Saturday, January 12, 2019

Nicole Angela Crescini kinoronahan bilang Mutya it Kalibo Ati-atihan 2019


KINORONAHAN BILANG bagong Mutya it Kalibo Ati-atihan sa taong ito si Nicole Angela Crescini muka sa bayan ng Nabas.

4th - #1 Mary Anne Lopez
3rd - #15 Jamaica Venturillo
2nd - #13 Francesca Beatriz Abalajon
1st - #5 Faye Beltran


Friday, January 11, 2019

Kapulisan nagpaalala sa ipatutupad na Comelec checkpoint, gun ban

photo Kalibo PNP / file

NAGPAALALA ANG kapulisan sa taumbayan sa ipatutupad na Comelec checkpoint at gun kaugnay ng election period simula Enero 13 hanggang Hunyo 12.

Sa bayan ng Kalibo, sinabi ng PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo Municipal Police Station, na 24 oras silang magsasagawa ng checkpoint.

Paalala niya na ipinagbabawal na ang pagbibitbit ng mga baril sa labas ng bahay. Bawal rin ang anumang uri ng patalim.

Nais rin niyang paalalahanan ang mga motorista na maghelmet, ihanda ang lesinsya at mga dokumento ng sasakyan. Huwag din umanong tatakbuhan o takasan ang checkpoint.

Sa kabilang banda, nakahanda narin umano ang seguridad sa gaganaping Unity Walk at Peace Covenant Signing sa Enero 13 para sa mga tumatakbo sa eleksyon.

Nanawagan siya ng kooperasyon sa taumbayan para sa isang mapayapa at maayos na eleksyon at pagdiriwang ng Ati-atihan festival sa Kalibo.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Koreana nalunod sa Isla ng Boracay, patay

PATAY ANG isang Korean National na babae makaraang malunod sa baybayin sa Station 3, Brgy. Manocmanoc sa Isla ng Boracay umaga ng Biyernes.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang banyaga na si Jeyoung Kim, 31-anyos, pansamantalang nanunuluyan sa Ocean Club Resort ng naturang lugar.

Batay sa nakasaksi na si Elena Urbanik, isang Russian National, una umano niyang napansin na lumulutang sa tubig ang Koreana nasa tatlong metro lang ang layo sa kinaroroonan niya.

Binaliwala niya ito sa pag-aakalang lumalangoy lang ang banyaga subalit napansin niya na ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin ito gumagalaw.

Sa kanyang pag-aalala ay humingi ito ng saklolo bagay na nagtulungan ang ilang mga tao sa lugar para maiahon ang banyaga. Isang Swedish national ang nag-CPR sa biktima.

Naisugod pa ito sa pagamutan subalit ilang sandali lang ang nakalipas ay binawian din ng buhay.##

Koronasyon ng Mutya it Kalibo Ati-Atihan 2019 ngayong gabi na


NGAYONG GABI na ang koronasyon ng tatanghaling bagong Mutya it Kalibo Ati-Atihan 2019 sa ABL Sports Complex.

Narito ang 16 mga kandidata:

1. Mary Anne Lopez
2. Sofia Claire Inocentes
3. Gina May Curises
4. Pearly Ann S. Libuton
5. Faye Beltran
6. Shenna Ellica Retiro
7. Princess Shemiah Filomeno
8. Aubrey Denielle Sy
9. Jamella Jane Remaneses
10. Yana Nieto
11. Philiana Hedy Zante
12. Cuty Ann Guzman
13. Francesca Beatriz Abalajon
14. Nicole Angela Crescini
15. Jamaica Venturillo
16. Shenna Adrien Pador



Magiging bisita sa event na ito sina Jason Abalos, Christian Bautista, Kenneth Earl Medrano, Maureen Wroblewitz at Daryl Ong.

Sasalain ang mga kandidata sa sampung finalist matapos ang preliminaries sa Ati-Atihan festival costume, production number, evening gown and swimwear.

Mula sa sampu ay pipiliin ang lima na magkakaroon ng tsansa namakamit ang korona para sa Mutya.

Itatanghal din sa pageant night ang mga koleksyon ng gawa ng mga nangungunang lokal at internasyonal na mga fashion designer pati na ang 13 panel of hjudges.##

Foriegner sinaksak ng lady boy sa Boracay, patay; suspek arestado

larawan mula kay Reynald Bandiola
ginamit ng may pahintulot

ARESTADO ANG isang lady boy sa Isla ng Boracay matapos niyang saksakin, patay ang isang foreigner madaling araw ng Biyernes.

Kinilala sa ulat ng Boracay PNP ang suspek na si Carlito Alegado y Garcia alyas Kylie, 21 anyos, tubong Cebu City.

Inaalam pa ng kapulisan ang pagkakakilalan ng foriegner na pinaniniwalaang isang Asian.

Sa paunang imbestigasyon, dinala umano ng suspek ang biktima sa kanyang boardinghouse sa Sitio Ambulong, Brgy. Manocmanoc.

Pinasiya umano niya doon ang foriegner sa kanyang kuwarto kasama ang isa pang bading.

Kalaunan nagtalo umano ang mga bading at ang foriegner matapos hindi nagbayad ang huli.

Dismayado ang biktima na mga ladyboy pala ang mga nakasama at hindi mga babae.

Papalabas na ang biktima nang habulin ito ng suspek at makatlong beses umano sinaksak sa likod. Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Natagpuan nalang ng mga tao sa kalsada na nakahiga ang biktima at duguan. Isinugod ito sa pribadong klinika pero di rin umabot ng buhay.

Naaresto ang suspek sa follow-up operation. ##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Thursday, January 10, 2019

Mga miyembro ng LGBTQ community paparada sa Kalibo Ati-Atihan Festival


PAPARADA SA selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival sa Enero 17 ang mga miyembro ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community.

Ayon sa organizer ng event na Aklan Butterfly Brigade ito umano ang kauna-unahang grand pride parade ng LGBTQ sa Aklan. Tinawag nila itong KULAY: The Aklan's First Grand Pride Parade na may temang "Unfold your true colors."

Ang Aklan Butterfly Brigade na siya ring nag-oorganisa ng taunang Queen of Aklan pageant ay samahan ng mga gay at transgender na ang adbokasiya ay nakatuon sa HIV and AIDS prevention and control.

“We want to send a message that each one of us is uniquely different, and our difference doesn't set us apart from others. Like a rainbow, LGBTQ+ is a spectrum of sexual and gender identities. The colors are different, but the value of each color is the same,” sabi ng grupo.

Bukas umano ang event at libre sa lahat ng mga nais sumali. Inaasahan na nakasuot ng makukulay na costume ang mga kalahok bitbit ang mga placards na nanawagan ng pagkakapantay-pantay.

Samantala, kinumpirma ng festival organizer na si Albert Meñez, chairman ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Foundation Inc., ang nasabing event. Welcome para sa kanya ang event na ito bilang aniya “way of expression.”##

Miyembro ng LGBT group sa Boracay nagpaturok sa dibdib patay


[updated] PATAY ANG isang miyembro ng LGBT group sa Isla ng Boracay tanghali ng Miyerkules matapos magpaturok ng gamot sa dibdib.

Kinilala sa ulat ng Malay PNP ang biktima na si Aldwin Esperanzilla alyas "Winwin", 31-anyos, tubong Palawan at kasalukuyang nakatira sa Isla ng Boracay.

Ayon sa paunang ulat ni SPO1 Rogelio Tiongson, imbestigador, nagpaturok ang biktima ng colagen sa isa ring miyembro ng LGBT na kinilalang si certain Dave Nacar alyas "Marga".

Isinugod sa Don Ciriaco S. Tirol Hospital ang biktima matapos itong lagnatin pero binawian rin ito ng buhay makalipas ang ilang oras.

Pinaghahanap pa ngayon ng kapulisan ang suspek.

Planong isasailalim sa utopsiya ang bangkay ng biktima para malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay.##

Albayalde declares bars, nightclubs off limits to cops


Upon instructions of President Rodrigo R Duterte, thru DILG Secretary Eduardo M Año, PNP Chief, Director General Oscar D Albayalde reiterated anew existing rules and regulations prohibiting police personnel from bars, nightclubs and similar public drinking places and establishments.

Albayalde specifically declared nightclubs, beer gardens, karaoke bars, and pubs, as strictly off limits to all PNP personnel, including establishments of ill-repute, illegal gambling dens and other places devoted to vices.

“This is a specific directive of the Chief Executive, violation of which is tantamount to Grave Misconduct that is punishable by dismissal from the service,” Albayalde said.

He reminded all personnel to conduct themselves properly at all times in keeping with the rules and regulations of the organization in accord with the PNP Ethical Doctrine and the Code of Professional Conduct and Ethical Standards.

The Chief PNP specifically cited Section 3.1 of the PNP Ethical Doctrine that provide, “PNP members shall adhere to high standards of morality and decency and shall set good examples for others to follow. In no instance during their terms of office, among other things, shall they be involved as owners, operators, managers or investors in any house of ill-repute or illegal gambling den or other places devoted to vices, nor they shall patronize such places unless on official duty, and tolerate operations of such establishments in their respective areas of responsibilities.”

According to PNP Spokesperson, Chief Superintendent Benigno B Durana Jr., the penalties for the commission of acts/practices in violation of the PNP Ethical Doctrine shall be in accordance with the Revised Penal Code, RA 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, RA 3019 or the Anti-Graft Practices Act and other specials laws.

For acts or omissions which merely require administrative sanctions, the applicable punishments as provided for the rules and regulations promulgated by the PNP, NAPOLCOM. Civil Service Commission and DILG shall be applied, Durana said. (PNP-PIO)##

- January 9, 2019

Wednesday, January 09, 2019

Mga kwarto sa Estancia Elementary School ginpangsueod ag ginmalitan

GINPANGSUEOD AG ginpangmalitan it wa pa makilaea nga suspek ro ap-at ka mga kwarto it Estancia Elementary School.

contributed photos for Energy FM Kalibo

Do mga ginpangsueod nga kwarto hay Grade 2 hasta Grade 5. Makita sa mga litrato nga nagkaeawas-ag ro mga pagkabutang sa sueod.

Di pa matumod kon ano ro motibo it may kahimuan sa insidente bangod owa man it may mga naduea ukon tinakaw sa mga gamit ag bisan kwarta.

Natueupangdan man nga nakasarado ro mga pwertahan it mga nasambit nga mga kwarto ag wa man it mga palatandaan sa lugar nga pwersahan nga sinueod.

Natueupangdan raya it mga maestra ku nagtaliwan pa nga Enero 3 pero paealigban pa kanda kon sin-o ro may kahimuan kara.

Una nga ginparekord it mga maestra ro raya nga insidente sa Brgy. Hall it Estancia ag ngarang adlaw eang nagdeside nga iparekord man sa Kalibo PNP.

Ginaimbestigahan eon it intelligence section it Kalibo PNP ro insidente.##

- report ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Bagong health center, common terminal sa Kalibo bubuksan na ngayong Ati-Atihan Festival


BINALITA NI Kalibo Mayor William Lachica na bubuksan na ng pamahalaang lokal ng munisipyo ang bagong tayong health center at common terminal building.


Bago ito sinabi niya sa panayam ng Energy FM Kalibo na isang blessing ceremony ang isasagawa sa Enero 18 sa kasagsagan ng Ati-Atihan Festival.

Eastern Terminal / Energy FM Kalibo photo
Ang health center na bubuksan ay makikita sa kahabaan ng N. Roldan St. kung saan magsisilbi rin umano itong birthing facility.

Ang common terminal naman ay sa kahabaan ng San Lorenzo Drive kung saan magsisilbi ito sa mga jeep na bumibiyahe sa eastern side ng probinsiya.

May cutting ribbon rin umano para sa bagong gawa na Bakhaw Norte bridge sa Enero 17 na una nang binasbasan kamakailan.

Habang pinag-aaralan pa aniya ang petsa ng blessing at inagurasyon ng bagong Evacuation Center sa Brgy. Tigayon.

Health and Birthing Center
Energy FM Kalibo photo
Kaugnay rito sinabi ng alkalde na nag-imbita ito ng ilang mga politiko sa nasyonal para maging bahagi ng mga nasabing aktibidad.

Ilan lamang ito sa mga proyektong ipinagmalaki ng alkalde na bunga ng mga binabayad na buwis ng taumbayan at hindi galing sa utang.

Samantala, idinagdag ng alkalde na nagpapatuloy ngayon ang pag-aaspalto ng ilang mga kalye sa Kalibo bilang paghahanda narin sa Ati-Atihan.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No. 1 most wanted person sa Aklan sa kasong murder naaresto sa Quezon City


ARESTADO ANG no. 1 most wanted person ng Aklan sa Mt Crest Village, Banlat Road, Tandangsora, Quezon City madaling araw ng Martes.

Kinilala ang akusado na si Allan Dominguez y Quillano.

Siya inaresto ng kapulisan ng Banga MPS, CIDG Aklan PFU at Numancia MPS sa bisa ng warrant of arrest sa krimen na murder.

Ang kanyang warrant ay inilabas ng Aklan Regional Trial Court noon pang Oktobre 6, 2016.

Ayon sa Numancia PNP pinatay ng akusado ang nakainuman niya sa Brgy. Aliputos at tumakas matapos ang insidente.

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang larawan ni Dominguez na umano'y nasa bayan ng Tangalan umiikot sa mga kabahayan, armado at pumapatay.

Nagbigay ito ng takot sa mga tao sa lugar. Pinabulaanan naman ng Tangalan PNP ang naturang kwento.

Nakatakdang dalhin sa kaukulang korte sa Aklan ang akusado. Walang itinakdang pyansa ang korte sa kanyang kaso.##

ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Tuesday, January 08, 2019

Lalaki nadaganan ng tricycle sa Altavas, patay

hindi namin pagmamay-ari ang larawan / credit to the owner

PATAY ANG isang lalaki matapos madaganan ng natumbang tricycle sa Brgy. Linayasan, Altavas dakong alas-8:00 ng umaga ngayong araw ng Martes.

Kinilala sa ulat ng Altavas Municipal Police Station ang lalaki na si Rey June Igos y Inamarga, 24-anyos, residente ng Brgy. Cabugao, Altavas.

Ayon sa tagapagsalita ng Altavas PNP na si PO3 Niel Alejandro, sakay umano ng tricycle ang nasabing lalaki papuntang bayan nang mawalan ng kontrol ang driver at natumba ito.

Nabatid na backrider ang biktima. Nahulog ito at nadaganan ng atip ng tricycle sapul sa kanyang ulo.

Kinilala ang driver ng pampasaherong tricycle na si Eljino Francisco y Idao, 44, ng Brgy. Cabugao.

Ayon kay PO3 Alejandro lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na inatake umano ng high blood ang driver. Naglamay rin umano ito kagabi.

Sugatan rin ang apat na iba pang mga pasahero na pawang mga estudyante. Dinala sila sa Altavas District Hospital para gamutin.

Nagtamo naman ng kaunting sugat sa katawan ang driver na nasa pangangalaga na ngayon ng kapulisan aat nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homecide.##

Babae na natagpuang patay sa Malinao ililibing na; pamilya sumisigaw ng hustisya

MAILAP PARIN ang hustiya para kay Eva Colantes Adan na natagpuan hubo’t hubad at wala nang buhay sa masukal na bahagi sa Brgy. Dangcalan, Malinao.

Ayon kay SPO3 Jim Villaruel, imbestigador ng Malinao PNP, hanggang ngayon ay nangangalap parin sila ng ebedensiya para matukoy ang suspek insidente.

Patuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa mga person of interest sa kaso pati na ang motibo sa likod ng sa karumaldumal na pagpatay sa 41-anyos na babae.

Hirap umano sila dahil sa kakulangan ng saksi sa kaso.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng kapulisan ang imbestigasyon ng Cybercrime Division ng kapulisan sa rehiyon sa cellphone ng biktima na natagpuan sa lugar kung saan ito nakitang patay noong Disyembre 29.

Ngayong araw ng Martes, Enero 8, ay nakatakda ang libing ng biktima. Isang misa ang gaganapin sa Parish Church ng Malinao bago ito ilibing. Sigaw ng pamilya hustiya para sa biktima.

Matatandaan na natagpuang patay at may malubhang sugat sa ulo na posibleng pinalo ng matigas na bagay.

Nanawagan ang kapulisan sa mga saksi o nakakaalam sa insidente na makipagtulungan sa kapulisan sa ikalulutas ng kaso.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Mga rescuers, divers bigo paring matagpuan ang batang nalunod sa Aklan River

BIGO PARIN ang mga rescuers, divers na matagpuan ang batang nalunod sa Aklan river noong Disyembre 29.
photo MDRRMO Numancia

Ayon sa MDRRMO Numancia, muli silang nagsagawa ng search and retrieval operation sa ika-siyam na araw kung saan naging mabuti na ang lagay ng ilog.

Matatandaan na simula nang araw ng malunod ang bata ay naging pahirap sa mga rescuers ang malakas na agos ng tubig, malalim at malabong ilog.

Ang mga divers ng pamahalaang lokal ng Numancia at Fishery Division ng probinsiya ay nakasisid na sa lugar kung saan posibleng nasabit ang bata.

Matapos ang ilang oras na paghahanap ay hindi parin natagpuan ang anim-na-taon-gulang na bata na si Feona Obamos ng Brgy. Bulwang, Numancia.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga MDRRMO Numancia sa mga tumulong sa operasyon sa PDRRMO, mga MDRRMO ng Kalibo at Makato, Coast Guard mula Caticlan at New Washington.

Tumulong din sa paghahanap ang 611th Aux. PCGA Squadron, Numancia SEALS, kapulisan ng Numancia, mga mangingisda at lahat ng mga coastal municipalities.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

DBP sinagot ang pagkakadawit sa kaso na isinampa ni Rodson Mayor laban sa mga opisyal ng probinsiya

PORMAL NANG sinagot ng Development Bank of the Philippines ang kaso na isanampa ni dating Board Member Rodson Mayor kung saan dawit ang bangko.

Mababatid na hiniling ni Mayor sa korte na ipawalang-bisa ang resolution 2018-962 na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan na nag-aapruba sa Php1.53 billion na loan facility ng probinsiya sa nabanggit na bangko.

Inirereklamo ng dating opisyal ang 11 mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kasama ang bise gobernador at ang gobernador sa umanoy iregularidad sa ipinasang resolusyon.

Sa apat na pahinang sagot ni Kenneth Alovera, Counsel for DBP na nakabase sa Iloilo, sinabi niya na hindi dapat sa branch office sa Kalibo isinilbi ang summon ng korte kundi sa kanilang central office.

Bagaman inamin niya na inaprubahan ng DBP ang Php1.53 billion na loan application ng probinsiya, pinabulaanan naman niya nila na may direkta silang partisipasyon sa pag-apruba ng resolusyon.

Kaugnay sa mga binanggit na punto sa sagot ng DBP hiniling ng kanilang consultant na alisin ang bangko bilang "party respondent" sa kasong isinampa ni Mayor laban sa kanila.##

Monday, January 07, 2019

Hindi makalipad na agila natagpuan ng mga tao sa Bakhawan Eco Park

ISANG NANGHIHINA at hindi makalipad ba agila ang natagpuan ng mga residente sa Bakhawan Eco Park sa Brgy. New Buswang, Kalibo.

Itinurn-over nila ito kay Kagawad Wellie Ramos na siya namang nagdala kay Dr. Jhana Rose Nepomuceno, local veterinarian ng Kalibo, para gamutin.

Ayon sa report ni Kasimanwang Joel Nadura, napag-alaman na isa itong juvenile crested serpent eagle na nanganganib nang maubos ang kanilang uri.

Nakitaan ito ng gupit sa pakpak dahilan para hirap itong makalipad. Paniwala ni Dr. Nepomuceno inalagaan ito pero nakawala.

Aniya ipinagbabawal ng batas ang pag-aalaga ng mga endangered species katulad ng ibon na ito.

Natagpuan ito araw ng Biyernes noong nakaraang linggo at makaraang gamutin ay dadalhin ito sa DENR Office sa tulong ni Chita Heap, presidente ng Kool Earth.##

Sunday, January 06, 2019

Synchronize na pagtugtog sa Ati-atihan balak gawin, gustong ipasok sa world record

photo Kas Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo

BALAK NGAYON ng Parish Church of Kalibo na sabayang pagtugtog ng iba-ibang grupo o tribu ng iisang kanta sa Kalibo Ati-Atihan Festival at ipasok sa world record.

Binanggit ito ni Fr. Jose Tudd Belandres, moderator ng Parish Team Ministry sa kanyang committee report sa Kalibo Sto. Ñino Ati-Atihan Festival Inc. bahagi ng paglalahad niya ng mga aktibidad ng Simbahan.

Sinabi niya na napag-usapan umano ng parokya na pagkatapos ng pagsigaw ng "Viva kay Sr. Sto. Niño" ay susunod ay sabayang pagtugtog sa harap ng Simbahan Linggo ng umaga.

Gusto umano ng parokya na tugtugin ng mga tribu, grupo at mga caro owners ang sikat noon na kanta na "Happy Days are Here Again".

Iimbitahan umano nila ang Guinness World Records para mag-obserba para sa may pinakamaraming sabayan nagtutugtog ng nabanggit na kanta.

Sinabi ni Fr. Belandres na mainam umano ito kaysa iba-iba ang tinutugtog na sa halip makalikha ng musika ay ingay.

Katunayan sinabi niya na nakahanda na ang recording ng kanta para magamit ng mga kalahok pero maaaring sa susunod na taon pa umano ito uumpisahang gawin.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Lola nabundol ng motorsiklo sa Numancia, patay

hindi aktwal na larawan / mula sa web

PATAY ANG isang lola makaraang mabundol ng motorsiklo sa Brgy. Poblacion, Numancia hapon ng Sabado.

Kinilala sa ulat ng Numancia PNP ang biktima na si Marilou Dacara, 69-anyos, residente ng Brgy. Bulwang, Numancia.

Ang driver ng motorsiklo na nakabundol sa kanya ay kinilala naman na si Mark Nabalde, 24, residente ng Ma. Cristina, Madalag.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ni PO3 Marlon Del Rosario, imbestigador, bigla umanong tumawid sa kalsada ang matanda dahilan para mabundol ng motorsiklo.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang matanda. Mabilis itong isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital subalit binawian rin ito ng buhay maghahating gabi habang ginagamot dito.

Nagtamo lamang ng kaunting sugat sa kamay at paa ang driver ng motor.

Nabatid ayons sa imbestigador na susunduin lang sana umano niya ang apo na gumagawa ng proyekto sa paaralan. Habang ang driver ng motor ay papauwi naman sana sa Madalag.

Nasa pangangalaga naman na ng kapulisan ang driver at ang motorsiko at hinihintay nalang ang magiging desisyon ng pamilya ng biktima.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo