Showing posts with label Madalag Aklan. Show all posts
Showing posts with label Madalag Aklan. Show all posts

Tuesday, July 16, 2019

KNOW: History of 'Tinuom ni Aewag' Festival in Madalag


'Tinuom'

The local word “Tinuom” describes a local highland dwellers recipe with native chicken as original ingredients. Other foodstuff such as fish, meat, and vegetables may be cooked this way. “Tinuom” is a way of cooking where the ingredients are wrapped in a leaf. Preferably banana leaf. The wrapper mix is cooked over boiling water or grill. The other basic ingredients of this dish includes salt pepper, onion and lemon grass, the fluid from the chicken itself cooks all the ingredients resulting in very flavorful soup.

'Tinuom ni Aewag' Festival

Madalag is one of the seventeen towns of the Province of Aklan that do not have a festival. For years of research and planning, Madalag has chosen a festival that would truly represent, illustrate and correspond to the identity and way of life of all the Madalagnons. Tracing back the pieces of the town’s history, the town’s name itself tells something about life –“madaeag’’ which means the yellowish color of the water coming from the creek maearag connotes life that is green, serene, calm, unexploited, virgin refreshing and sustaining.

Madalag was once ruled by a Datu named Aewag and by this time, early Madalagnons have their own and unique way of cooking - tinuom. Tinuom is a simple process or method of cooking foods, no particular cookware is needed and no artificial ingredients are used that makes it healthy and economical. The mixture of all the ingredients are wrapped in banana leaves and securely tied. It looks like a pouch when both ends of the leaves are tied together. The wrapped mixtures of ingredients are put on top of a flaming and glowing charcoal and it takes some time to cook.

Usually, Tinuom is made of native chicken locally called Tinuom nga manok but many other kind of fish, meat, vegetables and other ingredients may be cooked this way such as mushroom, ueang, dueupingan, kaeopdop, etc.

Spices are usually simple but abundant in town- aeabihig leaves, Lemon grass (tangead) and salt. A very minimal amount of water is added to the ingredients and the natural broth coming from it slowly cooks it, making the food unique and of delicious taste.

The launching of the Tinuom ni Aewag Festival of Madalag depicts the true nature of the town and of its people’s history and aspirations. The simplicity of this dish represents and reflects the lives of most Madalagnons – quite. Calm and uncomplicated yet full of faith, hope and love. It also signifies survival, unity, sincerity and religiosity – distinct marks in the timeline of Madalag’s history.

As we launch our Tinuom ni Aewag Festival, there is a high expectation that this will put our humble town in the map and do its share in contributing progress in the province, region and in the whole country. There is more to Madalag than its name. There is more to discover and unfold with the Inapo ni Aewag. Just like the tinuom, it is simple to look at, but full of surprises when opened and finally tasted.

Source: Madalag Mayor Alfonso Gubatina

Tuesday, February 05, 2019

Eaki patay matapos nga makuryente sa ginaubra nga hydro power plant sa Madalag

photo of tunnel in Madalag Hydro Power Plant Al Dindo  Gubatina

PATAY RO sangka eaki sa Sitio Eoho Brgy Ma. Cristina, Madalag matapos nga makuryente sa ginaubrahan nga hydro power plant.

Ginkilaea sa report it kapulisan ro namatay nga si Jules Rata y Alejandro, 50-anyos, trabahante, residente it nasambit nga barangay.

Nahisayuran nga natabu ro insidente banda alas-2:00 it hapon kahapon samtang nagaclearing it bakal sa tunnel ro biktima gamit ro grinder.

Gintinguhaan pa sigun ni Judymar Zaulda nga patyon ro power ugaling wa gid mahingaw ag binawian it anang hueam nga kabuhi ro biktima.

Nakataean nga ipaidaeom sa post mortem examination ro patay nga eawas it eaki.##

- report ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Tuesday, December 25, 2018

Dahil sa pagkaing-baboy, lalaki tinaga ng ama sa bayan ng Madalag


NARATAY SA ospital ang isang lalaki makaraaang tagain ng ama sa Brgy. Paningayan, Madalag sa bisperas ng Pasko.

Kinilala ang biktima na si Wilmer Cuasto, 38-anyos, residente ng nabanggit na lugar. Nagtamo ito ng sugat sa mukha at sa balikat.

Batay sa ulat ng Madalag PNP, umuwi umanong lasing ang biktima sa kanilang bahay. Nabatid na nakainom rin ang ama na si Wilmerto Cuasto, 68.

Nagtalo umano silang mag-ama makaraang tanungin ng anak ang ama kung bakit hindi nagluto ng pagkain ng baboy.

Sa galit ng ama ay kumuha ito ng itak at tinaga ang anak.

Agad isinugod ang biktima sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital habang nakatakas naman ang ama matapos ang insidente.##

Monday, November 19, 2018

SUSPEK SA PANANAGA SA ISANG CHINESE ENGINEER SA MADALAG NAARESTO NA

NAARESTO NA ng kapulisan ng Madalag ang suspek sa pananaga sa isang Chinese construction engineer sa Madalag Biyernes ng gabi.

Ayon kay PSInsp. Cyril Punzalan naaresto nila ang suspek sa Brgy. Alas-as sa nabanggit na bayan umaga ng Lunes.

Kinilala ang suspek na si Ramy Rufino y De Tomas, 27, driver sa konstruksyon sa Timbaban Hydro-Power Plant, residente ng Ma. Cristina sa parehong bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na nagalit umano ang suspek nang hindi pirmahan ng banyaga na si Shi Ji Wu, 26, ang kanyang DTR.

Lasing umano ang biktima nang dumating sa kanilang barracks at rason ng biktima hindi niya pinirmahan ang DTR ng suspek dahil hindi ito pumasok ng aras na iyon.

Sa galit ng suspek tinaga niya ang Chinese na tinamaan sa kanyang balikat at dibdib. Malubha ang lagay ng biktima at naka-confine parin sa pribadong ospital sa Kalibo.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Madalag Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong frustrated murder.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy Fm 107.7 Kalibo

Monday, October 08, 2018

MGA PERANG DONASYON NINAKAW SA LOOB NG SIMBAHAN SA MADALAG, AKLAN!

Kinumpirma ng Madalag PNP ang balitang pinasok raw ng magnanakaw ang simbahan ng Katoliko sa Madalag, Aklan.

Tinangay raw ng di pa nakikilalang suspek ang libo-libong donasyon at pera ng simbahan.

Duda ang pulisya na minor de edad ang mga suspek.

May maliit raw na butas na nakita sa nakakandadong kwarto na pinaglagyan ng pera, na tanging bata lamang ang posibleng kumasya roon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP para matukoy ang suspek.

Sunday, September 09, 2018

LALAKI TINAGA, PATAY SA BAYAN NG MADALAG NG KANYANG MANUGANG

DEAD ON THE spot ang isang lalaki sa Brgy. Dit-ana, Madalag makaraang tagain ng sariling manugang umaga ng Sabado.

Kinilala ang biktima na si Junie Seleno, 51-anyos samantalang ang suspek ay si Jernel Narce, parehong mga residente ng Brgy. Medina, Madalag.

Ayon kay SPO2 Abdon Demateo, imbestigador ng Madalag PNP, naganap ang insidente nang magkita ang dalawa sa Bgry. Dit-ana habang nangangahoy.

Inamin ng suspek ang nagawang krimen at boluntaryong sumuko sa mga otoridad. Nabatid na may dati silang di pagkakaunawaan.

Napag-alaman na nasa pitong buwan nang magkahiwalay ang anak ng biktima sa suspek.

Nagtamo ng malubhang sugat ng pagtaga sa leeg ang biktima dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Isinuko rin ng suspek sa kapulisan ang sugar cane cutter o "ispading" na ginamit sa krimen.

Nakakulong na ngayon sa Madalag PNP Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, August 15, 2018

TRICYCLE NAHULOG SA PALAYAN SA BAYAN NG MADALAG, 11 SUGATAN

LABING-ISA ANG sugatan sa bayan ng Madalag tanghali ngayong Miyerkules makaraang mahulog ang sinasakyan nilang tricycle sa isang matarik na bahagi sa Brgy. Paningayan.

Ayon sa ulat ng Madalag PNP, galing umano sa Madalag National Highschool ang mga sakay ng tricycle na pawang mga estudyante kabilang na ang driver at maliban sa isa.

Dadalo sana sa compli año sa Brgy. Napnot ang mga ito nang pagdating sa kurbada at pababang bahagi ng kalsada ay nawalan umano ng kontrol ang driver.

Sinabi pa umano ng 17-anyos na driver na sinubukan niyang magpreno pero hindi umano ito kumagat dahilan para mahulog sila sa tinatayang 10 metro ang taas.

Bumaliktad ang tricyle at dumiretso sa palayan. Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang mga sakay at ang ilan ay isinugod sa provincial hospital at dalawa sa kanila ang nai-confine dito.

Nagkasundo na ang pamilya ng mga menor de edad na ayusin ang nasabing problema.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Wednesday, April 04, 2018

PANGANGALAGA SA LIKTINON WHITE ROCKS NG MADALAG PINASIGURO NG PAMAHALAANG LOKAL

photo (c) flickr
Pinasiguro ngayon ng pamahalaang lokal ng Madalag na mapangalagaan ang kalinisan at natural na ganda ng Liktinon White Rocks sa Brgy. Ma. Cristina.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang regular session Martes ng hapon sa ordenansa na nagtatakda ng Php20.00 na environmental and admission fee sa mga turista kapwa lokal at foreigner.

Ayon kay Escot Intela, municipal tourism officer, ang ordinance no. 2017-001 ay binuo dahil narin sa tumataas na bilang ng mga turista na dumarayo sa natural rock formation na ito sa Timbaban River.

Paliwanag ng opisyal, gagamitin umano ang malilikom na pondo para sa pag-maintain ng kalinisan ng lugar at sa pagdaragdag ng mga kaukulang pasilidad rito.

Sa ngayon anya ay nagtayo na ng mga comfort room at shower room ang munisipyo roon para sa mga bisita. Plano ring buksan ang itinayong tourim information center doon.

Nilinaw naman ni Hannibal Cometa, Sangguniang Bayan secretary ng Madalag, na libre sa mga Madalagnon sa environmental at admission fee at mga bata 12-anyos pababa base sa ordenansa.

May 20 porsyentong deskwento naman ang mga senior citizen, person with disabilities, at estudyante.

Magkakaroon naman ng bahagi ang Barangay ng Ma. Cristina sa kikitain.

Wednesday, March 28, 2018

PANGGA WARANG TA: RING FALLS IN MADALAG

How to get here?

* Ride a bus/jeep via Libacao. Then, tell the driver to drop you in Sitio Daguitan, Madalag, Aklan. The fare is 35.00 if bus and 30.00/if jeep. Landmark is long steel bridge (Guadalupe Bridge). From there you need to ride a single motorcycle going to Poblacion, Madalag. If u have a car/service you can directly go to Poblacion. Pwede ka ding dumaan via Malinao but it takes 2hours of travel.

*From Poblacion, you will ride a single motor (habal-habal) going to Panipiason. Its takes an hour before you can reach the place. The fare is 150.00 per head. Only two person is allowed in the motorcycle.
*From the barangay proper, you will walk for 25 minutes to reach this place.

*Mas maganda na may kakilala ka or contact na taga Madalag para makahanap agad ng motor na maghahatid sa inyo doon.

*Walang entrance fee po ang pagpunta doon. Just coordinate or mag courtesy call Kay kapitan bago pumunta doon for your safety. There's a tour guide naman na magsasama sa inyo papunta doon. It's up to you if how much you will pay for the guide.

FYI: The falls has a ring before kaya tinawag syang Ring Falls. But because of typhoon Quinta nasira ito because there's a huge rocks/stones na nahulog at tinamaan yung ring.

repost from Joejit Naldoza

Tuesday, November 14, 2017

LALAKI TINAGA NG TIYOHIN

Ulat ni kasimanwang Joefel P. Magpusao


Confine sa Provincial Hospital ang biktimang si kasimanwang Stanley Apolinario 29 anyos ng Poblacion, Madalag, Aklan matapos tagain ng sinasabing tiyohin na kinilalang si Fernando Ilino 25 anyos na tubong Brgy. Mercedes ng nasabing bayan.


Ayon sa salaysay ng kamag-anak ng biktima, alas sais ng dapithapon nagsimulang mag-inoman ang dalawa sa mismong bahay ng biktima. Dinayo umano ng suspek ang biktima upang pag-usapan ang paghahanap ng trabaho. Dahil sa kalasingan at hindi pagkakaintindihan, kumuha umano ng itak ang suspek at binalingan ng taga ang biktima.

Mismong asawa ng suspek ang humingi ng tulong sa ilan pa nilang kamag-anak upang madala sa hospital ang biktima. Pinuntahan diumano ng asawa ng suspek ang nasabing suspek upang sunduin at nabigla ito sa kanyang naabotan kaya agad syang humingi ng saklolo.

Dagdag pa ng mga kaanak, nag-iisa lang diumano ang biktima sa kanilang bahay dahil ang live in partner nito kasama ang tatlong anak ay umuwi sa bayan ng Makato sa kanyang ina upang manghiram ng pera.

Nagtamo ng sugat ang biktima sa kaliwang tenga, kaliwang kamay, kanang paa at likod.

Samantalang ang suspek ay nasa kostudiya na ng Madalag PNP at kasalukuyang nagpapagaling sa Madalag District Hospital dahil nagtamo din ito ng sugat sa kanang pisngi.

Nangangailangan ng apat na bag ng dugo na type B ang biktimang si Stanley Apolinario na kasalukuyang nakaconfine sa surgical ward ng Provincial Hospital.

Monday, September 25, 2017

NO. 1 MOST WANTED SA BAYAN NG MADALAG SA KASONG RAPE ARESTADO

ulat ni Darwin Tapaya, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang isang 37-anyos na lalaki na most wanted sa bayan ng Madalag sa kasong rape.

Kinilala ang akusado na si Ronald Revelalay y Naig, electrician at residente ng brgy. Singay, Madalag.

Inaresto ng mga kapulisan sa Madalag ang lalaki sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape.

Ang nasabing warrant ay inilabas ng Branch 5 ng Regional Trial Court 6 sa bayan ng Kalibo at nilagdaa ni presiding judge Elmo Del Rosario.

Naaresto ang akusado sa kanilang residesya dakong alas-11:00 ng umaga ngayong araw.

Pansamantalang nakakulong ngayon ang lalaki sa Madalag municipal police station para sa kaukulang disposisyon.

Thursday, August 03, 2017

NO. 1 MOST WANTED BAYAN NG MADALAG, ARESTADO SA CALOOCAN, CITY

Arestado ang no. 1 most wanted ng Madalag PNP sa Caloocan City kahapon.

Ang akusado ay kinilalang si Ruel Nillasca, 39 anyos, tubong brgy. Balactasan, Madalag.

Naaresto ang lalaki sa ikinasang operasyon ng pinagsamang pwersa ng Aklan police Trackers Team, Southern CIDG, Caloocan PNP at Madalag PNP.

Si Nillasca ay naaresto sa Caloocan kung saan siya nagtratrabaho bilang caretaker.

Siya ay nahaharap sa mga kasong murder at two counts of frustrated murder na ibinababa ng Regional Trial Court 6 dito sa Kalibo noong Enero 2012.

Walang itinakdang pyansa ang korte para sa kanyang kinakaharap na kaso. 

Siya ay pansamantalang nasa kustodiya ng Southern CIDG ay nakatakdang dalhin sa Aklan para iharap sa korte.