NAKAKARANAS UMANO ng depresyon ang netizen na nagpost sa kanyang facebook account ng negatibo kontra sa mga taga-Lezo.
Sa kanyang FB post gabi ng Lunes kasunod ng sunog na nangyari sa Lezo integrated school sinabi niya na "OMG dapat mamatay na yung mga tao sa Lezo".
Sa isa pang post sinabi niya na "Happy ako na sunog ang school sana pati buo Lezo masunog na din".
Agad itong umani ng mga negatibong reaksiyon at komento sa mga netizen lalo na sa mga taga-Lezo dahilan para idelete niya.
Sinabi ni PInsp Jose Ituralde, hepe ng Lezo Municipal Police Station, na personal umano siyang tumungo sa kanilang himpilan humihingi ng tawad.
Ipinaliwanag rin umano ng 21-anyos na lalaki na nakakaranas siya ng depresyon at nasa tatlong gabi nang hindi nakakatulog.
Broken family umano sila at nahinto na sa pag-aaral. Magi-grade 11 na sana ang lalaki pero huminto ito matapos mag-aral sa Lezo Integrated School.
Nabatid na dati narin itong nagtangkang magpakamatay.
Sa halip na sisihin sa ginawa ay inabisuhan siya ng hepe na magpahinga at magpakonsulta sa doktor.
Humingi narin ito ng apology sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang facebook.##
No comments:
Post a Comment