INISA-ISA NI Kalibo Mayor William Lachica ang mga proyekto na nagawa at ginagawa sa kanyang administrasyon mula sa binabayad na buwis ng mga tao.
Kasabay nito ipinagmalaki niya na "ro Kalibo owa it utang" sa kanyang mensahe sa "Iwag it Kalibonhon" sa Pastrana Park gabi ng Sabado.
Kabilang sa mga binaggit ng alkalde ay ang Vibrant Kalibo landmark sa Pastrana Park, konstruksyon ng revetment wall sa Bakhaw Norte at mga karatig barangay.
Ganoon rin ang itinatayong evacuation center sa Brgy. Tigayon, health center para sa mga manganganak, at bagong building ng munisipyo kung saan ang rooftop ay lalagyan ng solar panel.
Nabanggit rin niya ang konstruksyon ng mga housing project sa Brgy. Briones na 1,581 bahay sa loob ng anim na ektarya at ganoon rin sa Brgy. Nalook na may limang ektarya.
Ipinagmalaki rin niya ang mga traffic light at CCTV na ikinabit sa mga pangunahing kalsada. Ibinalita niya na may panibago na namang traffic lights ang ikakabit.
"Dayang kuwarta nga ginabayad niyo sa munisipyo hay amon gid nga ginahaeungan ag ibutang sa proyekto agud kamo mismo makatestify kon siin ro kuwarta nagaadto," sabi ni Mayor Lachica.
"Ginabalik-balik ko, ginakalipay ko ro Kalibo owa it utang! Owa it utang," dagdag pa niya. Katuwang aniya niya ang mga opisyal ng Sangguniang Bayan sa pagpapatupad ng mga proyekto.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Saturday, December 01, 2018
Thursday, November 29, 2018
Korte pabor kay Mayor na ipahinto ang dredging ng STL Panay sa Aklan river
photo by Google |
Ito ang naging desisyon ng Branch 2 ng Regional Trial Court Sixt Judicial Region na inilabas ni Bienvenido Barrios Jr., acting presiding judge nitong Nobyembre 12.
Matatandaan na Abril 17 nang maghain si Mayor ng “Petition for Injunction with Prayer for issuance of Temporary Restraining Order (TRO) and or Writ of Preliminary Injunction to restrain STL Panay Resources Co. Ltd from dredging the Aklan River and to declare SP Resolution No. 2012-340.”
Ang SP Resolution no. 2012-340 ay nagbigay otoridad sa dating gobernador ng Aklan at ngayon ay Congreesman na si Marquez para sa isang kasunduan sa nabanggit na kompaniya para sa dredging ng Aklan river bahagi ng disaster risk reduction and management program ng probinsiya.
Kasama sa inirereklamo ni Mayor ay ang mga kasalukuyang opisyal na sina Cong. Carlito Marquez, Gov. Florencio Mirafores, at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov. Reynaldo Quimpo dahil sa umano’y kawalan ng tugon na ipahinto ang dredging operation.
Mababatid na tutol ang ilang residente sa Brgy. Bakhaw, Kalibo at ang mga opisyal ng bayan sa gagawin ng STL sa pangambang magdudulot ito ng pagguho ng lupa sa mga tabing ilog. Nakitaan rin ng ilang kakulangan at paglabag ang STL Panay sa mga inisyal nilang operasyon.
Inaatasan ng korte ang STL Panay ihinto ang operasyon habang ipinaayos ang ilang gusot sa kanilang kontrata, at para tugunan ang ilang environmental concerns at maipaliwanag ng maigi sa stakeholders ang mga technical procedures ng proyekto.
Diniklara naman ng korte na balido parin ang SP Resolution no. 2012-340.##
Aklan’s best performing school paper advisers named
All four nominees of Aklan have qualified as Best Performing School Paper Advisers in Region 6 for this year; three of whom are elevated to the Hall of Fame award.
The Search for Best Performing Adviser in Western Visayas is conducted yearly by the Philippine Information Agency – 6 as a way of appreciating and recognizing the efforts of the school paper advisers in promoting responsible and developmental campus journalism.
The Aklanon awardees are all teaching in public secondary schools which have been active and consistent participants in the Campus Journalism Seminar-Workshop conducted yearly by PIA-6.
Elevated to the Hall of Fame for receiving the award in the last three years are Gaynor A. Calizo, adviser of the school publication "Scholar’s Gazette” and Merly M. Bustamante of “Pahayagang Iskolar”. Both are from Regional Science High School for Region VI in Old Buswang, Kalibo, Aklan.
Likewise, Joel E. Dela Cruz of the “Tintang Espektro” publication of Makato Integrated School (MIS) in Makato, Aklan will also be a recipient of the Hall of Fame Award.
The other Aklanon awardee for this year and second time to receive such award is Jennie T. Zaragoza, adviser of the publication “Ink Spectra” of MIS.
The best performing advisers for 2018 will be recognized during the College Press Conference and Awards on November 29 at the Kalantiao Hall of the Mansion Hotel in Iloilo City.##
- by Sheila Q. Patoza, PIA-Aklan

Wednesday, November 28, 2018
Chinese National sa Boracay ninakawan ng Php200k sa tinutuluyang apartment
ISANG CHINESE National sa Isla ng Boracay ang ninakawan sa kanyang kwarto sa tinutuluyang apartment sa Brgy. Balabag.
Ayon sa Chinese na si Tianqi Hong, 34-anyos, sa Malay PNP, natangay sa kanya ang isang cellphone at wallet laman ang 2100 US dollars at Php80,000.
Salaysay niya, nagulat ito nang pagkagising ay napansin ang isang lalaki na nasa loob na ng kaniyang kuwarto. Tinanong umano niya ito pero agad itong lumabas.
Dito na napag-alaman ng banyaga na nawawala na ang kanyang cellphone at wallet.
Sa follow-up investigation kapulisan sa inuupahang apartment ng biktima, nakita sa CCTV footage ang isang menor de edad na responsable sa pagnanakaw.
Ayon pa sa mga kapulisan na ang menor de edad ay sangkot na sa mga kaso ng nakawan sa Isla ng Boracay.
Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang nasabing suspek.##

Motion for reconsideration inihain para muling pag-aralan ang Php1 billion na uutangin ng probinsiya
NAGHAIN NG pormal na kahilingan sina Board Member Atty. Harry Sucgang at Atty. Noly Sodusta na muling pag-aralan ang inaprubahang ordinansa kaugnay ng Php1 billion na uutangin ng probinsiya.
Sa kanyang privilege speech binasa ni Sucgang ang inihain nilang motion for reconsideration sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan araw ng Lunes.
Matatandaan na boto ang mga miyembro ng Sanggunian sa nasabing loan facility maliban lamang sa mga nabanggit na board members.
Katuwiran ng dalawang abogado sa kanilang inihaing dokumento, ilang internal rules ang nilabag sa pag-apruba ng ordinasa.
"We cannot change our rule any time at the whims of majority or tyranny of members otherwise there will be chaos, anarchy, and disorderly proceedings," sabi ni Atty. Sucgang.
Kabilang sa binanggit ay ang huling pagpapadala ng mga kopya ng balangkas ng ordinansa sa kanila bago isalang sa huli at ikatlong pagbasa.
Depensa nila, labag ito sa internal rules na nagsasabing ang mga dokumento ay dapat ipadala tatlong araw bago ang session.
Labag rin aniya ang umano’y pag-amyenda ni Board Member Andoy Gelito sa isang salita na nilalaman ng ordenansa kaugnay sa uutanging halaga mula sa Development Bank of the Philippines sa huling pagbasa.
Ang uutanging Php1 billion base sa kahilingan ng gobernador ay gagamitin umano sa pagpopondo sa iba-ibang proyekto ng gobyerno probinsiyal.
Walang binanggit sa regular session ang regular presiding officer at Vice Governor Reynaldo Quimpo kung pagdedebatehan sa susunod na sesyon ang motion nina Sucgang at Sodusta.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy Fm 107.7 Kalibo

Dalawang kolehiyala sa Kalibo binusuhan at vinideohan ng boardmate
INIREKLAMO NG dalawang college student na babae sa kapulisan ang kanilang boardmate na vinideohan sila habang naliligo at nagbibihis.
Ayon sa mga estudyante edad 19-anyos at 20-anyos hindi umano nila namalayan na kinuhanan sila ng video hanggang sa may nakapagsabi sa kanila.
Ang nagsumbong sa dalawa ay kaboardmate rin nila na lalaki na napasahan na pala ng video ng suspek na isang 22-anyos na estudyante.
Nabatid na yari lamang sa light materials ang CR at ang kuwarto ng mga biktima kaya nakagawa ng maliit na butas ang suspek kung saan niya tinutok ang lente ng cellphone camera.
Nagsumbong sa Kalibo PNP ang dalawang babae at nagkaharap sila ng suspek. Ayon sa lalaki "trip" lang daw ang ginawa niya.
Nagkaayos ang mga ito matapos burahin ng suspek ang video na nakasave pa sa kanyang cellphone. Humingi ito ng tawad sa mga biktima.
Iginiit naman ng lalaki na wala siyang ibang pinasahan ng video maliban sa isa at nangakong hindi na uulitin ang ginawa.
Sinabi ni SPO1 Charlene Flores na kapag inulit pa ng lalaki ang parehong gawain ay posible na itong makasuhan ng paglabag sa RA 9995 o Photo and Video Voyeurism Act.##

Panibagong pier sa Caticlan Jetty Port itatayo mula sa utang ng probinsiya sa bangko
MAGTATAYO NG panibagong pier ang gobyerno probinsyal ng Aklan sa Caticlan Jetty Port mula sa utang sa Land Bank.
Sa pagdinig araw ng Martes sa Sangguniang Panlalawigan, kinumpirma ni Provincial Engineer Ederzon Magalit ang konstruksyon ng nasabing pier.
Aniya manggagaling ang pondo sa proyekto sa Php300 million sa kabuuang Php420 million na uutangin ng gobyerno probinsyal sa nabanggit na bangko.
Sumailalim na aniya sa bidding process ang proyekto at ang nanalo ay ang IBC company sa contract amount na Php176,800,000 para sa phase 1 ng proyekto.
Sinabi ni Jetty Port administrator Niven Maquirang na ang pagtatayo ng panibagong pier para sa mga RoRo vessels ay mahalaga sa industriya ng turismo sa probinsiya.
Kinuwestiyon naman nina Board Member Atty. Harry Sucgang at Atty. Noly Sodusta ang paglalaan ng panibagong pondo sa pag-sasaayos ng Caticlan at Cagban Port mula naman sa planong utangin sa Development Bank of the Philippines.
Pero ayon kay Maquirang wala pang plano para sa iba pang improvement sa mga port na ito bagaman kasama ito sa posibleng pondohan ng uutanging Php1 billion mula sa DBP.
Inaprubahan ng Committee of the Whole ang kahilingan ng gobernador sa affirmation ng naturang proyekto.##

Tuesday, November 27, 2018
PNP Aklan campaigns against fake medicines
[Press Release] EARLY TODAY at MO2 Western hotel, Mandurriao, Iloilo City, the Provincial top cop PSSupt Lope M Manlapaz joins the Consumer Forum and National Consciousness Week Against Counterfeit Medicines (NCWACM) of Food and Drug Administration (FDA) together with Provincial Directors and PNP members coming from different Provincial Offices with a theme “Tagumpay Laban sa Pekeng Medisina, Abot Kamay sa Pagtutulungan ng Bawat Isa".
A commitment has been signed by inter agencies spearheaded by FDA graced in the person of Ms. Deborah S. Legaspi, RPh, Director II, Mindanao east cluster., FDA and the Philippine National Police (PNP). The activity aims to intensify its campaign on Consumer Protection against counterfeiting medicines. From which based on the pledge of agencies and stakeholders commitment, it concedes to licensing of health establishment and registering of health products. Hence, close monitoring concerning the same will be heightened.
However, in line with the campaign to boost the FDA enforcement there was a formulation of task force dubbed as Destroy Products UNfit for Consumption of Humans or known as “D-PUNCH”. Further officers who will take charge the forces will be trained and shall have appropriate equipment for proper conduct of surveillance; intelligence and case build up activities in combating such criminal acts.
.
PSSupt Manlapaz said to quote “presentation shows and conveys the message of saying “NO” to unregistered medicines and reporting it to proper authorities for the security and safety of the public. That is why I enjoin everyone to be a part of this advocacy for the safety of Aklan Province”.##
- PO2 Ma. Jane C. Vega, APPO PIO

Bahay sa Numancia ninakawan; mga alahas natangay ng suspek
ISANG BAHAY sa bayan ng Numancia ang naiulat na nilooban umano ng di pa nakikilalang magnanakaw tangay ang mga alahas.
Salaysay ng may-ari na si Llanie Aguirre-Almazan, naganap umano ang insidente ng iwan nila ang bahay sa Brgy. Tabangka kasama ang pamilya para umano maligo sa beach.
Pinagkatiwala umano niya ito sa isa niyang pamangking lalaki pero umalis din ng bahay bago pa dumating ang magpamilya.
Sinuguro naman umano ng pamangkin na naka-lock ang mga pinto at bintana at nasa loob ng bahay ang aso.
Laking gulat ng may-ari na pagdating nito ay nakabukas na ang bintana at nakaunlock na ang pinto ng bahay. Nasa labas narin ang kanilang aso.
Dito na napag-alaman ng may-ari na nawawala na ang dalawa niyang singsing na nagkakahalaga ng Php10,000 at isang branded na relo.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.##

Sunday, November 25, 2018
Aklanon nagsauli ng Php25,000 at mga pasaporte ng magpamilyang Chinese
ISA NA namang Aklanon ang nagpamalas ng katapatan makaraang isauli niya ang pera at gamit ng isang banyaga.
Siya si Renan Pastrana, taga-Brgy. Cawayan, New Washington, empleyado ng 7-Eleven sa Kalibo International Airport.
Nabatid na naiwan ng magpamilyang Chinese ang isang bag sa nabanggit na convenient store nang makita ito ni Pastrana.
Dinala ni Pastrana ang bag sa aviation police sa naturang paliparan. Laman ng bag ang nasa Php25,000 halaga ng pera at tatlong pasaporte.
Napag-alaman na nakaalis na patungong Boracay ang magpamilya nang malaman nilang nawawala ang kanilang bag.
Binalikan ito ng tatay sa airport para maclaim araw na ng Linggo. Nagpasalamat naman ito sa katapang pinamalas ng Aklanon.
Natutuwa rin si Renan Balbastro, may-ari ng convenient store sa ginawa ng kanyang empleyado.##

Two fishermen in Antique still missing according to Coast Guard
Coast Guard Antique and PCG Rescue vessel continue its search and rescue operation on the reported two (2) missing fishermen who were last seen fishing in the vicinity waters of San Pedro, San Jose, Antique last November 19, 2018 around 2:00 a.m.
They were identified by, Mr. Leomer Baldivia, 31 yrs old and Mr. Lawrence Cordova, 40 yrs old, all are resident of barangay San Pedro, San Jose, Antique.
They were last seen conducting fishing venture onboard of their fishing banca color white and green last November 19, 2018 around 2:00 a.m. at the vicinity waters approximately 20 miles from the shoreline of Brgy. San Pedro but failed to return home as of this date.
As of yesterday, November, 24, 2018, PCG dispatched its Multi Role Response Vessel MRRV 4411 BRP Cape Engaño to conduct Search and Rescue Operation and to scour the vicinity waters of San Jose, Antique and Palawan to locate said missing fishermen.
Mr. Leomer Baldevia, the missing fisherman was last seen wearing black jacket with black pajama while Mr. Lawrence Cordova was last seen wearing green shirt with blue short.
PCG advised the fisherfolks passing in the area to be on the lookout of said missing fisherman and to render necessary assistance and report to the nearest Coast Guard Unit if sighted.##
-PCGWV PIO

Subscribe to:
Posts (Atom)