibleng magtagal pa ng 2021 bago matapos ang buong ang trabaho.

Kaugnay rito, inaasahang magpasa ng resolusyon ang Sanggunian upang hikayatin ang Department of Budget and Management na bilisan ang pagrelease ng pondo para sa mga proyekto sa Isla.

"Laid on the table" muna ang nasabing usapin sa komitiba dahil kailangan pang hintayin ng mga opisyal ang progress report ng iba-ibang ahensiya ng gobyerno na naatasan sa rehabilitasyon ng kalsada at drainage sa Boracay kada dalawang buwan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo


28-anyos na dalaga binusuhan habang naliligo; nagreklamo sa kapulisan


NAGREKLAMO SA Kalibo Police Station ang isang 28-anyos na dalaga matapos umano siyang silipan sa CR ng kanilang boardinghouse habang naliligo.

Naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng umaga ng Miyerkules.

Kuwento ng babae, may butas umano ang CR ng kanilang boardinghouse nang mapansin niyang sinisilipan siya ng suspek.

Natakot umano ang biktima at minadali nalang ang paliligo bago pumasok sa trabaho.

Nagreklamo rin ang isa pang babae na kapatid ng nauna at isa pang babae na nakatira rin sa parehong boardinghouse. Ayon naman sa kanila sinilipan umano sila ng suspek ng ilang ulit habang naglalaba.

Sa takot nila na mas malalala pa ang pwedeng gawin ng suspek ay nagreklamo sila sa kapulisan.

Agad na nagsagawa ng follow-up investigation ang kapulisan sa lugar. Itinanggi naman ng 59-anyos na suspek ang alegasyon.

Depensa niya, umiihi lamang siya sa pader noong mga sandaling iyon. Mababatid na ang CR ng boardinghouse na tinitirahan ng mga biktima ay malapit sa pader kasunod ng boardinghouse ng suspek.

Hindi na inaresto ng kapulisan ang suspek dahil mahigit 24 oras na ang nakalipas matapos maganap ang pinakahuling insidente.

Inirefer ng kapulisan ang kaso sa Barangay Justice System para ipatawag ang lalaki. Samantala nangako naman ang care taker ng boarding house na aayusin nalang ang CR at taasan ang bakod.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Aklan PNP wraps up COMELEC gun ban with 37 violators, 12 firearms confiscated

File photo: Kalibo PNP

Aklan PNP arrested 37 violators in 38 operations being conducted by the police during the 150-day campaign of COMELEC gun ban.

The said campaign started last January 13 and ended Wednesday (June 12) midnight which resulted to the confiscation of 12 firearms and 25 bladed weapons. In the thirty eight operations being conducted, six of this are Oplan Sita and Galugad, 22 police response, 7 checkpoints, 1 in illegal gambling and 1 in buy bust operation.

PCOL Esmeraldo P Osia Jr., Officer-in-Charge of Aklan PPO said that the successes of the implementation of COMELEC gun ban are the result of various police operations and anti-criminality campaign of Aklan police force.

“This success is all because of our collaborative effort to enforce the election rules imposed by the COMELEC itself and of course with the active support of the community” he said.

Osia also commend all PNP personnel in the province who have performed well
before, during and after the election period as well as those members of the AFP and other stakeholders in the community who have given their share to make the mid-term election 2019 a peaceful and orderly.

The new Officer-In-Charge of Aklan PNP just assumed office on May 28, 2019, one week after the election and succeeded the then Provincial director, PCOL Lope M Manlapaz.

However, this does not bar the new provincial top cop to implement strict implementation in deterring lawless elements and unscrupulous activities.

“The reports of this COMELEC gun ban here in the province of Aklan shows that the recently concluded midterm elections is one of the most peaceful elections we ever had,” he quipped.

Meanwhile, police and checkpoint operations will still be sustained as part of Aklan PPO’s anti-criminality campaign in order to pre-empt illegal activities and violence.

- PCorp. Ma. Jane Vega, Aklan PNP PIO

Friday, June 14, 2019

Lalaki arestado matapos mambuso sa asawa ng pulis sa bayan ng Altavas

ARESTADO ANG isang lalaki sa Brgy. Poblacion, Altavas matapos umanong mahuling nambubuso sa asawa ng pulis.

Ang suspek ay kinilalang sa ulat ng Altavas PNP na si Erwin Estiquita y Bolivar, nasa legal na edad, at residente ng Brgy. Man-up sa parehong bayan.

Ang biktima ay isa ring nurse attendant at nangungupahan lamang sa isang bahay sa nasabing lugar.

Batay sa ulat ng Altavas PNP, nasa loob umano ng kuwarto ang biktima nang mapansin niy ang suspek na nambubuso sa kanya sa kanilang bintana pasado alas-10:00 kagabi.

Agad humingi ng saklolo ang babae at hinuli ng mga residente ang lalaki bago ito tinurn-over sa pulis na asawa ng biktima.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Altavas PNP sa lugar at dinala ang suspek sa kanilang himpilan para pansamantalang ikulong.

Ayon Altavas PNP, batay sa ilang mga residente nakakaranas umano ng sakit sa pag-iisip ang suspek at naglalasing umano.

Ipinalabas rin ang suspek sa kostudiya ng kapulisan at inirefer nalang ang kaso sa Barangay Justice System.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo

Wednesday, June 12, 2019

Board Member Tirol pormal nang nagpaalam sa Sangguniang Panlalawigan

 

PORMAL NANG nagpaalam sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan si Board Member Lilian Quimpo Tirol kasunod nang kanyang pagkatalo sa katatapos lang na eleksyon.

Mababatid na lahat ng miyembro ng Sanggunian pati na ang regular presiding officer na si Vice Governor Reynaldo Quimpo ay pinalad sa election bilang mga incumbent officials maliban lamang kay Tirol.

Nitong Lunes sa regular session ng Sanggunian, isang send off ceremony ang isinagawa para pasalamatan ang opisyal at gawaran ng parangal sa anim na taon niyang paglilingkod mula 2013.

Sa send-off ceremony, nagbigay ng mensahe sina Board Member Jay Tejada, Board Member Soviet Dela Cruz, Rechie Oloroso, legislative staff at si Vice Governor Reynaldo Quimpo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng out-going official na tanggap na niya ang hatol ng mga Aklanon. Nakadepende rin aniya sa mga Aklanon at sa Diyos kung tatakbo pa siya sa susunod na eleksyon.

Si Tirol ang nag-iisang babaeng miyembro ng konseho. Mababakante niya ang Chairmanship sa mga Committee on Human Resources at Committee on Women and Family Welfare at membership niya sa iba pang committee.

Napag-alama na pinaaga ng Sanggunian ang send-off ceremony para kay Tirol dahil sa susunod na Lunes ay wala umano ang regular presiding officer at ang iba pang mga miyembro dahil may mga lakad.

Posibleng ang susunod na session sa susunod na linggo ang huling sesyon na ng Sanggunian bago sila magpalit mula sa kasalukuyang 17th Sanggunian sa ika-18 Sanggunian tanghali ng Hunyo 30.

Ang bagong miyembro ng 18th Sanggunian ay ang Board Member-Elect na si Juris Sucro ng first district na nasa ikalawang pwesto.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

IKINASAL NA: viral couple sa mall sa Kalibo sa wedding proposal ikinasal na



IKINASAL NA ang nagviral couple sa isang video noong nakaraang taon matapos mag-propose ang lalaki sa babae habang on-duty bilang promodizer sa isang mall sa Kalibo.

Masaya na ngayong nagsasama bilang mag-asawa sina Velly Lee Villorente ng Libacao, Aklan at Marian Tambong-Villorente ng Makato, Aklan.

Matatandaan na Mayo 21, 2018 nang sopresahin ng lalaki ang kanyang nobya kung saan nagdala siya ng bulaklak at singsing sa babae habang nasa trabaho sa una rin nilang pagkikita.

Ayon sa dalawa, nakilala lamang nila ang isa't isa sa facebook! Hanggang niligawan ng lalaki si babae at naging sila for 9-months, long distance relationship!

Galing noon ang lalaki sa Maynila kung saan siya nagtratrabaho bilang call center agent.

Vinideohan ng pinsan ni Lee ang pagpropose niya sa nobya at nagviral sa facebook matapos itong maiupload.

"Ganyan talaga... if mahal mo sangka tawo ubrahon mo do tanan para kana ag di mo kinahihiya sa abong tawo," sabi noon ni Lee sa aming panayam.

Bumalik agad noon sa Maynila ang lalaki. Nasa isang linggo lamang ang lalaki sa Aklan pero sinulit na nila ang mga araw na sila ay magkasama.

Tinupad ng dalawa ang kanilang promisa na magpapakasal sila sa buwan ng Hunyo ngayong taon!

Mabuhay ang bagong kasal!

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

ALARMING: Kaso ng dengue sa Aklan tumaas ng 51%; 9 patay

NAKAKABAHALA NA ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan ng Aklan ayon sa Provincial Health Office (PHO) kung saan siyam na ang naitalang patay ngayong taon.

Batay sa tala ng PHO umabot na sa 1,043 ang kaso ng dengue sa probinsiya mula Enero 1 hanggang Hunyo 1 nitong taon. Nabatid na mas mataas ito ng 50 porsyento kumpara sa parehong peryod noong nakaraang taon.

Pinakamataas ang kasong naitala sa bayan ng Kalibo na may 300; Banga na may 107 na kaso; at Numancia na may 94. Mababatid rin na lahat ng bayan ay may rekord ng kaso ng dengue.

Pinakambaba naman ang bayan ng Madalag na mayroon lamang na 10 kaso.

Nabatid na karamihan sa mga natamaan ng kaso ay mga batang nasa edad 1 taon-gulang hanggang 10 taon-gulang na may 385 kaso o 37 porsyento ng kabuuang bilang.

Kaugnay rito nagpaalala si Dr. Victor Santamaria ng PHO-Aklan sa mga mamamayan na panatilihing malinis ang paligid. Magpakunsulta rin aniya ng maaga kapag nakakaranas ng lagnat.

Aniya inaasahan ang pagtaas ng bilang ng dengue ngayong tag-ulan simula sa buwan ng Hunyo.

Sinabi ni Santamaria na nagsasagawa rin sila ng misting sa mga lugar na may mataas na kaso ng dengue.

Hinikayat naman niya ang mga opisyal ng barangay na maging aktibo sa kampanya kontra dengue kabilang na ang pagkakaroon ng information dissemination sa mga kabarangayan.

Samantala, sa buong rehiyon ng Western Visayas, nakapagtala ang Iloilo ng pinakamataas na kaso na 2516; Negros Occidental ng 2,277; at Capiz na may 1,245.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Tuesday, June 11, 2019

Lalaki na pinaniniwalaang may depresyon tumalon sa isang kapilya sa Kalibo


Tumalon ang isang lalaki sa simbahan na ito sa Brgy. Linabuan Norte, Kalibo. Mahigit isang oras roon ang biktima at naglagay pa ng tali sa leeg.

Naisugod naman agad sa ospital ang lalaki, nagtamo ito ng minor injury. Sa panayam ng Energy FM sa lalaki, malaki raw ang problema nito sa trabaho kaya naisipang magsuicide.

Taga Masbate raw ito at nagkaka-edad ng 23-anyos.

Panoorin ang videong kuha ng isa sa mga nakasaksi.



- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo

Monday, June 10, 2019

Lalaki patay matapos hampasin ng pala, kawayan sa Kalibo


Patay ang isang 49-anyos na lalaki matapos hampasin ng pala at kawayan ng kainuman sa brgy Estancia, Kalibo, Aklan.

Naganap ang insidente pasado alas nuebe ng gabi sa Cipriano road Estancia.

Kinilala ang biktima sa pangalang Joel Zonio na residente rin ng nabanggit na lugar.

Ang mga suspek ay kinilala sa pangalang Jayson Guardario 31-anyos, kapitbahay ng biktima, at Antonio Isturis 44-anyos taga Tabao, Banga, Aklan.

Sa imbestigasyon ng PNP, nag-iinuman raw ang mga suspek nang dumaan sa lugar ang biktima at niyaya nila itong uminom.

Nang malasing na raw sila nakipagtalo na sa raw sa kanila ang biktima kaya pinauwi nila ito.

Nagalit raw ang biktima at akmang bubunot raw ito ng kotsilyo kaya hinampas agad ito ng kawayan ni Guardario, tumulong naman raw si Isturis na siyang humampas ng pala sa dibdib ng biktima.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero ideneklarang patay bandang alas 10:06 ng gabi.

Naaresto ng PNP si Guardario sa ospital dahil siya raw ang nagdala sa biktima. Samantala naaresto naman sa Brgy Tabao si Isturis.

Sa panayam ng Energy Fm inamin ni Isturis ang paghampas ng pala sa biktima.

Itinatanggi naman ni Guardario ang alegasyon, aniya siya pa nga ang tumulong na maisugod sa ospital ang biktima.

- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo