Sunday, September 02, 2018

GOBYERNO NG AKLAN UUTANG NG MAHIGIT PHP1B SA BANGKO KASUNOD NG BORACAY CLOSURE

Uutang ng mahigit isang bilyong piso ang pamahalaang lokal ng Aklan sa bangko kasunod ng pagsasara ng Isla ng Boracay.

Nilagdaan ni Gov. Joeben Miraflores ang kasunduan kasama ang mga opisyal ng Development Bank of the Philippines (DBP) para sa loan facility na Php 1,053,000,000.

Ang gobyerno probinsiyal ay may initial availment na kabuuang Php 153,000,000 na gagamitin umano sa iba-ibang proyekto at gastusin ng gobyerno:

* purchase of construction equipment:
• 1 tractor head - Php 7 M
• 1 fuel truck - Php 5.5 M
• 1 14-footer stake truck - Php 2.5 M
• 1 backhoe hydraulic breaker - Php 2 M
* rehabilitation of bulldozer - Php 7 M
* establishment of oxygen generating plant - Php 35 M
* improvement of old three storey building of DRSTMH - Php 16 M
* purchase of medical waste decomposer - Php 25 M
* back to back loan (bridge financing) - Php 53 M.

Paliwanag ng gobyerno probinsiyal ang hakbang na ito ay kasunod ng labis na pagbaba ng revenue ng probinsiya na gagamitin sana sa taong 2018.

Kampante ang gobyerno na mababayaran ang utang base sa napagkasunduan.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment