Saturday, June 08, 2019
PNP Regional Director BGen. Bulalacao magreretiro na ngayong Hunyo
KALIBO, AKLAN - Magreretiro na si BGen. John Bulalacao sa Hunyo 27 kasunod ng mahigit isang taon niyang paglilingkod bilang Regional Director ng Philippine National Police (PNP) sa Western Visayas.
Ilang araw bago ang takdang pagreretiro ay bumbibisita siya sa mga lalawigang nasasakupan niya para magpaalam at magpasalamat sa mga kapulisan.
Ngayong araw ng Sabado ay bumisita dito si Bulalacao kung saan nagbahagi siya ng kanyang mensahe sa kapulisan sa Camp Pastor Martelino sa Brgy. New Buswang.
Sinabi niya na naging matagumpay siya sa kanyang karera bilang pulis at nanawagan siya sa kapulisan na gampanang maagi ang kanilang tungkulin, at magkaroon ng reputasyon sa paglilingkod, at magtiwala sa Panginoon.
Pinuri rin niya ang kapulisan sa Aklan sa matagumpay na kampanya kontra iligal na droga at sa mapayapa at maayos na eleksyon nito lang Mayo.
Nabatid na umupo si Bulalacao bilang top commander ng Police Regional Office 6 Hunyo 1 noong nakaraang taon kasunod ng kanyang pagkatalaga bilang tagapagsalita ng PNP.
Sa isang media interview dito sinabi ni Bulalacao na wala pang nakikinita sa ngayon kung sino ang papalit sa kanya. Nilinaw rin niya na hindi pa pwede ang kanyang deputy na si BGen. Jesus Cambay Jr. sa pwesto dahil bagong promote palang ito.
Nagpaabot rin siya ng kanyang pasasalamat sa mga Aklanon sa pagsuporta sa mga programa at proyekto ng kapulisan kabilang na ang rehabilitasyon ng Isla ng Boracay.
Si Bulalacao ay taga-Bicol at naglingkod ng mahigit 35 taon bilang uniformed personnel.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Friday, June 07, 2019
Ilang KAP members binatikos sa social media sa pagmamaneho ng walang helmet
KUMAKALAT NGAYON sa facebook ang ilang larawan ng ilang miyembro ng Kalibo Auxiliary Police (KAP) na nagmamaneho na hindi nakasuot ng helmet.
Umani ito ng mga negatibong reaksiyon sa mga netizen ito ay sa kabila ng mainit nilang operasyon Oplan Sita laban sa mga motoristang lumalabag sa mga batas trapiko.
Ayon kay Roland Inan, admin ng KAP, agad nilang sinaway ang mga nasabing KAP ngayong araw at umamin naman sa kanilang pagkakamali.
Isa rito ay si Robert Deroma na pauwi na sa kanilang residensiya na nagmamaneho ng motorsiklo na walang suot na helmet sa ulo.
Paliwanag niya ginawa niyang lagayan ng biniling mga itlog ang helmet para hindi masira.
Ang isa namang nalitratuhan ay si Jonel Apolinario. Ayon naman sa kanya ay itinatawid lamang niya sa kalsada ang impounded na motorsiklo.
Pero sinaway lamang siya ng kanyang mga leader at hindi na tiniketan.
Pinasiguro naman ni Inan na hindi nila itinotolerate ang mga paglabag ng kanilang mga kasama at kahit sila mismo ay nag-ti-ticket sa kanila.
Samantala, sinabi ni Inan na tuloy-tuloy ang gagawin nilang Oplan Sita.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
55-anyos na lalaki patay matapos magbigti sa bayan ng Lezo
PATAY ANG isang 55-anyos na lalaki matapos magbigti sa kanyang kubo sa Brgy. Bagto, Lezo.
Kinilala ang nasabing lalaki na si Jesus Gonzales.
Sa paunang ulat ng Lezo PNP, natagpuan nalang ng ilang kamag-anak na nakabitin na ang nasabing lalaki kaninang umaga.
Agad itong dinala ng kapulisan sakay sa patrol patungong Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital sa Kalibo pero dineklara ito ng doktor na patay na.
Nabatid na nakakaranas ng depresyon at hindi mabuting kondisyon ng katawan ang nasabing lalaki na posible umanong dahilan ng kanyang pagpapakamatay.
Napag-alaman na wala itong asawa at mag-isa lang na naninirahan sa kanyang kubo malapit sa bahay ng kanyang kapatid.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo (with hospital report from @Kasimanwang Joefel Magpusao)
Kinilala ang nasabing lalaki na si Jesus Gonzales.
Sa paunang ulat ng Lezo PNP, natagpuan nalang ng ilang kamag-anak na nakabitin na ang nasabing lalaki kaninang umaga.
Agad itong dinala ng kapulisan sakay sa patrol patungong Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital sa Kalibo pero dineklara ito ng doktor na patay na.
Nabatid na nakakaranas ng depresyon at hindi mabuting kondisyon ng katawan ang nasabing lalaki na posible umanong dahilan ng kanyang pagpapakamatay.
Napag-alaman na wala itong asawa at mag-isa lang na naninirahan sa kanyang kubo malapit sa bahay ng kanyang kapatid.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo (with hospital report from @Kasimanwang Joefel Magpusao)
Update: suspek na nagnakaw sa isang Chinese National sa Kalibo pinalaya
Ang suspek habang nasa kulungan / larawang kuha ni Kas Darwin Tapayan |
Mababatid na inaresto ng kapulisan ang suspek na si Robert Nadura ng Brgy. Bakhaw Sur matapos siyang ituro na nagnakaw ng pera ng banyaga na nagkakahalaga ng nasa Php22,000.
Sinubukan noon ng news team na kunan ng pahayag ang suspek kung bakit nagawa niya ang pagnanakaw subalit tumanggi itong paunlakan kami.
Matatandaan na nasa loob ng isang Chinese restaurant sa may Kalibo International Airport ang tour guide nang mapansin ng kanyang helper ang suspek na kinuha ang wallet ng biktima sa loob ng bag na nakapatong sa mesa.
Napag-alaman na humingi ng tawad ang suspek sa biktima na si Leng Jong Long o Patrick bagay na pinatawad naman ng huli at nagdesisyon na huwag nang magsampa ng kaso.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Pinakabata, No. 1 Barangay Kagawad sa Nabas nagbitiw sa pwesto
Graphics by Energy FM Kalibo |
Ayon kay Kagawad Uriel Bolivar, napag-isip umano niyang kailangan muna niyang magbitiw sa pwesto para ipagpatuloy ang kaniyang edukasyon.
Sa susunod na linggo ay papasok na sa San Agustin University sa Iloilo ang 19-anyos na konsehal para mag-aral sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management.
Iginiit naman ni Bolivar na magpapatuloy siya sa paglilingkod sa kanyang mga kabarangay at kababayan. Mahalaga rin aniya ang edukasyon para mapabuti pa niya ang kaniyang paglilingkod.
"God willing and by the grace of the Holy Spirit through your prayers, I will be enlighten more and be knowledgable on things that are crucial for success through my education in the university."
Nabatid na unang termino ito ni Bolivar matapos mahalal noong Mayo 2018 sa edad na 18 anyos at tatlong buwan, isa sa pinakabatang mga konsehal ng barangay sa bansa.
Sa maiksing panahon bilang kagawad, nagdala siya ng ilang proyekto at programa sa barangay kabilang na ang umano'y kauna-unahang Youth Day Celebration, pagpapaayos ng dalawang Day Care Center, at pagpasa ng Revenue Code.
Inaasahan na bago magtapos ang buwan mag-i-epekto ang kanyang resignation. Si Nabas Mayor James Solanoy naman ang mag-a-apoint ng hahalili sa kanyang pwesto.
Si Uriel ay anak ng pangalawang konsehal ng bayan na si Stephen Bolivar.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Thursday, June 06, 2019
Motorista kritikal matapos maaksidente sa bayan ng New Washington
photo credited to the owner |
Batay sa ulat ng New Washington PNP, nakilala ang biktima na si Nestor Desol Dalida Jr., 25-anyos, at residente ng Brgy. Linabuan Sur, Banga.
Lumabas sa paunang imbestigasyon ng kapulisan na nag-overtake umano sa isa pang motorsiklo ang biktima at nawalan ito ng kontrol dahilan para bumangga sa gutter ng tulay.
Nabatid na mabuhangina ang kalsada sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.
Nabalian ng kanang paa ang biktima at nagtamo ng malubhang sugat sa ulo.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO sa lugar at isinugod ang biktima sa ospital at naka-confine ngayon sa intensive care unit.
Samantala, napag-alaman na noong Mayo 29 ay nasangkot rin sa aksidente ang isa niyang kapatid matapos masagasaan ag isang 15-anyos na batang babaeng tumatawid sa kalsada sa Brgy. Estancia, Kalibo.
Doble ang kargo ngayon ng pamilya dahil sa panibagong aksidente habang tinutulungan rin nilang mapagamot ang 15-anyos na batang babae na malubha rin ang lagay sa Iloilo.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Suspek sa pagnanakaw sa isang Chinese tour guide sa Kalibo arestado na
NAARESTO NA ng Kalibo PNP ngayong hapon ang suspek na nagnakaw sa isang Chinese tour guide Miyerkules ng gabi sa Brgy. Pook, Kalibo.
Kinilala ang nasabing suspek na si Robert Nadura ng Brgy. Bakhaw Sur, sa bayan ding ito.
Nasabat ng kapulisan ang halos kalahati ng umano'y ninakaw na pera sa boarding house ng suspek.
Mababatid na naganap ang insidente habang nasa loob ng isang Chinese restaurant ang biktimang si Leng Jong Long o Patrick kasama ang kanyang helper.
Ayon sa kanyang helper, naaktuhan umano niya ang suspek na kinuha ang wallet ng biktima sa loob ng bag na nakapatong sa mesa at mabilis na tumakas.
Sinubukan naming kunin ang pahayag ng suspek subalit tumanggi itong paunlakan kami.
Nabatid na may-asawa ang lalaki at may dalawang menor de edad na mga anak. Tumutulong rin umano siya sa restaurant kung saan naganap ang insidente.
Nakakulong ngayon ang suspek sa lock-up cell ng Kalibo PNP habang hinihintay pa ng kapulisan ang magiging desisyon ng biktima kung magsasampa ito ng kaso.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
Nasunugan sa bayan ng Malinao binigyan ng tulong sa pamamagitan ng Energy FM Kalibo
Iniaabot ni Kasimanwang Archie Hilario ang tulong kay Tatay Danilo. |
INABUTAN NG Energy FM Kalibo ng tulong ang nasunugan ng bahay na si Danilo Balangat, 58-anyos, sa Brgy. Rosario, Malinao.
Ngayong umaga ay dinala namin Php10,000 pinansiyal na tulong kay Tatay Danilo. Mula ito sa Ibabao Family na nagmamay-ari ng Ibabao Pharmacy sa Malinao.
Naabutan namin si Tatay Danilo na nasa loob ng maliit na kubo na ginawa niya pansamantalag tirahan katabi lang ng nasunog nilang bahay.
Halos lahat ng kanilang gamit ay nasunog. Sa kabila nito ayon sa kaniya ay pinapasok na niya sa paaralan ang dalawa niyang mga menor de edad na mga anak para mag-aral kahit kulang pa umano ang kanilang mga gamit.
Napag-alaman pa na umalis umano ang kaniyang asawang babae para magtrabaho sa Manila kaya mag-isa nalang niyang tinataguyod ang mga maliliit na anak.
Aniya malaking tulong na ang kaniyang natanggap. Gagamitin umano niya ito sa muling pagpapatayo ng kanilang bahay.
Matatandaan na nasunog ang kanilang buong bahay noong Mayo 30 dahil sa nagshort-circuit na kuryente sa kanilang bahay.
Emosyonal naman siyang nagpasalamat sa nagbigay ng tulong at sa Energy FM Kalibo.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Pahayag ng babaeng hinold-up umano sa Kalibo "inconsistent" ayon sa kapulisan
"Inconsistent" umano ang pahayag ng babaeng hinold-up sa isang bus terminal sa Brgy. Estancia, Kalibo ayon sa imbestigador ng Kalibo PNP Station.
Ayon kay PSSgt. Erick John De Lemos, imbestigador, paiba-iba rin umano ang pahayag ng 21-anyos na babae na isang estudyante at negosyante ng mga libro.
Pahayag ni De Lemos, nakapagtataka aniya na hinold-up siya sa terminal gayong sa kinatatayuan niya ay marami umanong tao doon at wala manlang nakapansin sa insidente.
Ipinagtataka rin ng imbestigador ang detalyado niyang deskrepsyon sa suspek gayong nakatalikod umano siya ng hold-apin ng suspek.
Nakapagtataka rin aniya na tricycle ang sinakyan ng suspek para makatakas batay sa pahayag ng biktima.
Napag-alaman na may mga deskrepansiya sa inireremit na pera ang babae sa kanyang amo sa mga kinikita nito sa pagbebenta ng libro.
Ayon kay De Lemos wala umanong CCTV sa lugar. Sa kabila nito, hindi pa isinasara ang imbestigasyon sa insidente.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
Chines tour guide ninakawan ng nasa Php22,000 sa Kalibo
we do not own the photo / credit to the real owner |
ISANG CHINESE tour guide ang ninakawan ng nasa Php22,000 habang nasa isang restaurant sa Kalibo International Airport Kagabi.
Kinilala ang biktima na si Leng Jong Long na may English name na Patrick, 32-anyos, at pansamantalang nakatira sa Isla ng Boracay.
Ayon sa kanyang helper na si Rafael Encarnacion, nasa loob sila ng restaurant nang mamatay ang suplay ng kuryente.
Napansin umano niya na mabilis na kinuha ng suspek ang wallet ng foriegner sa loob ng kanyang bag na nakalapag sa mesa at tumakas.
Kinilala sa ulat ng Kalibo PNP ang suspek na si Robert Nadura ng Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo.
Agad nasagawa ng follow-up investigation ang kapulisan sa ikadarakip ng suspek subalit hindi na natagpuan.
Patuloy pa ang pagtugis ng kapulisan sa suspek.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
Pasyente na may mental illness tumakas sa ospital, tumalon sa tulay
Kalibo-Numancia bridge / file photo by Kas Darwin Tapayan |
ISANG LALAKI ang tumalon sa tulay kagabi sa Kalibo-Numancia bridge matapos tumakas sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.
Batay sa hospital report ni Kasimanwang Joefel Magpusao, nariscue ng mga residente ang 38-anyos na lalaki at agad ibinalik sa ospital.
Nabatid na ang lalaki ay nakakaranas ng mental illness at una nang isinugod sa ospital matapos maglaslas sa tiyan kahapon sa kanilang residensya sa Makato.
Subalit ilang sandali lamang matapos itong maconfine ay tumakas umano nang hindi namalayan ng kaniyang pamilya at ng mga staff ng hospital. Huli nalang nalaman na tumalon na ito sa tulay.
Nabatid pa na una na itong tumalon sa tulay sa kanilang barangay sa Makato pero nailigtas rin.
Posible umanong dalhin nalang sa mental health center sa Pototan, Iloilo ang nasabing lalaki.##
Wednesday, June 05, 2019
Press Release: DSWD sa Kalibo nagpanupod it food packs sa mga miyembro it 4Ps
Ginbaton eon ku mga benipisaryo it Pantawid Pamilyang Pilipino Program 4Ps ro andang bayad sa ginhimo nanda nga pagpang-limpyo sa mga Kabaranggayan it Kalibo matapos nga ro Probinsya hay naka-rekord it mataas nga numero it measles. Suno kay Ms. Lolly Espino, MSWD Officer it Kalibo, ro DSWD hay naghimo it Food For Work Activity agud magpang-limpyo sa mga Kabarangayan agud matapna man pagtaas ku numero it Dengue Cases.
Tig 200 ka mga 4Ps ro ginlista sa Programa sa kada mga Brgy. nga gin-identify it mga Brgy. Officials. Ro andang pagpanarabaho hay sa sueod it 2 adlaw ag Food Pack nga nagabalor it tig P360.00 ro nagiging sweldo.
Samtang sa ginpatigayon man nga Monday Flag Raising Ceremony, ginbalita ni Mayor William Lachica ro pagahimuon nga MOA Signing ku Joint Venture Agreement sa tunga ku LGU Kalibo ag Phil. Slaughter House Management Operation PSMO Inc. May pagahimuon pa gid nga Ground Breaking ku Kalibo Meat Plant sa Hunyo 13 ag pagkahapon man hay pagahimuon ro Blessing it Children’s Playground sa Kalibo Pastrana Park. Ginbalita pa gid ku Alkalde ro ginahimo nga may konstruksyon it Drainage System sa may D. Maagma St., paadto sa C. Quimpo St. sige man ro pag-instolar it Traffic Light sa may porsyon it Citymall.
- Donniel Aguirre, LGU Kalibo / RADYO NATIN Kalibo
Estudyante hinold-up sa isang bus terminal sa Kalibo; Php40K natangay
Salaysay ng biktima na si Josshel Andrade, 21-anyos, residente ng Valderama, Antique galing pa umano siya sa kanilang probinsiya at pumunta sa Kalibo para magremit ng pera na kinita niya sa pagbebenta ng mga aklat.
Sinabi niya na pagdating sa bus terminal sa Kalibo ay binuksan niya ang kanyang bag nang may isang hindi umano nakikilalang lalaki ang lumapit sa kanya at may itinutok sa kanyang likuran saka kinuha ang kanyang wallet at umalis sakay ng tricycle.
Giit ng babae, hindi agad umano siya nakasigaw para makahingi ng tulong dahil sa kaniya umanong takot at nerbyos na baka saktan siya ng holdaper.
Agad siyang nagtungo sa police station ng Kalibo para iulat ang insidente. Agad naman umanong ruimesponde ang kapulisan sa lugar pero hindi na naabutan ang suspek.
Nabatid na nagsusummer job umano ang biktima kung saan nagbebenta siya ng mga aklat para mabayaran ang kanyang balanse sa paaralan at para may ipang-enroll bilang third year sa kolehiyo sa kursong nursing.##
Php3.6 million halaga ng bus ido-donate ng isang bus company sa Aklan
Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan araw ng Lunes ang kahilingan ni Gov. Florencio Miraflores na pumasok sa Deed of Donation para rito.
Hindi naman napag-usapan sa regular session ng Sanggunian kung ano ang paggagamitan ng bus kapag natanggap na ito ng probinsiya.
Ang Vallacar Transit Inc., sa Bacolod City ang nagmamay-ari ng mga Ceres bus na bumibiyahe sa probinsiya ng Aklan.
Ang donasyon ay simbolo umano ng pagpapasalamat ng kompanya sa probinsiya.
Mababatid na una nang nagbigay ng isang unit ng bus ang nasabing kompanya sa pamahalaang lokal ng Kalibo Enero nitong taon.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Dog lover naghanda sa birthday celebration ng 3 alagang aso
Si Manalo at isa sa mga alaga niyang aso na nag-birthday. |
Dinaluhan ito ng ilang dog-lover, kamag-anak at ilang mga kakilala na nasiyahan sa pagkain at inumin. May cake din na inihanda si Manalo.
Sa panayam kay Manalo sinabi na ginawa niya ito bilang pagmamahal sa kaniyang mga alagang aso na itinuturing na umano niyang mga anak.
Kasabay ng selebrasyon nagbigay rin siya ng tulong pinansiyal kay Cyle Jefherson Gervero, 5 anyos, ng Estancia, Kalibo na naputulan ng isang paa dahil sa aksidente.
Matatandaan na Enero nitong taon ay umani ng papuri si Manalo matapos na bigyan niya ng isang funeral service ang kanyang namatay na aso na si "Nikki" na isang Japanese Spitz.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Monday, June 03, 2019
25-anyo na babae hinold-up sa Numancia; bag at cellphone natangay
Numancia PNP Station / Kas Darwin Tapayan photo |
Salaysay 25-anyos na biktima sa Numancia PNP, hinintuan umano siya ng isang motorsiklo sakay ang dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki.
Pawang nakasuot umano ng helmet ang dalawa. Isa umano rito ang bumaba at lumapit sa kanya at tinutukan siya ng kutsilyo sabay hablot sa kanyang bag at cellphone.
Mabilis umanong sumakay ng motorsiklo ang lalaki at umalis sa lugar.
Laman ng kanyang bag ang pera, ATM card, at iba pang mga dokumento.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Numancia PNP sa insidente para matukoy ang mga suspek at madakip ang mga ito.
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Subscribe to:
Posts (Atom)