IPAMIMIGAY NA ng munisipyo ng Kalibo ang bonus at mga incintives para sa kanilang mga tauhan kasunod ng pag-apruba rito ng Sangguniang Bayan.
Ayon sa report ni Kasimanwang Joel Nadura, ang mga job order at contract of services ay tatanggap ng bonus katumbas ng buwanan nilang suweldo.
Habang ang mga barangay nutrition scholars, barangay health workers at Day Care workers ay tatanggap ng Php3,500.
Inaprubahan rin ng Sanggunian ang 15 porsyentong pagtaas ng sahod para sa mga barangay nutrition scholars, barangay health workers at Day Care workers.
Ipatutupad umano ito simula sa susunod na taon.
Tatanggap rin sila ng insentibo pagsapit nila ng 65 anyos depende sa haba ng kanilang paglilingkod.
Ang mga barangay nutrition scholars ay tatanggap ng maximum na Php20,000; barangay health workers na Php10,000; at barangay Day Care workers na Php30,000.
Sinabi ni Ms. Dianne Fegarido, SB Secretary, ibibigay ang mga bonus bago magbakasyon ang mga empleyado ng pamahalaang lokal.##
No comments:
Post a Comment