Ang bangkay ng 9-anyos na si Manuel John Prado, residente ng Silakat Nonok, Lezo ay natagpuan dakong alas-2:00 ng madaling araw sa tabing baybayin ng naturang lugar.
Ayon sa ulat ng Tangalan PNP, isa umanong mangingisda ang unang nakakita sa bangkay ng bata.
Matatandaan na isa sa apat na nalunod noong Sabdo ang nasabing bata. Patay agad ang isang buntis habang dalawa naman ang naka-survive.
Kinilala ang namatay na si Alcel Ureta ng Brgy. Agcauilan, Lezo habang nailigtas naman ang 10-anyos niyang anak na si Aizy Ureta, 10 na confine sa ospital.
Nailigtas rin Mengela Prado, 19-anyos, ate ni Manuel John. Patuloy rin siyang ginagamot sa provincial hospital.
Nabatid na kasama sila sa Christmas party ng Day Care workers federation ng Lezo sa Jawili.
Naglalaro umano ang bata sa tabing baybayin ng abutin sila ng alon at tinangay. Agad naman tumulong ang ina at kapatid ng mga bata pero sila rin ay nalunod.
Ilang construction worker na nakasaksi sa insidente ang tumulong na sila ay mailigtas. Naiahon agad ang tatlo pero binawian agad ng buhay ang buntis.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment