Saturday, July 14, 2018

LALAKI NASAGI NG MOTOR SA NUMANCIA

Nasagi ng motorsiklo ang tumatawid na lalaki sa kalsada na sakop ng Joyao-Joyao, Numancia, Aklan pasado alas 8:30 ng gabi.

Ayon kay P03 Felizardo Navarra ng Numancia PNP, tumatawid raw ng kalsada ang biktimang si Reynaldo Vega, 55-anyos, nang masagi ng motorsiklo.

Kinilala ang driber ng motor sa pangalang Jerald Badilles, 38-anyos, na taga-Aliputos, Numancia.
Isinugod ang dalawa sa ospital dahil sa tinamong minor injury.

Nakalabas naman agad sila ng hospital matapos malapatan ng kaukulang paggamot.

Nagkaayos naman raw ang dalawa, kaya't hindi na nagsampa ng reklamo ang biktima dahil magkaibigan rin pala ang dalawa./ Archie Hilario, EFM Kalibo

SECOND WAVE NG KASO VS MALAY, AKLAN OFFICIALS ISASAMPA NG DILG

Magsasampa ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng “second wave” ng mga kaso laban sa ilang opisyal ng Malay, Aklan dahil sa mga discrepancy sa koleksyon at paggamit ng environmental fees sa Boracay.

Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III, nadiskubre ng ahensya na P75 environmental fee ang singil sa pumapasok na bisita sa Boracay.

Noong 2017, iniulat ng lokal na pamahalaan ng Malay na 2 milyong turista ang pumasok sa naturang tourist destination na kung susumahin ay umabot sa P150 million na environmental fee.

Sa naturang halaga, idineklara lang ng Malay local government ang P92 million environmental fees na 85% ng kanilang share.

Dagdag ni Densing, nalaman nila na ng ilang bahagi ng pondo mula sa environmental fee ang ginamit sa mga proyekto na wala namang kinalaman sa kalikasan.

Nagpatulong na ang DILG sa Commission on Audit (COA) na suriin ang koleksyon at paggamit ng environmental fee sa Boracay.

Oras na makuha ng ahensya ang COA report, posibleng magsampa sila ng anti-graft and corrupt practices action violations laban sa mga lokal na opisyal ng Malay, Aklan.

Read more: http://radyo.inquirer.net/…/2nd-wave-ng-kaso-vs-malay-aklan…

Friday, July 13, 2018

KOTSE SA LEZO, AKLAN NASUNOG SA KALSADA

photos © Noli Resterio
Nasunog ang kotse na ito na isang Honda civic sa harap ng Lezo Integrated School sa Poblacion, Lezo ngayong hapon.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Numancia, ang kotse ay kagmamay-ari ito ni Norberto Ponce.

Base sa imbeatigador, pauwi na siya galing trabaho sa Akelco nang mapansin niyang umuusok ang kanyang kotse.

Agad naman siyang lumabas bago tuluyang nilamon ng apoy ang sasakyan.

Sa inisyal na report ng BFP-Numancia nagdulot ito ng nasa Php65,000 halaga ng pinsala.
Inaalam pa ng BFP kung ano ang sanhi ng sunog./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

TOTAL LUNAR ECLIPSE MASISILAYAN SA PILIPINAS SA HULYO 28

Masisilayan sa Pilipinas ang total lunar eclipse sa Hulyo 28 ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA).

Ang buong pangyayari ay makikita rin umano sa Antarctica, Australasia, Asia, Russia maliban lamang sa North, Africa, Europe at East of South America.

Ang eclipse ay magsisimula 1:13 A.M. Philippine Standard Time (PhST) at magtatapos 7:30 A.M. (PhST), July 28.

Sa Manila, ang buwan ay magpapakita 6:05 P.M. ng 27 July  at mawawala pagdating ng 5:44 A.M. sa 28 July.

Sinabi ng PAGASA na ang lunar eclipses ay pwede umanong panoorin kahit walang anumang proteksyon sa mata.

Makakatulong umano ang paggamit ng binocular para makita ng malapitan ang buwan lalu na ang red coloration nito. | EFM Kalibo

KALIBONHON DANCERS KALAHOK SA INTERNATIONAL DANCE COMPETITION SA CHINA

Kalahok sa Asia Pacific Street Dance Competition ang grupo na ito ng mga mananayaw mula Kalibo, Aklan. Sila ang X-Unit Dance Crew.

Gaganapin ang international na competition na ito sa Chongzou City, China sa darating na November 2-5 2018.

Humihingin ngayon ng suporta ang grupo sa lahat at tulong para sa magagastos ng grupo.

Para makalikom ng pondo ang grupo, panawagan nila na "[kung] sino man ang nangangailangan ng performer/guest sa mga event pwede nyo po kami icontact."

"Naway may tumulong po samin para maipakita namin sa buong mundo ang galing ng isang dugong Aklanon sa larangan ng pag sasayaw," pagmamalaki ng grupo.

Una nang naibalita na isa pang grupo ng mga mananayaw mula sa Aklan - ang Velocity X - ang kalahok din sa parehong kompetisyon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo.

Thursday, July 12, 2018

BIRTHDAY NI 2LT BERT ZONIO IPINAGDIWANG NG PAMILYA SA KABILA NG KANILANG PANGUNGULILA

Ipinagdiwang kanyang pamilya ang ika-32 taong kaarawan ni 2nd Lt. Jonibert Zonio araw ng Miyerkules sa bayan ng Malinao sa kabila ng kanilang pangungulila.

Isang cake ang inihanda ng kanyang misis para sa isang taon-gulang nilang anak kasunod ng kahilingan ni 2Lt. Zonio bago paman ito nasawi sa Maguindanao.

Si Zonio ay nasawi matapos umanong makipagpalitan ng putok ang kanyang tropa kontra sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ng Hulyo 4.

Linggo nang dumating ang labi ng sundalo sa Kalibo International Airport at pansamantalang ibinurol sa Brgy. Andagao, Kalibo sa kanilang residensya.

Dinala ang kanyang labi bago ito inilipat sa Brgy. Bigaa, Malinao Miyerkules ng umaga sa lugar ng kanyang misis. Nakatakda siyang ilibing sa Hulyo 28. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

PHP3-B HALAGA NG TULAY PLANONG ITAYO SA BORACAY PATAWID NG CATICLAN

Isang unsolicited proposal sa pamahalaan ang isinumite ng San Miguel Corp. (SMC) para sa isang Php3-billion bridge na magkokonekta sa Isla ng Boracay at Caticlan.

Ayon sa report, sinabi ng San Miguel president na si Ramon Ang na malaking tulong ang tulay na ito para madecongest at malinisan ang Boracay.

Kapag naaprubahan umano ito ng gobyerno, matatapos ng San Miguel ang konstruksyon sa loob ng dalawang taon.

May haba umano itong 1.9km, konkreto at mataas para makadaan ang barko sa ilalim.

Sinabi pa ni Ang na aabot pa ng 12 hanggang 15 taon bago mabawi ng kompanya ang nagasta nila dito.

Kikita umano sila sa pamamagitan ng toll fees na kokolektahin sa mga behikulo at mga pedestrians, access fees sa mga utilities kagaya ng sewage pipe, water pipe, power lines at telecommunications lines. | EFM Kalibo

TASK GROUP KONTRA ILIGAL NA SUGAL BINUO NG AKLAN PNP

file photo
Para matutukan ang pagsawata sa iligal na sugal sa Aklan isang task group ang binuo ni PNP Provincial Director PSSupt. Lope Manlapaz.

Inatasan niya si PCInsp. Ricky Bontogon para pangunahan ang Anti-Illegal Gambling Special Operation Task Group.

Nito lang Miyerkules isang operasyon ang ikinasa ng grupo sa Brgy. Naile, Ibajay na nagkaresulta sa pagkahuli ng isang babae na sangkot umano sa iligal na EZ2.

Kasama ng grupo sa operasyon ang Provincial Intelligence Branch (PIB), Public Safety Mobile Force Company, Highway Patrol Group at ang Ibajay PNP.

Samantala sa panayam kay PCInsp. Bernard Ufano, PIB Chief, limang bayan sa probinsiya ang may umiiral na ganitong uri ng sugal./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Wednesday, July 11, 2018

19-ANYOS NA AKLANON KANDIDATA SA MISS PHILIPPINES USA SA CALIFORNIA

Isa si Eimie Tafalla Tsumura, 19-anyos, at tubong Navitas, Numancia sa 32 kandidata sa Miss Philippines USA sa California.

Nakatira na siya ngayon sa San Diego, California kasama ang kanyang pamilya.

"I was born in [a private hospital in] Kalibo, Aklan, but I grew up travelling between Japan and the Philippines. I currently reside in Southeast San Diego, studying at Grossmont College where I plan to transfer to UC San Diego as an Environmental Chemistry major," kwento ng kandidata.

"I joined Miss Philippines USA in hopes of being a positive representative of Asian-Americans in U.S. media, while also being an advocate for environmental awareness and health."

Gaganapin ang coronation night sa July 22 sa Alex Theater Glendale California. Itinuturing na isang prestihiyosong Fil-Am beauty pageant ang Miss Philippines USA.

Nanawagan siya at ang kanyang pamilya na botohan siya sa pamamagitan ng pageantvote.co para sa Miss Philippines USA Popularity 2018. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

TATLO ARESTADO SA BAYAN NG TANGALAN DAHIL SA PAGLABAG SA CHAINSAW ACT

photo © Shutterstock
Inaresto ng kapulisan ang tatlong lalaki sa Brgy. Tondog, Tangalan dahil sa paglabag sa Republic Act 9175 o Chainsaw Act of 2002 araw ng Linggo.

Ang isa ay nahuli ng mga otoridad sa pamamagitan ng checkpoint sakay sa kanyang motorsiklo karga ang chainsaw. Kinilala ang driver na si Rimmy Perez, 39-anyos, ng Culasi, Antique.

Dadalhin umano sana niya ang chainsaw sa Kalibo para ipaayos pero nang hanapan na siya ng kapulisan ng kaukulang dokumento ay wala itong maipakita.

Ang dalawa naman ay nahuli dahil sa reklamo ng pamumutol ng kahoy. Hinuli ng mga kapulisan sa magkahiwalay na lugar sa nabanggit na barangay sina Emelio Aguelo, 50, ng Poblacion, Tangalan at Isidro Lamsin, 29, ng Brgy. Pudiot sa parehong bayan.

Wala ring maipakitang dokumento ang dalawa para mag-operate ng chainsaw.

Sinailalim na sa inquest proceeding ang tatlo at nahaharap sa paglabag sa sec. 7, para. 4 ng RA 9175. Php36,000 bawat isa ang itinakda ng korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

FAMILY INCOME, EXPENSES SURVEY KICKS OFF

photo Family - NetPlus
The Philippine Statistics Authority has started conducting the first visit of the 2018 Family Income and Expenditure Survey in 91 sample barangays in Aklan.

The FIES is a nationwide survey that gathers data on the income distribution and levels of living and spending patterns of Filipino families across the country.

Data from this survey will be used, among others, as inputs in the estimation of poverty incidence and threshold, and to measure Human Development Index, which is a tool to assess the social and economic development levels of countries.

According to Provincial Statistics Officer Antonet B. Catubuan, the FIES has a total samples of 1, 540 households, which were randomly selected to serve as respondents for this survey.

This number according to PSO Catubuan is almost four times higher than the usual samples used by PSA in other surveys.

“We increased the number of sample households because we will generate provincial data on income and expenditure levels for the province which are highly demanded by LGUs and local planners,” PSO Catubuan explained.

Fifty six data collectors were deployed by PSA Aklan to conduct the house to house visit and to gather around 1, 980 data items from households comprising of expenditures on food, clothing, electricity, household equipment, health, transport, communication, education, restaurants, and miscellaneous goods and services.

Also included are housing characteristics, social protection, and sources of income both in cash and in kind.

Results of similar survey conducted last 2015 showed that the poverty incidence among Aklanon families was estimated at 10.9 percent, lower by 47 percent compared to 20.4 percent reported in 2012.

The subsistence incidence among families, or the proportion of Aklanons in extreme poverty, was estimated at 0.6 percent, a decline by 88 percent compared to 4.7 percent recorded in 2012.

Meanwhile, the annual per capita poverty threshold or the minimum income required to meet the basic food and non-food needs of Aklanons was estimated at P21, 387.00.

PSA assured respondents that all information given to data collectors will be held strictly confidential as provided for by law./ PSA-Aklan

DSWD RELEASES P66.6 MILLION FOR LIVELIHOOD ASSISTANCE IN BORACAY

The Department of Social Welfare and Development (DSWD FO 6), through its Sustainable Livelihood Program (SLP) released a total of P66.6 million livelihood assistance for the residents of Boracay Island.

The first batch of releasing catered 1,323 SLP beneficiaries last May 31, 2018; 1,635 beneficiaries for the second batch (June 22); 891 beneficiaries for the third batch (June 30); and the recent 593 beneficiaries for the fourth batch of releasing held last July 8, 2018. This totals to 4,442 families - each availed a P15,000 worth of livelihood assistance.

The DSWD SLP intervention in Boracay is a livelihood assistance grant for the affected families of Boracay Closure. It will primarily cater the needs of displaced workers from the informal sector through the provision of cash grants for alternative income generating activities such as engaging in Micro-enterprise or employment.

“We want to emphasize for those who still do not know about the program that what we give them is free. Each family can avail a maximum of P15,000. The assistance granted to the residents of Boracay is expected to be used as start up for additional capital for the chosen enterprise of each beneficiary,” says Rebecca P. Geamala, Regional Director of DSWD FO VI.

To avail the livelihood assistance grant, beneficiaries must be registered in DAFAC (Disaster Assistance Family Access Card) or may just inquire personally to DSWD Operation Center in Boracay Island (Faith Village, Station 3, Manocmanoc, Malay, Aklan.)

Moreover, Geamala also relates that the recipients of livelihood assistance from the first and second batches are currently under monitoring to ensure that the assistance is used according to what was proposed./dswd6

DOLE RELEASES P2M FOR 630 EMERGENCY EMPLOYMENT BENEFICIARIES IN BORACY

Last July 8, 2018, the Department of Labor and Employment (DOLE) paid the last salary of 630 emergency employment beneficiaries under the DOLE Emergency Employment Program or Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) in Boracay. The salaries paid amounted to P2,035,785.50.

The 630 beneficiaries were the informal sector (IS) workers and indigenous people (IP) who were affected by the temporary closure of the resort island. They were the second batch of workers who benefited DOLE’s package of assistance to provide emergency employment to affected workers and IPs in Boracay.

In a simultaneous activity, DOLE, in coordination with Land Bank of the Philippines – Caticlan Branch also released the cash cards of 564 Boracay Emergency Employment Program – Adjustment Measures Program (BEEP AMP) beneficiaries.

These beneficiaries received their initial financial support under the BEEP AMP, a program which offers a comprehensive package of assistance to formal sector workers affected by the temporary closure of the Boracay Island.

Displaced and suspended workers were provided with 50% of the prevailing minimum wage in Region 6 or P4,205.50 while retained workers who do not receive regular wage were provided 25% of the prevailing minimum wage in the region (P2,102.75) covering a 3-month period, deposited in lump sum./ dole6

LALAKI BINARIL PATAY NG KAINUMAN SA BAYAN NG MALINAO; ISA SA MGA SUSPEK ARESTADO

Patay ang isang 33-anyos na lalaki sa Brgy. Cabayugan, Malinao makaraang barilin ng kanyang kainuman.

Kinilala sa report ng pulisya ang biktima na si Jeferson Berdandino, laborer, residente ng parehong lugar.

Arestado naman ang suspek sa pagbaril na si Basilio Ildisa, 46, residente ng nabanggit na barangay samantalang at large ang isa
pa na si Jay R Isuga.

Base sa imbestigasyon Sabado nang mag-inuman umano ang biktima at ang mga suspek at ang kapatid ng biktima na si Carmelo Berdadino.

Umuwi umano saglit sa kanilang bahay si Carmelo para kumain nang makarinig siya ng putok sa labas.
Nadatnan na lang niya ang biktima na nakahandusay at may tama na ng pagbaril sa dibdib.

Namataan umano niya ang suspek na si Ildisa na mabilis na tumakbo papalayo at sumakay sa motorsiklo na menamaneho ng isa pang suspek na si Isuga.

Kinabukasan ay sumuko sa punong barangay ng Poblacion, Malinao ang suspek na si Ildisa at inaresto ng kapulisan.

Hindi pa tiyak kung ano ang malalim na motibo sa pagbaril pero ayon sa imbestigador dahil umano sa kalasingan kaya nagawa ng suspek ang krimen.

Sinampahan na ng kasong homicide ang mga suspek ang isa sa pamamagitan ng inquest proceeding at isa sa pamamagitan ng regular filing./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Tuesday, July 10, 2018

16 ANYOS NA BABAE PINASOK SA LOOB NG CAMELLA HOMES AT SINUBUKANG GAHASAIN

Pinasok ng di pa nakikilalang suspek ang 16 anyos na babae sa loob ng unit nito sa Camella Homes sa Numancia, Aklan.

Sa panayam sa PNP Numancia, natutulog raw ang biktima nang pasukin ng suspek bandang alas 3:00 ng madaling araw.

Tinakpan raw ng suspek ang bunganga nito, pinagsusuntok at nang tangka ng hubaran dito na nakapumiglas, at sumigaw ng tulong ang biktima.

Agad nataranta ang suspek at agad itong tumakas.

Napag-alaman na walang kumpletong pader ang Subdivision, sa likurang bahagi at sa gilid posibleng doon raw dumaan ang suspek.

Napag-alaman na wala ring CCTV sa lugar na makatulong sana para makilala ang suspek.

Tinungo ng news team ang opisina ng Camella homes ngayong hapon pero wala raw maaring sumagot sa aming katanungan, nagsasagawa raw ng pagpupulong ang management at mga may-ari ng unit tungkol sa pagsasaayos ng seguridad./ Archie Hilario, EFM Kalibo

LIMANG CENTENARIAN SA AKLAN BINIGYAN NG PHP1000,00

Limang centarians o mga lolo at lola na umabot na sa 100 taon-gulang mula sa Aklan ang ginawaran ng Php100,000 mula sa gobyerno nasyonal.

Ang mga ito ay sina Diosdada Caspe (Kalibo), Caridad Regueta (Makato), Maria Laura Estures (Tangalan), Veronica Nobleza (Madalag), at Ireneo Bautista (New Washington).

Ang pagbibigay insentibo sa mga centenerian ay base sa Republic Act 10868 An Act Honoring and Granting Additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians, and for Other Purposes.

Nakatanggap rin sila ng karagdagan pang Php10,000 mula sa pamahalaang lokal ng probinsiya sa pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWD).


SWIMMING SA BORACAY NG MGA EUROPEAN DELEGATE MAY KOORDINASYON SA INTER-AGENCY - PNP REGION 6

May koordinasyon sa Inter-Agency Task Force ang swimming activity sa Boracay ng 21 European delegate ng GenFest International ayon sa PNP regional office 6.

Sinabi ni PSupt. Joem Malong, tagapagsalita ng PRO6, na bahagi ng kanilang itinerary ang pagbisita sa Boracay at dumaan umano ito sa security committee.

Aniya bumisita umano sa Ati Village ang grupo para pag-aralan ang kultura ng mga katutubo pagkatapos ay pinahintulutang makaligo sa baybayin ng Isla na tumagal ng nasa 30-minuto.

Kasama ng mga delegado ang local festival organizers at mga kapulisan habang naliligo sila sa Station 1 hapon ng Miyerkules nong nakaraang linggo.

Hindi rin nagtagal ang mga dayuhan sa Isla at bumalik rin sa Kalibo para tumulak sa Manila para sa kanilang main event.

Paliwanag pa ni Malong, nais rin umanong ipakita ng Inter-Agency sa mga dayuhang ito ang ginagawang rehabilitasyon sa Boracay.

Ang grupo ay ipinadala sa probinsiya para sa kanilang pre-festival event bago ang kanilang main event sa Manila. Nabatid na ang GenFest ay inorganisa ng isang Catholic movement na nakabase sa Roma.

Sa kabila nito, pinasiguro ni Malong na ginagawa naman ng kapulisan sa Isla ang kanilang trabaho para maging maayos at mapayapa ang nagpapatuloy na rehabilitasyon dito. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

LALAKI NATAGPUANG PATAY SA BAYAN NG MADALAG; SUSPEK SA PANANAKSAK ARESTADO

Patay na nang matagpuan ng kanyang pamilya ang isang lalaki sa Brgy. Alaminos, Madalag umaga ng Lunes.

Kinilala sa report ng Madalag PNP ang biktima na si Jonald Ventura, 29-anyos, residente ng nabanggit na barangay.

Nagtamo ito ng mga saksak sa katawan. Sa post mortem examination sa bangkay ng biktima, nakitaan umano ito ng saksak sa tiyan, sa likod at sa kilikili.

Huling nakita ang biktima na nakipag-unaman Linggo ng gabi kasama ang kanyang mga barkada.

Bagaman walang nakakita sa krimen, isa sa nakainuman niya na si Randy Nacion ang umamin sa mga otoridad na siya ang sumaksak sa biktima.

Ibinigay rin niya ang kutsilyo na umano'y ginamit niya sa pananaksak sa biktima. Wala naman siyang malalim na dahilan para gawin ang krimen maliban lamang anya sa kalasingan at diskusyon sa inuman.

Nabatid na magkasama pang nag-inuman ang dalawa gabi ng Linggo bago naganap ang insidente.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Madalag PNP ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

SUSPEK SA BUY BUST OPERATION SA BANGA SINAMPAHAN NA NG KASO

(update) Sinampahan na ng kaso si Jeffrey Iglesias na nahuli ng mga kapulisan sa buy bust operation sa Brgy. Tabayon, Banga araw ng Sabado.

Matatandaan na nakuha umano ng mga kapulisan ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu. Pero sa pagrekesa sa suspek ay walang narekober na buy bust money.

Ayon kay PCInsp Frenzy Andrade, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit na silang nagkasa ng operasyon, ang narekober nilang iligal na droga ay kapalit sana ng Php4,000.

Hindi umano ito tinanggap ng suspek matapos matunugan na pulis ang kanyang nakatransaksyon. Nagtangka pa nga umano itong tumakas sa operatiba.

Ani Andrade, araw ng Lunes ay sinampahan na ng kasong paglabag sa section 5, Article II of Republic Act 9165 si Iglesias.

Paliwanag niya, kahit hindi narekober ang buy bust money, sinampahan parin siya ng kaso dahil may naganap umanong delivery ng droga.

Nakatakdang dalhin sa Bureau of Jail Management and Penology sa Kalibo ang nasabing suspek para sa kaukulang disposisyon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

SCHOOL PRINCIPAL NG LINABUAN NORTE HIGHSCHOOL NAGPASALAMAT SA TAPAT NA TRICYCLE DRIBER!

Labis labis ang pasasalamat ng school principal na si Merlyn Carillo sa tricycle driber na si Ricardo Yabut IV 36 anyos na taga Tigayon Kalibo, Aklan.

Naiwan kasi ng principal ang bag nito na may lamang laptop at mahahalagang ducumento sa tricycle kagabi.

Sumakay raw siya mula sa public Market patungo sa Old buswang, nakalimutan nito ang laptop na naipatong nito sa upuan ng tricycle.

Mag-aalas 7:00 palang ng umaga ay nasa school na si Ricardo para isauli ang mga naiwang gamit ng principal.

Sa labis na tuwa ng principal binigyan siya ng pabuya.

Sana raw ay marami pang tricycle driber na katulad ni Ricardo, at nawa ay pamarisan ng iba ang pagiging tapat nito./ Archie Hilario, EFM Kalibo

POSTHUMOUS AWARD NAKATAKDANG IGAWAD KAY 2LT BERT ZONIO

Nakatakdang gawaran ng posthumous award ng Sangguniang Panlalawigan si 2Lt. Bert Zonio, isang Aklanon na napatay sa bakbakan sa Maguindanao nong Hulyo 4.

Lunes nang ipasa ni Board Member Nemisio Neron sa regular session ng Sanggunian ang resolusyon na nagbibigay pugay sa kabayanihang ipinamalas ng fallen soldier.

Ang opisyal ng Philippine Army Scout Ranger ay nasawi matapos umanong makipagpalitan ng putok ang kanyang tropa kontra sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Linggo nang dumating ang labi ng sundalo sa Kalibo International Airport at pansamantalang nakaburol ngayon sa Brgy. Andagao, Kalibo sa kanilang residensya.

Nakatakdang dalhin si Zonio sa Bigaa, Malinao sa lugar ng kanyang asawa bukas araw ng Miyerkules sa mismong kaarawan niya.

Ang 32-anyos na sundalo ay may isang 2 year-old na anak. Inilarawan siya ng kanyang pamilya na mabait at masipag kaya ganon nalang ang kanilang pangungulila sa kanyang pagkasawi. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Monday, July 09, 2018

PINAGTRIPAN O ALITAN? LALAKI SINAKSAK SA NABAS AKLAN

Laserna, Nabas- Nagtamo ng limang saksak sa likod, daplis sa likurang bahagi ng ulo at kanang kamay ang biktimang si Kasimanwang Reden Saligumba 20 anyos at residente ng nasabing lugar.

11PM ng Sabado naganap ang pananaksak. Kakatapos lang diumano ng sayawan sa plaza ng nasabing barangay. Ayon sa pahayag ng pamilya ng biktima, pauwi na ito at pinagtripan diumano ng mga suspek. Hinawakan upang hindi makapalag sabay pinagsasaksak.

Ayon naman sa interview ni Kasimanwang Jodel Rentillo sa programang "Prangkahan" kay Kapitan Flores ng Brgy. Laserna, Nabas meron diumanong alitan ang magkabilang panig. Dagdag pa ng kapitan na siya mismo kasama ang kanyang mga tanod ay tutulong na mahanap ang suspek upang mapanagot sa nagawang krimen.

Nananatiling nakaconfine sa Provincial Hospital ang biktima./ Joefel Magpusao, EFM Kalibo

LALAKI BINARIL SA INUMAN SA BAYAN NG BATAN

Camanci, Batan - Nagtamo ng tama ng bala sa kanang hita si kasimanwang Joey Graciano 28 anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa salaysay ng hipag ng biktima, kagabi dakong alas diyes (10pm) pababa umano sya ng bahay upang puntahan at pahinaan ang maingay na tugtog ng nag-iinoman at nagkakasayahang grupo kasama ang biktima.

Bigla umano syang nakarinig ng putok ng baril at nakita nalang nila na hawak hawak na ng biktima ang kanyang kanang hita na duguan.

Dinala nila ito una sa Altavas District Hospital at nilipat sa Aklan Provincial Hospital kung saan nananatiling nakaconfine ang biktima.

Ayon naman sa tiyahin ng biktima bago diumano nangyari ang pagbaril, nakakarinig na umano sila ng putok ng baril sa nakalipas na mga araw na malapit sa mismong lugar ng pinangyarihan.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang may kagagawan ng krimen./ Joefel Magpusao, EFM Kalibo

PAGHATI SA AKLAN SA DALAWANG DISTRITO, APRUBADO NA SA HOUSE OF REPRESENRTATIVES

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang pagsasadalawang distrito ng Aklan.

Kinumpirma ito ni Aklan lone district representative Cong. Carlito Marquez sa panayam ng Energy FM Kalibo. Alinsunod ito sa inakdaan niyang House Bill 7522.

Sa nasabing bill, ang unang distrito ay binubuo ng mga bayan ng Altavas, Batan, Balete, Banga, Kalibo, New Washington, Libacao, at Madalag.

Ang ikalawang distrito naman ay binubuo ng mga bayan ng Buruanga, Ibajay, Lezo, Makato, Malay, Malinao, Nabas, Numancia, at Tangalan.

Kailangan pa umanong dumaan sa Senado ang nasabing batas at kay Pangulong Rodrigo Duterte.

BORACAY REHAB TO BRING LASTING BENEFITS-- SAP


(Press Release) THE rehabilitation of Boracay will bring long-lasting benefits not only for the locals but for the country as a whole.

This was what Sec. Bong Go, Special Assistant to the President, assured on Sunday as he oversaw the giving of financial assistance to the displaced Boracay workers.

"Iniisip ni Presidente ang kapakananan ng nakararami as always. So kung ano mang plano para sa Boracay, kapakanan ng karamihan at kabutihan ng bawat Pilipino lalo ng residente ng Boracay ang isinasaalang-alang," he stressed.

(The President always puts the interest of the greater Filipino mass at the forefront. Whatever his plans are for Boracay, rest assured that they will be for the betterment of every Filipino especially the Boracay residents.)

SAP Bong Go was directed by the President to personally check on the progress of the island's rehabilitation, which the President had previously ordered to be fast-tracked.

Before his engagement in Boracay, SAP Bong Go was in Cagayan de Oro and Dumaguete wherein thousands of his supporters gathered to urge him to run for a seat in the senate in 2019.

But he doused speculations as he said it is too early to talk about politics and the final decision will be up to the President, “Trabaho lang muna po ako. Tumutulong ako sa kampanya ni Presidente para labanan ang drugs, criminality and corruption.Trabaho lang din kaya ako nakikita sa publiko dahil my job is to help."

(My sole focus for now is on doing my job. I'm advancing the President's campaign against drugs, criminality and corruption. It's only because of my job to help that I'm usually seen in public.)

Go in his previous appearances said that as the president, fondly called Tatay Digong, cannot attend to everybody’s concerns, he is usually tasked to do it on his behalf. Hence, the public can already call him Kuya Bong.

###

DISPLACED BORACAY WORKERS URGED TO AVAIL ASSISTANCE

(Press Release) The labor department is reaching out to thousands of displaced and suspended workers affected by the temporary closure of Boracay to avail of its comprehensive package assistance under its Adjustment Measures Program (AMP).

Labor Secretary Silvestre Bello III said only 10,000 affected workers have so far applied for the program out of the 20,000 registered workers, who are expected to avail of the integrated assistance package, which includes P4,200 monthly financial support for six months, employment facilitation, and training.

“We urge all displaced, suspended Boracay workers in the formal sector to avail of the financial assistance provided by our President. They should be informed that there is available assistance fund waiting for them, which can help them cope from the temporary closure of Boracay,” Bello said.

The AMP, which is under the Boracay Emergency Employment Program (BEEP), aims to enhance the employability and competitiveness of the beneficiaries, as well as mitigate the adverse economic impact of the island’s rehabilitation.

Interested applicants may submit the duly accomplished BEEP AMP Application Form; photocopy of certificate of employment; photocopy of any government-issued ID; and proof of Land Bank of the Philippines account to DOLE Regional Office VI, or any of its Field Offices.

For affected workers who have gone back to their hometown, they may submit their applications to the nearest DOLE Regional/Field/Satellite Offices.

Meanwhile, Bello said that the informal sector workers and indigenous people affected by the closure of the island can also apply for assistance under its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, which provides emergency employment in a form of 30-day community work.###Abegail De Vega, DOLE

Sunday, July 08, 2018

DOLE SEC. BELLO: SIMPLEHAN ANG REQUIREMENT SA ASSISTANCE PARA SA MGA AFFECTED BORACAY WORKERS

Pinasisimplehan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III ang requirement para sa pag-avail ng Adjustment Measure Program (AMP) para sa mga displaced worker sa Isla ng Boracay.

Napuna kasi ng kalihim na dahil sa dami ng requirements ay kaunti palang ang nakakavail ng programa.

Ayon sa report ng Kagawaran, na nasa 20 libo na mga rehistradong manggagawa sa formal workers ay kalahati palang ang nakakaavail ng integrated assistance package.

Kaugnay rito sinabi niya sa isang presscon ngayong araw ng Linggo na dapat anya ay barangay ID sa Boracay at employment certificate lang ang requirement. Ang planong ito ay posible anyang idaan pa sa department order.

Naisa rin niya na sa halip na cash card ay pera na agad ang ibigay sa mga benepisaryo.

Hinikayat ni Bello ang iba pang mga displaced worker sa formal sector na mag-avail ng financial assistance fund para sa kanila.

Ang mga affected workers na bumalik na sa kanilang mga bayan o probinsiya ay maaari umanong magsumite ng aplikasyon sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE. | via Darwin Tapayan, EFM Kalibo

SWIMMING NG MGA EUROPEAN YOUTH DELEGATES SA BORACAY IIMBESTIGAHAN NG DENR

photo © Lemuel Santiago
Iimbestigahan ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ulat na 30-minute swimming activity ng nasa 21 delegates ng Genfest International sa Boracay nitong Miyerkules.

“We assure you that we will look into this, and determine if there’s any breach on the protocol set by the Boracay Inter-agency Task Force,” pahayag ni DENR Undersecretary and Deputy spokesperson Benny Antiporda.

Ayon sa report na nakarating sa DENR ang Aklan provincial police umano ang nagbigay ng pahintulot sa mga European delegates para maligo sa front beach ng Station 1 sa Isla kasunod ng request ng festival organizers matapos dumaan sa mahigpit na screening.

Iginiit pa ni Antiporda na base sa guidlines ng inter-agency task force, ang swimming ay papayagan lamang sa mga residente na sa Station 1 at sa Angol beach mula 6am hanggang 5pm.

Pansamantalang isipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Isla sa mga turista simula Abril 26 para bigyang-daan ang anim na buwang palugit para sa rehabilitasyon nito. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

84 ANYOS LOLA NA TUMATAWID NG KALSADA NASAGI NG MOTORSIKLO SA POOK, KALIBO!

Nasagi ng motorsiklo ang isang lola habang tumatawid ng kalsada, sa Pook, Kalibo, malapit sa Kalibo International Airport.

Naganap ang aksidente pasado ala sais ngayong umaga.

Kinilala ang biktima sa pangalang Angelina Mendoza na residente ng Pook, Kalibo. Isinugod na sa ospital ang biktima.

Ang driber ng motorsiklo ay kinilala sa pangalang Larry Caburong na taga Camaligan, Batan, Aklan./ Archie Hilario, EFM Kalibo

2 LALAKI SINAKSAK SA KALIBO, AKLAN

Sinaksak ng di pa pinangalanang suspek ang dalawang lalaki sa Calachuchi Road, Andagao Kalibo, Aklan. Naganap ang insidente alas 10:00 pasado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima sa pangalang Dave Dadivas y Maming 17 anyos, nagtamo ng sugat sa dibdib, Kim Kiling 22 anyos na nagtamo naman ng sugat sa balikat.

Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng Energy Fm mula sa Kalibo PNP, papauwi na umano ng bahay ang dalawa mula sa birthday party ng maganap ang krimen.

Sinundan umano sila ng suspek na nagmula rin sa nabanggit na party, nagkaroon ng pagtatalo na nagresulta sa pananaksak.

Isinugod na sa Provincial Hospital ang mga biktima. Samantala patuloy na ang paghahanap ng PNP Kalibo sa suspek./ Archie Hilario, EFM Kalibo