Friday, March 16, 2018

ILLEGAL STRUCTURES SA BORACAY PASASABUGIN NG PHILIPPINE MARINES

Hindi mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na magpadala ng mga miyembro ng Philippine Marines at pasabugan ng dinamita ang mga ilegal na istruktura sa Boracay island.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiyak na gagamitan ng puwersa ng pangulo ang isyu sa Boracay kapag patuloy na nagmatigas ang mga may-ari ng resort at hindi tatalima sa kung anuman ang magiging kautusan ng national government.

Mismong ang lokal na pamahalaan na aniya ng Aklan ang nagpasaklolo sa pangulo.

Dagdag pa ni Roque, “The last that I heard is that the local government may even ask the president for assistance to call in the marines if need be. So when I heard that report, I told them, send the letter because I’m sure the president will not hesitate to send in the Marines and even use dynamites to blow up that illegal structure there”.

Ayon sa kalihim, hindi mababago ang desisyon ng Department of Interior and Local Government at Department of Environment and Natural Resources na ipatupad ang environmental laws pati na ang pagdemolish sa illegal structure ng partikular na sa West Cove Resort. - Radyo Inquirer

Thursday, March 15, 2018

TOTAL CLOSURE NG BORACAY INIREKOMENDA NG DENR, DOT AT DILG

Nagpulong kanina ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural resources (DENR), Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa planong paglilinis sa Boracay island.

Inirekomenda nina DENR Sec. Roy Cimatu, DOT Sec. Wanda Teo at Interior Sec. Eduardo Año ang complete closure ng nasabing tourists’ destination habang isinasailalim ito sa rehabilitasyon.

Ipinanukala ni Cimatu ang pagpapatupad ng one-year total clousure ng buong Boracay dahil kinakailangan umanong ayusin ang sewerage system ng buong isla.

Para kay Teo, kailangan umano ang anim na buwang pagsasara ng Boracay sa lahat ng mga turista.

Tinalakay rin sa pulong ng mga opisyal ang planong pag-aaral sa kundisyon ng mga tourists’ destinations sa Palawan, Mindoro provinces, Ilocos at Bohol para mapangalagaan ito sa pagkasira.

Sa Marso 26 ay magsusumite ang mga pinuno ng DENR, DOT at DILG ng kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Una na ring inilarawan ng pangulo ang Boracay bilang “cesspool” dahil sa pagtatapon ng dumi direkta sa dagat ng ilang mga establishimento sa lugar. - Radyo Inquirer

DENR: LOCAL OFFICIALS SA BORACAY BIGONG IPATUPAD ANG SEWERAGE ORDINANCE

Nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na mahigpit nilang ipinapatupad ang ordinansa na nag-aatas sa lahat ng mga residente at mga establisyimento sa Boracay Island na kumunekta sa isang sewerage system.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, taong 2012 pa ay mayroong Ordinance 307 ang Malay Local Government pero hindi naman ito naipatutupad.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, ang mga residente at establisyimento na may layong 61 meters mula sa sewerage pipes ay dapat nakakonekta sa sewerage treatment plants at septic tanks.

Ayon kay Cimatu, sa kabila ng umiiral na ordinansa, napabayaan ang Boracay dahil sa dumi na naitatapon sa nasabing tourist spot.

Lumilitaw na 195 sa 578 business customers ng Boracay Island Water Corp. ang hindi hindi nakakonekta sa sewerage infrastructure ng isla.

Habang limang porsiento lamang ng kabuuang 4,331 ng residential customers nito ang konektado sa sewerage infrastructure. - Radyo Inquirer

“BORACAY” HINDI DAPAT GAMITIN KAPAG IDINEKLARA ANG STATE OF CALAMITY SA ISLA

Umaapela ang lokal na pamahalaan ng Malay na huwag gamitin ang pangalang Boracay sakaling isailalim man sa state of calamity ang isla.

Isinusulong ng Sangguniang Bayan ng bayan ang isang resolusyon kaugnay nito.

Ayon kay Sangguniang Bayan Memer Neneth Graf, ito ay para maiwasan ang posibleng masamang epekto sa turismo ng Boracay.

Sa halip, iminungkahi ni Graf na gamitin ang pangalan ng mga barangay ng Balabag, Manocmanoc at Yapak na makatatanggap ng pondo kapag itinaas ang state of calamity.

Ayon kay Graf, ilan sa mga nakitaan ng mga paglabag sa batas-kalikasan ang D’Mall sa Barangay Balabag, Crown Regency Convention Center sa Barangay Manocmanoc, at 7 Seas sa Barangay Yapak. - Radyo INQUIRER

MISIS NAGREKLAMO SA KAPULISAN MATAPOS PAGBINTANGANG NAGNAKAW SA LOOB NG ISANG ESTABLISYEMENTO

Nagreklamo ang misis na ito at kanyang mister sa kapulisan matapos umano siyang pagbintangang nagnakaw sa isang establisyemento dito sa Kalibo.

Sumbong ni Ruby Daniel, pinagbintangan umano siyang nagnakaw ng isang electrical adopter sa halagang Php90.

Ito ay matapos tumunog ang detector nang papalabas siya kasama ang mister sa FUS Merchandising.

Agad umano siyang sinita ng gwardiya at nakitang hindi kasama sa kanyang resibo ang nasabing item.

Dahil dito siningil siya ng kahera ng multa na Php400 bagay na binayaran naman niya para wala nang gulo.

Giit kasi ng misis, kasama sa kanyang mga pinamiling kitchen ware ang nasabing item nang bayaran niya ito sa kahera.

Posible anyang hindi napansin ng kahera ang item na ito dahil nakikipagbiruan umano siya sa isang kasama habang nag-aasikaso sa kanilang mga pinamili.

Wala pang pahayag ang FUS Merchandise hinggil sa insidente pero ibinalik na nila ang multa na siningil nila sa misis.

Matatandaan na sunud-sunod rin ang reklamo sa establisyemento ring ito dahil sa palyado nilang detector.

Desidido naman ang misis at mister na dalhin ang reklamong ito sa Department of Trade and Industry.
Boracay stakeholders will turn their lights off to show what Boracay would look like if it was closed down.

Individuals are encouraged to shine small lights to show the number of concerned stakeholders that are against the closure of Boracay.

This event will also show the solidarity between Malaynons, Local and Foreign Workers, tourists and their pledge to do their part to protect Boracay.

The gathering will be on March 17, 2018 at 8:08PM.

Mayor's Office - LGU Malay
Boracay United

D'MALL BORACAY NAGLABAS NG OPISYAL NA PAHAYAG TUNGKOL SA PAGKAKABANGGIT NA SAKOP NG WETLANDS ANG KINATATAYUAN NITO.

Narito ang kanilang Press Release:

The management of D’Mall of Boracay has belied allegations that their commercial establishment is built on wetlands.

D’Mall is a sprawling, outdoor shopping and dining center located between Station 1 and Station 2 in Barangay Balabag, Boracay Island.

Based on tax declaration documents filed with the local government, the area where D’Mall was constructed was a composite of lands that were classified as Commercial, Agricultural, Residential, and Cocal, referring to lands planted with coconut trees.

As shown in maps of Boracay, the mangrove and swamp area that was identified as wetlands is located in a lake that is across the barangay road from D’Mall.

According to Atty. Rudolph Jularbal, Head of the Legal and Regulatory Compliance Group for D’Mall, “As a matter of Good Corporate Governance and being a pioneering developer in Boracay, we have always known that it’s the pristine beauty of the island that makes it a global attraction.

“As such, it’s imperative that our establishments in Boracay conduct business in a manner that’s environmentally sustainable and socially responsible. This is what guides us and we have encouraged other establishments to follow suit.”

ECC Compliance

In the D’Mall development and expansion projects since 1999 until the present, all of which are covered by the appropriate Environmental Compliance Certificates (ECCs), D’Mall management has worked closely with the Department of Environment Natural Resources (DENR), the local government, and experts to undertake in-depth environmental impact assessments and monitoring of the area.

One of the important items detailed in D’Mall’s Initial Environmental Examination was the construction of a culvert to replace an open creek, which traverses the development site and channels rainwater to the sea.

While D’Mall completed the construction of the culvert, a 2004 Environmental Management Bureau report found that several other businesses upstream of and unrelated to the D’Mall, the main road, illegally connected their sewer pipes to the culvert intended to direct rainwater runoff.

These illegal connections, which caused worsening pollution in Boracay, compelled municipal officials to order the closure of the storm drain leading to the sea.

Rainwater and Sewage Management

While D'Mall has always directed only rainwater into the municipal storm drain system, the closure of the storm drain system caused the effluent from establishments upstream with illegal connections to overflow into D'Mall.

Because of this, D'Mall isolated its own storm drain system and created an independent rainwater catch system.

D'Mall has always had access to the sewer line on the main road since the beginning of its construction and has always directed the sewage of its establishment to the Boracay sewerage system.

“D’Mall has been strictly following environment-friendly waste management procedures for both solid waste and sewage,” Jularbal said. “D’Mall has consistently practiced daily garbage segregation as part of its solid waste management procedures.”

About a year ago, D’Mall begun constructing two sewage treatment plants, including one that is capable of tertiary water treatment and grey-water recycling.

Tertiary water treatment is an additional cleaning process that improves the quality of wastewater before it is reused, while grey water recycling allows recycled water to be used for toilet flushing and plant irrigation, thus further contributing to water conservation.

Civil works for D’Mall’s sewage facility have been completed and when the plant becomes operational in the coming months, D’Mall will be one of only a few establishments in Boracay with its own sewage treatment facility.

Furthermore, D'Mall is currently constructing a holding tank that can hold 262 cubic meters of storm water, as well as a box culvert within D’Malls roadways that can hold 255 cubic meters of storm water.

The holding tank and box culvert will be connected to the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) pumping station, which was built to reduce the incidence of flooding in the island’s more flood-prone areas.

“Despite the challenges brought about by increased influx of tourists, D’Mall, as one of the pioneers of developing Boracay as a tourist destination, is committed to upholding environmental sustainability,” Jularbal said.

“We are adherents of and advocates for sustainable and responsible business practices, and we will continue to be a partner of the national and local government in environmentally-focused corporate social responsibility initiatives.”

Wednesday, March 14, 2018

KONTROBERSYAL NA BORACAY WEST COVE IPINASARA NA NG LGU

photos (c) LGU Malay
Kontrobersyal na Boracay West Cove ipinasara na ng pamahalaang lokal ng Malay dahil walang kaukulang permit mula sa munisipyo.

Ayon naman sa abogado ng resort, iligal umano ang pagpapasara nila dahil may nakabinbin pa silang kaso sa korte hinggil sa unang pagpapasara ng munisipyo sa parehong paglabag.

Kinatwiran pa nila na hindi sila binigyan ng munisipyo ng permit.

Ayon kay Cris Aquino, may-ari ng West Cove, pinipersonal na umano siya ng LGU.

Nakatakda namang maglaba ng opisyal na pahayag ang lokal na pamahalaan ngayong araw hinggil sa abrupt closure ng nasabing resort. / Darwin Tapayan, EFM Kalibo

BUREAU OF IMMIGRATION SA AKLAN 'INUTIL' AYON SA MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Tinawag ni Sangguniang Panlalawigan member Soviet Dela Cruz na inutil ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Aklan.

Harapan niya itong sinabi sa opisyal ng kawanihan sa pagdinig hinggil sa mga dayuhan na iligal na nagtratrabaho sa probinsya lalu na sa Boracay.

Dismayado kasi si Dela Cruz dahil walang maipakitang bilang ang opisyal ng BI kung ilan ang mga dayuhan na iligal na nagtratrabaho sa sa isla at sa buong probinsya at kung ilan na ang hinuli at napauwi o nakasuhan.

Ayon kay Isser Harrel Magbanua, alien control officer ng BI-Aklan, pinigilan umano siya ng kanyang tanggapan na maglabas ng impormasyon dahil kompedensyal umano ito at kailangan pa ng pahintulot mula sa central office.

Gayunman aminado si Magbanua na may mga dayuhan nga na nagtratrabaho sa Boracay na walang kaukulang permit kabilang na ang mga tour guide karamihan ay mga Koreano at Chinese.

Sa kabila nito aminado siyang hirap mamonitor ang lahat ng mga dayuhan dahil sa kakulangan umano ng tauhan ng kawanihan. Sa Boracay anya ay apat lamang ang kanilang tauhan.

Iginiit niya na hindi nila hinuhuli ang mga foriegner na ito dahil wala umano silang police power kaugnay rito. Pagsasabihan lamang umano ito at isama sa blacklist. Noong 2017 ay tatlo ang kanilang nablacklist.

Kaugnay rito, irerekomenda ng Sanggunian sa lokal na pamahalaan ng Malay ang pagbuo ng pwersa na kabibilalangan ng mga kapulisan at tauhan ng LGU na magmomonitor sa mga dayuhan.

Hihilingin rin nila sa central office ng BI at ng Department of Labor and Employment na magdagdag ng tauhan sa mga tanggapang ito dito sa probinsya.

Tuesday, March 13, 2018

SALISI GANG UMATAKE SA LOOB NG MALL SA BORACAY

Pinag-iingat ngayon ng mga kapulisan sa Isla ng Boracay ang taumbayan at mga bisita na mag-ingat sa salisi gang.

Umatake kasi ang mga ito sa isang mall doon kung saan isang Korean National ang kanilang nanakawan ng iPhone7.

Kumakain sa food court ang biktimang babae kasama ang asawa at anak na babae nang lapitan sila ng mga suspek.

Makikita sa kuha ng CCTV sa loob ng mall ang nasa pitong babae na halatang nagkukunsyaba para nakawan ang biktima.

Nagkukunwaring mga kostumer ang mga ito. Tinatayang nasa 35 pataas ang kanilang mga edad.

Ano mang impormasyon o pagkakalilan sa mga suspek ay makipag-ugnayan lamang sa  Boracay Police Community Precinct (Tel. No.- 288-3066/166; 288-6940 o 09075036235).

Nagpaalala ang mga kapulisan sa publiko na maging mapagmatyag palagi kapag nasa mga matataong lugar.

Huwag ilagay ang bag sa likod ng upuan kundi ilagay ito sa sabak. Huwag rin hayaan ang cellphone, laptop o camera  sa mesa kung saaan madali itong makuha sa ilang saglit lang.

HELPER SA KARENDERYA ARESTADO SA DRUG BUY BUST OPERATION.

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang drug buy bust operation sa C. Laserna St., Kalibo, Aklan alas-10:00 pasado ng umaga kanina.

Kinilala ang suspek sa pangalang RAFFY FRANCISCO y DAVID ALYAS "INTSIK" , 36 ANYOS na taga Cabugao Batan, Aklan at kasaluyang naninirahan sa Pob. Kalibo.

Itinanggi naman ng suspek na gumagamit ito at nagbebenta ng illegal na droga.

Monday, March 12, 2018

ACTION PLAN PARA SA BORACAY, ILALABAS NA NGAYONG LUNES – MALACAÑANG

Malalaman na ngayong Lunes ang kahihinatnan ng isla ng Boracay.

Sa kanyang press briefing sa Alimodian, Iloilo ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isasapubliko na sa ngayong Lunes ang action plan para sa isla.

Matatandaang nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang isasailalim sa state of calamity ang isla upang mapadali ang rehabilitasyon dito.

Ibinabala rin ng pangulo na maaaring maharap sa mga kaso ang mga opisyal at business owners na hindi makikipagtulungan sa pambansang gobyerno sa pagsasaayos sa naturang tourist destination.

Ayon kay Roque, nakatakdang magpulong ang mga kalihim ng Department of Tourism (DOT), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa Lunes at isasapubliko na ang mga planong isasagawa para sa Boracay. - Radyo Inquirer