Nakatakdang ipatawag ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang pamunuan ng Caticlan Jetty Port kaugnay sa usapin ng paniningil ng environmental at terminal fee.
Kasunod ito ng pahayag ni SP member Lilian Tirol sa sesyon ng Sanggunian araw ng Lunes hinggil sa mga reklamo sa kanya ng ilang Aklanon na pinapabayad rin ng mga nasabing fee.
Ayon kay Tirol, may mga tubong Aklanon anya na nagtratrabaho na sa ibang lugar na nagbabakasyon sa isla ang sinisingil parin ng mga fee dahil sa walang Aklanon identification card na maipakita.
Alinsunod sa umiiral na municipal ordinance, ang mga residente at turista ay magbabayad ng Php75 na environmental fee at Php100 na terminal fee. Exempted sa mga bayaring ito ang mga Aklanon.
Ang usapin ay sasailalim sa pagdinig ng committee on tourism.
Sinabi ng opisyal na nais niyang malaman kung paano ipinapapatupad ang nasabing ordenansa at kung may kailangan bang baguhin dito.
Samantala, napag-alaman na plano ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay na taasan ang environmental fee mula Php75 sa Php100. / EFMK
Tuesday, January 30, 2018
Monday, January 29, 2018
MUNISIPYO NG MALINAO MUNTIK MASUNOG
Muntik nang masunog ang extension building na ito ng munisipyo ng Malinao ngayong umaga nang bahagyang nasunog ang dental clinic dito.
Nasunog ang aircon at circuit breaker sa clinic.
Agad namang naapula ang apoy gamit ang fire extinguisher ng mga rumespondeng miyembro ng MDRRMO.
Iniimbestigahan na ng BFP ang insidente upang matukoy ang sanhi ng sunog. Wala namang nasaktan sa insidente.

BABAE TIMBOG MATAPOS NAKAWAN ANG ISANG CHINESE NATIONAL SA BORACAY
Arestado ang babaeng ito matapos pagnakawan ang isang Chinese National sa Isla ng Boracay.
Kinilala ang suspek na si Barcella Gonzales, 41 anyos at tubong Tondo, Manila.
Ayon sa report ng Boracay PNP, naganap ang insidente Biyernes ng gabi, January 26, habang naglalakad ang biktima sa D'Mall kasama ang kanyang pamilya.
Binuksan at ninakaw umano ng suspek ang pouch mula sa backpack ng biktimang si He Shuchai, 37 anyos na babae.
Nanakawin pa sana ng suspek ang tablet pero naaktuhan ito ng biktima at nakipag-agawan sa suspek.
Nahuli ang suspek sa pagresponde ng mga kapulisan pero hindi na nabawi ang ninakaw na pouch. Naipasa na kasi umano ito ng suspek sa kanyang kasama na nakatakas sa lugar.
Laman ng pouch na ito ang 10,000 pesos, mga atm cards at iba pang mga dokumento.
Nakatakdang sampahan ng kasong theft ang naarestong suspek samantalang tinutugis na ng mga kapulisan ang kanyang mga kasama.

PHP24K IBINALIK NG TRICYCLE DRIVER SA ISANG MALAYSIAN NATIONAL SA PAMAMAGITAN NG ENERGY FM
Naibalik na sa Malaysian National na si Muhammad Syafiq ang bag na naiwan niya sa isang tricycle sa isla ng Boracay.
Matatandaan na ang bag ay dinala ni April John Flores sa Energy FM Kalibo. Siya ang driver ng tricycle na sinakyan ng foriegner sa isla ng Boracay.
Kabilang sa laman ng bag na ito ang passport ng turista, Php24,000, mga Malysian money, ATM cards at iba pang mahahalagang gamit.
Agad nakipag-ugnayan sa tanggapan ng pulisya sa Boracay ang himpilang ito at maging sa immigration gayunman wala silang impormasyon kaugnay sa foreigner.
Nakipag-ugnayan rin kami sa Yes FM Boracay (KBP member station) at saktong nasa tanggapan nila ang foriegner para manawagan sana hinggil sa nawawala niyang bag.
Ipinaalam namin na nasa himpilang ito ang kanyang bag. Agad naman siyang nagtungo rito sa Kalibo mula sa Boracay para makuha ang kanyang bag.
Bagaman hindi na nagkaharap ang dalawa, ipinaabot ng turista ang lubos niyang pasasalamat sa tricycle driver sa katapatang ipinamalas.
Nag-abot naman ng pabuya ang foreigner sa driver.
Kami sa Energy FM ay sumasaludo kay April John Flores sa katapatang ipinamalas niya sa bisita!

Subscribe to:
Posts (Atom)