Friday, July 28, 2017

LALAKI ARESTADO SA RAID NG MGA KAPULISAN SA BRGY. NAVITAS, NUMANCIA SA PAGTATAGO NG MGA BALA NG BARIL

Arestado ang isang lalaki sa ginawang raid ng mga kapulisan sa bahay nito sa Purok 2, brgy. Navitas, Numancia kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Jay Yacub.

Nakuha sa operasyon ang limang live ammunition ng caliber .45, isang live ammunition ng 12 gauge shotgun at isang holster.

Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng Public Safety Company, Intelligence Branch, Drug Enforcement Unit at ng Numancia PNP dakong alas-7:00 ng umaga.

Una nang inireklamo si Yacub ng pagpapaputok ng baril sa kanilang barangay kamakailan dahilan para babaan siya ng search warrant.

Posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 ang naturang suspek na nakakulong ngayon sa Kalibo police station para sa kaukulang disposisyon.

53-ANYOS NA LALAKI NAGBARIL SA SARILI SA NEW WASHINTON PATAY

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Idineklarang dead on arrival ang lalaking ito matapos barilin ang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Mabilo New Washington Aklan alas-9:00 pasado ng umaga.

Kinilala ang biktima sa Pangalang Rafael Mijarez, 53 anyos residente rin ng nabanggit na lugar. Nagtamo ng tama ng baril sa kanang bahagi ng ulo ang biktima.

Ayon kay P03 Peter Umitin imbestigador ng New Washington PNP Station. Kasama umano ng biktima sa bahay ang anak na babae bago maganap ang pagbaril.

Habang nasa loob ng CR si April Mijarez nakarinig ito ng isang putok na nagmula sa kwarto ng ama. Kaya mabilis itong lumabas ng CR at tinungo ang kwarto ng ama.

Doon na nakita ang duguang ama kaya agad itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay para maisugod ito sa ospital.

Samantala ibinigay naman ng pamilya sa pulisya ang ginamit na baril ng biktima kasama ang pitong bala ng caliber 45 at isang baril.

Maysakit raw sa baga ang biktima na posibleng naging dahilan ng pagsuicide.

PARAW SA BORACAY, LUMUBOG SAKAY ANG 6 MGA CHINESE NATIONAL

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Lumubog ang isang Paraw sakay ang anim na mga Chinese national sa baybaying sakop ng isla ng Boracay dakong alas-4:00 ng hapon.

Ayon kay SN2 Lanto Maulana, ng Philippine Coastguard Boracay, nabali umano ang katig ng nasabing bangka dala ng malakas na hangin at alon kaya ito tumaob.

Agad namang nakaresponde ang mga taga-Coastguard para iligtas ang mga naturang turista.

Maswerte anyang hindi naman nalunod ang mga sakay rito dahil ilang metro lamang ang layo nito sa front beach ng isla.

Ayon pa kay Maulana, ipinagbabawal na ang paglalayag ng mga bangka sa front beach dahil narin sa habagat na nararanasan sa Boracay.

Dapat anya ang sa back beach lang ang mga water at iba pang sports activity sa isla.

Samantala, ayon sa Coastguard ang byahe ng mga pampasaherong bangka ay inilipat na sa Tabon-Tambisaan vice versa dahil sa habagat.

Bumibiyahe parin anya ang Oyster at Boracay Express ferry sa Caticlan-Cagban vice versa.

59 KILONG PAWIKAN NAHULI SA NETING SA BAYBAYIN NG CAMANCI NORTE, NUMANCIA

Nahuli ang isang 59 kilong pawikan sa netting sa baybaying sakop ng brgy. Camanci Norte, Numancia.

Ayon kay Philippine Coastguard Auxiliary 611 Squadron Western Visayas operation's officer Pepito Ruiz, nakuha ang nasabing pawikan pasado alas-6:30 ng umaga.

Tinatayang 40 pulgada ang haba ng pawikan, may lapad na 42 pulgada at may bigat na 59 kilo.

Ayon pa kay Ruiz, sa assessment ng DENR-PENRO-Aklan, hindi nakitaan ng anumang sugat katunayan anya ay masigla pa ang nasabing pawikan.

Dakong alas-2:30 ng hapon ay pinakawalan rin nila ang nasabing pawikan. Nilagyan ito ng tag na may tatak na PH-11851 PAMD DENR.

Ang pawikan ay tinatayang mahigit 60 taong gulang na.

Itinuturing ang pawikan na endangered species.

Nanawagan naman siya sa taumbayan na agad na ireport sa mga kinauukulan kapag may mga nakita o nahuling pawikan.

MGA APEKTADO NG KALIBO AIRPORT EXPANSION NAGRALLY SA STATE OF THE PROVINCE ADDRESS NG GOBERNADOR

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga apektado ng ekspansyon ng Kalibo International Airport kahapon sa State of the Province Address ng gobernador.

Nagmartsa ang grupo ng Napocacia (Nalook, Pook, Caano, Estancia Association) kahapon ng
umaga mula sa airport sa Pook, Kalibo patungong kapitol bitbit ang iba-ibang plakard at streamer na nagsasaad ng kanilang hinaing.

Kabilang sa panawagan ng grupo ang public consultation, ang Environmental Compliance Certificate, paghingi ng Multi-partite Management Team (MMT) at Social Development Plan (SDP).

Nanawagan rin ang grupo kay pangulog Rodrigo Duterte na imbistigahan ang umano’y anumaliya sa Civil Aviation Authority, Department of Transportation, at pamahalaang lokal ng Aklan.

Ayon kay Jean Macabales, tagapagsalita ng grupo, napababayaan na umano ng pamahalaan ang direktang apektado ng nasabing development.

Nadismaya naman sila dahil sa mahigpit na seguridad sa kapitolyo kung kaya’t hindi na sila nakapasok sa bisinidad nito dahil sa mga nakapalibot na mga sundalo at mga pulis.

Paliwanga niya, ang nais lamang nila ay mapakinggan ng gobernador ang kanilang hinaing at wala namang planong manggulo.

Halos tatlong taon na na pinoproblema ng mga apektadong mamamayan ang hindi wastong bayad sa kanilang mga lupa, sakahan at mga kabahayan, katunayan ilan sa kanila ay hindi pa umano nababayaran.

Hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataon na makaharap ang gobernador at iba pang opisyal pamahalaang lokal.

PRESO TUMAKAS SA NUMANCIA PNP STATION DAHIL SA PAGMAMAHAL SA KANYANG NOBYA

Tumakas ang 20-anyos na preso sa lock-up cell ng Numancia municipal police station dahil sa pagmamahal sa kanyang nobya.

Ayon sa report ng Numancia PNP, si Val Baldejas ng brgy. Marianos, Numancia ay tumakas kahapon dakong ala-una ng madaling araw.

Namataan pa umano ng mga kapulisan ang preso na tumatakbong papalayo sa police station gayunman ay hindi nila ito naabutan.

Tuloy-tuloy ang ginawang manhunt operation ng mga kapulisan hanggang sa mapag-alamang nasa bahay ito ng kanyang nobya sa Mabini St., Poblacion, Kalibo.

Agad na inaresto ng mga kapulisan ang suspek na may kasong robbery at ibinalik sa kulungan dakong alas-8:00 ng gabi.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo, tumakas umano siya sa kulungan dahil nais niyang makausap ang kanyang girlfriend.

Hindi umano siya mapakali nang sabihin ng nobya sa huli nilang pagkakikita na gusto nitong makipaghiwalay na.

Dumaan ang suspek sa marupok nang kisame ng kulungan at lumusot sa kanang bahagi ng police station.

Pinag-aaralan pa ng mga kapulisan ang karagdagang kaso ng suspek dahil sa kanyang pagtakas.

PULIS NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG KANYANG BAHAY SA BAYAN NG BALETE

Patay na nang matagpuan ang isang pulis sa loob ng kanyang bahay sa brgy.Fulgencio, Balete kagabi.

Kinilala ang biktima na si SPO2 Ferdinand De Mateo, at kasalukuyang nakadestino sa Aklan Public Safety Company.

Ayon sa report ng Balete PNP, dakong alas-6:00 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag na may naganap umanong suicide sa nabanggit na lugar.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at naabutan nilang nakabulagta sa sahig ang biktima at duguan. 

Hawak pa ng pulis ang issiued firearm at narekober din ang isang fire cartridge malapit sa kanyang katawan.

Kalaunan, nilinaw ng Balete PNP base sa kanilang imbestigasyon, namatay ang biktima dulot ng accidental firing at hindi nagbaril sa sarili kagaya nang unang impormasyon.

Pinabulaanan rin ng pulisya na may narekober na suicide note sa pinangyariha ng insidente taliwas sa mga kumakalat na report.

Nagtamo ng sugat ng pagbaril ang biktima sa kanan at kaliwang bahagi ng kanyang ulo.

Humingi naman ng privacy ang pamilya sa nangyari.

Wednesday, July 26, 2017

PARAW SA BORACAY, LUMUBOG SAKAY ANG 6 MGA CHINESE NATIONAL


Lumubog ang isang Paraw sakay ang anim na mga Chinese national sa baybaying sakop ng isla ng Boracay kahapon dakong alas-4:00 ng hapon.


Ayon kay SN2 Lanto Maulana, ng Philippine Coastguard Boracay, nabali umano ang katig ng nasabing bangka dala ng malakas na hangin at alon kaya ito tumaob.

Agad namang nakaresponde ang mga taga-Coastguard para iligtas ang mga naturang turista.

Maswerte anyang hindi naman nalunod ang mga sakay rito dahil ilang metro lamang ang layo nito sa front beach ng isla.

Ayon pa kay Maulana, ipinagbabawal na ang paglalayag ng mga bangka sa front beach dahil narin sa habagat na nararanasan sa Boracay.

Dapat anya ang sa back beach lang ang mga water at iba pang sports activity sa isla.

Samantala, ayon sa Coastguard ang byahe ng mga pampasaherong bangka ay inilipat na sa Tabon-Tambisaan vice versa dahil sa habagat.

Bumibiyahe parin anya ang Oyster at Boracay Express ferry sa Caticlan-Cagban vice versa.

60 ANYOS NA BABAE, BINASTOS AT BINUGBOG NG 2 LALAKI SA BAYAN NG BANGA; BIKTIMA CONFINE SA OSPITAL

Patuloy na inoobserbahan sa provincial hospital ang isang 60 anyos makaraang bugbugin at bastusin sa brgy. Bacan, Banga.

Salaysay ng biktima sa panayam ng Energy FM Kalibo, dumalo umano siya ng beperas ng comple año nang maganap ang nasabing insidente.

Nakipag-inuman umano siya nang biglang dakmain ng isang kainumang lalaki ang pribadong bahagi ng kanyang katawan. 

Kinumpronta umano niya ang suspek na kinilala niyang si “Renie” pero pinunasan umano siya ng dumi ng baboy sa kanyang mukha, hinampas ng sandok sa ulo at sinuntok sa mukha.

Nanlaban umano ang biktimang babae at aksidenteng nabuhos ang nilulutong karne dahil sa nangyaring komosyon bagay na ikinagalit ng may-ari ng bahay na si “Jessie”.

Dito umano nila pinagtulungang bugbogin ang babae.

Nakatakbo umano siya pero itinulak rin siya sa irigasyon. Maswerte namang tinulungan siya ng isa pang lalaki at nakalayo sa mga suspek.

Kinabukasan pa bago nagtungo sa Banga police station ang babae para iparekord ang insidente.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang nangyari.

PHP250M PONDO PARA SA REVETMENT WALL NG KALIBO APRUBADO NA NI PRESIDENNTE DUTERTE

Aprubado na ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Php250 milyong pondo para sa revetment wall ng Kalibo.

Ito ang masayang ibinalita ni Kalibo mayor William Lachica sa kanyang mensahe sa flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa alkalde, nitong Hulyo 10 ay isanama na sa proyoridad at inaprubahan na ang nasabing proyekto.

Bagaman anya may revetment wall na sa bahagi ng Rizal St. at sa brgy. Tinigaw pero hindi anya tuluy-tuloy.

Napag-alaman na layunin nito na maibsan ang tubig-baha na dumidiretso sa sementeryo at Toting Reyes St., Mabini St.

Ang pondong ito ay gagamitin anya para sa revetment wall mula sa Purok 2 patungong brgy. Bakhaw Norte.

Ipinaabot naman ng alkalde ang kanyang pasasalamat sa Sangguniang Bayan sa pagpasa ng resoluyson kaugnay rito.

CEASE AND DECEASE ORDER SA DEVELOPEMT SA GUBAT SA BRGY. YAPAK IBINABA NG DENR

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Naglabas na ng cease ang decease order ang Department of Environment and Natural Resources(DENR) sa development sa gubat ng brgy. Yapak sa isla ng Boracay.

Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Ivene Reyes, walang kaukulang permit ang kontraktor sa pagputol ng 70 punong kahoy at wala ring Environmental Compliance Certificate (ECC).

Kaugnay rito, pinagbabayad ng DENR ang kontraktor ng Php160,000 sa iligal na pagputol ng puno, pinagtatanim rin ng 1,7000 punong-kahoy at pinadodonate ang mga pinutol na puno.

Pinagmumulta rin sila ng Php50,000 dahil sa kakulangan ng ECC.

Ayon sa PENRO, epektibo parin ang cease and decease order hanggat hindi nababayaran ng kompanya ang kanilang paglabag.

Napag-alaman na ang walong ektaryang lugar ay nabili ng pribadong kompanya ng Mabuhay Maritime Express Transport Inc.

Sa kabila nito, napagkasunduan ng kompanya at ng DENR na na ang 3.2 hectares dito ay hindi pwedeng galawin.

Ang prinipreserbang lugar ay pinamamahayan ng mga fruit bat na ang kanilang uri ay nanganganib nang maubos.

Tuesday, July 25, 2017

60-ANYOS NA BABAE PATAY NANG MAGBIGTI SA LAGUINBANWA EAST, NUMANCIA

Patay ang isang 60 anyos na babae makaraang magbigti sa kwarto ng kanilang bahay sa Laguinbanwa East, Numancia, Aklan ngayong hapon.

Kinilala ang nasabing biktima sa pangalang Helen Placido y Francisco, tubong Mercedes, Madalag.

Sa panayam sa kanyang anak na si Jorelyn, 19, dakong alas-5:00 ng hapon nang matagpuang nakabigti ang biktima gamit ang isang lubid.

Agad namang rumesponde ang mga kapulisan at isinakay sa patrol ang biktima para isugod sa ospital gayunman dineklara ring dead on arrival.

Ayon sa pamilya, posible umanong nagpakamatay ito dahil sa iniindang na sakit.

2 YRS OLD NA BATA INIWAN NG AMA SA ABANDUNADONG RESTAURANT SA AQUINO, IBAJAY

Nasa pangangalaga na ng tiyahin ang batang lalaki na una nang inabanduna sa brgy. Aquino, Ibajay.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay SPO1 Nemie Alag, admin ng Ibajay PNP, ang 2 years old na bata ay sinundo na ng kanyang tiyahin.

Nabatid na unang nakita ang bata sa abandunadong restaurant dakong alas-11:30 ng umaga na inaakala na may hinihintay lang.

Ikinabahala naman ng mga tao sa lugar nang mapansin ito na naroroon parin bandang alas-3:00 ng hapon kaya inireport nila ito sa PNP.

Agad namang kinuha ng mga pulis ang bata at dinala sa district ospital dahil may mga rushes ito sa katawan.
Itinurn-over ito ng mga pulis sa Municipal Social Welfare and Development Office para pangalagaan
.
Kalaunan ay dumating din ang kanyang tiyahin at kinuha ang bata.

Nagpadala naman ng tulong pinansiyal, mga damit at pagkain ang mga pulis, MSWD, at iba pa sa magtiyahin na patungo na nang Maynila.

Napag-alaman na galing sa Capiz ang magtiya sakay ng bus at pagdating sa brgy. Aquino ay bumaba ang tiya para ibigay ang bata sa kanyang tatay.

Lingid sa kaalaman ng tiyahin at na pagkatapos niyang iwan ang bata sa ama ay iniwan niya rin ito doon.
Dumiretso ang tiya sa Caticlan, Malay dahil tatawid sana itong Maynila para magtrabaho.

Bumalik siya nang mapag-alaman ang nangyari sa bata bago paman siya tuluyang makasakay sa barko.

Nabatid ayon kay SPO1 Alag na patay narin ang nanay ng bata at ang tatay ay nakatira sa Mararison, Antique.

Sinubukan ng tiya na makontak ang tatay ng bata pero hindi na ito sumasagot.

Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang bata.

ESTABLISYEMENTO SA KALIBO, NILOOBAN; MGA BARIL AT ESPADA NATANGAY

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Isang establisyemento sa Capitol Site, Kalibo ang pinasok at ninakawan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Salaysay ng biktimang si James Fernandez, nakuha umano sa kanyang opisina ang apat na unit ng airsoft gun at dalawang uri ng espada.

Ayon sa biktima, sinabihan nalang siya ng kanyang empleyado hinggil sa naturang insidente habang siya ay nasa ibang probinsiya.

Una rito, dumating umano ang kanyang empleyado sa kanilang establisyemento at nagulat na nakabukas na ang kanyang opisina at nagulat nalang na nakabukas na ang mga drawer sa loob.

Nang reviewin ang kuha ng cctv, nakita nila ang hindi pa nakikilalang magnanakaw na pumasok dakong alas-6:30 ng umaga sa opisina at tinangay ang mga nasabing bagay.

Sa deklarasyon ng negosyante, ang nasabing insidente ay nagdulot sa kanya ng kawalan na tinatayang Php35,000.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Kalibo PNP station ang nasabing insidente.

TATOO ARTIST SA ISLA NG BORACAY ARESTADO SA PAGTUTULAK NG DROGA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang isang tattoo artist sa isla ng Boracay makaraang maaktuhang nagtutulak ng iligal na droga.

Ikinasa ang buybust operation tanghali kahapon sa brgy. Yapak kung saan naaresto ang suspek na kinilalang si Rafael Badilla, residente ng brgy. Balabag.

Narekober sa poseur buyer ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Sa ginawang body-search sa suspek, nakuha rin ng mga awtoridad ang dalawa pang sachet ng parehong sangkap at ang Php1,100 buy bust money.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang pwersa ng Malay PNP, Boracay PNP, Maritime, at Philippine Army.

Ang naturang lalaki ay pansamantalang nakakulong ngayon sa Boracay Tourist Assistance Center at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

ITATAYONG JETTY PORT SA BRGY. YAPAK, BORACAY PINAG-AARALAN NA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Cagban Jetty Port
Pinag-aaralan na ngayon ng pamahalaang lokal ng Aklan ang pagtatayo ng panibagong jetty port sa isla ng Boracay.

Sinabi sa programang “Prangkahan” ni jetty port administrator Niven Maquirang, under study na ang nasabing proposal.

May nakikinita narin umano sila na pagtatayuan ng panibagong port.

Isinusulong ng port administrator ang pagtatayo ng port sa brgy. Yapak para anya maibsan ang siksikan sa port sa Cagban.

Makakatulong rin anya ito para matutukan pa ang seguridad sa kabilang bahaging ito ng isla.

Magsisilbi rin umano itong port para sa mga pribadong kompanya at resort.

Sa kabilang banda, nilinaw ni Maquirang na walang kinalaman ang proposed project sa pagbulldoze ng gubat sa brgy. Yapak kamakailan.

Ang paglilinaw ng port administrator ay kasunod ng mga ispikulasyon ng ilan na ang clearing ay bahagi ng nakatdang pagtatayo ng port.

CLEARING NG GUBAT SA BORACAY INIIMBESTIGAHAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG MALAY

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

I-imbestigahan ng Sangguniang Bayan ng Malay ang kontrobersyal na clearing ng protected area sa brgy. Yapak sa isla ng Boracay.

Sinabi ni SB member Fromy Bautista sa programang “Prangkahan”, ipapatawag nila ang mga kinauukulan para sa isang pagdinig.

Naniniwala ang lokal na mambabatas na may maimpluwensiyang tao sa likod ng nasabing isyu.

Ayon kay Bautista, nais umano nilang usisain kung may mga kaukulang permit ang developer para gawin ang pagbulldoze dito.

Samantala, ayon kay Rowen Aguirre, executive assistant sa tanggapan ng alkalde, pinahinto na umano nila ang mga susunod pang hakbang ng developer sa nasabing lugar.

Ayon pa kay Aguirre, wala umano siyang natanggap ng mga kaukulang dokumento hinggil sa pagkilos ng developer.

Napag-alaman na ang lugar ay nabili ng isang pribadong kompanya na pagmamay-ari ni Lucio Tan.

Nabatid rin na may kasunduan sa lokal na pamahalaan ng Malay ang kompanya na ang hilagang bahagi ng gubat ay isang no-building zone.

Ang gubat na ito sa may Puka Beach ay pinaninirahan ng mga paniki na ang kanilang uri ay nanganganib nang maubos.

Monday, July 24, 2017

BEST BRIGADA ESKWELA IMPLEMENTERS SA AKLAN PINANGALANAN NA

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Pinangalanan na ng Department of Education (DepEd) – Aklan ang mga Best Brigada implementers sa Aklan kapwa sa sekondarya at sa elementarya.

Narito ang mga nanalo:

Large Secondary School category
1. Regional Science High School, Kalibo
2. Libacao National Forestry Vocational High School
3. Altavas National School / Buruanga Vocational School

Medium Secondary School category
1. Dr. Ramon B. Legaspi Sr. National High School, Makato 
2. Kinalangay Viejo Integrated School, Malinao 
3. Father Juan C. Rago National High School, Balete

Small Secondary category
1. Bakhaw Norte Integrated School, Kalibo 
2. Lupo National High School, Altavas

Mega Elementary School category
1. Kalibo Pilot Elementary School
2. Makato Integrated School 
3. Numancia Integrated School

Large Elementary School category
1. New Washington Elementary School
2. Kalibo Integrated Special Education Center 
3. Libacao Central School

Medium Elementary School category
1. Linabuan Norte Elementary School (Kalibo
2. Quirico Tabanera Elementary School (Makato) /  Tinigaw Elementary School (Kalibo)
3. Rosal Elementary School (Libacao)

Small Elementary School category
1. Aliputos Elementary School (Numancia) 
2. Calimbajan-Tina Elementary School (Makato) 
3. Regador Elementary School (Ibajay) / Dina-ut Elementary School (Altavas) 

Ayon sa DepEd-Aklan, ang mga nanalong eskwelahan ay na-evaluate base sa scope of work, diverse volunteer participation, creativity and innovation, increment of resources at volunteers.

Matatandaan na ang aktibidad ay ginawa nitong Mayo na may temang ”Isang DepEd, Isang Pamayanan, Isang Bayanihan Para sa Handa at Ligtas na Paaralan.”.

APAT NA MUNISIPALIDAD SA AKLAN PINARANGALAN NG DOH DAHIL SA PAGLALAAN NG SAPAT NA DUGO

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Ginawaran ng Sandugo award ng Departmet of Health ang apat na bayan sa Aklan.

Ang parangalan ay kasunod nang makapag-ambag ng isang porsyentong koleksiyon ng dugo ng kabuuang populasyon ang bawat bayan.

Ang mga ito ay mga bayan ng Banga, Lezo, Malinao, at Madalag.

Ginawaran din ng parehong parangal ang mg barangay ng Poblacion, Balete; Cabangila, Altavas; Poblacion, Batan; Cabugao, Batan; at Cajilo, Makato.

Maliban sa mga ito, tatlo ring non-government organization sa probinsiya ang ginawaran ng Sandugo award.

Samantala, pinaghahandaan narin ng probinsiya ang pagsasagawa ng Blood Donors Month bukas, Hulyo 25.

Kabilang sa aktibidad ang motorcade, at grand blood donation na pangungunahan ng Provincial Health Office, Philippine Red Cross, at Aklan Blood Coordinating Council.

Ang aktibidad na ito ay pagsuporta sa National Voluntary Sevice Program ng DOH na naglalayong maitaas ang kamalayan ng publiko sa paglalaan ng sapat na dugo.

SB MEMBER NA SANGKOT SA ILIGAL NA DROGA SA AKLAN, SUMUKO SA POLICE REGIONAL DIRECTOR

ulat ni Darwin Tapaya, Energy FM 107.7 Kalibo

Sumuko sa pulisya ang isang Sangguniang Bayan member sa probinsiya ng Aklan matapos masangkot sa iligal na droga.

Kinilala ang naturang opisyal na si Daligdig “Datu”Sumndad, SB member ng Malay.

Ito ang kinumperma sa Energy FM Kalibo ni SPO1 Nida Gregas, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office (Appo).

Ayon kay Gregas, boluntaryo umanong sumuko si Sumndad kay PCSupt. Hawthorne Binag, director ng Police Regional Office 6. 

Sinabi pa ni Gregas na bagaman sumuko siya sa mga awtoridad, patuloy anya ang gagawing monitoring ng mga kapulisan sa kanya.

Si Sumdad ay itinuturing na high value target sa lalawigan ng Aklan.