Showing posts with label Energy Community. Show all posts
Showing posts with label Energy Community. Show all posts

Monday, September 10, 2018

DANNY FAJARDO, FOUNDER NG PANAY NEWS PUMANAW NA

Ang Energy FM Kalibo ay nalulungkot sa pagpanaw ng aming kasama sa larangan ng pamamahayag - Danny Fajardo, founder ng kilalang pahayagang panrehiyon - Panay News at isa sa mga haligi ng pamamahayag sa Western Visayas.

Saturday, June 16, 2018

'BAKBAKAN SA BUGSAYAN' MULING AARANGKADA SA PISTA NG SAN JUAN

Magpapasiklaban na naman sa husay at bilis sa pagsagwan ang mga lalahok sa boat race competition sa Kalibo sa darating na pista ng San Juan sa Hunyo 24.

Ang atraksiyong ito na inorganisa ng Energy FM Kalibo ay tinaguriang “Bakbakan sa Bugsayan”, ngayon sa ikaapat na taon na, bilang pagpupugay o “panaad” kay San Juan Bautista.

Naniniwala ang organizer ng event na sa pamamagitan nito ay mapapahalagahan ang kulturang Aklanon sa “bugsayan” o pagsagwan ng bangka.

Maliban sa boat race bilang main event, magpapasiklaban rin ang ilang mga Aklanon rapper sa event na ito na gaganapin kapwa sa Beach Boy Beach Resort, Brgy. Pook, Kalibo simula alas-8:00 ng umaga.

Mag-eenjoy rin ang mga dadalo sa iba pang palaro na inihanda ng Energy FM kagaya ng habulan ng baboy.
Katuwang ng Energy FM si Kalibo konsehal Juris Bautista Sucro sa aktibidad na ito.

Bukas pa ang pagpaparehistro para sa boat race competition at rap contest. Sa mga katanungan makipag-ugnayan lamang sa numerong 09477085467./ Darwin T. Tapayan, EFM Kalibo

Monday, February 19, 2018

PAMILYA NA MAY 14 NA ANAK, TINULUNGAN NG ENERGY FM

OPLAN TABANG NI IDOL

Naghatid ng tulong si Kasimanwang Jodel "Idol" Rentillo kasama ang kanyang pamilya at ang Energy FM Kalibo sa isang mahirap na pamilya sa Brgy. Tinigaw. Ang pamilyang ito ay may 14 anak kung saan apat dito ang namatay na. Kasama ng grupo ang konseho ng barangay sa pag-abot ng tulong kagaya ng bigas, unan, kumot at mga damit.






Wednesday, September 27, 2017

ENERGY FM KALIBO KINILALA SA KONTRIBUSYON SA INTERNATIONAL COASTAL CLEAN-UP DRIVE

Binigyan ng pagkilala at pasasalamat ang Energy FM Kalibo dahil sa paglahok sa International Coastal Cleanup Drive.

Mga tauhan ng Philippine Coastguard Auxialiary iginagawad ang Certificate of Appreciation sa kontribusyon ng Energy FM Kalibo sa ginanap na International Coastal Cleanup Drive.


Maraming salamat po sa karangalang ito!

Monday, June 19, 2017

MGA BOAT RACER SASABAK SA 'BAKBAKAN SA BUGSAYAN' SA MABILO, KALIBO

Magpapasiklaban sa husay at bilis sa pagsagwan ang mga lalahok sa boat race competition sa Kalibo sa nalalapit na pista ng San Juan.

Ang atraksiyong ito na inorganisa ng Energy FM Kalibo ay tinaguriang “Bakbakan sa Bugsayan” , ngayon sa ikatlong taon na, bilang pagpupugay kay San Juan Bautista.

Naniniwala ang organizer ng event na sa pamamagitan nito ay mapapahalagahan ang kulturang Aklanon sa “bugsayan” o pagsagwan ng bangka.

Maliban sa boat race bilang main event, magpapasiklaban rin ang mga rapper sa event na ito na gaganapin kapwa sa Mabilo beach, Kalibo.

Mag-eenjoy rin ang mga dadalo sa iba pang palaro na inihanda ng Energy FM kagaya ng palosibo, milk drinking contest, pabilisan sa pag-inom ng beer at iba pa.

Ang aktibidad na ito ay bahagi rin ng ika-pitong taong anibersaryo ng Energy FM Kalibo na patuloy na namamayagpag sa paglilingkod sa taumbayan.