Saturday, December 15, 2018

Restored Malinao church reopens to public

REDEDICATION RITES was held by representatives of the National Historical Commission of the Philippines, Parish of Malinao headed by Fr. Hermino 'Junjun' Felipe and the Local Government of Malinao led by Mayor Ariel Igoy to signal the official reopening  to the public of the St. Joseph the Worker Parish Church in Malinao today, December 15, 2018.





The reopening of the restored Akeanon heritage church is one of highlights of this year's Pascua sa Malinao Festival which is already on its 7th year.  This church was the place where  the centuries old Christmas tradition of 'misa de pastorelle' is held featuring the flight of the cometa (comet) and the two giant bitoon  sa eangit (heavenly stars) as well as the opening of the iconic granada amid the angelic voices of the pastora, a tradition that inspired the festival.

Inaugurated in the year 1889, the St. Joseph the Worker Church in Malinao, Aklan has undergone restoration under the auspices of the National Historical Commission of the Philippines (NHCP). The  restoration project cost is at Php 18 million.##

photo credits: Raymon Inolino Ileto

- report and text from Ro Akeanon FB

Friday, December 14, 2018

Dalaga nagreklamo sa kapulisan matapos sipulan, hawakan sa puwet ng isang lalaki

NAGREKLAMO SA kapulisan ang 18-anyos na estudyante makaraan sipulan at hawakan siya sa puwet ng hindi niya nakikilalang lalaki.

Naganap umano ang insidente hapon ng Biyernes habang siya ay nasa loob ng isang mall dito sa bayan ng Kalibo habang kasam niya ang kapwa nya estudyante na isang babae.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo, nasa isang gaming center umani sila nang panay ang titig sa kanya ng nasabing lalaki. Sinipulan pa umano siya.

Hindi pa umano nakontento ang lalaki pasimple umano itong dumaan sa kinatatayuan niya habang kumakanta ang kasama at doon hinawakan siya sa puwet.

Hindi na umano naisip ng babae na magreklamo pa sa guwardiya ng nasabing establishment sa halip ay umalis doon at nagsumbong sa ama.

Sa pag-aalala ng ama pinuntahan pa umano siya sa mall at tiningnan kung nandoroon pa ang lalaki subalit hindi na nila ito nasilayan.

Sa sandaling iyon ay minabuti ng mag-ama na magreklamo sa kapulisan matapos magdala ito ng takot at kahihiyan sa Grade 12 student.

Inilarawan niya ang lalaki na nasa 40s, maitim at mababa, nakasuot ng tshirt, short at tsinelas. May nakapagsabi na umano sa kanya na kilala nila ang lalaki at sadyang "ganito" raw ito.

Paalala niya sa iba pang dalaga na mag-ingat sa mga ganitong uri ng lalaki. Huwag magtitiwala sa hindi kakilala.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Motorsiklo sumalpok sa tricycle sa Malay, isa malubha

MALUBHA NGAYON ang lagay ng isang 16-anyos na babae makaraang sumalpok ang menamanehong motorsiklo sa tricycle sa Brgy. Argao, Malay hapon ng Huwebes.

Si Clarissa Antaran, 16-anyos, residente ng Brgy. Sambiray sa nasabing bayan ay patuloy na ginagamot sa intensive care unit ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.

Mabilis umano ang patakbo ng menor de edad sa motorsiklo dahilan para mawalan ito ng kontrol at sumalpok sa kasalubong na tricycle.

Ang tricycle ay menamaneho ni Rene Samson Santuyo, 31, residente ng Brgy. Caticlan, Malay.

Sa lakas ng impact tumilapon ang driver ng motorsiklo at ang backrider niya na si Roeil Duhaylongsod, 25, ng Iligan City, Mindanao.

Nawalan ng malay ang driver ng motorsiklo at agad isinugod sa ospital.  Confine din sa Aklan Baptist Hospital ang kanyang backrider.

Nabatid na parehong lasing ang dalawa nang maganap ang insidente.##

Thursday, December 13, 2018

Bonus para sa mga tauhan ng munisipyo ng Kalibo ipamimigay na

IPAMIMIGAY NA ng munisipyo ng Kalibo ang bonus at mga incintives para sa kanilang mga tauhan kasunod ng pag-apruba rito ng Sangguniang Bayan.

Ayon sa report ni Kasimanwang Joel Nadura,  ang mga job order at contract of services ay tatanggap ng bonus katumbas ng buwanan nilang suweldo.

Habang ang mga barangay nutrition scholars, barangay health workers at Day Care workers ay tatanggap ng Php3,500.

Inaprubahan rin ng Sanggunian ang 15 porsyentong pagtaas ng sahod para sa mga barangay nutrition scholars, barangay health workers at Day Care workers.

Ipatutupad umano ito simula sa susunod na taon.

Tatanggap rin sila ng insentibo pagsapit nila ng 65 anyos depende sa haba ng kanilang paglilingkod.

Ang mga barangay nutrition scholars ay tatanggap ng maximum na Php20,000; barangay health workers na Php10,000; at barangay Day Care workers na Php30,000.

Sinabi ni Ms. Dianne Fegarido, SB Secretary, ibibigay ang mga bonus bago magbakasyon ang mga empleyado ng pamahalaang lokal.##

U-box ng motorsiklo ninakawan sa Kalibo habang nakapark


NINAKAWAN ANG motorsiklong ito habang nakapark sa kahabaan ng C. Laserna St., Kalibo gabi ng Huwebes.

Ayon sa biktimang si Larry Venturado, 23-anyos, iniwan umano niya ang motorsiklo na nakapark sa harap ng pinagtratrabuhuhang restaurant sa Purok 1.

Makalipas lamang umano ang nasa 45 minuto nang balikan niya at tingnan ang loob ng u-box ng motorsiklo ay nawawala na ang kanyang pera.

Napansin rin niya na tila pwersang binuksan ang u-box ng kanyang motorsiklo gamit ang kung anong bagay.

Minabuti ng biktima na isang waiter at residente ng Acevedo St., Kalibo na iparekord sa Kalibo Police Station ang insidente.

Iimbestigahan pa ng kapulisan ang insidenteng ito.

Matatandaan na kamakailan lang ay ilang motorsiklo rin ang naiulat na ninakawan ang mga u-box at napag-alaman kalaunan na menor de edad ang responsable rito.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, December 12, 2018

Festival organizer sa mga kandidato: ibigay ang tarpaulin kay Sto. Niño

UMAPELA ANG Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival Inc. (Kasafi) sa mga kumakandidato na iwasan ang "pangangampanya" sa festival sa darating na Enero.

"Let's give the tarpaulin to Sto. Niño. We appeal until January 20... Let's honor him and give him respect," panawagan ni Kasafi Chairman Albert Meñez sa pulong balitaan araw ng Miyerkules.

Ang apelasyon ay kasunod nang hingin ng media ang kanyang reaksyon sa posibleng pagsamantala ng mga kandidato sa eleksyon sa Kalibo Ati-atihan festival.

"We are all educated, deboto ni Sto. Niño," sabi niya kaugnay sa mga kandidato na nais maglabas ng kanilang tarpaulin para sa pagbati kaugnay ng pagdiriwang.

Sinabi pa niya na hindi umano magiging kaaya-aya kung mukha ng politiko ang makikita katabi ng Sto. Niño sa mga ikinakabit na tarpaulin sa bayang ito.

Umaasa siya na ilalaan ng mga makikilahok sa pagdiriwang ang pagkakataong ito para ipakita ang debosyon sa Sto. Niño, patron ng Kalibo.

Samantala, sa parehong pagpupulong muling sinabi ni Meñez na mahihirapan na silang ibalik ang snake dance dahil sa masikip na ang plaza o kalsada sa panahon ng pagdiriwang ngayon kung ikukumpara noon.

Pinangangambahan rin niya na posibleng magamit ang "snake dance" sa panghihimas ng iba sa kalahok lalo at mahigpit umano ang batas ngayon kaugnay rito.

Sinabi rin niya na bagaman bahagi na ng tradisyon ng Kalibo Ati-atihan festival ang pagsasadula ng "Barter of Panay" napag-alaman umano kalaunan na isa lamang itong kathang-kuwento.

Ang Kasafi ay isang pribadong institusyon na namamahala sa taunang pagdiriwang ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan, tinaguriang "The Mother of All Philippine Festival."##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Lalaki at menor de edad na live-in partner huli sa pagtutulak ng marijuana

INARESTO NG kapulisan ang isang lalaki at ang menor de edad na live-in partner sa bayan ng Numancia dahil sa pagtutulak ng paniniwalaang marijuana.

Kinilala ang mga suspek na si Rolando Egaña y Jesalva, 20-anyos at ang 17-anyos na live-in partner, pawang mga residente ng Brgy. Navitas sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng kapulisan, si Rolando ay nabilhan ng operatiba ng isang sachet ng pinaniniwalaang marijuana kapalit ng Php1000 marked money.

Nasabat din sa pagrikisa sa lalaki ang isa pang sachet ng umano'y marijuana.

Nabatid na parehong newly identified lang ng kapulisan ang maglive-in.

Pansamantalang ikinulong ang dalawa sa Numancia Municipal Police Station.

Isasailalim sa mandatory drug test ang dalawa at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ikinasa ng pinagsamang pwersa ng Numancia PNP at ng Provincial Drug Enforcement Unit ang operasyon gabi ng Martes sa Brgy. Albasan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

DepEd 6 sa reklamo ng mga guro sa Estancia, Kalibo: sufficient in form, content

IBINALIK NG Department of Education (DepEd) regional office ang pag-iimbestiga sa reklamo ng mga guro laban sa kanilang principal sa Estancia Elementary School.

Mababatid na ipinadala ni DepEd-Aklan Division Supt. Salvador Ochavo sa regional office ang reklamo ng 14 mga guro para sa pagdesisyon.

Inirereklamo ng mga guro ang hindi mabuting pakikitungo ng punong-guro na si Ms. Mary Ann Alcedo sa kanila at anila'y pagpapahiya sa kanila sa harap pa ng kanilang mag-aaral.

Tugon ni Dir. Ma. Gemma Ledesma, DepEd 6 Officer-in-Charge, na ang sulat-reklamo ng mga guro ay "sufficient in form and content pursuant to the Revised Rules of Procedures of the Department of Education in Administrative Cases".

Kaugnay rito inatasan niya ang Division Superintendent ng Aklan na magsagawa ng fact-finding o preliminary investigation sa reklamo.

Matatandaan na maging ang mga magulang ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan ay nagpetisyon at nagkilos-protesta sa DepEd-Aklan na paalisin ang nasabing guro dahil ayaw nila ang pamamalakad nito.

Sa kabila nito sinabi ni Dr. Ochavo na sa kanilang pag-iimbestiga ay wala silang makitang batayan sa reklamo kaya hindi niya maaaring ilipat mula sa eskwelahan ang principal.##

Kalibo humakot ng parangal mula sa DILG 6

HUMAKOT NG parangal ang bayan ng Kalibo sa katatapos lang na 2018 Excellence in Local Governance Award ng Department of Interior and Local Governance (DILG) region 6.

Mismong si Mayor William Lachica ang tumanggap ng nasabing parangal sa awarding ceremony sa Iloilo.

• Champion - Excellence in Economic Governance (1st - 3rd Class Municipality)
• Champion - Excellence in Local Legislation (1st - 3rd Class Municipality)
• 1st Runner-up - Best Performing 1st - 3rd Class Municipality
• 1st Runner-up - Excellence in Administrative Governance (1st - 3rd Class Municipality)
• 2nd Runner-up - Excellence in Social Governance (1st - 3rd Class Municipality)

Nagkamit rin ng parangal ang pamahalaang lokal ng lalawigan ng Aklan:
• 1st Runner-Up - Excellence in Local Legislation
• 2nd Runner-Up - Excellence in Admin. Governance
• Champion - Excellence in Social Governance

Ganoon rin ang munisipyo ng bayan ng Malinao:
• 2nd Rnunner-up - Ecellence in Local Legislation
• 2nd Runner-up - Excellence in Admin Governance

"Excellence In Local Governance Or Excell is DILG's awards program for LGUs to recognize municipalities, cities and provinces commendable for their efforts in instituting good governance in their respective constituencies.

"It is conceptualized as a continuing project of the DILG VI for best managed local governments in the region showcasing their achievements in governance, administration, social services, economic development and environmental management initiatives."

Kalibo Ati-atihan foundation ihihinto na ang pamamalakad sa festival

INANUNSIYO NGAYONG araw ni Chairman Albert Meñez na ihihinto na nila ang operasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Foundation Inc. (Kasafi) simula 2019.

Ang Kasafi ay isang pribadong institusyon na namamahala sa taunang pagdiriwang ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan, tinaguriang "The Mother of All Philippine Festival."

Sa isang pulong balitaan sinabi ni Meñez na matapos ang siyam na taong pamamalakad nila sa taunang festival ay hindi na umano nila ire-renew ang kanilang kontrata sa pamahalaang lokal ng Kalibo.

Aniya ang pagdiriwang sa Enero 2019 ay ang huling Ati-atihan festival sa pamamalakad ng Kasafi. 80 porsyentong handa na umano sila para sa nasabing pagdiriwang.

Balak umano ng grupo na lumikha ng Aklan Culture and Arts Foundation (ACAF) Inc. para tulungan ang pagpapabuti ng iba pang municipal festival sa buong probinsiya.

Nais umanong pagtuonan naman ng kanilang grupo ang pagpapabuti sa sining at kultura ng probinsiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa mga local artist.

Idinahilan rin ni Meñez ang pagbabago ng administrasyon ng pamahalaang lokal ng Kalibo dahil sa pagtatapos ng termino ni Mayor William Lachica na pangunahing sumusuporta sa foundation.

Sa kabila nito pinasiguro ni Meñez na tutulong parin siya sa taunang Ati-atihan festival sa Kalibo sa pamamagitan ng pagbibigay payo.

Naniniwala siya na magpapatuloy ang Ati-atihan kahit wala na ang Kasafi dahil ito umano ay panata na at tradisyon ng mga taga-Kalibo at Aklanon.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Tuesday, December 11, 2018

Mahigit Php2 billion budget ng Aklan lusot na sa komitiba ng Sangguniang Panlalawigan

Energy FM Kalibo photo
LUSOT NA sa Committee of the Whole ng Sangguniang Panlalawigan araw ng Martes ang pag-apruba sa Php2,045,746,825 annual budget sa susunod na taon 2019.

Ayon kay SP Acting Secretary Josefa Elena Martin ang budget sa 2019 ay mas mataas ng siyam na porsyento o Php184 million kumpara sa kasalukuyang taon.

Sa susunod na regular session ng Sanggunian ay isasalang na sa ikalawa, ikatlo at huling pagbasa ang ordinansa kaugnay rito. Inaasahan na maaaprubahan ito bago magbakasyon ang mga opisyal.

Nabatid na sa kabuuang budget, 53 porsyento (Php1,096,246,825)  ang mula sa Internal Revenue Allotment, walong porsyento ang galing sa Tax and Non-Tax Revenue (Php158,350,000) – mas mataas ng 11 porsyento kumpara sa taong 2018.

Habang ang natitirang 39 porsyento (Php791,150,000) ay mula sa Economic Enterprise. Mas mababa umano ito ng walong porsyento sa 2018 budget sanhi ng anim na buwang pagsara sa Isla ng Boracay.

Sinabi ni Vice Gov. Boy Quimpo na sa kabuuang budget 40 porsyento ang ilalaan para sa serbisyo pangkalusugan o katumbas ng Php817,055,889.

Sinabi pa niya na aabutin pa ng nasa dalawang taon bago makabawi ang gobyerno probinsiyal sa pagbaba ng pondo ng Economic Enterprise Development Department dahil sa pagsara ng Boracay.

Sa lahat ng budget allotment, pinakamalaki ang mapupunta sa pamamalakad ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital, sweldo sa mga tauhan at iba pang gastusin – Php448,037,011.

Pangalawa ang tanggapan ng gobernador sa may pinakamalaking ilalaang pondo -- Php308,442,875.25.##

Monday, December 10, 2018

Festival organizer gustong papanatilihin si PSupt Mepania para sa Ati-atihan Festival

LUMIHAM NA sa Regional Police Office 6 ang Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Foundation Inc. humihiling na papanatilihin si PSupt. Richard Mepania sa Kalibo PNP.

Dahilan ni Albert Meñez, chairman ng foundation, si Supt. Mepania ay itinalaga bilang ground commander ng nalalapit na na selebrasyon ng Kalibo Ati-atihan Festival.

Katuwiran ni festival organizer chairman Meñez na matagal na umanong napaghandaan ng outgoing chief of police ng Kalibo Municipal Police Station ang seguridad para sa malaking event na ito.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag si Mepania ukol dito. Sa ngayon ay nananatili siya sa Kalibo Police Station habang hinihintay ang umano'y finality sa kanyang paglipat.

Aniya ang rason ng paglipat sa kanya ay dahil sa realignment ng mga opisyal. Nabatid na kasama niyang nakatanggap ng parehong atas ay si PSupt Ramer Gallardo na nadestino sa Isla ng Boracay.

Inaayos narin ng Aklan Police Provincial Office ang posibleng pagbabago sa hahawak ng seguridad sa Ati-atihan festival sa Enero ng susunod na taon.

Nabatid na gabi pa ng Disyembre 7 natanggap ni Mepania ang atas sa kanya mula kay PNP Regional Director PCSupt. John Bulalacao na ilipat mula sa Kalibo Police Station para italaga sa Regional Mobile Force.

Sa ngayon pansamantalang itinalaga bilang hepe ng Kalibo PNP ang dating deputy chief of police ng istasyon na si PCInsp. Kenneth Paniza.

Samantala, nabatid na gumagawa narin ng paraan si Mayor William Lachica para mapigilan ang pagpapalipat kay PSupt. Mepania.

Si Supt. Mepania ay naglingkod bilang hepe ng Kalibo PNP simula Pebrero nitong taon.

Kabilang sa mga pinatupad at pinasimulan niya ay ang Oplan Serenata at pagpapaigting ng ilang lokal na ordinasa gaya ng curfew for minors. Siya rin ang nagtalaga ng media corner sa police station.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Touching speech of first ever ASU alumnus to top in fisheries licensure exam


The following is a speech dilevered by Jonniel Saltoc Leyson of Brgy. Bubog, Numancia after he was awarded by the Sangguniang Panlalawigan of Aklan a resolution of commendation.

Mr. Leyson was placed among the top ten in the October 2018 Fisheries Technologies Licensure Examination given by the Professional Regulations Commission on October 24 and 25. According to an SP Resolution of Commendation, he was the first ever Aklanon fisheries graduate of Aklan State University to land among the top ten placers among the passers in the said examination since 2003.

To the provincial government of Aklan, headed by Hon. Reynaldo Quimpo,  to the Sangguniang Panlalawigan Members of Aklan Both in Western and Eastern District, Guests, parents, ladies and gentlemen, good afternoon.

I am very grateful to the Sannguniang Panlalawigan of Aklan for holding a commendation ceremony for me. But before anything else, allow me give you a short overview of the story of my success.

It all started with a curiosity that pushed me enter this profession. Honestly, my dream original dream before is to become a lawyer, but my family cannot afford to send me to a Law school. Since, I came from a Fisheries secondary high school, my mentors told me before that this track will provide opportunities for me in the future - and they were right.

FISHERIES! A college degree program offered by several state universities and colleges in the Philippines, which most people are unfamiliar and are not interested. However, despite of being nescient from this degree, I still took up the courage to enroll. Upon entering this profession, banters and discriminators still asked questions like; “siin man kamo pagkatapos nyo una? Sa baybay?” or “so mga mangingisda malang gali kamo dayon”. As well as, people says “Why Fisheries?” So what! We Fisheries students’ deals with science and science are very difficult to deal with. These statements may sound cliché but honestly, it left us being discriminated from our chosen field of professionalism. However, these statements became an inspiration to us to pursue and enlighten them that this profession plays a vital role to everyone.

Being a fisheries graduate and professional, comes a great responsibility to our nation. People may knock us down, but we play a vital role to the country.“Mangingisda malang?”  Excuse me? We feed you! We don’t literally but fisheries do -with us! Today, as the Fisheries sector of our country is suffering from the crisis of sustainability it is our duty as a fisheries graduate to create solution to supply sufficient food in the plates of many Filipinos. Recent researches say that in 2050, wild catch will no longer prevail and aquaculture will be the backbone for the supply of Fish in the market. This is just one of the problems in the industry that we are indeed needed to impart effective solutions with. That’s how important US the Fisheries Professionals and Graduates in the country.

On the other hand, I am very happy that I have taken up this field as well as I am grateful to the people behind this success. First and foremost, to our Almighty Father, for giving me wisdom, strength, courage and determination as well as for allowing me to enjoy this grace. To my parents, who have exerted so much effort in sending us to school and providing our needs especially in the financial aspects and for never stop believing that I can do this despite of the trials that I have encountered in filing for the Board Examination. To my Friends, who cheered me up every time I doubt myself; for all of the memories that we have during our review days. To my mentors who never fails to share their knowledge and expertise to us. To Aim To Top Aklan and to Dr. Reynaldo Paler and his Team, for trusting me that I can slay this board exam easy. To the Sangguniang Panlalawigan members of the province of Aklan, for giving me recognition and for commending my achievement as one of the Board Exam Topnotchers for Fisheries Technologist. To everyone who in one way or another helped me, Thank you so much! You guys are all amazing!

Thank you so much everyone and once again Good afternoon!

Sunday, December 09, 2018

Mahigit Php2 billion - budget ng probinsiya ng Aklan sa 2019

PINAG-AARALAN NGAYON sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang pag-apruba sa Php2,045,746,825 annual budget sa susunod na taon 2019.

Ito ang ibinalita ni Vice Gov. Reynaldo Quimpo sa mga media workers sa kanyang mensahe sa KBP-Aklan Broadcaster's Ball 2018 gabi ng Linggo.

Sa kabuuang pondo 61 porsyento umano rito ang regular fund samantalang ang 39 porsyento naman ang Economic Enterprise and Development Department (EEDD) fund.

Ipinagmalaki ni Vice Gov. Quimpo na sa kabuuang budget 40 porsyento nito ang ilalaan para sa serbisyo pangkalusugan o katumbas ng Php817,055,889.

"I don't know which province, which city, which municipality allocates 40 percent of their total budget. I think it is only the province of Aklan," sabi ng opisyal.

"Lately we have spent so much, we have allocated so much to improved our hospital owned and operated by the province of Aklan.

"We have added facilities, we have added personnel and upgraded the status from level one to level two and some infirmaries to level 1 hospital," paliwanag niya.

Kung ikukumpara sa taong ito, doble ang inilaang pondo ng gobyerno probinsiyal para lamang sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital. Nasa Php400 million umano ang pondo rito sa 2019.

Samantala, sinabi ng bise gobernador na aabutin pa ng dalawang taon bago makabawi ang gobyerno probinsyal sa kita kasunod na pagsara ng Isla ng Boracay.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Magkakapatid na Aklanon nag-uwi ng gintong medalya sa kanilang mga imbensiyon

Nag-uwi ng gintong medalya ang magkakapatid na mga Aklanon sa katatapos lang na Kaohsiung International Invention and Design Expo 2018 sa International Convention Center Kaohsiung, Taiwan.

Sila ang magkakapatid na sina Marian Regina, 15-anyos at Grade 10, at Macaila Ricci Taran, 14-anyos at Grade 9, na nag-aaral sa Manila Science High School.

Kinatawan nila ang Pilipinas sa international event na ito ng World Invention Intellectual Property Associations (WIIPA) at ng Taiwan Invention Products Promotion Association (TIPPA) mula Disyembre 7 hanggang 9.

Si Marian Regina B. Taran ay may invention/research title Na Betacyanin in Dragonfruit Peels Extract as Tracking Dye for Gel Electrophoresis.

Habang si Macaila Ricci ay may research paper/invention na The Anthocyanin in Butterfly Ternatea Flower Tea as an Indicator in Acid-Base Titration.

Nabatid na ang event na ito ay nilahukan ng 20 mga bansa na may 363 na mga imbensyon sa buong mundo.

Ang magkakapatid ay anak nina Richard Misplacido Taran at Atty. Marites Barrios Taran na mga taga-bayan ng Lezo at Malinao sa Aklan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo